Share

Chapter 342

Penulis: Raine
last update Tanggal publikasi: 2026-05-02 21:16:34

"Dumating na ba?"

"Nasa auction site na ang cypress flowers, sir," sagot naman ni Kevin.

Tumango-tango si Zayden. Personal niyang pinabantayan kay Kevin ang halaman na iyon para hindi mawala dahil gustong-gusto iyon ni Mr. Kauffman, nakasalalay doon ang deal nila.

*****

"Nandito si Zayden," banggit ni Czarina kay Ichan habang nasa loob sila ng suite. Magkatabi lang ang suite nila at ang kwarto ni Ichan ang ginamit nila ngayon na parang panandaliang opisina.

Gusto sana ni Czarina na sa labas
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (8)
goodnovel comment avatar
Rose Marie Daggao
more update pa po
goodnovel comment avatar
Eloisa Diamaro Paña
hi! ... update
goodnovel comment avatar
Mercedes Pasion
thanks po for the updates
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 342

    "Dumating na ba?" "Nasa auction site na ang cypress flowers, sir," sagot naman ni Kevin. Tumango-tango si Zayden. Personal niyang pinabantayan kay Kevin ang halaman na iyon para hindi mawala dahil gustong-gusto iyon ni Mr. Kauffman, nakasalalay doon ang deal nila.*****"Nandito si Zayden," banggit ni Czarina kay Ichan habang nasa loob sila ng suite. Magkatabi lang ang suite nila at ang kwarto ni Ichan ang ginamit nila ngayon na parang panandaliang opisina.Gusto sana ni Czarina na sa labas pero ngayon ay parang nag-aalangan na siyang lumabas. Bakit kasi sa dinami-dami ng tao ay si Zayden Hart pa ang kailangan niyang makita rito?"Boss?" gulat na sambit ni Ichan. "Si Zayden Hart? Yung ex-husband mo?"Inirapan ni Czarina ang kasama. Bakit kailangang kumpletuhin pa nito ang detalye, eh, iisang Zayden lang naman ang kilala nila."Sino pa ba?" masungit na sabi niya."Grabe, destiny talaga kayo ni Mr. Hart, boss. Kahit sa ibang bansa ay nagkikita kayo." Halos masuka si Czarina sa narini

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 341

    Hapon nang makarating sila Czarina sa hotel na tutuluyan nila sa Singapore. Kahit mabilisan ay nakakuha sila ng invitation para sa gagawing auction mamayang gabi kung saan isa ang hinahanap ni Czarina na cypress flower sa mga ipapa-bid.Isang malaking event iyon na inaasahan ang pagdalo ng mga kilalang tao, mga artista, at mga businessman.Nakasuot ai Czarina ng simpleng black midi dress sa mga oras na iyon habang papasok sa isang coffee shop sa ground floor ng hotel nila. Katatapos lang nila mag-check in at maglagay ng mga gamit sa hotel at naisipan niyang bumaba muna upang magpalipas ng oras.She loves this country. May ilang beses na rin siyang pumunta rito at gusto niya lang maglakad-lakad sa lugar, magmuni-muni, at magmasid sa paligid.Kinuha niya ang phone niya para picture-an sana ang latte na in-order niya dahil may cute itong design nang may magpakitang pangalan doon.Chloe's brother is calling.("Wala ka sa hospital?") bungad ng lalaki na hula niya'y nagpunta roon upang dala

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 340

    ("Matanda na ang mommy ko pero ginawa mo pa rin iyon! Kapag may nangyari sa kanya, ano ang gagawin mo ha? How could you do that to someone's life, Czarina?!")Nagpanting ang tainga ni Czadina sa narinig. Kusa ring umikot ang mga mata niya sa inis."Someone's life?" sarkastiko itong tumawa. "Kapag ako masama na agad pero kapag siya okay lang?"("Ano ba'ng pinagsasabi mo?!") iritadong sabi ni Brent mula sa kabilang linya."Ah, mukhang hindi pa nasabi sa'yo ng mommy mo, huh?" Czarina clicked her tongue. "Na-kidnap ako noong nakaraang gabi at alam mo ba kung sino ang nasa likod no'n? No one but her."Natahimik si Brent nang marinig iyon. Nagulantang ang lalaki sa mga sinabi ni Czarina at talagang hindi siya makapaniwalang nagawa ng mommy niya iyon.Talaga bang nag-hire ito ng kidnapper? Kidnapper na muntik pang patayin si Zayden na pinakamamahal ni Chloe?"Mr. Smith," sambit ni Czarina. "Akala ko ay ikaw lang ang nag-iisang matino sa pamilya mo pero mukhang hindi rin. How could you defend

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 339

    Habang naglalakad ay hindi pa rin maiwasan ni Czarina na hindi isipin ang pangalang binanggit ng driver ni Zayden. Jiyo... Nanlaki ang mga mata niya nang may maalala. Iyon yung pangalan ng lalaking dinala sa hospital noong nakaraan, buhay pa si Dr. Jake no'n na sa pagkakaalam niya'y naka-assign sa pasyente na iyon. Medyo kilala ang pasyente sa department nila dahil hindi ito ordinaryong tao lang, galing ito sa kulungan at laging may kasamang mga prison guards. Mukhang nandito pa hanggang ngayon sa hospital ang lalaki. Pero bakit siya tinanong ni Kevin tungkol dito? ***** "Komportableng-komportable tayo, ah?" sambit ni Kevin nang pumasok sa ward ni Jiyo. Nanonood ngayon ang pasyente sa TV pero parang wala roon ang kanyang isipan. Hindi umimik si Jiyo nang marinig si Kevin, ni hindi niya ito nilingon bagaman alam niyang nasa tabi na niya ang lalaki. "Mukhang okay ka naman na, bakit hindi ka pa bumalik sa kulungan?" tanong ni Kevin na humalukipkip pa sa tabi ng lalaki.

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 338

    "Bodyguard?" bulalas ni Ichan. "Pero 'di ba kinidnap ka niya? Bakit kailangan siya pa kung kailangan mo ng bodyguard?" "Kasi alam kong kaya niya," sagot ni Czarina. Masama pa rin ang tingin ni Ichan kay Mike. May tiwala siya kay Czarina pero hindi niya magawang pagkatiwalaan sa mga oras na iyon si Mike dahil sa ginawa nito. Who knows? Baka bigyan lang ito ng pera ay bumaliktad na ito. At ang malala pa roon ay baka magtiwala at masira ang tiwala ni Czarina rito, na baka maisaalang-alang pa ang kaligtasan niya. Pansin ni Czarina na hindi gusto ni Ichan ang desisyon niya. Maging ang Kuya Viktor niya na nauna niyang sinabihan ay hindi rin payag at naiintindihan niya iyon. "So? Ayos lang ba sa'yo? P'wede ka namang humindi," sabi ni Czarina habang nakaharap kay Mike. Kung hindi naman nito gusto ay ayos lang din naman kay Czarina. She can protect herself. She just needs an extran hand right now and she happens to meet him. "O-oo naman, SH! S'yempre ayos lang," mabilis na sagot

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 337

    Humagalpak ng tawa ang kidnapper dahil sa sinabi ni Czarina na siya si SH. "Ikaw?" tumatawang sabi pa nitong muli at tinuro si Czarina na tila isang katawa-tawa ito sa kanyang harapan ngayon. "Ikaw lang iyon?" "Hmm. Oo, ako nga." Napailing-iling ang lalaki. "Ganyan na ba kalala ang pangingidnap ko sa'yo at nagha-hallucinate ka na rin? Bakit? Idol mo rin ba si SH? Pero parang nasobrahan ka naman yata." Pinagdikit ni Czarina ang mga labi. Hindi siya nainsulto dahil inaasahan niya na rin naman iyon. He wouldn't believe it. After all, ano na lang ang mararamdaman nito kapag nalaman niya at na-realize na ang kinidnap niya ay ang taong hinahangaan at matagal na niyang gustong makita? That would be epic! Tumayo si Czarina at kalmadong yumuko nang kaunti upang tignan ang lalaki. "Nasa sa'yo na iyon kung maniniwala ka pero may isa lang akong katanungan sa'yo ngayon, gusto mo bang makalabas ng kulungan na'to?" Kitang-kita na naguguluhan ang lalaki sa sinabi ni Czarina. "I'll h

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 71

    Kanina pa pasulyap-sulyap si Adrian sa labas kaya naman hindi na natiis ni Czarina at sinilip ang rearview mirror kung ano marahil ang tinitingnan nito."Zayden?" nagtatakang sambit niya sa sarili nang makilala ang sasakyang nakasunod sa kanila.Kumunot ang noo niya at napaisip kung bakit nandoon a

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-20
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 52

    Mainit ang mga mata ni Zayden habang binabasa ang mga komento sa article tungkol kay Czarina at Adrian. 'In fairness, bagay naman talaga sila.' 'Buti hiniwalayan ni Czarina Laude si Mr. Hart, halata namang red flag yung guy. Lagi nga'ng kasama yung anak ng mga Smith.' 'We stand with women who

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-19
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 43

    "Nakahanda na ba lahat? Parating na sila..." Aligaga ang lahat nang bumaba si Czarina sa kusina. May chef sila na nandoon at kasalukuyang nagluluto at ang dalawang maid ay abala sa pag-aayos ng kung ano-ano sa mesa. Katatapos niya lang maligo at mag-ayos. Hindi pa sana siya gagayak kung hindi lan

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-19
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 41

    Tumikhim muli si Chloe at sinubukang pagaanin ang tensyon sa pagitan nilang apat lalo na nang makita niya ang nag-aapoy na mga mata ni Zayden. Sinadya niyang lumapit sa pwesto nila Czarina kanina nang makita niya ito upang ipamukha sa babae na siya ang nagwagi sa kanilang dalawa, na siya ang pinili

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-19
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status