登入"Boss, mag-ingat ka lalo na nasa ibang bansa tayo.""Nasa bansa man natin o hindi..." Czarina rolled her eyes. "Hell will pay for what he'd done."Inilagay ni Czarina ang needle na dala niya sa may suot niyang palda kung saan hindi iyon pansinin.Nakarating na ang dalawa sa hotel na kinaroroonan ni Mr. Kauffman. Hinatid ni Ichan ang boss niya, at medyo kabado ito na baka kung ano ang gawin ni Czarina."Hintayin kita dito sa labas, boss, kung magkaaberya ay sumakay ka na lang agad para makaalis tayo agad," bilin ni Ichan bago bumaba si Czarina. "At kung magkaroon ng problema o aksidente sa taas ay tawagan mo lang ako.""Oo, kumalma ka diyan," ani Czatina dahil halata niya na kinakabahan ang assistant hacker niya.Ichan sighed. "Mag-iingat ka, boss, 'wag kang magpadalos-dalos. Kapag medyo delikado na ay gawan mo ng paraan na makalabas. Hindi mo naman kailangang kunin ang cypress flowers na 'yan kung malalagay naman sa panganib ang buhay mo."Aminado si Ichan na kinakabahan siya dahil ti
Napasinghap na lamang si Ichan nang marinig ang offer na iyon ni Czarina. Doble ang kaba niya sa mga nangyayari, saan naman nila kukunin iyon?"Bakit ba kasi nakikipag-bid pa iyon?"Napaisip din si Czarina. Hindi niya akalaing ganoon ito kainteresado sa halaman na iyon para makipag-bid ng ganito kalaki."Can we take a moment to pause first?" pahayag ni Mr. Kauffman na tinanggap naman ng host.Binigyan sila ng sampung minuto para mag-break. Ang ilan ay nagpunta sa CR, ang ilan lumabas upang kumuha ng makakain, ang iba ay may tinawagan. Pero sina Czarina at ang kasama niyang si Ichan ay nanatili sa loob ng auction assigned room nila, parehong kinakabahan at hindi alam ang gagawin.Wala pang dalawang minuto ay may kumatok na sa pintuan ng auction room nila.Binuksan iyon ni Ichan at sa labas ay naroon si Mr. Kauffman, diretso ang tingin kay Czarina, may ngisi sa mga labi na tila siguradong nasa kanya ang upper hand."I heard you have limited funds right now?" Dinilaan nito ang ibabang la
Nagkatinginan si Mr. Kauffman at si Zayden matapos tapusin ni Zayden ang bidding na iyon para sa necklace. Ngumiti si Zayden kay Mr. Kauffman pero seryoso lang siyang binalingan nito. Hindi ito natuwa sa ginawa niya. "Nevermind that necklace, sir, what's important for tonight is the cypress flowers that you've been eyeing for months now," sabi ng kasama nitong lalaki na pinapakalma ng kaunti ang kanyang boss dahil mukhang nainis talaga ito kay Zayden. Mr. Kauffman sighed. Tama naman ito. Hindi naman ang necklace ang ipinunta niya rito. "Mr. Kauffman, will you really help Mr. Hart penetrate the outside asia countries if he gave you the cypress flowers?" kuryosong tanong ng assistant niya dahil para sa kanya ay simpleng bagay lang naman iyon. Ngumisi ang lalaki. "Of course! I have to own that cypress flowers!" Maya-maya pa ay ipinakita na ang pinakahihintay ni Mr. Kauffman at maging ni Czarina. Nasa isang clear na glass iyon at napakaganda. Magpakita ng close up na video
Sa loob ng maliit na room ay may upuan, may foods and drinks sa mesa, may computer na maliit sa harapan, at may camera rin sa gilid. "Welcome to our auction event for the night, bidders! We wish you all the best luck so you can go home with the things you were eyeing for!" sabi ng host na nagpakita sa maliit na computer. May maliit na bintana rin ang kwarto kung saan makikita ang mga nasa labas na dumadaan sa kwarto na iyon, dalawang bintana, isa sa kanan, at isa sa kaliwa. At hindi nakatakas sa paningin ni Ichan at ni Czarina si Mr. Kauffman na pumasok sa kabilang kwarto sa kaliwang banda ng kanila.Ganoon din ang kwarto ni Mr. Kauffman, may bintana rin kaya naman kitang-kita pa rin nila, bagaman maliit, ang isa't isa kung lilingon ito ng sadya sa gawi niya. "Makiki-bid din si Mr. Kauffman?" tanong ni Ichan at tiningnan ang boss niya. Gustong masuka ni Czarina pagkarinig pa lamang ng pangalan na iyon. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng makatabi ay ang manyak pa na iyon? Pagli
"If I ask you to hang out with me, will that be fine?" An arrogant smile plastered on his face.Nakaramdam na ng hindi maganda si Czarina pero hindi niya iyon pinahalata at sa halip ay ngumiti pa rin siya rito. Hindi siya makairap dahil mata niya lang ang nakikita nito."Of course! I'll be happy to have some friends here," aniya na patay-malisya sa gustong iparating ng lalaki."I actually want more than that friendship," diretsahang sabi ng lalaki at humakbang palapit kay Czarina.Nanlaki ang mga mata ng babae at wala sa sariling napaatras. Nakita agad ni Mr. Kauffman iyon kaya mabilis nitong sinarado ang distansya nila ni Czarina."You're so fvcking sexy, sweetheart," bulong ni Mr. Kauffman sa kanya. "And when I say I wanna hangout, I'd prefer that to be on my bed...""Mr. Kauffman," pagputol ni Czarina sa sinasabi nito. "Care to show at least a bit of respect?"Hindi alam ni Mr. Kauffman kung matatawa siya o maiinis sa pagiging hard to get ni Czarina. Kilala niya naman ang mga katul
"Mr. Kauffman!" Agad na napalingon si Czarina nang marinig ang pamilyar na pangalan na iyon dahil narinig niya iyon kahapon mula kay Zayden. Namataan niya agad ang pamilyar na mukha, isang lalaki na natatanging walang suot na maskara sa gabing iyon. "Bakit hindi siya naka-maskara?" tanong ni Czarina pero nasagot ang katanungan na iyon nang abutan ng lalaking tumawag kay Mr. Kauffman ng maskara ang lalaki. Kinuha naman iyon ni Mr. Kauffman at agad isinuot kaya alam na ni Czarina kung sino ang nasa likod ng maskara na iyon. Maya-maya pa ay may lumapit pa na isang lalaki kay Mr. Kauffman, nakasuot ito ng maskara at nakasuot ng suit at halos kumikinang sa linis na sapatos. Matangkad ito at matipuno ang katawan. His presence itself is intimidating. Tinagilid ni Czarina ang ulo at pinaningkitan ng mata ang lalaki. Bakit mukha itong pamilyar pero hindi niya mapagtanto kung sino?Napansin ng lalaki ang mga titig ni Czarina at hinanap ang mga mata nito. Nagkatinginan silang dalawa, kapwa
A few days off... O sa madaling salita ay suspended siya. Kapag pumayag siya, hindi ba't pag-amin na rin iyon na siya nga ang may kasalanan? Ibinaba ni President Yu ang letter sa may mesa. "Hindi ba talaga ikaw ang nagsulat nito, Czarina?" Kinagat ni Czarina ang ibabang labi. Ilang beses niya n
Sorry? Kung sana ay kayang burahin lang ng salitang iyon lahat ng masasakit na narinig niya. Tumayo si Czarina at yumuko upang tingnan ang lalaki. "Actually, hindi ko na kailangan pa ng sorry mo o sorry ninyo," aniya at nagbaba ng one thousand bill sa mesa. "Here's my treat for meeting me today
"Hindi ka man lang ba magpapakape diyan, bro? O baka gusto mo ng kainuman--"Blaagg!Malakas na ibinagsak ni Zayden ang pintuan ng sasakyan ni Calix matapos siyang ihatid ng lalaki sa kanyang bahay.Ibinaba ni Calix ang bintana ng passenger seat upang makausap muli ang kaibigan."Bakit ka ba nagsus
Ibang-iba ang Czarina talaga na nakikita niya ngayon. Hindi ba ito natatakot? She can probably win this time but what's next? Sigurado ba itong hindi siya babalikan ng mga ito? Dati ay mabilis lang naman itong kausap. Malambing din at hindi kayang magmura o manakit ng tao. Bakit bigla-bigla na la







