LOGIN"Lolo!" Niyakap at bineso ni Czarina ang kanyang lolo na nakaabang sa may terasa ng bahay nila. Umiinom ito ng tsaa at tila nagmumuni-muni. "Nakita ko kung sino ang naghatid sa'yo," sabi ng matanda. Hindi man lumabas ay alam niya ang sasakyang madalas gamitin ni Zayden. "Nagkasalubong lang kami sa pinuntahan ko, 'lo. Hindi kami magkasama. Saktong pauwi na ako kanina kaya..." paliwanag ni Czarina. "Ano po pala ang ginagawa niyo rito? Medyo malamig na dito sa labas, ah?" "Hinihintay ko ang lola mo, hindi pa umuuwi. Hindi rin sumasagot ng tawag," anito na halatang nag-aalala. Tumango-tango si Czarina at umupo sa tabi ng kanyang lolo. Tinignan niya ang oras sa kanyang relo at medyo late na nga sa usual na oras ng uwi ng kanyang lola. Sakto namang pagbaba niya ng kamay ay may dumating na sasakyan at laman no'n ang lola niya. Mabilis na tumayo ang lolo niya at sinalubong ang kanyang asawa. Bagaman nagbabangayan ay kitang-kita niya kung paano gumaan ang pakiramdam ng lolo niya n
Paalis na si Czarina sa restaurant at naghihintay na lang ng sundo niya nang may humintong pamilyar na sasakyan sa kanyang harapan. Bumukas ang bintana ng driver seat at iniluwa no'n si Zayden Hart. "Get in the car," anito, kalmado, seryoso, pero hindi galit. He looks a bit off right now. Bagaman hindi maipagkakaila na gwapo talaga ang lalaki, ay halata ang pagod sa mukha nito, na tila hindi na nakakatulog ng maayos sa dami ng iniisip. "Uuwi na ako, Mr. Hart," malamig na sabi ni Czarina rito. Aminado si Czarina na nagulat siya sa pagdating ni Zayden. Ilang minuto pa lamang ang lumipas mula nang sinundan nito si Chloe. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Alam niya na na nandito ang fiance niya? "Get in the car," pag-uulit ni Zayden na tila walang narinig. "Bakit ba? Uuwi na nga ako," pairap na sagot ni Czarina dahil maski siya'y nauubusan na ng pasensya. Magsasalita na sana si Zayden ng isasagot sa kanya nang tumunog ang cellphone ng babae. Nag-notif na sa kanya ang isang m
"Do you know each other?" tanong ni Czarina kay Fred, halata ang pagkalito sa mukha nito. Iniwas ni Fred ang tingin kay Czarina. Samantalang nanatiling kalmado naman si Zayden. "Wait, dis I just hear you mentioned the cypress flowers?" singit naman ni Chloe at doon nakitaan ng reaksyon si Zayden. "Binigay mo sa kanya?" dagdag ng babae at tiningnan ang kasama. "Let's just eat peacefully," malamig na sabi ni Zayden at pilit iniwas ang usapan. Mariin ang tingin ni Czarina kay Zayden. Lumakas lalo ang pakiramdam niya na totoo nga iyon, si Zayden ang may-ari no'n at kay Zayden iyon galing. Hindi nito iniwas ang tingin sa lalaki hanggang sa magtama ang mga mata nila, parehong nilalabanan ang isa't isa. Walang gustong bumitiw. Hanggang sa iharang ni Chloe ang kanyang ulo sa pagitan ng titigan ng dalawa kaya naputol iyon at napakurap na lamang si Czarina. Zayden wouldn't answer her directly. Kaya naman kinuha ni Czarina ang pagkakataon na iyon upang si Chloe ang tanungin. "Kay Zayden
From: Fred Kuya, inaaya akong mag-dinner ni Miss Czarina bilang pasasalamat daw. Ano'ng sasabihin ko? Iyon ang bumungad sa screen ng cellphone ni Zayden matapos ng sunod-sunod na meeting niya. Sinagot niya iyon at sinabing huwag pumayag, baka kung ano pa ang masabi nito at madulas. Hindi na nag-reply ang lalaki kaya buong akala ni Zayden ay ayos na. Pero kinagabihan ay nag-text itong muli at sinabing nangungulit si Czarina at walang matinong maidahilan ang lalaki kaya naman pumayag na lang din ito. "Who's that?" tanong ni Chloe nang makitang may mensaheng natanggap si Zayden. Magkasama sila ngayong gabi upang mag-dinner. Inaya siya ni Chloe na lumabas at sinabing nakapa-reserve na raw ito kaya hindi na pwedeng i-resched. "My cousin," tipid na sagot ni Zayden at binitawan ang kanyang phone. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Gusto niyang mainis na pumayag si Fred pero kahit papaano ay alam niya namang matalino ito. Alam naman nito ang hindi at dapat sabihin. ***** M
"Cypress flowers?" Lumiwanag ang mukha ng matandang Laude nang makita iyon. Ang kaninang medyo naiinis na awra nito ay napalitan ng tuwa. "Pinahanap ko pa iyan sa apo mo," sabi ng lolo ni Czarina at tinapik ang balikat ni Czarina. "Hindi ko alam na mabilis mong mahahanap iyan, hija." Ngumiti si Czarina at masaya siyang makita ang mga ito na masaya. Akala niya'y tapos na ang trabaho niya roon pero inaya siya ng kanyang lola na sumama sa lab. Bagaman pagod ay na-excite din naman ito dahil iyon ang unang beses niyang makakapunta roon. "Sino iyan?" medyo mataray ang salubong sa kanya ng isang babae na mukhang mataas ang posisyon doon dahil malakas ang loob magtaray sa harap ng lola niya. "Prof., bakit kailangan mo pang magdala ng mga taong hindi naman natin kailangan dito?" "Watch your words, this is my granddaughter," halatang hindi natutuwang sabi ng lola niya. Tumingin ang babae kay Czarina pero halatang nagtataray ito. Nakataas ang kilay at masama ang tingin. Hindi na
Pagpasok sa restaurant ay inikot agad ni Czarina ang kanyang mata upang hanapin kung saan nakapwesto si Zayden. "Miss Czarina," lumapit ang isang waiter sa kanya. "Nandito na po ang ka-meeting niyo, hinihintay kayo sa taas." Mas lalong dumilim ang mukha ni Czarina. Ano ba ang pinaggagagawa ni Zayden? Pa-mysterious pa ito. Nang-aabala lang ng mga tao. Halos padabog na tinahak ni Czarina ang daan patungo sa itinurong daan ng waiter. Pero nagulat siya nang sa halip na si Zayden Hart ay isang lalaking mas bata sa kanila ang nandoon. Nakasuot ito ng eyeglasses at pormal na pormal ang itsura. "Miss Czarina Laude!" Napatayo ito nang makita siya at in-offer ang kamay para sa isang handshake. "It's nice meeting you." Halos wala sa sariling tinanggap ni Czarina ang kamay nito at hindi niya namalayan na matapos ang ilang minuto ay nakaupo na siya sa tapat ng lalaki. "Who are you?" tanong niya rito. Hindi siya pamilyar sa lalaki na iyon. He doesn't look like Zayden's staff or so
Limang minuto bago matapos ang oras na ibinigay sa kanya ni Zayden ay dumating si Czarina sa napag-usapan nilang lugar. Nadatnan niya ang lalaki na kumakain, may kape sa mesa at dalawang klase ng pasta. He was eating elegantly. Hindi napigilan ni Czarina na hindi mapairap. Lahat ng ginagawa ni Za
Lumabas si Czarina ng store at malakas pa rin ang ulan. Hindi maganda ang pakiramdam niya at nanginginig pa rin sa inis sa kabila ng pilit niya ginawang kalmado na pagharap sa saleslady at sa isa pang babae kanina. Itinaas niya ang kamay para sana takpan ang ulo niya laban sa mga patak ng ulan. H
Pagkatapos ng shift ni Czarina ay nagmamadali itong muli na umalis. Nagtitinginan at nag-uusap ang mga katrabaho niya, ang iba ay kinikilig, ang ilan ay nacu-curious. Nitong mga nakaraan ay napapadalas na talaga ang maagang pag-uwi niya.May dala siyang sasakyan ngayon at iyon ang ginamit niya patu
Gulat na napalingon si Czarina sa nagsalita sa kanyang likuran at mas lalo siyang nagulat nang makita kung sino iyon. Lumabas si Zayden ng CR, basa ang mukha at buhok na tila katatapos lang maghilamos. Basa ng kaunti ang t-shirt nito at medyo manipis lang iyon kaya kita at bakat ang abs nito. N







