Se connecterHinihingal na huminto si Kevin sa gilid ni Zayden. Kaaalis pa lang nila Czarina at ang mga mata ni Zayden ay nasa pintuan pa. Mahigpit ang hawak nito sa baso na tila doon ibinubuhos ang emosyon. "Sir..." hinihingal at medyo malakas na sambit ni Kevin. Tamad na nag-angat ng mukha si Zayden. "Ano?" kalmado niyang sabi bagaman madaming laman ang kanyang isipan. "Hindi po pinirmahan ni Mr. Kauffman ang contract agreement." Tumango si Zayden. Hindi naman kabigla-bigla na bagay iyon. They expected that much after what happened. "P'wede na tayong bumalik ng Manila," dagdag pa ni Kevin. Hindi sumagot si Zayden, tumayo lamang ito at dire-diretsong naglakad palabas. "Sir, tapos na po ba kayong kumain? Mula nang dumating ako rito ay parang hindi pa kita nakitang nakakain ng maayos," sabi ng nakasunod na driver ni Zayden sa kanya. "Hindi ko type ang pagkain nila," sagot ng lalaki. Nakakain naman siya nang kaunti kanina pero ngayon ay nawalan na siya ng gana. Sinulyapan ni Kevin ang mes
Napabuntong-hininga si Zayden dahil sa babae sa kanyang harapan na tila hindi mapakali. Gusto niyang pitikin ang noo nito at pagsabihan dahil gagawa-gawa ng bagay na ikakakaba niya pagkatapos. "Hindi iyon magtatawag ng pulis kaya p'wede ka ng mag-relax diyan," sabi ni Zayden bago nagtawag ng waiter upang kunin ang order nila. Nagulat si Czarina sa sinabi ng lalaki. Paano nito nalaman ang iniisip niya? Mind reader na ba ito ngayon? Hindi sumagot si Czarina pero tinitigan niya ang lalaki. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Zayden kaya ibinaba niya ang menu at nagtaas ng kilay. "Ano?" Sumimangot si Czarina at nahagip ng paningin niya ang waiter na tila bato na nakatayo lang sa gilid ni Zayden at naghihintay sa sasabihin nito."Padagdag ako ng rice," sabi niya rito.Pero hindi iyon ang gusto niyang sabihin. Gusto niyang tanungin ito kung paano ito nakasisiguro na hindi magtatawag ng pulis si Mr. Kauffman. Pero ayaw niya rin namang kumpirmahin dito na iyon nga ang nasa isip n
"Zayden," iritadong tinignan ni Czarina si Zayden. Talagang dumadagdag pa ito sa init ng ulo niya ngayong araw. "Hindi na tayo mag-asawa at wala tayong kung anong relasyon para kumain ng magkasama. Ano ba ang trip mo sa buhay?""Chill, it's just a meal. Hindi ba ako p'wedeng kumain kasama ang sikat na tao?"Mas lalong kumunot ang noo ni Czarina. Tinignan niya si Zayden na para bang minumura niya na sa isipan ang lalaki bagaman medyo naguguluhan sa tinuran nito.Nakita ni Zayden iyon kaya napapailing siyang natawa at binigay ang phone niya kay Czarina. Naguguluhan man ay kinuha iyon ng babae at halos malaglag ang mata niya sa gulat nang makita ang isang post na viral ngayon sa social media.Siya iyon na naka-side at may nakatalikod din kung saan kitang-kita ang tattoo niya na parang mas nagong dahilan pa para ma-curious sa kanya ang mga tao.Nang mapagtagpi-tagpi ang lahat ay na-realize din ni Czarina na kanina pa alam ni Zayden na siya iyon.At..."Ikaw ba ang nagpadala ng waiter kani
Kinuha ni Czarina ang sunglasses mula sa bag niya at mabilis na nag-retouch ng ibang kulay ng lipstick. Inilugay rin nito ang buhok at nagsuot ng jacket. Maya-maya pa ay tumunog na ang alarm sa buong hotel at alam niya na agad na para iyon maharang siya. Medyo marami siyang nakasabay sa elevator at may mga guards na na nag-aabang sa kanya sa baba. "Have you seen a girl wearing a..." dinescribe siya ng isa sa mga ito. Mabuti na lang at naka-jacket siya at iba na ang istilo ng kabuuan ng suot niya ngayon. "No english," aniya at iwinagayway ang kamay sa harap ng mga ito. Nagkatinginan ang dalawang guwardya na naka-assign sa tabi niya, parehong hindi alam kung ano ang sasabihin at ano ang gagawin. "Boyfriend is waiting outside," aniya sa putol-putol na english. Sinadya niyang gawin iyon para hindi siya makahalata at para hindi na siya pagtuunan ng pansin ng mga ito. Hindi siya pwedeng magtagal dahil tiyak na pababa na ang nga tao ni Mr. Kauffman at kapag ang mga ito na ang bumaba
"Boss, mag-ingat ka lalo na nasa ibang bansa tayo.""Nasa bansa man natin o hindi..." Czarina rolled her eyes. "Hell will pay for what he'd done."Inilagay ni Czarina ang needle na dala niya sa may suot niyang palda kung saan hindi iyon pansinin.Nakarating na ang dalawa sa hotel na kinaroroonan ni Mr. Kauffman. Hinatid ni Ichan ang boss niya, at medyo kabado ito na baka kung ano ang gawin ni Czarina."Hintayin kita dito sa labas, boss, kung magkaaberya ay sumakay ka na lang agad para makaalis tayo agad," bilin ni Ichan bago bumaba si Czarina. "At kung magkaroon ng problema o aksidente sa taas ay tawagan mo lang ako.""Oo, kumalma ka diyan," ani Czatina dahil halata niya na kinakabahan ang assistant hacker niya.Ichan sighed. "Mag-iingat ka, boss, 'wag kang magpadalos-dalos. Kapag medyo delikado na ay gawan mo ng paraan na makalabas. Hindi mo naman kailangang kunin ang cypress flowers na 'yan kung malalagay naman sa panganib ang buhay mo."Aminado si Ichan na kinakabahan siya dahil ti
Napasinghap na lamang si Ichan nang marinig ang offer na iyon ni Czarina. Doble ang kaba niya sa mga nangyayari, saan naman nila kukunin iyon?"Bakit ba kasi nakikipag-bid pa iyon?"Napaisip din si Czarina. Hindi niya akalaing ganoon ito kainteresado sa halaman na iyon para makipag-bid ng ganito kalaki."Can we take a moment to pause first?" pahayag ni Mr. Kauffman na tinanggap naman ng host.Binigyan sila ng sampung minuto para mag-break. Ang ilan ay nagpunta sa CR, ang ilan lumabas upang kumuha ng makakain, ang iba ay may tinawagan. Pero sina Czarina at ang kasama niyang si Ichan ay nanatili sa loob ng auction assigned room nila, parehong kinakabahan at hindi alam ang gagawin.Wala pang dalawang minuto ay may kumatok na sa pintuan ng auction room nila.Binuksan iyon ni Ichan at sa labas ay naroon si Mr. Kauffman, diretso ang tingin kay Czarina, may ngisi sa mga labi na tila siguradong nasa kanya ang upper hand."I heard you have limited funds right now?" Dinilaan nito ang ibabang la
Pagkababa ng tawag ay napatampal muli sa noo si Czarina. "Sh*t! Ano ba ang ginagawa mo, Czarina? Gusto mo na ba talagang tuluyang magalit ang pamilya mo sa'yo?" pagsesermon niya sa sarili habang naiiyak na. Bakit ba kasi hindi niya sila kayang tanggihan? Kapag nalaman ng dad niya ito ay hindi
Hindi nagugustuhan ni Czarina ang mga sinasabi ni Chloe pero aminado siya na tama naman ito. Bakit nga ba pumunta siya rito na walang dala? Ipagtatanggol na sana niya ang sarili nang nauna ng magsalita si grandma. Seryoso ito at halatang hindi natutuwa sa mga naririnig. "Miss Smith, naririnig m
Binuksan ni Zayden ang pintuan sa kwarto ni Chloe at pinapasok doon ang babae. Pinaupo niya ito sa bed at tinulungang magtanggal ng sapatos. Pagkatapos ay malamig niyang tinignan ang babae at kinausap. "Matulog ka na at magpahinga. Bukas na tayo mag-usap." Tumayo si Chloe mula sa kama at umiiya
Nagpapaawa ang mga mata ni Chloe na tumingin kay Zayden matapos itong pagsabihan ng lalaki. Kumapit ito sa braso ni Zayden at isinandal ang pisngi sa braso nito pagkatapos ay tinignan ito sa mga mata. "I know, mali ako. Pero hindi ko na uulitin, promise." Nagtaas pa ito ng kamay na tila nangangak







