Share

Chapter 85

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-06-17 00:20:21

Nakahalukipkip si Marissa Hart na naglakad patungo sa harapan ni Chloe. Pabalik-balik ito na naglakad habang nakataas ang kilay kay Chloe.

Halos tumalon na ang puso ni Chloe sa kaba. Marissa Hart is definitely not the woman she can just look down too. Bukod sa nanggaling ito sa isa sa pinakamayamang angkan sa bansa nila ay napakarami na ring napatunayan ni Marissa. Matalino, talentado, at talagang pinag-aagawan din noong kapanahunan niya. Pero hindi lang iyon... siya rin ang pinakamatapang at pinakakinakatakutang babae sa pamilya ng mga Hart. Nakasunod ito sa yapak ni Chairwoman o ni grandma.

Nanginginig na si Chloe habang nag-iisip ng posibleng paraan para makatakas sa sitwasyong ito na hindi tuluyang nasisira ang imahe niya.

"I think I heard you say earlier that you will kneel down and clean Czarina's shoes, hmm?" sambit ni Marissa Hart.

Lalong lumikot ang mga mata ni Chloe.

Hindi. Hindi pwede.

Siya? Luluhod? At kay Czarina pa? Her pride can never!

Matalim niyang tiningnan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (15)
goodnovel comment avatar
Teresita Reynaldo
nakaka inis kna zayden.......
goodnovel comment avatar
Glenda Diola
sana sa sunod double update na ms.A ...
goodnovel comment avatar
MiraflorOliver
Nakaka walang gana na mag basa lagi nalang si Chloe pinapaburan ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 241

    Ilang oras hindi nahawakan ni Czarina ang phone niya dahil abala siya sa mga natambak na trabaho na hindi niya nagawa noong nagpahinga siya. Tanghali na nang mabuksan niya ang kanyang cellphone. Bumungad ang message ng kaibigan niyang si Klarisse, nagtatanong kung ano ang nangyayari at bakit may live press conference si Zayden ngayon. Nagtataka at medyo kinabahan na agad binuksan ni Czarina ang kanyang social media. Hindi na siya nahirapan pang hanapin ang tinutukoy ni Klarisse dahil bumungad din iyon agad sa kanya. Nagsisimula pa lang ang presscon. Nakatayo sa harap ng podium si Zayden, suot ang kaparehong damit na suot niya kaninang umaga. Pero bukod doon ay may isa pang kapansin-pansin sa mga nangyayari ngayon. Katabi nito si Chloe sa mismong stage! Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Czarina. Talaga bang wala ng respeto si Zayden sa kanya? Siya ay laging napagsasabihan maidikit lang ng kaunti ang pangalan niya kay Adrian. Pero ito? Ganito ang gagawin? "Ano ba'ng nasa

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 240

    "Czarina, walang may gusto ng nangyari. Hindi naman sinasadya ni Chloe na makapagdala ng pekeng snow lotus grass na iyan. Can we just stop at that? Wala namang dahilan para pag-awayan pa ang bagay na matagal ng tapos," sabi ni Zayden. Nalaglag ang panga ni Czarina. What did she expect? Malamang ay siya na naman ang masama sa tingin nito. "Can we just stop-- what?" Nagtaas ng isang kilay si Czarina. "Zayden, do you even know what you're saying? Unang-una ay wala akong ginawa diyan sa Chloe mo. Heck! I didn't even know about that issue not until I heard it here! At hindi ko rin siya inaway tungkol diyan, siya itong sumugod dito. Now, ako pa rin ang titigil? Utak, please!" napipikon na sabi ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit siyang naiipit sa dalawa gayong dumidistansya na nga siya. "Nasaktan si Chloe, at sasabihin mo na wala kang ginawa?" pagtatanong ni Zayden kay Czarina. Halata rin ang pagkadismaya sa mukha ng lalaki. "Czarina, hindi naman lingid sa kaalaman mo

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 239

    Humarang si Czarina sa pagitan ng dalawa at nakalmot siya ni Chloe dahil doon. Napangiwi ito sa sakit at hapdi pero hindi niya na iyon ininda pa. Humarap siya kay Chloe at hinarang ang buong katawan para hindi na masaktan pa si Sanya na sa tingin niya'y wala namang ginawang mali. "Chloe!" banta niya sa babae. Akala niya ay muling susugod si Chloe pero nagulat siya nang umupo ito sa sahig at nagsimulang umiyak. "Ano ba ang ginawa ko sa'yo para ganituhin mo ako, Czarina?" pagtangis nito. "Dahil ba kay Zayden? Bakit hindi na lang siya ang kausapin mo? Matapos mong ipagkalat ang tungkol sa birthday ni Grandma ay sasaktan mo naman ako ngayon." Humagulhol pa ito na tila kinakawawa. Napatingin ang ilang mga napapadaan sa kanila. At sa mga bagong dating lang ay mistulang si Czarina ang kontrabida sa mga oras na iyon. Samantalang si Czarina at si Sanya ay medyo natulala, nagtataka sa nangyayari. Bakit bigla na lang nag-iba ang lahat sa isang iglap? "The hell are you saying? Eh, ikaw i

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 238

    Walang ekspresyon ang mga mata, seryoso ang boses, at may multo ng ngisi ang mga labi. Nakakatakot talaga si Czarina sa mga oras na iyon at maski si Chloe ay kinakabahan dito. Paano nalaman ni Czarina iyon? "Ilang beses ko ng pinalagpas lahat ng pinaggagawa mo sa akin, maski ang pagpapaawa at paggawa-gawa mo ng kwento. Mukha ba talaga akong easy target sa'yo, huh? Someone you can just bully easily? I'm warning you... habang may pasensya pa akong natitira." Inirapan ni Czarina si Chloe at kinuha ang cellphone niya bago tumalikod dito upang iwan ang babae sa room na iyon. Pagkaalis niya ay dumiretso siya sa opisina ni Dra. Garcia para ipaalam na magsisimula na siyang magtrabaho. Walang rason para hindi. Sawa na rin siyang mahiga sa kama, mas lalo lang siyang nanghihina roon. Nanatili naman sa kinatatayuan si Chloe. Nababagabag ng maraming bagay ang kanyang isipan. Mabigat ang bawat paghinga niya habang nakatingin sa nilabasang pintuan ni Czarina. Nang mahimasmasan ay sinigawan n

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 237

    Tahimik at kunot ang noo na binasa ni Czarina ang mga komento sa mga posts at article na nakalagay ngayon sa social media. Dahil sa dami ng mga sunod-sunod na issue nilang tatlo nila Zayden ay ang daming nakaabang sa bawat balita. Pero nakakapagtaka na bakit lumabas pa ito? Eh, napakatagal na no'n? Umupo ito sa kama sa kanyang hospital room habang napapaisip. Nasa ganoong kalagayan siya nang bigla na lang sumugod si Chloe sa kanya. Tinulak siya ni Chloe at muntik na itong matumba at malaglag sa pagkakaupo kung hindi siya mabilis na nakahawak sa mesa sa gilid ng kanyang higaan. "Gusto mo na ba talagang mamatay, ha?" nangngingitngit ang mga ngipin na sabi ni Chloe. "Pinagsasabi mo?" naiiritang sabi ni Czarina. Sa totoo lang ay pagod na pagod na siya sa kadramahan ng babae. Pakiramdam yata nito ay bida siya sa isang inaabangang pelikula. "At ngayon nagkukunwari ka pang inosente at walang alam, huh?" halos sigaw iyon na sinabi ni Chloe. May mga ilan na na napapatingin sa pwesto

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 236

    "Ano'ng pagkakaiba namin ni Chloe?" emosyonal na tanong ni Czarina. Alam niyang sa dulo ay masasaktan lang siya at wala naman din siyang matinong paliwanag na maririnig. Subalit nasa dulo na rin naman sila, nasaktan na rin siya, at ilang araw na lang ay hindi na magsasalubong pang muli ang landas nila. Might as well try everything now. Feel everything now. Ask everything now. Para sa dulo, kahit ano ang mangyari ay sigurado siyang hindi siya ang talo. Sa halip na sagutin iyon ng maayos ay parang nabadtrip pa si Zayden sa kanya. "Huwag mong idamay si Chloe sa kung ano man ang mayroon tayo, Czarina. Wala siyang ginawang masama, okay? Let's just stop talking about her." Napangiti nang mapait si Czarina. "Zayden," huminga ito nang malalim. "Wala naman akong balak mag-assume o kung ano pa man pero ilang beses mo ng sinabi at malinaw na rin naman sa akin na si Chloe ang mahal mo, na siya ang priority mo... then why are you doing this?" Hindi umimik si Zayden. Nanatiling poker face l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status