Napatigil si Beatrice sa isang sulok at tila nanigas na parang isang yelo. Ramdam nyang umakyat ang dugo sa kanyang ulo dahil sa labis na kahihiyan. Ngunit si Minda ay walang balak na sisihin o kagalitan sya. Tuloy tuloy ito ng walang imik at tuluyang humagulgol ng makita si Marcus. “ Marcus sobra ka na, napakahayop mo. Alam mo bang ang babaeng yan ay ang mapapangasawa ng iyong pamangkin? Hindi ka na nahiya sa amin na pamilya mo”
Ng napatigil na si Minda sa pag iyak, agad nitong tiningnan si Beatrice na noon ay sobrang namumutla “ Huwag kang mag alala ako ang bahala seo” wika ng matandang babae kay Beatrice. Hindi tumugon si Beatrice. Tiningnan nya lang ang matandang babae ng maingat, lalo syang nalito sa mga pangyayari. Sa kabilang dako naman, si Marcus na noon ay nakaupo pa sa kanyang wheelchair at napahagikgik ng mahina “Hipag, tila napaaga ata ang iyong pagdating? Parte ba yan ng plano nyo? Baka mamaya may kasunod ka pa dyan” pang aasar naman ni Marcus Napakunot naman ang noo ni Minda. Agad nyang hinablot sa braso si Beatrice at hinila palabas. “ Huwag kang maniwala sa mga pinagsasasabi nyan. Huwag kang matakot ako ang bahala sa iyo” Magulo ang isipan ni Beatrice ng mga oras na ito, at hindi niya matukoy kung sino ang tunay na tao at sino ang multo sa pagitan ni Minda at ni Marcus, kaya't ang tanging magagawa niya ay tumanggi. 'Tita, gusto ko munang umuwi at mag-isa.' Ngunit hindi binigyan ni Minda ng pagkakataon si Beatrice. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at hinila siya patungo sa hall ng may matinding lakas, at nagreklamo kay Mr. Rolando Villamor, ang ama ni Marcus 'Papa, nilapastangan ng bunso nyong anak ang aking manugang.Pinagsamantalahan nya ang inosenteng katawan ng aking manugang” pagsusumbong nito sa matandang Villamor. Matapos marinig ito, tumayo ang matandang Villamor at galit na sumigaw, “Marcus bumaba ka dito” Hindi mapakali si Beatrice, hindi nya alam ang gagawin sa sobrang tense nya, hindi nya namalayang ang kanyang mahahabang kuko ay bumabaon na sa kanyang manipis at malambot na palad. Pakiramdam nyay para syang sinasaksak ng kutislyo sa dibdib ng paulit ulit. Technically kahit hindi pa sila kasal ni Albert, manugang na sya ni Minda. Iniisip nya kung ano pa kayang mukha ang maari nyang iharap sa mga ito sa hinaharap. Naninikip ang dibdib ng matandang Villamor. Tinawag nya ang mga tauhan nila sa bahay at inutusan itong ibaba ang kanyang walang kwenta at hayop na anak. Wala namang ano ano sinunod ng mga tauhan ang matandang Villamor. Pumunta sila sa kwarto ni Marcus at dinala ito sa harapan ng kanyang ama. Galit na galit ang matandang Villamor. Nagpupuyos ang kamao na para bang gusto nitong manakit. “ sabihin mo anong nangyayari dito” pautos na tanong ng matandang Villamor. Hindi pa man nakakapagbuka ng bibig si Marcus, agad nang sumabat si Minda. “ Papa, umuwi si Marcus na lasing na lasing kagabi at parang nakatira din ipinagbabawal na gamot. Nakita nya ang aking manugang sa bahay na noong mga panahong iyon ay nagpapahinga. Inutusan nya ang isa sa mga kasambahay ninyo na kidnapin at dalhin sa kanya si Beatrice.” Maya maya pay dumating ang mga bodyguards dala dala ang isang utusan na maraming pasa sa katawan. Agad itong lumuhod at humingi ng tawad sa matandang Villamor. “ Boss, patawarin nyo po ako. Labis lang po akong nagpadala sa mga sinabi ni Senyorito Marcus” Lahat ng ibedensya, si Marcus lahat ang itinuturo! Ngunit may pakiramdam si Beatrice na may mali. Bigla, nagbago ang kanyang mukha. Hindi, hindi ito si Marcus! Noong nakaraang gabi, nang bumalik si Marcus sa kanyang kwarto, galit siya dahil andun ako sa kanyang kama. Ibig sabihin hindi nya alam na naroroon ako. Ngunit maya maya sa di inaasahan biglang nagbago na naman ang kanyang isip. Bigla syang nahilo nung mga panahong iyon noong ininom nya ang gatas na iniabot sa kanya ni Minda. Kaya si Minda talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito.Sa mga oras na iyon,nakaupo si Marcus sa kanyang wheelchair, maputla ang mukha, at mukhang punong-puno ng pang-iinsulto at walang lakas. Alam ko na walang silbi ang magsabi pa ako ng kahit ano ngayon. Talaga ngang ako ang nakapanakit kay Beatrice, at handa akong tanggapin ang mga palo at parusa.'" Pagkatapos ng mga sinabi ni Marcus, mapapansin na tila napangiti si Minda.. Nagtaka si Beatrice at tumingin kay Marcus. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang aminin ni Marcus ang lahat, eh hindi naman niya kasalanan! Bang. Itinaas ng matangdang Villamor ang kanyang tungkod at tinamaan si Marcus sa balikat: 'Hayop! Hayop ka!' Napaungol si Marcus sa sobrang sakit at tinanggap ang palo. Nagulat si Beatrice sa pangyayari. Sumigaw ang matandang Villamor at tinanong si Marcus. “ Ngayon anong plano mo? “ Pakakasalan ko siya, at tatanggapin ko kung anomang responsibilidad ang kaakibat nito.' Diretsong sagot ni Marcus sa kanyang ama. Napaop op ang matandang Villamor sa kanyang tabacco: 'Pakakasalan mo si Beatrice, tapos responsable ka na? Sa hitsura mong iyan, kailangang habulin ka muna ni Baeatrice bago ka makapagbigay ng responsibilidad!' Habang nagsasalita, tumingin si Mr. Villamor sa mayordomo 'Pumunta ka stock room kuhanin mo ang pang-pamilya na panghampas.' Nag-freeze ang mukha ng mayordomo at hindi maiwasang magmakaawa sa matanda”Senyor, natatakot ako na hindi kayanin ng katawan ni senyorito Marcus. Hindi pa siya nakakarecover mula sa aksidente sa sasakyan, paano niya kakayanin ang inyong panghampas?' 'Pumunta ka na, tigilan mo ang kalokohang iyan!'Pagalit na sigaw ni Mr. Villamor, at hindi na naglakas-loob magsalita ang mayordomo. Makalipas ang ilang sandali, inilabas ng mayordomo ang isang mahabang latigo. Hinawakan ng matandang lalaki ang magaspang na panghampas sa kamay at tumingin kay Beatrice. 'Ako, isang matandang tao, tatanungin kita ngayon, gusto mo bang pakasalan ang bastardo kong ito? Kung ayaw mo, papatayin ko na ang batang ito ngayon para makapag-ayos! Pwede mong itakda ang iba pang mga kondisyon para sa kabayaran.' Nakatutok ang mga mata ni Beatrice kay Marcus, at si Marcus ay tinitigan lamang siya, bahagyang gumalaw ang kanyang mga manipis na labi. 'Kung nais mong pakasalan ako, bibigyan kita ng tahanan. Bagamat isang walang kwentang tao ako ngayon, gagawin ko ang lahat para tratuhin ka ng mabuti. Kung ayaw mo, lumayo ka na lang at wag mong panoorin akong hinahampas.' Bago pa man siya matapos magsalita, inutusan ni Mr. Villamor ang mayordomo na paluhudin si Marcus. Sa isang igalp, isang malakas na hampas ang dumpo sa kanyang likuran. Napabalikwas ang katawan ni Marcus at agad naduguan Ang kanyang puting kasuotan. Naramdaman ni Beatrice ang kirot sa kanyang puso, at ang mga mata niya ay namasa. Bigla niyang naramdaman na si Marcus, na lumuluhod at binabayo, ay walang kaibahan sa kanya nang mali syang akusahan ng kanyang kapatid na magnanakaw. Walang nakikinig sa kanyang paliwanag, at walang naniniwala sa kanya. Pareho silang biktima ng mga kalkulasyon at pang-aabuso. At ang sinabi ni Marcus kanina ay talagang tumama sa kanyang puso, sinabi niyang bibigyan siya ng tahanan. Siguro, sa pagpapakasal sa kanya, makakalabas siya sa tahanan nila na parang isang lobo, magaan Ang pakiramdam. Ngunit si Albert... ang tatlong taon nilang relasyon! Saan siya pupunta?! Isinara ni Beatrice ang kanyang mga mata ng masakit, at muling bumalik ang alaala ng paghihiwalay nila ni Albert. Noong nakaraang gabi, sinabi niya sa pamilya ang kanilang plano at nagmungkahi ng pagpapakasal muna upang tumigil ang mga isipin nila. Ngunit sinabi ni Albert: 'Beatrice, palagi kong nararamdaman na ang isang ina, kahit gaano pa siya kapait sa anak na babae, ay hindi gagawin ang sobra. Mayroon bang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyo?' 'Beatrice, huwag kang mag-alala. Ako ang mag-aalaga sa iyo, at wala ng masama mangyayari. Manirahan ka na lang sa aming bahay nang tahimik.' 'Beatrice, hindi hindi kita pakakasalan. Gusto ko lang na may proposal ceremony muna bago tayo kumuha ng marriage certificate.' 'Beatrice, bihirang pagkakataon ang archaeology na ito. Hindi ko talaga gustong isuko. Maghintay ka, hintayin mo akong makabalik at magpapakasal tayo!' Ang boses ni Albert ay malumanay at puno ng pangarap, na parang naririnig pa rin nh kanyang mga tainga, sumakit ang puso ni Beatrice na parang nababasag. Ngunit ang tunog ng panghampas sa katotohanan, isa-isa, na may kalupitan, ay ginising siya mula sa kanyang mga pangarap at itinulak siya upang harapin ang madugong katotohanan. Wala nang pagbalik. Hindi na siya at si Albert makakabalikan pa. Binuksan ni Beatrice ang kanyang mga mata, at may bagong determinasyon sa kanyang mga mata. 'Lolo, magpapakasal ako! Nais kong pakasalan si Marcus!'"Sa bahay ng mga Salazar, biglang pumutok ang panubigan ni Beatrice. Napaupo siya sa sofa, nanlalaki ang mga mata. Si Marcus, na noon ay nagkakape pa, ay halos maibuga ang iniinom."Naku, Beatrice! Anong gagawin ko?!" sigaw niya habang paikot-ikot na parang nawawalang bata sa palengke. Sa sobrang gulat, ang una niyang nahawakan ay ang remote ng TV imbes na cellphone.Mabilis niyang tinawagan ang kanyang mga biyenan, sina Ginoo at Ginang Salazar, na nanonood lang ng telenovela sa sala."Ma! Pa! Si Beatrice! Pumutok na! Este... panubigan niya!" halos mapasigaw si Marcus.Napabalikwas si Ginang Salazar. "Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?!""Sinabi ko na nga po 'di ba?" sagot ni Marcus, habang pilit hinahanap ang susi ng sasakyan sa ilalim ng throw pillow.Samantala, ang mga kapatid ni Beatrice—sina Pablo, Stell, at Justin—ay parang mga contestant sa isang game show: nag-uunahan kung sino ang tatawag sa ospital, pero pare-parehong nahulog ang cellphone sa sahig."Ano ba 'to, emergency o fa
Damang-dama sa buong bahay ang kasiyahan—may tawanan, kwentuhan, at masaganang hapunan. Sa gitna ng kasayahan, hindi na rin napigilan ni Beatrice na ibahagi ang magandang balita sa kanyang matalik na kaibigan.Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Genna."Best, may ibabalita ako sa’yo!" bungad ni Beatrice nang sagutin ni Genna ang tawag."Best! Mukhang sobra kang masaya ah," natutuwang sagot ni Genna mula sa kabilang linya."Oo, Best! Promise, sobrang good news ito. Punta ka dito sa bahay ng mga Villamor. Ipinasundo na kita kay Carlos."Nagmadali si Beatrice at tinawag si Carlos. "Carlos, pakisundo si Genna. Sabihin mong dito siya sa bahay pupunta, importante."Muling bumalik si Beatrice sa tawag."Hintayin mo si Carlos, ha? Dito na lang kita kukuwentuhan. Hindi ko kayang itext lang 'to."Pagkadating ni Genna sa mansyon, hindi niya napigilang mamangha sa laki at ganda nito. Noon lang siya nakatuntong sa bahay ng mga Villamor, at para sa kanya, tila ito'y isang pal
“Okay, eto na ang resulta,” mahinahong sabi ni Robert habang hawak ang sobre ng DNA test. Ramdam ang tensyon sa buong sala—lahat ay pigil hininga, tila tumigil ang oras.Marahan niyang binuksan ang sobre at inilabas ang dokumento. Tumingin muna siya sa mga mata ni Beatrice at ng mag-asawang Salazar bago siya muling nagsalita.“Ayon dito, 99.99% match ang mga DNA samples. Ibig sabihin... si Beatrice ay anak ng mga Salazar.”Sandaling katahimikan ang namayani, saka sumabog ang emosyon. Napatakip sa bibig si Beatrice, mga luha’y kusang bumagsak sa kanyang pisngi.“Oh my God... sobrang saya ko po. Kayo po pala talaga ang tunay kong pamilya,” nanginginig na tinig niya habang niyakap si Mrs. Salazar ng mahigpit. “Matagal ko na pong pinangarap ang ganitong klaseng pamilya…”Hindi napigilang mapaluha rin si Mrs. Salazar habang yakap-yakap ang nawawalang anak. “Anak… anak ko…”Isa-isa namang lumapit ang buong pamilya Salazar. Si Justin, ang bunso, ay halos tumalon sa tuwa.“Ate! Sobrang saya k
Sa bahay ng mga Salazar, maagang dumating ang mag asawang Beatrice at Marcus. Agad silang sinalubong ng masayang si Mrs. Salazar. Excited din si Beatrice na makita ang matandang babae. Ang matandang babae na malaki ang posibilidad na kanyang tunay na ina.“Ninang, meron po akong sasabihin sa inyo.” Iginiya sya ng kanyang ninang sa may sofa at malumanay na nakinig sa kanya.“Ipinagtapat po sa akin ni Marcus na napag alaman nyang hindi po ako tunay na anak ng mga Aragon. Alam ko din pong alam na ninyo iyon. Ninang, malaki po ang posibilidad na kayo ang aking mga tunay na magulang”, excited nyang wika.“Beatrice, maari tayong mag patest. Malakas din ang aking pakiramdam na ikaw ay anak ko. Kung hindi man, ganoon pa din ang magiging treatment namin sa iyo”, wika ng ginang.Agad na inutusan ni Marcus si Carlos na dalhin ang mga sample ng buhok nina Mrs. Salazar at Beatrice sa laboratoryo ng kanyang kapatid. Dali daling pumunta si Carlos sa laboratoryo ni Robert at dinala Ang mga Samples
Labis ang galit ni Arturo sa kanyang mga naririnig. Doon nya na realized na mali ang kanyang ginawa sa kanyang mag ina. Hindi nya akalain na ganun pala ang tingin sa kanya ng pamilya ng kanyang kuya Isang palabigasan. Kayat agad syang umalis at bumalik sa kanilang tahanan.Pagkabalik nya sa kanyang tahanan, pinagmasdan nya ang kanyang mag ina. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan habang nanonood ng paborito nilang palabas. Nanghinayang sya bigla. Naisip nya na sana kasama rin sya ng dalawang iyon na nanonood at nagsasaya. Ang mga bagay na sinayang nya sa loob ng maraming taon dahil sa pag una nya sa walang utang na pamilya ng kanyang kapatid.Hindi sya nakatiis at nagsalita “Ang saya nyo namang pag masdan”, may halong lungkot at pait sa kanyang tinig.Tiningnan sya ng kanyang mag ina. Napansin ng mga ito Ang lungkot sa kanyang mukha.“Tay, bakit po? May problema po ba kayo?”, Ang nag aalalang tinig ng kanyang anak.Naupo sya sa katabing upuan at agad na ikinwento ang nangyari.“Yan na
“Asawa ko, malaki ang posibilidad na ang mga Salazar ang mga magulang mo”. Ang mga katagang iyon ay parang isang malaking tambol na umalingawngaw sa kanyang tenga. Kinabahan sya ngunit mas nangibabaw ang saya. Ang ideal parents na pinapangarap nya, may posibilidad na maging magulang nya.Naalala nya Nung kinwento sa kanya ni Mrs. Salazar, yung panahon na namatay raw ang anak nito, yun din ang panahon na ipinanganak sya. Medyo naguluhan sya kayat nagtanong sya sa kanyang asawa.“Asawa ko, may posibilidad ba? Eh kung hindi ako anak ng mga Aragon, asan ang tunay nilang anak?” Naguguluhan nyang tanong sa kanyang asawa.“Asawa ko, namatay ang tunay na anak ng mga Aragon, natakot ang doctor na nagpaanak kay Lucy, kayat naghanap ito ng sanggol na ipapalit sa namatay na sanggol. At sakto naman na ipinanganak ka. Noong mga pnahon na iyon, ang dating kasintahan ni MR. Salazar ay nagplano na Miata maghiganti sa mga asawang Salazar, kayat kinuha nito ang sanggol na may nkalagay na baby girl Salaz