Marcus
I woke up with a light heart and a smile on my face this morning kahit na hindi ako masyadong nakatulog kagabi. I had a hard time last night because I can’t sleep knowing that this woman is just inches away from me.I admit nakaramdam ako ng inis sa kanya when I saw her smiling at my dad. Ngayon niya lang nakilala ang daddy ko pero kung makangiti siya wagas, samantalang ako e kulang nalang bugahan niya ng apoy nung una naming pagkikita.I looked for Blanca after the event only to find out na umalis na pala ito kasama ang kapatid ko. I called my sister at once and she told me that they are in some bar kaya lalo akong nagmadaling puntahan ang dalaga. She might again do something stupid kaya kailangan kong makarating agad dun.She’s a little bit drunk when I found her kaya naman I forced her out of the bar at inuwi sa penthouse. I cannot stand it especially seeing some random guys around gawking and staring at her. The usual hardheaded Blanca at first resisted but in the end nanahimik din siya. Maybe I should practice my ears to getting used to hearing her rants when she’s angry if I really want to be with her.Nagising ako kaninang madaling araw and I found her in my arms. Her face is buried in my neck while her hand is on my chest. I don’t know how did that happen kasi nakatalikod siya sa akin kagabi. It felt heaven though, I mean, this isn’t my first time to cuddle with a woman and it felt surreal. She is the second woman whom I cuddled with aside from Jade, my first girlfriend. My first heartbreak. The woman who made me into who I am today. A cold and an unloving ass, as they regard me.Bumangon agad ako ng maramdaman ko na nag-iisa nalang ako sa kama. Panic enveloped my system thinking that she has already left. I checked the comfort room pero wala siya doon so I immediately ran out of the room. And there I saw my little witch, standing in the kitchen while busy cooking something. She is still wearing my shirt that looks so sexy in her, I almost want to snatch her and go back to bed to cuddle again.Agad akong tumalikod at bumalik sa kwarto. I have to control myself. Hindi ako dapat gumawa ng bagay na ikakagalit niya so I immediately took a shower and dress myself up. Baka mamaya kasi maisipan niyang umalis.“Good morning!” bati ko sa kanya while she is still infront of my stove. “Hi! Good morning!” she greeted me back. Her voice was lovely and seem to be music to my ears in this morning. I’m happy she seem to be in a great mood after her nightmare last night. I was so worried seeing her in that state. I know it’s just normal to have nightmares but I just can’t stand seeing her shaking and terrified. Kaya naman hindi na ako nag dalawang-isip na tabihan siya when she asked me to stay. I just want her to have a sound sleep, and I guess she did.“Sorry ha! Pinakialaman ko na ang kusina mo. Upo ka na! You want coffee? “ sunod-sunod na sabi niya habang inaayos sa mesa ang mga niluto niya. May mga plato at kubyertos nadin na naka-set.I can’t help but smile just by watching her move around my kitchen. She looks lovely na para bang pag-aari niya ang space na ito. Well I really wouldn’t mind seeing her everyday here, I would really love it.“ Black please. No sugar.” sagot ko sa kanya kaya agad naman siyang nagtungo sa coffeemaker at naglagay sa tasa.“Black coffee just like how Mr.Thompson likes it.” she smiled saka nilapag ang mainit na kape sa harap ko“Thank you!” Napangiti ako. Ganito pala ang pakiramdam ng may nag-aalaga. “Sit down, let’s eat” aya ko sa kanya pagkatapos niyang lagyan ng pagkain ang plato ko.“ Sorry nga pala for last night, medyo nakainom lang ako.” nakayukong sabi niya habang naglalagay ng pagkain sa plato niya“Don’t do that again, Blanca. Kung hindi ako dumating baka napano ka na.” I warned her and she just nodded.“By the way where’s your dad? Hindi kami masyadong nakapag-usap kagabi, he looks cool ha!” masayang kwento niya kaya para na naman akong nainis. Ang ganda na sana eh, bakit kailangang siya pa ang pag-usapan namin.“Nasa mansion siya.” I flatly answered“Oh I see. Mukha siyang mabait no?” Napapikit ako at naibaba ang kubyertos ko. Medyo napalakas pa nga iyon kaya napatingin si Blanca sa akin.“Are we really going to talk about my dad?” iritang tanong ko sa kanya“What? I mean what’s wrong with that? I’m just asking.” “Seriously Blanca?” Napapikit pa ako “Do you like him?” I don’t know what’s gotten into me pero naiinis talaga ako.“What? No! Oh my God! Ano yun?” tila nainis din niyang sagotNapahinga ako ng malalim at kinalma ang sarili. I already felt like this before and I don’t want it to happen again, especially kung tatay ko na ang maiinvolve. Hindi ko na ata iyon matatanggap. The feeling of betrayal is too much to take and I don't want to feel it again.“I’m sorry. Kumain na tayo.” sabi ko na lang dahil alam kong naguguluhan siya.After our breakfast ay pinag-ayos ko na siya para maihatid. Ako na ang nag-ayos ng kusina habang nasa kwarto siya. Alam ko na mali ang naging reaksyon ko kanina but I just can’t help it. Pakiramdam ko nagseselos ako ng wala sa lugar. It’s as if I am being stabbed in the chest just by hearing her sing her praises for my father.I can’t stand the thought na may iba siyang hinahangaan at hindi ako yun. ‘Damn it!’ I cursed to myself saka ko pinatay ang gripo at nagtungo sa sala para hintayin siya. I took my phone and opened my mails para may mapaglibangan ang utak kong praning na ata sa sobrang pag-iisip.“Are you done?” tanong ko when I saw her coming out of the room.“Yeah! Thank you ulit.” she said “ Ibabalik ko nalang itong shirt mo, lalabhan ko muna.” Agad ko naman inagaw iyon at hinagis sa sofa. No way! Sa akin iyon at baka nga itabi ko pa sa pagtulog mamayang gabi. I’m sure her scent is still there so there’s no way na hahayaan kong iuwi niya iyon. God I really am going crazy.“It’s okay hayaan mo na diyan!” I said lalo at nakita ko nanaman ang pagkunot ng noo niyaTahimik lang kaming sumakay sa elevator hanggang sa makarating kami ng kotse. It’s as if we’re both scared to even utter a word.“May problema ba kayo ng daddy mo?” she asked to break the silence in the car while we ar moving.“Wala.” I shook my head “ I’m sorry hindi ko dapat sinabi ‘yun.” I apologized.“ Wala akong gusto sa daddy mo, okay” she said and that made me turn my gaze to her.I sighed at saka ko inihinto ang sasakyan sa gilid. “I’m sorry” I almost whispered dahil alam ko na na-offend ko siya. “ I’m just scared, Blanca. I’m just scared. “ “Scared of what?” malambing niyang tanong. Humarap pa siya sa akin as if saying that she is ready to hear me out.Tumingin ako sakanya. And I held her hand.“You remembered the girl that I told you before? My first girlfriend?” she nodded.“I loved her so much, Blanca. Nagsikap ako para maging worthy sa pagmamahal niya. I did everything to show her how much I wanted to give her the world, pero niloko niya ako.” Napa-awang ang labi niya, ang I saw sadness in her eyes.“I thought we are okay. That we both love each other, but I guess hindi ganon ‘yon.” I shook my head. “ I caught her, with my cousin,” sabay tawa ko ng pagak. “ Could you believe it? My girlfriend and my cousin, two people that I love, betrayed me.” Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Blanca sa mga kamay ko. I somehow felt comfort with it. “It’s been a long time since that happened and mula noon, napaso na ako sa salitang relasyon. I already surpassed it. Pero naramdaman ko ulit ‘yun kagabi when I saw my father holding your hands and staring at you.”“Marcus..”“I’m pissed okay?! I’m f*”***g scared na baka maulit nanaman, and this time? For Pete's Sake, sa tatay ko pa?”I shook my head..“Hindi ko kaya Blanca..”BlancaI stared blankly at the ceiling while lying in my bed. Dito ako dumeretso pagkahatid sa akin ni Marcus. Tahimik ang bahay at hindi ko alam kung nasaan ang tatlong kaibigan ko. I tried calling them pero puro patay ang mga phone nila. Napabuntong hininga ako. Iniisip ko ang mga bagay na sinabi ni Marcus kanina. Masakit din pala ang pinagdaanan niya kaya pala ganun nalang ang reaksyon niya upon seeing my eagerness to know more about his dad. Hindi magiging madali ang pagkuha ng impormasyong kailangan ko kung ganyang may trust issues siya kaya dapat talaga ay makuha ko ang loob niya. Maybe I should consider having a relationship with him. In that way ay hindi siya magdududa sa akin. Ready na ba ako? Maybe? I don’t know. At first akala ko magiging madali lang but the way I see things parang hindi. I shook my head. Hindi pwedeng maging mahina. Kahit anong mangyari ay itutuloy ko ang plano. Masaktan na ang masasaktan.“We’re here!’ maingay na bungad ni KC sa akin pagpasok niya ng
BlancaNaghuhumiyaw na karangyaan. ‘Yan ang masasabi ko sa lugar na dinatnan namin ngayong gabi. Hindi maipagkakaila ang yaman na tinatamasa ng mga Thompson na kahit siguro ang ikatlo o ikaapat na henerasyon sa pamilya ay hindi magugutom.Alas-otso na ng gabi ng makarating kami dito dahil gusto ko ay grand entrance ang mangyari sa pagdating ko. I made sure na mapapansin agad ako ng mga tao sa oras na itapak ko ang mga paa ko sa loob.This time pinili ko ang kulay pulang gown para isuot sa okasyong ito. Hindi pa naman patay ang taong may utang sa akin kaya hindi akma ang itim para dito. Tube ang upper part ng gown na may mga kumikinang na bato sa gilid forming an intricate design. Naka-expose ang balikat ko na makinis naman kaya hindi nakakahiyang i-flaunt pwera sa sugat ko nung nakaraang madaplisan ako ng bala na kinaya namang takpan ng concealer. Mahaba ito hanggang sakong kaya I chose to wear a three inch black sandals. May slit sa gilid showing half of my long and curvy legs.I
Blanca“Happy birthday po sir.” tumayo ako at pilit pinasigla ang tinig sa harapan ni Simon nang lumapit ito sa mesa kung saan ako naroroon.Ngumiti naman ito sa akin at nagpasalamat. Medyo kinilabutan lang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. My senses never fail me kaya alam ko na may kakaiba sa mga titig na iyon.Umalis saglit si Marcus para salubungin ang ilang kaibigan nito na kakarating lang kaya naman mag-isa lang ako nang lumapit ang matanda.“Salamat iha. Blanca dela Riva right? “ anito sabay upo sa upuang nakaharap sa akin. “Yes sir.” I politely answered.“By the way, are you somehow connected with the dela Riva’s of Davao? Or the dela Riva’s of Pamapanga?”‘I don’t think so sir, actually my mother is from Bicol. Hindi ko po nakilala ang father ko and wala pong binabanggit ang mama ko about him. And I respect that po.” sagot ko dito.“Oh I see. Sorry iha.” hinging paumanhin nito pero umiling naman ako.“Wala pong problema sir.”“May naalala lang kasi ako noong unang be
BlancaInisa-isa ko ang mga kuha ni Trish sa phone niya pag-uwi namin sa unit. Hindi ako makapaniwala! Ang mga nakuhanan ni Trish ay mga kopya ng titulo ng lupa ng aking ama. “Original copies ang mga iyan Blanca, may deed of sale din na naka-attach, pirmado ng tatay mo at ni Simon. At higit sa lahat notaryado .” paliwanag ni Trish.“So ibig sabihin nabili na pala ni Simon ang lupa niyo? I mean, in a legal way dahil may pirma niya ito. “ Ava concluded pero napailing ako“Hinding-hindi ibebenta ng tatay ko ang lupa sa kanila. Nasisiguro ko na may ginawa ang matandang iyon para mapapirma ang tatay ko.” alam ko sa puso ko na hinding-hindi ibebenta ni tatay ang lupa na minahal niya at pinagyaman buong buhay niya.Sinuri ko uli ang mga pictures hanggang sa may napansin ako. I zoomed the photo para lalo akong makasiguro.“Pinirmahan ito ng tatay ko sa mismong araw na pinaslang sila.” lumapit din si Trish saka tinignan ang bahagi ng picture na itinuro ko.“So?” tanong niya sa akin na wari n
BlancaSabog ang utak ko ng magising ako ngayong umaga sabayan pang mabigat ang katawan ko dahil sa puyat. Naalala ko ang nangyari kagabi sa building kung saan nakatago ang dalawang bihag.Matigas ang mga ito at ayaw magsalita hanggang sa takutin ni Trish na kukunin ang anak ng isa at ibibigay sa mga tauhan namin. Alam naman naming hindi ‘yun gagawin ni Trish kaya sinakyan nalang namin ang pananakot niya.Nabalot ng galit ang sistema ko ng mapagtanto ko kung sino ang mga ito. Para akong sinapian ng sampung demonyo at nawalan ako ng kontrol sa aking sarili. Literal na kulay pula na ang nakikita ko at ang tanging gusto ko ay gilitan ang mga ito.“Hayop ka!” Demonyo ka!” patuloy na hiyaw ng isang lalaki ng kunwari ay iutos ni Trish kina Damian na kidnapin ang sinasabing anak nitong babae habng ang isa ay tila nalulon ang dila at tahimik lang na nakayuko.“Madali akong kausap! Sabihin mo ang kailangan ko, hindi mapapahamak ang anak mo!” ulit ni Trish. “Masyado mong pinoprotektahan ang am
BlancaIsinama ako ni Marcus sa penthouse niya pagkagaling namin sa Tagaytay. Namasyal muna kami at doon na rin kumain ng tanghalian. Isa sa specialty ng lugar ang bulalo at hindi namin iyon pinalagpas ni Marcus. Pansamantalang nawala ang mga iniisip ko ngayong araw na ito. Masasabi kong iba ang nagagawa ng presensya ni Marcus sa akin. He can make me feel calm and relaxed. Pinag-isipan ko din ang mga sinabi niya at hindi ko maiwasang mangamba. Natatakot ako. Ayokong ipakita sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam ko na walang pupuntahan ang relasyon na bubuuin namin. Kailangan ko siya para sa misyon ko pero hindi ko inaasahang mahuhulog ako . Oo tama, alam ko sa sarili ko na may pagtingin na ako sa kanya pero one way or another, I will definitely hurt him. Ako ang papatay sa ama niya pag napatunayang siya ang utak sa lahat ng naganap sa pamilya ko. Natitiyak kong isusumpa ako ni Marcus pag nangyari yun.He changed just because of me. Kaya paano na lang siya pag dumating ang araw n
BlancaNakatanaw ako sa malawak at maliwanag na ilaw ng siyudad. Kalat na ang dilim sa langit ngunit hindi nagpatalo ang liwanag na nagsisimulang kumalat sa buong lugar na hatid ng ilaw ng mga gusali sa buong Maynila, idagdag pa ang ilang bituin sa langit. Tumingala ako at hinanap ang tatlong bituin na magkakatabi. Noon kasi pag naaalala ko ang pamilya ko ay iniisip ko na sila ang mga bituin na iyon. Na palagi lang silang nandyan para bantayan ako.Agad kong nakita ang tatlong bituin kaya naman napangiti ako.‘mahal na mahal ko po kayo, konting tiis nalang, magbabayad na ang mga may utang sa atin’Nilingon ko ang pinto mula sa terrace dahil nasa loob si Marcus at pinuntahan ang pagkaing inorder niya. Gusto niyang mag dinner muna kami bago niya ako ihatid kaya hinayaan ko na lang.I kept on thinking kung ano ba ang dapat kong gawin sa amin ni Marcus. Habang tumatagal ay nahihirapan ako at aaminin ko na nasasaktan ako sa mga posibleng mangyari.I will be his father’s enemy and I will
BlancaNakatingin sa akin si Ava as if she is reading me. Naabutan ko siya sa sala ng umagang ihatid ako ni Marcus sa condo unit na tinutuluyan namin.“Spill it Ava!” naiinis na sabi ko dito dahil alam ko na may gusto siyang sabihin sa akin.“Nakapasok ka na talaga sa buhay ni Marcus.” she arched her eyebrows at saka humigop ng kape. “That’s the plan, right?” paalala ko sa kanya. Hindi ko alam kung aaminin ko ba sa grupo ang tungkol sa totoong nararamdaman ko para kay Marcus dahil alam ko na kokontra sila.“Are you ready for the consequences?” alam ko na nararamdaman ni Ava na may tinatago ako. Among the group she is the keenest and most of all, magaling siyang bumasa ng tao.“What do you mean?” patay malisya ko sagot sa kanya.“Don’t play dumb with me, Blanca!” she sarcastically answered as if she’s disgusted with my question. “ Kitang-kita naman sa mga mata mo Blanca. Kilala kita, ‘wag na tayo maglokohan!”I sighed.“ Gusto ko lang maging masaya, Ava, habang pwede. Bawal na ba yu