Blanca
After a week of medication ay magaling na ang sugat ko sa balikat. Nakapag pahinga ako ng maayos dahill wala madalas ang tatlong kaibigan ko na hindi ko malaman kung ano ang pinagkakaabalahan. Si Shayne naman ay tumatawag paminsan minsan dahil sa busy na din ito sa trabaho.Ngayong gabi nga ay paalis ako dahil pinagbigyan ko ang pangungulit ni Marcus na lumabas kami at mag-date. I just wore a simple black mini dress na tinernuhan ko ng pulang stilletos. Sleeveless ito at sakto lang ang v- cut nito sa dibdib dahil ayaw ko naman na masyadong revealing ang isusuot ko sa gabing ito. Eversince the tragedy ay nahilig na ako sa kulay itim. Maybe because I have a dark past at ito din marahil ang dahilan kung bakit Blanca ang tinawag sa akin ni Mama Sandra.Lahat kami sa organisasyon ay gumagamit ng fake identities. Ang dahilan? Para kung sakaling magsimula kami ng bagong buhay ay walang anumang bahid na makikita sa tunay naming katauhan.By birth, ako si Ria Celestine Alonzo, pero matagal ng nakalimutan ang pangalan na iyon. Still missing as per records dahil nakaligtas siya sa sunog na pumatay sa magulang at sa nag-iisang kapatid niya 12 years ago. Walang makapagsabi kung buhay pa o patay na. Tunog ng intercom ang gumising sa aking diwa na nagbabalik-tanaw sa sinapit ng pamilya ko. Agad ko iyong pinindot nang makitang galing iyon sa reception ng condo na tinutuluyan ko.“Hello Ms.dela Riva, Mr. Marcus Ace Thompson is here to see you.” Anang tinig sa kabilang linya.“I’ll meet him downstairs, thank you!” sagot ko naman ditoHuminga muna ako ng malalim at saka ko dinampot ang pulang clutch bag ko.‘Simula na ng laban, Blanca. ‘ bulong ko sa sarili at saka ako naglakad palabas ng unit.Pagbukas ng elevator ay ang nakangjting mukha ni Marcus ang sumalubong sa akin.He was wearing his three piece suit na kulay dark blue kaya naman lalo siyang gumwapo sa paningin ko. I can smell his familiar scent kahit pa medyo malayo pa ang distansya namin and I can tell that it is really addicting.“Good evening Blanca.” bati nito sa akin kaya tumango lang ako. “ Shall we?” anito at inilahad ang braso niya. “Okay.” tipid na sagot ko at saka ako humawak sa braso niya.Paglabas namin ng condo ay naghihintay na ang sasakyan niya sa tapat. Inihatid niya ako sa passenger seat at dumukwang para ayusin ang seatbelt ko kaya lalo akong kinapos ng hininga. “Thank you!” sabi ko pa dito bago niya isinara ang pinto at umikot papuntang driver seat.Pagkabuhay niya ng makina ng sasakyan ay agad niya itong pinaandar. Hindi ko naman alam kung ano ang plano niya sa gabing ito kaya minabuti ko nalang na huwag ng magtanong.“Thank you pala sa pagpayag mo.” sabi niya habang deretso ang tingin sa tinatahak naming kalsada.“Well ayoko kasi na nagkaka-utang.” biro ko dito kaya naman napangiti siya.“ Nasaan nga pala ung tatlong kaibigan mo? Nasa condo ba sila?” tanong nito na bahagya pang lumingon sa akin.“Wala sila dito dahil may inaasikaso sila.” sagot ko naman kaya tumango lang siya.“And how about your wound? Okay na ba?” tanong muli niya.“Yup. It’s already healing. Hindi na siya ganun kasakit.” I answered habang nakatingin lang din ako sa daan.“That’s great. I mean, hanggang ngayon I couldn’t thank you enough for what you did for my sister.” seryosong sabi niya.“Wala naman yun. Kahit naman sino I think ganun din ang gagawin. I’m just lucky na hindi ako napuruhan.” Tumango lang siya pagkatapos ay itinuloy na ang pagmamaneho.Sa isang fine dining Italian restaurant kami napadpad at syempre pa todo alalay naman sa akin ang binata, mula pagbaba ng sasakyan hanggang paglalakad. Kung di ko lang alam ang likaw ng bituka nito iisipin kong gentleman talaga siya.‘Sus, aminin mo na, naaapektuhan ka. Amoy pa nga lang niya kinikilig ka na eh’ nag-aaway na kami ng inner self ko sa mga pinagsasasabi niya kaya nagulat ako ng magsalita ang waiter na nasa pinto.“Good evening sir, ma’am, any reservation po?” “Table for two under Mr. Thompson.” sagot nito. Nagulat pa ako ng umakbay siya sa akin at ng mag-angat ako ng ulo ay nakita kong nakasimangot ito sa waiter.“Ah yes sir, this way please!” sabi ng waiter at saka nagpatiuna na para ihatid kami sa table.“Asshole!” bulong ni Marcus kaya nakakunot ang noo na binalingan ko siya ng tingin.“Are you okay?” tanong ko “I’m sorry, ayaw ko lang na tinititigan ka ng ganun.” sagot nito at saka ako iginiya para sumunod sa waiter.‘Ano daw? Uy possessive!’ ayan nanaman ang bulong kaya napa roll eyes nalang ako.Agad kaming inasikaso ng waiter pagka upo namin ni Marcus. We ordered our food and waited hanggang mai-serve iyon. Pinag-aaralan ko naman ang kaharap ko pero mukhang okay na siya at hindi na lukot ang mukha. Napatingin pa ito sa akin at nagtaka.“What?” tanong niya kaya napatawa nalang ako ng mahina. “Hindi na kasi lukot ‘yang mukha mo, di gaya kanina.” asar ko sa kanya.“Kumain na lang tayo.” iling niya na iniiwasan ata ang topic. Masarap ang pagkain and I must say na nagustuhan ko ang mga iyon. We are drinking our wine when he cleared his throat.“Ahm, Blanca, may gusto sana akong sabihin sa’yo.” pinigil ko pang matawa dahil ang tingin ko sa kanya ngayon ay isang high school student na namumula sa harap ng crush niya.“Ano yun?” “I know hindi maganda yung first meeting natin and the second one, well it’s not that pleasant also since ganun ang nangyari sa inyo ng kapatid ko, but I would still want to push my luck and ask you if,” huminga pa siya ng malalim “ I would like to ask if you’re with somebody?” “You mean, boyfriend?” derechong tanong ko at tumango lang siya sabay lagok ng wine niya na kala mo nahihiya. Why do I find it cute, though.“Well, wala akong boyfriend. Never pa akong nagkaron.” which is true dahil hindi talaga ako nagkaroon ng pagkakataon dahil mas pinili kong tutukan ang training at mga misyon ko.“You’ve got to be kidding me!” hindi makapaniwalang iling niya.“I’m serious.” kibit balikat kong tugon habang umiinom padin ng wine.“Wow!” I mean sa ganda mong yan? Really?”“ Ganun talaga. Eh ikaw, ilan na ba nagiging girlfriends mo?” balik ko sa kanya kaya natahimik naman siya.Alam ko naman kasi na hindi siya nakikipagrelasyon pero inabangan ko pa rin ang isasagot niya sa tanong ko.“Let’s just say na I distanced myself from commitments after a failed relationship before. Since then ayaw ko ng magmahal. I do flings and stuff like that but I never wanted to enter into a serious one again.” mahabang kwento niya habang nakatingin sa wine glass at iniikot ikot ‘yon.“Not until I met you..” Sinalubong niya ang mga mata ko. I don’t know but I can see sincerity and longing in those beautiful eyes. Napalunok ako at nagbaba ng tingin while my heart is slamming my chest real hard. Hindi ko alam kung ganito ba ang ginagamit niyang teknik para makuha ang babaeng natitipuhan niya. With those flowery words I’m sure that every woman she meet will melt in front of him.“I really want to know you better, Blanca. I just hope you give me a chance.”Shall I rejoice now?Mitchell Blake ThompsonIt is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan.Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family.“Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom.Even at their age they still look good together and are still in love with each other.“Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse.We grew up with her cooking and she is the best!“Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalaga
RiaMabilis na umikot ang panahon at masasabi ko na ang buhay may asawa at pamilya ay hindi naging madali para sa amin ni Marcus.Marami kaming pagsubok na pinagdaanan pero lahat iyon nakaya namin dahil hindi namin binitawan ang kamay ng isa’t isa.Linggo ngayon at gaya ng nakasanayan namin, araw ito ng pamilya. Mamaya lang iingay na ang paligid sa pagdating ng mga anak namin.Nakaayos na ang mesa sa labas ng pool. Kakatapos lang mag-ihaw ng kasambahay ng barbeque dahil iyon ang request ng panganay kong si Mitchell. He is already 28 years old at siya na ang nagma manage ng TGC pagkatapos ng training niya with his Dad. Gusto na rin daw kasing mag retire ni Marcus at mag enjoy nalang sa buhay kasama ako since malalaki na daw ang mga anak namin.Marcus also trained Martin and at the age of 25 ay katuwang na ito ng kuya Mitchell niya sa kumpanya.Hindi naman linya ni Mason ang business and we just let him be. Kung ano ang gusto ng mga anak namin ay susuporthan namin. He is already working
MarcusI was pacing back and forth sa harap ng operating room kung saan ipinasok si Ria. She is already scheduled for a Caesarian Section this day dahil ayon sa doctor, baka mahirapan daw siya if we would wait for a normal delivery.“For God’s sake, Marcus, sit down! Kanina pa ako nahihilo sayo!” sita naman sa akin ni AvaKasama ko si Nanay Dang ng dalhin ko sa ospital si Ria. On our way tinawagan ko ang mga kaibigan niya at agad naman silang dumating.Nagkataon kasi na nasa labas sila ng mansion at may inasikaso sa site. Hindi ko naman na hinayaang sumama si Mama Sandra dahil na rin sa kundisyon niya.My family grew instantly sa pagdating nila and I really don’t mind at all. The mansion is too big at mas napapanatag ako pag alam kong may nakakasama ang mag-iina ko.Idagdag pa si Tatay Teban, si Nanay Dang at si Arthur, na nagsisimula na ding mag-aral at abutin ang pangarap niya. Tatay Teban worked diligently sa greenhouse and I can say na malaki ang naitulong ng kaalaman niya kaya l
RiaHindi na ako makapaghintay na makita uli ang pamilya ko lalong lalo na ang kambal. Sobrang miss na miss ko na sila. Cleared naman na daw ako sabi ng doctor at pwede na akong bumyahe kaya naman kinausap ng asawa ko si Tatay at Nanay. Napagpasyahan nila na bukas na sumunod sa Maynila dahil aayusin pa nila ang ibang gamit na maiiwan nila. Tinawagan na ni Marcus si Joseph para bigyan ng instructions kung saan susunduin sila Tatay at Nanay.“Mag-iingat kayo ha!” bilin ni Nanay sa amin ng palabas na kami sa kwarto. May helipad naman ang ospital kaya dito na kami susunduin ng chopper“Hihintayin ko kayo Nay, Tay. Darating po bukas si Joseph para sunduin kayo ha!” naisip ko kasi na baka magbago ang isip nila“Darating kami, anak!” pagtitiyak naman sa akin ni TataySabay sabay na kaming sumakay sa chopper. Napahinga ako ng malalim habang hawak ang kamay ni Marcus. Ilang saglit nalang makikita ko na sila.“Are you okay? Hindi ka nahihilo?” may pag-aalala sa tinig ni Marcus pero agad k
RiaNakaupo ako sa labas ng bahay ng hapon na iyon. Kakatapos lang namin magluto ni Nanay at namahinga muna kami bago mag tanghalian.Hinihimas ko ang tiyan ko. Sabi ni nanay, malaki daw ito pero hindi naman masabi kung ilang buwan na nga ba.Iniisip ko na sana magbalik na ang alaala ko dahil nung mga nakaraan ay panay ang pagsingit ng mga mumunting alaala sa isipan ko. Hindi nga lang ito malinaw pero umaasa ako na sana maging maayos na din ang lahat.Patayo na sana ako ng matanaw ko si Arthur na paakyat sa daang ginawa ni Tatay Teban.“Nay! Tay! Umuwi na po si Arthur!” masayang tawag ko “Ano ba kamo?” sabi ni Tatay na lumabas na din mula sa kubo“Si Arthur po paparating. At may mga kasama po siya!” ulit ko ditoLumabas na din si Nanay at tinanaw ang daan.“Aba’y oo nga! Batang yan! Bakit biglang umuwi e Martes palang naman ngayon?” may pagtataka sa tinig ni nanayNg makalapit na sila ay naagaw ang pansin ko sa lalaking nasa likod ni Arthur. Nagulat ako sa biglang pagtibok ng puso k
MarcusIsang buwan na at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kung nasaan ni Ria. Pati ang organisasyon na kinabibilangan niya dati at hindi matukoy kung nasaan siya.Halos mapatay ko si Floyd ng mahuli siya nila Zues pagkatapos ng ginawa niyang pagtatangka sa buhay ng mag-iins ko. Tahimik lang niyang tinanggap ang lahat ng suntok at mura ko sa kanya. Wala din siyang idea kung nasaan si Ria dahil nanlaban daw ito at natakasan siya.We could not track her dahil ipinasa niya pala kay Maegan ang tracker na ibinigay ni Ava sa kanya.Halos manlumo ako ng makita ko ang nasusunog na bahay. I first thought that my kids ang Ria is inside. Pinigilan lang ako ni Zues at ng mga kaibigan ko na pasukin ang bahay dahil baka pati ako mapahamak.Napaupo na lang ako at napaiyak sa maaring sinapit ng mag iina ko. Not until Ava said that may nasasagap siyang signal sa tracker ni Ria.Agad namin iyon sinundan at nakita ko na nagtatago sa likod ng isang batong malaki ang kambal. Mitchell was hugging he