Share

Chapter 5

Sophia

Isinama ako ni Ma’am Andrada sa isang opisina pagdating ko ng umaga na iyon. I tried to be normal kahit pa hindi ganun ang nararamdaman ko dahil na rin sa sobrang pagkalito ko sa mga ikinikilos ni Sir Hendrix.

“From now on, dito ka mag- oopisina. May pupunta dito na magt train sayo para lalong maging malawak ang kaalaman mo.” Ma’am Andrada explained. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko dahil sa totoo lang nabibigla pa rin ako.

“Ma’am?” sabi ko dito na may bahid ng pagtataka

“Yes, Ms. Angeles? May problema ba?” 

“Wala po bang sakit si Sir?” nilakasan ko na ang loob ko dahil kailangan kong makahanp ng kasagutan sa mga tanong ko

“Sakit? Ano naman ang magiging sakit ni Sir eh ang lakas lakas nga nun?” nagtatakang tanong din ni Ma’am.

“Kasi Ma’am, para po siyang may tililing? Hindi po kasi normal yung mga kinikilos niya, lalo na po sa akin!” paliwanag ko dito at medyo hininaan ko pa ang boses ko dahil baka mamaya sumulpot na naman si kabute at mayari ako.

Kabute! Tama! Yan ang itatawag ko sa kanya simula ngayon dahil paramg ganun siya.

“Bakit ano ba ang kinikilos niya sayo?” 

Napahinga ako ng malalim at saka ko sinabi lahat kay Ma’am ang nangyari kahapon hanggang kanina.

Nagulat ako at natawa pa siya kaya napailing ako. Diyos ko lahat ba ng mga tao dito may sayad?

“Mabait si Sir Hendrix. At sa tingin ko, may nakikita siyang espesyal sayo kaya ganun ang ginagawa niya.”  paliwanag ni Ma’am pero hindi naman ako naniwala

“Ma’ am sa totoo lang po, sinabi niya na gusto niya ako! Hindi po normal yun dahil kahapon lang naman po kami nagkakilala!” kontra ko sa kanya

“E kung sinabi niya na gusto ka niya, gusto ka niya. Alam mo kasi yang si Sir, hindi yan mahilig sa pasakalye! Pwes, nasa sayo naman na din yun iha kung gugustuhin mo din siya o hindi!” sagot ni Ma’am

Nawalan na ako ng pag-asa. Wala na ata akong makakausap na matino sa kumpanyang ito. At mali pa ata ako ng taong nilapitan dahil mukhang kampi naman ito kay Sir.

Nagulat kami ng out of the blue ay sumulpot si kabute. Nakangiti pa ito sa akin kaya para talaga akong kinilabutan.

“Is everything okay, mi amor?” tanong nito kaya nasapo ko na lang ang noo ko.

Diyos ko ano ba talaga ang gustong palabasin ng tao na ito.

“Sir magre resign na po ako!” bigla akong napatayo sabay kuha ng mga gamit ko. Hindi ko na talaga kaya. Baka magaya ako sa kabuteng ito na masiraan din ng ulo pag di ako umalis ngayon din

“Okay sure!” sagot nito kaya naman napatunayan ko na may sabak talaga ito sa ulo

“Aalis na po ako Ma’am.” sabi ko pero hindi naman ito sumagot

Magaaply na lang ako sa ibang kumpanya. Hindi ko tatagalan ang ganitong klase ng working environment.

“The moment you step out of my company, sisiguraduhin ko na walang kahit anong kumpanya ang tatanggap sayo, mi amor.” 

Nilingon ko si Kabute saka ko siya tinignan ng masama. 

“Ano ba talaga ang gusto mo Sir? Sinabi ko naman sa inyo na gusto ko lang mag trabaho. Na may pamilya akong binubuhay! Bakit niyo po gagawin sa akin yun?!” inis kong tanong sa kanya pero nanatili lang itong composed na para bang walang ginagawang malim

“ Leave us, Mrs. Andrada!” utos nito at agad namang sumunod si Ma’am. Ni hindi nga ako tinignan

“You are now working here! I am giving you the opportunity! And yet you dare to resign?” 

galit na sabi nito kaya naman nakaramdam ako ng bahagyang takot. Pero hindi naman ako nagpatinag sa kanya

“Kaya nga po Sir. Kung gusto niyo po na manatili ako dito, pabayaan niyo po akong magtrabaho ng maayos.” medyo bumaba na ang boses ko kasi kung aalis ako dito wala naman pala akong mapapasukang iba dahil sa banta niya

“Wala akong ginagawa mi amor. I’ m just making sure na okay ka dito.” katwiran niya

“Isa pa yan sir, utang na loob naman, tigilan niyo po ako sa kaka mi amor niyo!” nakaramdam nanaman ako ng inis kaya hindi ko mapigilang sumigaw.

“Ang dami namang bawal sayo! Baka naman pati yakapin at halikan ka, bawal din!” nakangisi niyang sabi kaya naman napaatras ako

“ Bakit mo naman gagawin yun?” tanong ko 

Napaatras uli ako ng unti unting lumapit sa akin ang guwapong kabute! Ay pucha! Saan naman galing yung gwapo?

Dead end! Naramdaman ko na ang pader sa likod ko kaya naman wala na akong mapuntahan. Inilagay ni kabute ang dalawang kamay niya sa gilid ng mukha ko kaya para niya akong kinulong.

“Hindi ba sinabi ko na sayo, na gusto kita. No! I have been loving you for so long! Hinayaan kitang maabot mo muna ang pangarap mo at ngayong narating mo na ang gusto mo, pwede mo na siguro akong isali sa buhay mo?”

Ewan ko ba at bakit pakiramdam ko nangangatog ang tuhod ko sa ganitong ayos namin pati narin sa pinagsasasabi niya. Napaisip tuloy ako. Matagal na ba niya akong kilala? 

“Hindi kita maintindihan?” nag angat ako ng paningin at nakita ko ang magagandang mata niya na nakatitig sa akin.

Our gazes locked. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kumakabog ang dibdib ko. Kanina naiinis ako pero bakit ngayon, kinakabahan ako.

Hinaplos niya ang pisngi ko pero hindi ko magawang kumurap. Hanggang sa unti unting bumaba ang mukha niya sa akin. 

Hahalikan niya ako. Kailangan kong tumanggi. Kailangan kong umiwas. Pero bakit nanigas ata ang katawan ko.

Tok! Tok! Tok!

“S**t!” pagmumura ni Hendrix. Tumingin uli siya sa akin at akmang hahalikan ako pero bahagya ko na siyang tinulak.

“ Kabute may tao!” sa sobrang lito ng isip ko at idagdag pang may katok ng katok sa labas kaya yun ang nasabi ko. Napapikit nalang ako sa katangahan ko.

“Kabute?” takang tanong ni Sir pero tinulak ko na siya. 

“ May tao nga!” pinandilatan ko ito ng mata kaya naman natawa lang siya.

Umupo ako sa upuan ko saka inayos ang sarili habang binuksan naman ni Kabute ang pinto.

“ Ano bang meron at ang tagal buksan ang pinto?” nakataas ang kilay na sabi ng babaeng pumasok.

Matangkad ito, morena at may maiksing buhok. Naka bodycon dress ito na hapit sa katawan at masasabi ko na bagay sa kanya iyon. Maganda siya pero mukhang m*****a.

Nagpalipat lipat pa ang tingin niya sa amin kaya pinamulahan tuloy ako ng mukha. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isip niya kaya mas pinili ko na lang yumuko.

“Coleen, this is Sophia. Turuan mo siya sa mga dapat niyang malaman. Train her to be the best!” utos ni kabute sa tinawag niyang Coleen

“Oh!! So she is the Sophia!” nakangiting sabi ni Coleen kaya napa angat ang ulo ko mula sa pagkakayuko.

“Aalis na ako. Take care of her!” bilin pa nito

“Bye!” sabi naman nito pagkatapos ay tumingin sa akin

“ You really are damn beautiful!” sabi ni Coleen kaya agad akong napatayo

“Ms. Coleen, sorry po. Pero po baka matulungan niyo po akong maka alis dito! Tinatakot po kasi ako ni Sir!” sumbong ko dito

Ngumiti lang naman siya saka naupo sa upuang nasa harap ng mesa ko.

“ Natatakot ka ba sa pinsan ko?” tanong niya

Diyos ko! Talaga ba? Mag pinsan pala sila? 

Nanghihina akong napaupo sa upuan dahil mukhang lahat ng tao sa paligid ko ay kabilang sa Team Kabute. May aasahan pa ba ako? Nakalimutan kong pag aari nga pala niya ang kumpanyang ito so malamang lahat dito, under niya.

“Di naman na po kasi normal ang ginagawa niya, Ms. Coleen.” napilitan na akong magsabi dahil nasimulan ko na

“ Well, ganyan talaga si Hendrix. I mean, sa pagiging negosyante niya, hindi uso sa kanya ang mabagal. Hindi pwede sa kanya ang mahina. He is not into beating around the bush.” paliwanag niya

Nanatili lang naman akong nakayuko at nakikinig sa kanya.

“Kapag sinabi niyang he is into you, totoo yun. Dahil si Hendrix, hindi ko pa yan nakikitang mag-effort sa babae. Kadalasan babae ang lumalapit sa kanya!” kwento nito

“ Dapat ko bang ikatuwa yun?” napailing ako sa sinabi ni Coleen

“Nasa sayo naman yan. I advice you Sophia, kilalanin mo si Hendrix, malay mo magustuhan mo din siya! Kung hindi naman, I think matatanggap naman niya iyon. But for now, why don’t you give him a chance! Pwede ba?” 

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Ms. Coleen. 

“Okay! Enough of Hendrix. Let’s go. May pupuntahan tayo!”  aya niya sa akin

“Saan po?” tanong ko habang inaayos ang gamit ko sa bag

“Hey! Hindi pa ako matanda para mag po ka okay! I’m only 28. Just call me Coleen.” sabi niya in a friendly voice

Tumango naman ako! Mukha namang mabait si Coleen. Kahit papano may makakausap akong matino at sa tingin ko naman makakasundo ko siya.

Sumakay kami ng executive elevator pababa sa basement. Sumakay kami ng kotse niya at saka umalis sa kumpanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status