Sophia
Isinama ako ni Coleen sa isang showroom na panay designs ng Bella ang nakadisplay.Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mga damit. Umasa ako na sana isang araw makasama dito ang mga desgns ko.“Ang gaganda nila Coleen!” masayang sabi ko habang isa isang hinihipo ang mga damit. Pati ang mga tela nila ay hindi basta basta kaya naman hindi din basta basta ang presyo ng mga ito.“Draw your inspiration from this, Sophia. By the looks of it alam mo na kung anong klaseng mga damit ang nasa production ng Bella.” sabi nito Hinayaan ako ni Coleen na maglibot. Panay naman ang kuha ko ng mga detalye ng damit para kahit papano magkaroon ako ng idea. Isang oras ang ginugol ko doon para mapagaralan ang mga damit. “Okay ka na?” tanong nito ng lumapit ako sa kanya“Oo Coleen, maraming salamat!” sabi ko ditoBumalik na kami sa kotse at pinaandar niya ulit yon. “I saw your designs and I’m impressed! Tama si Hendrix, magaling ka at malaki ang potential mo.” masayang sabi sa akin ni Coleen habang nagmamaneho“ Marami pa akong dapat matutunan.” sagot ko naman dito“Oo naman, marami pa talaga. But don’t worry! I know Hendrix will do everything! Trust him!” pagbibida nito sa pinsan“Naguguluhan lang ako sa kanya! Feeling ko tuloy may sayad sa ulo yun!” matapat na sabi ko kay Coleen.Tumawa lang naman siya. “Kasi sinasabi niyang gusto ka niya, ganun ba?” tanong niya kaya napatango ako“Sabi niya matagal na niya akong minamahal? Ano kaya ang ibig sabihin nun? Edi may sayad!” napailing ako kaya mas lalaong tumawa nsi Coleen“Sorry ha! Alam ko naman na pinsan mo siya kaya lang kasi di ko siya maintindihan!”“Let me tell you a secret!” sabi nito saka seryosong nagkwento sa akin. “Me and Hendrix is close dahil sa kanila na halos ako lumaki. Ang alam ko, may nagustuhan siyang babae, kaso yung babae, mas bata sa kanya at hindi pa daw handa para sa kanya kaya ayun, he loved her from afar.”“Talaga? E nasaan na yung babae?” tanong ko naman“Hulaan mo?” anito habanag nanatiling nakatingin sa daan“Coleen naman. Hindi ko alam kaya nga tinatanong kita!” sabi ko naman dito dahil wala talaga akong ideaNakangiti itong tumingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko.“Ask yourself!” sabi niya pa“Coleen naman!” medyo nabibitin ako sa chika niya“Basta yun lang ang alam ko!” sabi nito kaya nagkibit balikat na lang ako. Mukhang ayaw naman kasi niyang magsalita.Bumalik agad kami sa opisina at sinabihan ako ni Coleen na magdesign. Mamayang gabi daw ay isasama niya ako sa isang event para manuod ng launching ng mga damit para mas magka idea ako.Umalis din naman siya agad dahil may lunch meeting daw ito kaya naman sinunod ko ang gusto niya. Nagsimula akong gumuhit ng mga disenyo ng damit.Nalibang ako at hindi ko na namalayan ang oras kaya nagulat ako ng mag ring ang phone ko. Nakita ko na si Trevor ang tumatawag.“Hello Trev!” masayang bati ko dito“Kumain ka na ba?” tanong nito kaya bigla akong napatingin sa relo koAlas dose na pala ng tanghali!“Hindi pa Trev! Ngayon palang. Bakit?” tanong ko habang nililigpit ko ang gamit ko. May baon naman ako kaya dito na lang ako kakain.“Nandito ako sa baba! Tara na! Sabay na tayo!” Aya niya sa akin. “May baon ako Trev! Sayang naman to!” tutol ko dahil ayaw na ayaw ko talagang nagsasayang ng pagkain. Turo kasi iyon ni nanay sa amin.“Tara na! Mamaya mo na lang kainin yan! Aantayin kita, bilisan mo!” utos pa niya sa akin kaya napilitan na akong pumayag. Hindi naman kasi hihinto itong lalake na to.“Okay sige! Antayin mo ko dyan!” Iniwan ko na ang bag ko at tanging phone ko lang ang dala ko. Palabas na sana ako ng bigla kong makita sa labas ng pinto si Kabute.“Sir?” nagtatakang tanong koAgad naman nitong kinuha ang kamay ko at hinila nanaman ako papasok ng opisina niya.“ Sir naman eh! Hila ka nanaman ng hila!” inis na sabi ko dito“Lunch na. Kakain ka nanaman ng malamig! May pagkain na dito, kumain na tayo!” sabi niya saka niya isinara ang pinto“Sir hindi po pwede. Hinihintay po ako ni Trevor sa baba. Kami po ang sabay na kakain!” tanggi ko dito pero tinaasan niya lang ako ng kilay“Hindi kita pinapayagan, mi amor!” sabi nito at pilit akong pinaupo sa upuan“Sir naman! Naghihintay po yung kaibigan ko. Nakakahiya po!” talagang pinakita ko na naiinis na ako“ Sa kanya nahihiya ka pero sa akin hindi?” Nakita ko na kinuha nito ang phone niya saka nagtipa ng nagtipa doon. Hindi naman ako kumikilos at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Inihagis nito ang phone sa sofa at saka inayos ang pagkain. Surprisingly, hindi galing sa resto ang mga iyon. Ang tingin ko nga mga lutong bahay ito. Nabaling naman ang atensyon ko ng magring ang phone ko. Si Trevor! Baka nainip na ito sa paghihintay sa akin.“Trev?” sabi ko dito “ Hindi na pala kita masasamahang mag lunch! Biglaan ang pagtawag sa akin ng agency!” malungkot na sabi niya“Ah okay! Ganun ba! Sige Trev! Mag ingat ka!” Bilin ko naman ditoNapatingin ako kay Kabute na deadma lang naman sa mga narinig.“ May kinalaman ka ba dun?” tanong ko at konti na lang talaga mauubos na ang pasensya ko dito“Ha?” kunwari naguguluhang sabi niya saka siya naglagay ng kanin sa plato ko.“I cooked this for you, mi amor! Sana magustuhan mo!’ nakangiti niyang sabi sa akinNaramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Ganito kasi ako pag naiinis. Sa iyak ko idadaan kaya nabigla naman ito at tumabi sa akin.“ Why? May masakit ba sayo? Are you sick? Tell me, mi amor!” aniya kaya lalo akong napahikbi“ Sir utang na loob naman! Tigilan mo na to! Nahihirapan na po ako!” sabi ko sa kanya habang patuloy akong lumuluhaNapabuntong hininga na lang ito. Pagkatapos ay tumayo at naglakad papunta sa glass wall ng opisina. Humarap ito doon at namulsa.“ You still don’t get it, mi amor! Gusto ko lang mapalapit sayo! Gusto lang kitang makasama! Mahirap bang intindihin yun?” mahinang sabi niya pero sapat para madinig ko“I have been waiting for you. Longing for you.” dagdag pa niyaHindi ko alam kung bakit parang biglang may humaplos sa puso ko sa mga binitiwan niyang salita. Para naman akong naawa sa kanya kaya napahinga na lang ako ng malalim.“T-tara na! Kumain na tayo!” sabi ko sa kanyaHindi naman ito kumilos at nanatiling nakatalikod lang sa akin.“ Kain na tayo. Please?” ani ko. Nakita ko ang dahan dahang paglingon niya pagkatapos ay ngumiti. Bigla na namang tumibok ang puso ko ng pagkabilis bilisAgad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kubyertos. Masaya na uli ang awra ng mukha niya.“Ikaw ba ang nagluto nito?” tanong ko sa kanyaTumango siya saka ngumiti.“Yes, mi amor! Magaling akong magluto kaya hindi ka magugutom sa akin!” Hindi ko na lang pinatulan ang sinabi niya. Sa ngayon kailangan kong sakyan ang mga trip niya. Kailangan ko ng trabahong ito. Ito ang nakikita kong paraan para maka ahon kami sa hirap. Gusto ko mag aral ulit ang kapatid ko. Gusto kong mabigyan ng kumportableng buhay si nanay at ang pamangkin ko.Sa ngayon, pakikisamahan ko na muna itong si Kabute dahil gaya ng sabi niya, wala akong mapapasukang iba pag umalis ako dito.“Napipilitan ka lang ba?” biglang tanong niya kaya naman bumalik ako sa huwisyo.“Hindi. Cge na kumain na tayo!” sabi ko saka pilit akong ngumitiMasarap ang mga pagkain at kung totoo nga na siya ang nagluto, magaling talaga siya. Marami akong nakain kaya halata naman ang tuwa sa mukha niyaPagtapos kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan namin. Inayos ko na ito saka ako nagpaalam sa kanya.“May lakad kayo ni Coleen mamaya?” tanong niya pagtapos kong magpaalam“Opo sir. Isasama po niya akong manuod ng Fashion show” paalam ko dito“Ako na ang maghahatid sayo dun. Para makapag dinner muna tayo sa labas.” sabi niya“Wag na po sir. Si Ms. Coleen po ang kasama ko.” tanggi ko at nalukot na naman ang mukha ng lalake“Ako ang boss ni Coleen. Ako ang masusunod!” bossy niyang sabi kaya hindi ko mapigilang mainis nanamanNapapikit ako! ‘kalma! kalma! pakisamahan mo nga diba?’ bulong ng isip ko“Sige po sir! Kayo po ang bahala!” sabi ko na langTumayo ito at lumapit sa akin. Napapikit ako ng haplusin niya ang mukha ko. “You are so beautiful, mi amor! Akin ka lang, you understand?” bulong nitoSinapo niya uli ang mukha ko sabay halik sa noo ko. Hindi na naman ako nakagalaw. “Can I kiss you, mi amor?” tanong niya sa akin. Napatingin ako sa mata niya. Nakita ko duon ang pagsamo at ang pananabik. Hindi ako nakakibo kaya tumango naman siya.“It’s okay, mi amor! Pag handa ka na I will devour your lips!”Sophia“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy happy birthdayHappy birthday to you!” “Mommy, blow your candle and make a wish!” inilapit sa akin ng bunso kong anak na si Hera Armida ang cake na dala dala niya.I closed my eyes and made a wish. Well wala naman na akong ibang mahihiling pa sa buhay. My life is of course not perfect but it is good.Biniyayaan ako ng mabait at mapagmahal na asawa at mga anak na very succesful na din sa mga karera nila. And of course our friends and family na laging nandyan para sa amin ni Hendrix for support.I blew the candle at isa-isa akong niyakap ng mag-aama ko.“I love you!” Hendrix said and he kissed my lips at agad ko naman sinagot iyon. Nadagdagan man ang edad namin ni Hendrix, pero hindi kailanman nagbago ang sweetness namin sa isa’t isa.“Oh my God, kuya, let’s go!” narinig kong sabi ni Hera kaya natawa naman si Hendrix“Hindi ka pa nasanay kay Mom and Dad!” sagot naman ni Helious “Isa pa mahirap iwanan yang
HendrixSophia is already on her ninth month kaya naman todo bantay kami sa kanya ngayon. Umuwi ang inay Fely niya para may makasama si Manang Sabel sa pagbabantay dahil paminsan minsan kailangan kong pumasok sa opisina.The nursery room of our baby boy is already ready and we personally designed it. Kumpleto nadin ang mga gamit niya at tanging ang paglabas na lang niya ang inaabangan namin.Hindi ko mapangalanan ang sayang nararamdaman ko. My son is about to come and I feel really excited.Bago ako umuwi from my meeting ay dumaan muna ako sa sementeryo para dalawin ang anghel namin ni Sophia.It has been a habit for us na dalawin siya twice a month pero ngayon ay mag-isa lang ako ngayon since malapit ng manganak ang mommy niya.“Hi baby!” masayang bati ko pagkalapag ko ng bulaklak sa harap ng lapida niya saka ko sinindihan ang baon kong kandilaTinanggal ko ang ilang tuyong dahon sa paligid nito at saka ako nag- alay ng dasal para sa kanya.“Malapit ng manganak ang mommy kaya hindi k
SophiaI immediately flushed the toilet pagkatapos kong sumuka ng sumuka ngayong umaga. Within my second month of pregnancy ay sanay na din ako sa ganitong eksena. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Hendrix sa likuran ko. Ganito kami every morning at kahit nahihirapan ako ay tinitiis ko dahil parte ito ng pagbubuntis ko.Inalalayan ako ni Hendrix sa pagtayo and he led me back to our bed.“Mi amor, if you are not feeling well, pwede naman tayong hindi magpunta kina Thompson. Marami pang ibang araw.” May lakad kasi kami ngayon at pupunta kami sa mansion ng mga Thompson para makita ang mga babies ni Marcus at Ria.Doon din kami maglu lunch dahil siyempre pa kumpleto ang barkada nila.“I’m okay, Love. Hindi ka pa ba nasasanay. Mamaya lang okay na ako.” I said dahil ganun naman talaga ako. Magsusuka pero after that okay na. Bukas ulit.“Okay sige. Maaga pa naman mi amor. Dito ka na muna sa kwarto, iaakyat ko na lang yung breakfast.” Eversince I got pregnant, mas lalong naging maasikas
Hendrix “Sigurado po ba kayo Manang Sabel?” hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng mayordoma ko sa akin ng puntahan ko ito sa kusina Sinundan ko siya dito dahil ibibigay ko ang budget para sa pangangailangan ng mansion. Hinahayaan ko na kasi silang mamili para sa mga kailangan namin sa bahay dahil ayaw kong mapagod pa si Sophia. Although ang mga personal naman naming mga gamit ay siya ang bumibili. “Nakikita ko ang senyales sa kanya, Senyor. Pinulsuhan ko din siya at natitiyak ko, buntis na ang Senyora.” Masayang balita nito sa akin Kaninang umaga when I saw the pregnancy test kits na negative ang resulta ay nanlumo talaga ako. Umasa talaga ako na magkakaanak na kami since five days na raw siyang delayed. “Pero manang, negative po kasi ang lumabas sa pregnancy test niya.” “Hindi nagkakamali ang pulso ko, senyor. Kung hindi niyo po naitatanong, dati po akong hilot sa probinsiya. Pero ang pregnancy test, pwede pong sumablay.” “Kaya po ba siya maselan sa pagkain?” nabanggit
SophiaHuminga ako ng malalim bago ko buksan ang pregnancy test kit na dala dala ko dito sa banyo. Dalawa ang ginamit ko para sigurado ang maging resulta nito.Nakakuha na ako ng urine sample kaya naman dinala ko na ito sa sink kung saan ko inilatag ang test kit.“Mi amor! Papasukin mo na ako!” sigaw naman ni Hendrix mula sa labas. Hindi ko muna kasi ito pinapasok sa loob“Sandali!” sagot ko naman habang naghuhugas ako ng kamayAfter drying my hands ay binuksan ko ang pinto where Hendrix is waiting impatiently.“What took you so long! I told you to wait for me!”Tinignan ko ito ng pailalim. Gusto na naman ata ng away ng lalaking ito.“I waited for you!” sagot ko naman kaya nabura ang mukhang aburido niya at nakangiti na naman ito.“Okay!” he said excitedlyKumuha ako ng urine sample at ipinatak ko agad iyon sa test kit. Naghintay kami ng ilang segundo pero nanlumo ako dahil parehong isang linya lang ang lumabas.Automatic na tumulo ang luha ko out of frustration pero agad naman akong
Hendrix Launch na bukas ng Sophia's Collection II, pero heto ako ngayon, nasa bar at umiinom kasama ang apat na itlog. Mabuti na lang pinagbigyan nila ako dahil alam nila na may pinagdadaanan ako. Mag-iisang linggo na kaming hindi nag-uusap ng maayos ni Sophia. Galit na galit siya sa akin dahil sa nakita niya sa opisina ko at naiintindihan ko yun. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi rin nagustuhan ang nangyari at panay pa nga ang sermon sa akin. For the past days, sabay kaming pumapasok at sabay din kaming umuuwi ni Sophia pwera lang kung may lakad siya o ako. Hindi kami halos nag-uusap pag hindi kailangan. Yes or No lang minsan ang sagot niya sa akin at sobra na akong nasasaktan sa nangyayari sa aming mag-asawa. Sabay kaming nag-aalmusal at naghahapunan pero parang wala din akong kasabay. Her cold treatment is already killing me. Hindi ko kaya na ganito kami. Nakatalikod siya pag matutulog na kami and I admit that I miss her so much. I was even thinking of moving the date