Share

Chapter 4

Author: Lianna
last update Last Updated: 2024-03-19 12:47:18

Sophia

“Sir? Huwag kayong magagalit ha?” tanong ko dahil hindi na ako kumportable sa mga ginagawa nito buhat kaninang umaga.

Nakaupo na ako sa harap niya at pinapanuod siyang kumain habang ako? Umurong ata ang gutom ko sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayari.

“Ayaw mo ba ng ulam?” tanong nito habang nakatingin sa akin “ Why are you not eating, Sophia?”

“Sir nagd drugs ka ba? Umamin ka nga sa akin?” medyo natakot pa ako dahil napataas ang kilay nito sa akin at halatang na offend sa tanong ko

“Mukha ba akong addict, Sophia?” halata ang inis sa boses nito pero hindi naman ako nagpatalo

“E bakit ba kasi Sir ganyan kayo kung maka asta? Kakikilala lang natin kanina tapos bigla sasabihin mo na gusto mo na ako? Kung di ka addict sir, malamang may sayad ka!” sagot ko dito 

“You dare tell your future husband those words? I’ m hurt!” anito pero nakangisi naman ito sabay iling

“F-future husband?” natawa ako ng malakas dahil hindi ko talaga mapigilan.

“Grabe ka sir ha!” sabi ko sabay sapo ng tiyan ko dahil sumasakit na iyon sa kakatawa.

Natigil lang ako ng makita ang seryosong mukha niya habang nakatingin sa akin. Tinitigan ko pa ito pero hindi naman nagbago ang mukha niya.

“Laugh all you want but mark my words, Sophia. You will be my wife, kaya ngayon palang masanay ka na sa presensya ko.”

seryosong sabi niya kaya ako naman ang hindi nakakibo

“Now eat! O susubuan kita?” may halong pagbabanta iyon kaya bigla kong nahawakan ang kutsara at napilitang kumain

“Susunod ka din naman pala!” narinig kong sabi niya pero hindi ko na pinatulan. Kailangan lang matapos na kami sa pagkain para umalis na siya dahil sa totoo lang nahihirapan na akong huminga.

Naitawid naman namin ang hapunan at mabilis kong niligpit ang mga ginamit namin. Hindi parin siya tumatayo sa pagkakaupo kaya binalingn ko na siya para pauwiin.

“Hindi ka pa ba uuwi, Sir?” 

“Nagpapahinga pa ako.” sagot nito habang iginagala ang paningin sa apartment

“Your place is too small. I have a condo unit pede kang lumipat dun bukas.” sabi niya kaya inukutan ko siya ng mata

“ Hindi ako aalis dito. Kaya pwede ba Sir, wag mo akong diktahan.” reklamo ko dito

“Hindi kita dinidiktahan. I just want you to be comfortable. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao? That my girl is living in this kind of area?” cool na sagot niya kaya nakaramdam nanaman ako ng pagka irita.

“Hindi mo ako girl, Sir Hendrix! Please naman kailangan ko po ng trabaho. May pamilya po akong binubuhay! Huwag niyo naman gawin sa akin ito!” inis na sabi ko sa kanya

“Wala akong ginagawa, Sophia! Okay fine, I won't interfere with you, living in this, house, if you call this a house! But that won't stop me from pursuing you! Mark my words, mi amor, you will be mine!” sabi nito

Nasapo ko nalang ang batok ko saka ako sumandal sa lababo. Feeling ko ang lalaking ito ang magbibigay sa akin ng alta presyon. 

“Uuwi na ako. Lock the doors, mi amor. I’ ll see you tomorrow!” sabi nito

Akala ko ay aalis na ito pero nagulat ako at nasa harapan ko na ito. Itinukod niya ang dalawang kamay sa lababo, caging me, while looking intently at me.Napigil ko pa nga ang hininga ko dahil sobrang guwapo nito lalo sa malapitan.

His nose is perfect. Ang mga mata niya ay misteryoso at kulay brown with his brows na hindi masyadong makapal at tama lang sa hugis ng mata niya.

His lips are so red. Very kissable and he has a perfect set of white teeth. Mapusok ang mga ngiti nito pero minsan may halong lambing. 

His skin is fair. Lalaking lalaki ang dating.

“Done checking me out?” pilyong ngisi niya kaya bigla akong napakurap

“G-gabi na! Umuwi ka na!” halos pabulong na lang iyon. S**t nasaan ba ang tapang ko?

“Okay, mi amor.” Sabi nito as he cupped my face and kissed my forehead.

Napahawak ako sa lababo dahil para akong mabubuwal sa ginagawa niya. Napapikit nalang ako at hindi ko na nagawang tumutol pa.

“Goodnight! Lock your door!” bilin pa niya bago siya tuluyang lumabas

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko kaya nahawakan ko ito dahil pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko.

‘ano ba ang nangyayari?’ 

Buong magdamag akong hindi nakatulog dahil sa nangyari ngayong araw na ito. Para tuloy ayaw ko ng pumasok bukas pero naisip ko na sayang naman ang opportunity na nasa harapan ko.

Iiwasan ko na lang siguro si Sir. Pero paano ko gagawin yun kung bukas ay nasa malapit naman ako sa kanya? 

Bahala na! Sa ngayon ang malinaw, kailangan ko ng trabaho! 

Kahit kulang sa tulog ay maaga pa rin aking nagising. Naghanda na ako pagpasok dahil ayaw kong ma late at nakakahiya kay Ma’am Andrada dahil sa kanya ako magre report ngayon.

Paglabas ko ng apartment ay nabungaran ko si Trevor na mukhang galing sa jogging.

“Ganda naman!” anito sabay pitik sa noo ko. Sinimangutan ko agad ito kasabay ng pag iling.

“Bagay sayo yang damit mo. Lalo kang gumanda!” sabi pa nito

Tumango nalang ako dito lalo at ayaw kong malaman niya na kay Sir galing ang mga damit. Although alam ko naman na may idea na siya dahil aminin naman natin, hindi ko naman afford bilhin ang mga yun. Inaantay lang siguro niya na ako mismo ang magsabi pero hindi ko na ginawa at lalo lang itong mag aalala sa akin.

“Papasok na ako!” paalam ko dito 

“Hatid na kita sa sakayan!” masayang sabi niya. Tumango nalang ako dahil dati naman na niyang ginagawa ito.

Natanaw ko na ang pilahan ng jeep at sakto namang paalis na yon kaya nagmadali na akong makalapit. Pero hindi pa man, ay nagulat kami pareho ni Trevor ng may pumarada sa gilid namin at tinawag ako.

“Sophia! Get in!” malakas ang boses nito kaya agad akong napahinto dahil kilala ko na ang timbre ng boses na iyon

Ano nanaman ba ang ginagawa niya dito, Diyos ko naman! 

Binunggo ako ni Trevor na halatang hindi nagustuhan ang pagsulpot ni Sir Hendrix sa harap namin.

“Sir! Ano pong ginagawa niyo dito?” pinakita ko ang inis sa mukha ko pero hindi naman ito nagpatinag

“Get in!” sabi na naman nito kaya napatingin ako sa paligid ko

Nagsisimula na kaming umani ng atensyon at hanggang maari ay ayaw ko ng ganitong eksena. Lumingon ako kay Trevor saka ngumiti.

“Sasabay na ako.” bulong ko dito. Umiling ito pero hinawakan ko na lang ang kamay niya

“Okay lang ako!” I assured him kaya wala na itong nagawa at hinayaan lang ako. 

Sa likod sana ako sasakay pero hindi ko naman mabuksan iyon kaya parang alam ko na ang gustong mangyari ni Sir.

Lumipat ako sa harap at bukas nga iyon. Napahinga ako ng malalim saka ako sumakay ng kotse habang nakatingin lang si Trevor sa amin hanggang makaalis kami.

“Masyado naman over protective yang kaibigan mo.”sabi nito habang nagmamaneho pero hindi naman ako sumagot

“Galit ka ba sa akin?” tanong nito pero nanatili akong tahimik

“Okay sorry. Gusto lang naman kitang sunduin, mi amor! Ayaw ko lang na nahihirapan kang mag commute! At ayaw ko rin na pagtitinginan ka ng ibang lalake.” 

“Sir please lang po. Kung pinagt tripan niyo lang po ako, tama na po. Gusto ko lang naman pong magtrabaho!” pakiusap ko dito dahil habang tumatagal hindi ko na kinakaya ang mga ginagawa niya

“ Bakit ko naman gagawin yun? Hindi ba sinabi ko naman sayo kagabi that I will pursue you. Papatunayan ko sayo na malinis ang intensyon ko sayo? I am willing to wait hanggang maging okay ako sayo.” 

“Sir bakit naman kasi ako? Ang dami namang iba diyan! Mas maganda! Mas mayaman! Mas kamahal mahal! Bakit naman ako pa!” Pagmamaktol ko sa harap niya

“Ikaw ang gusto ko period! Maganda ka at wala akong pakialam if you are not rich! I am filthy rich, mi amor so I don’t need a rich girl by my side. You are lovable, I have been loving you from the first time I saw you!” 

Napailing ako dito. Sayang naman itong amo ko. Gwapo, mayaman, sikat pero may sayad!

Hindi na ako nagsalita. Bahala na siya sa buhay niya. Kapag hindi ako nakatiis aalis nalang ako at hahanap ng ibang trabaho. Masyadong pinapasakit ni Sir Hendrix ang ulo ko.

Nakarating kami sa kumpanya at nauna na akong bumaba. Nakakahiya pag may nakakita na kasabay ko sa kotse si Sir. 

Tumapat na ako sa elevator na pang empleyado pero nagulat ako at hinila niya ako papasok sa elevator na exclusive para sa mga boss ng kumpanya.

Isinandal niya ako pagkasara ng elevator at may pinindot siya para hindi iyon umangat.

Nakatingin siya sa mukha ko habang hinahaplos ang pisngi ko.

“Damn! You are so beautiful mi amor! 

He kissed my forehead at ewan ko bakit hindi ko magawang tumutol. Hindi ko man aminin pero nararamdaman ko ang sincerity sa bawat salita na binibitiwan niya.

“Ang tagal kitang hinintay! So please, don’t drive me away. Kaya ko pang maghintay basta alam ko na nandyan ka lang.” bulong nito sa akin

‘ano ba pinagsasabi ni Sir?’ 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Affair Bk.2 Make me Yours   Chapter 77 (BONUS CHAPTER)

    Sophia“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy happy birthdayHappy birthday to you!” “Mommy, blow your candle and make a wish!” inilapit sa akin ng bunso kong anak na si Hera Armida ang cake na dala dala niya.I closed my eyes and made a wish. Well wala naman na akong ibang mahihiling pa sa buhay. My life is of course not perfect but it is good.Biniyayaan ako ng mabait at mapagmahal na asawa at mga anak na very succesful na din sa mga karera nila. And of course our friends and family na laging nandyan para sa amin ni Hendrix for support.I blew the candle at isa-isa akong niyakap ng mag-aama ko.“I love you!” Hendrix said and he kissed my lips at agad ko naman sinagot iyon. Nadagdagan man ang edad namin ni Hendrix, pero hindi kailanman nagbago ang sweetness namin sa isa’t isa.“Oh my God, kuya, let’s go!” narinig kong sabi ni Hera kaya natawa naman si Hendrix“Hindi ka pa nasanay kay Mom and Dad!” sagot naman ni Helious “Isa pa mahirap iwanan yang

  • The Billionaire's Affair Bk.2 Make me Yours   Chapter 76

    HendrixSophia is already on her ninth month kaya naman todo bantay kami sa kanya ngayon. Umuwi ang inay Fely niya para may makasama si Manang Sabel sa pagbabantay dahil paminsan minsan kailangan kong pumasok sa opisina.The nursery room of our baby boy is already ready and we personally designed it. Kumpleto nadin ang mga gamit niya at tanging ang paglabas na lang niya ang inaabangan namin.Hindi ko mapangalanan ang sayang nararamdaman ko. My son is about to come and I feel really excited.Bago ako umuwi from my meeting ay dumaan muna ako sa sementeryo para dalawin ang anghel namin ni Sophia.It has been a habit for us na dalawin siya twice a month pero ngayon ay mag-isa lang ako ngayon since malapit ng manganak ang mommy niya.“Hi baby!” masayang bati ko pagkalapag ko ng bulaklak sa harap ng lapida niya saka ko sinindihan ang baon kong kandilaTinanggal ko ang ilang tuyong dahon sa paligid nito at saka ako nag- alay ng dasal para sa kanya.“Malapit ng manganak ang mommy kaya hindi k

  • The Billionaire's Affair Bk.2 Make me Yours   Chapter 75

    SophiaI immediately flushed the toilet pagkatapos kong sumuka ng sumuka ngayong umaga. Within my second month of pregnancy ay sanay na din ako sa ganitong eksena. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Hendrix sa likuran ko. Ganito kami every morning at kahit nahihirapan ako ay tinitiis ko dahil parte ito ng pagbubuntis ko.Inalalayan ako ni Hendrix sa pagtayo and he led me back to our bed.“Mi amor, if you are not feeling well, pwede naman tayong hindi magpunta kina Thompson. Marami pang ibang araw.” May lakad kasi kami ngayon at pupunta kami sa mansion ng mga Thompson para makita ang mga babies ni Marcus at Ria.Doon din kami maglu lunch dahil siyempre pa kumpleto ang barkada nila.“I’m okay, Love. Hindi ka pa ba nasasanay. Mamaya lang okay na ako.” I said dahil ganun naman talaga ako. Magsusuka pero after that okay na. Bukas ulit.“Okay sige. Maaga pa naman mi amor. Dito ka na muna sa kwarto, iaakyat ko na lang yung breakfast.” Eversince I got pregnant, mas lalong naging maasikas

  • The Billionaire's Affair Bk.2 Make me Yours   Chapter 74

    Hendrix “Sigurado po ba kayo Manang Sabel?” hindi ako makapaniwala sa sinasabi ng mayordoma ko sa akin ng puntahan ko ito sa kusina Sinundan ko siya dito dahil ibibigay ko ang budget para sa pangangailangan ng mansion. Hinahayaan ko na kasi silang mamili para sa mga kailangan namin sa bahay dahil ayaw kong mapagod pa si Sophia. Although ang mga personal naman naming mga gamit ay siya ang bumibili. “Nakikita ko ang senyales sa kanya, Senyor. Pinulsuhan ko din siya at natitiyak ko, buntis na ang Senyora.” Masayang balita nito sa akin Kaninang umaga when I saw the pregnancy test kits na negative ang resulta ay nanlumo talaga ako. Umasa talaga ako na magkakaanak na kami since five days na raw siyang delayed. “Pero manang, negative po kasi ang lumabas sa pregnancy test niya.” “Hindi nagkakamali ang pulso ko, senyor. Kung hindi niyo po naitatanong, dati po akong hilot sa probinsiya. Pero ang pregnancy test, pwede pong sumablay.” “Kaya po ba siya maselan sa pagkain?” nabanggit

  • The Billionaire's Affair Bk.2 Make me Yours   Chapter 73

    SophiaHuminga ako ng malalim bago ko buksan ang pregnancy test kit na dala dala ko dito sa banyo. Dalawa ang ginamit ko para sigurado ang maging resulta nito.Nakakuha na ako ng urine sample kaya naman dinala ko na ito sa sink kung saan ko inilatag ang test kit.“Mi amor! Papasukin mo na ako!” sigaw naman ni Hendrix mula sa labas. Hindi ko muna kasi ito pinapasok sa loob“Sandali!” sagot ko naman habang naghuhugas ako ng kamayAfter drying my hands ay binuksan ko ang pinto where Hendrix is waiting impatiently.“What took you so long! I told you to wait for me!”Tinignan ko ito ng pailalim. Gusto na naman ata ng away ng lalaking ito.“I waited for you!” sagot ko naman kaya nabura ang mukhang aburido niya at nakangiti na naman ito.“Okay!” he said excitedlyKumuha ako ng urine sample at ipinatak ko agad iyon sa test kit. Naghintay kami ng ilang segundo pero nanlumo ako dahil parehong isang linya lang ang lumabas.Automatic na tumulo ang luha ko out of frustration pero agad naman akong

  • The Billionaire's Affair Bk.2 Make me Yours   Chapter 72

    Hendrix Launch na bukas ng Sophia's Collection II, pero heto ako ngayon, nasa bar at umiinom kasama ang apat na itlog. Mabuti na lang pinagbigyan nila ako dahil alam nila na may pinagdadaanan ako. Mag-iisang linggo na kaming hindi nag-uusap ng maayos ni Sophia. Galit na galit siya sa akin dahil sa nakita niya sa opisina ko at naiintindihan ko yun. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi rin nagustuhan ang nangyari at panay pa nga ang sermon sa akin. For the past days, sabay kaming pumapasok at sabay din kaming umuuwi ni Sophia pwera lang kung may lakad siya o ako. Hindi kami halos nag-uusap pag hindi kailangan. Yes or No lang minsan ang sagot niya sa akin at sobra na akong nasasaktan sa nangyayari sa aming mag-asawa. Sabay kaming nag-aalmusal at naghahapunan pero parang wala din akong kasabay. Her cold treatment is already killing me. Hindi ko kaya na ganito kami. Nakatalikod siya pag matutulog na kami and I admit that I miss her so much. I was even thinking of moving the date

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status