Hera
I am examining the dresses in front of me and I guess wala naman akong nakitang mali sa mga ito. Mga order ito ng clients from our last launch which was a huge success lalo at dinaluhan ito ng mga bigating personality around the metro. Nang makuntento ako ay tinawag ko na si Mel, ang secretary ko para maipahanda na ang mga damit for delivery. “Okay na po ba sila ma’am?” tanong niya ng lapitan niya ang rack ng mga damit “Yes Mel, for delivery na yan!” sagot ko sa kanya as I was heading back at my table “Noted ma’am!” sagot niya sa akin saka niya tinulak ang rack palabas ng pinto “By the way Mel, yung mga order nating fabrics, dumating na ba?” tanong ko ulit dito “On the way na ma’am! Kausap ko napo yung logistics.” “Good. Ayokong matambakan ang mga mananahi natin!” sagot ko naman Nang makalabas na si Mel ay nagcheck ako ng mga messages ko. And there is one from Mom. Nasa bakasyon sila ngayon ni daddy at nagsend siya ng picture sa GC naming pamilya. Nasa Bahamas sila ngayon for a vacation and I guess they deserve it. Me and kuya Helious always tell them to go for a vacation lalo pa at malaki na din naman kami. Twenty-four na ako and I work as a senior designer at Bell Dolcezza, ang kumpanya na itinayo ng daddy ko alongside his friends when they were young. Ang kuya Helious ko naman ang nagpapatakbo ng Saavedra Builders, ang construction company ng daddy ko pati na ang ilang negosyo na pag-aari mg pamilya. Masasabi ko na magaling na negosyante si kuya lalo pa at na-train siyang mabuhti ni daddy. Pero ako naman ay sa designing na-linya which is a gift na nakuha ko may mommy and my great lola. ‘Enjoy your vacation!’ I typed those words sa GC saka ko ulit binalikan ang mga papeles na kailangan kong i-review. Hindi ko na mga namalayan ang oras and I saw that it is already six in the evening kaya naman naghanda na ako para makauwi. Isang oras lang naman ang layo ng office sa Saavedra mansion at pagdating ko sa gate ay natanaw ko na nandito ang sasakyan ni Kuya Dylan at ni Kuya Josh. Mukhang may kasiyahan na naman ang mga ito. “Hey! Bakit ngayon ka lang!” bati sa akin ni kuya Helious nang makapasok ako sa loob “May tinapos lang ako ako Kuya. Aalis ka ba?” tanong ko dito dahil baka kaya nandito ang dalawang kababata namin ay para sunduin siya “Hindi. Dito na lang kami iinom! Ayokong lumabas at wala kang kasama!” sagot pa ni kuya sa akin “Ako pa talaga ang ginawang dahilan eh! Siguro may babae ka na namang tinatakasan ano?” biro ko dito kaya sinimangutan ako ni kuya “Wala no! Ano ka ba!” sagot niya pa sa akin “Oo na! Naniniwala na ako na mabait kang kuya!” balik ko sa kanya and he just laughed “Magbihis ka na! La cena è pronta.” utos pa sa akin ni kuya and I just nodded at umakyat na ako sa kwarto para magbihis. (La cena è pronta- dinner is ready) At dahil nakaramdam na ako ng gutom ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto at nakita ko si kuya Dylan na galing sa kwarto ng kapatid ko. Ngumiti sa akin si kuya Dylan pero dahil naiinis ako sa kanya ay tinaasan ko siya ng kilay. “What are you doing there?” tanong ko sa kanya “Ah, natalsikan kasi ng sauce yung damit ko! Nanghiram ako ng shirt sa kuya mo.” Tumango na lang ako at nauna na akong bumaba sa hagdan. Eversince, naiinis ako kay kuya Dylan dahil kahit nung mga bata kami, palagi na lang niya akong inaasar. Madalas niya akong paiyakin nung mga bata pa kami at hindi ko nga alam kung bakit dahil ang ibang kababata naman namin na babae, like ate Regina and Alyssa ay hindi niya ganito tratuhin. “How was you day?” tanong niya mula sa likuran kaya medyo napapitlag pa ako Nakakagulat lang dahil hindi ako sanay na ganito siya. Mas madalas kasi niya akong bwisitin kaysa kausapin ng matino. “Okay lang!” sagot ko na hindi siya nililingon Pagdating ko sa dining area ay nakaupo na si kuya Helious at kuya Josh at mukhang kami nalang ang hinihintay. “Tagal niyo naman!” sabi ni kuya Josh na mukhang gutom na “Baka nag-away pa kayong dalawa ha!” sagot naman ni kuya Helious “Hindi ah! Hindi ko na nga inaasar si Hera eh!” sabi naman ni Dylan Well totoo naman yun dahil hindi na nga niya ako masyadong inaasar. Siguro naisip niya na matanda na kami para sa mga ganyang bagay. Hindi na niya ako inaasar pero nagiging OA siya lalo kapag nakikita niya akong may kausap na lalaki. Gaya na lang noong party ni Tito Lucian last year. Nakita niya lang akong kausap yung kaibigan ni ate Hya, kinaladkad na ako. He first did that when I was twenty at hindi ko nga maubos maisip kung bakit mas mahigpit pa siya sa parents ko. Kaya naman lalong nadagdagan ang inis ko sa kanya. Hindi naman niya ako kapatid para pagbawalan pero ginagawa niya pa rin ito. Minsan nga iniisip ko, hindi kaya totoo yung sinabi niya sa akin before? That he is jealous kaya siya nagkakaganyan? Pero hello! Balitang-balita naman ang pagiging babaero niya eh! Idagdag mo pa si Kuya Michell, kuya Helious at kuya Josh. So paano mangyayari na gusto niya ako right? I remembered my friend asking kung wala daw bang dating sa akin si Dylan? Honestly speaking, he is drop-dead gorgeous. Walang tulak kabigin ikanga but he is s womanizer, at yun ang flaw niya para sa akin. “Okay, let's say grace!” Sabi ni kuya Helious kaya naputol ang pagmumuni-muni and we all bowed down to pray bago kumain Masarap ang pagkain at nagulat pa ako nung sinabi ni kuya na si kuya Dylan ang nagluto. Hindi ko alam na may talent pala sa pagluluto ang taong ito. Akala ko kasi puro pambibwisit lang ang kaya niyang gawin. “How’s the food? Masarap?” tanong niya pa sa akin Alangan namang sabihin ko na hindi e ang dami ko kayang nakain! “Pwede na!” sagot ko kay kuya Dylan “Wow ha! Pwede na pero nakatatlong balik ka!” sabi naman ni kuya Helious kaya inirapan ko ito “Nagugutom ako, bakit ba?!” inis na sabi ko kay kuya Helious Natawa lang si kuya Helious kaya hindi ko naman siya pinansin. Nakakahiya nga kasi lamon to the max ang ginawa ko kaya naman busog na busog talaga ako. After dinner ay dumiretso sila kuya sa entertainment room. Manonood daw sila habang umiinom kaya napangiwi pa ako bago ko sila iwan sa sala. “For sure p**n ang papanoorin niyo!” kantyaw ko sa kanila and they all laughed Napailing na lang ako dahil mukhang totoo ang kutob ko sa balak nilang gawin. Nang makabalik ako sa kwarto ay nagcheck ulit ako ng mga e-mails ko. Nabasa ko na iniimbitahan ako sa isang party which is for the successful young businessmen of the metro. Nakaramdam ako ng excitement lalo pa at nire-recognize nila ang kakayahan ko. Nag-confirm ako sa invitation and I saved the date sa calendar ko. Naupo ako sa table saka ko kinuha ang sketch pad ko. Nagsimula akong gumuhit ng isusuot ko para sa nasabing event. Two weeks from now pa naman ito so I guess maihahabol ko pa ang bagong design ko. At dahil sobrang busog talaga ako ay naisipan kong mag-swimming muna. Kailangang gumalaw-galaw ako bago ako matulog. Tiyak namang busy na sila kuya sa Entertainment Room kaya okay lang na mag-swimming ako. Nagbihis ako ng bikini that I also designed myself saka ko iyon pinatungan ng robe. I got my towel at saka ako bumaba. *Magsi-swimming po kayo senyorita?” tanong sa akin ng mayordoma namin “Opo! Medyo napadami po ang kain eh!” magalang na sagot ko dito “Sige iha! Bubuksan ko ang ilaw doon.” sabi pa niya at nagpasalamat naman ako sa kanya Hindi naman masyadong maliwanag ang ilaw doon kapag gabi kaya tamang-tama lang sa night swimming. Nasa gilid kasi ng mansion ang pool kaya naman sa kusina na ako nagdaan. Pagdating ko doon ay nakabukas na ang mga ilaw kaya tinanggal ko na ang roba ko at agad na akong lumusong sa pool. Lumangoy ako papunta sa kabilang side at nang magpahinga ako ay bigla namang lumitaw ang ulo ni kuya Dylan. Halos mapatili ako sa sobrang gulat habang hawak ko ang aking dibdib. “Anong ginagawa mo dito!” galit na tanong ko sa kanya “Duh! Ano bang ginagawa sa pool? Edi nagsi-swimming!” pilosopong sagot niya sa akin “Diba nasa entertainment room kayo!” sabi ko pa dito “Yeah! Pero sabi ko magsi-swimming muna ako, pumayag naman si Helious!” sagot naman ni kuya Dylan “Sinusundan mo ba ako?” galit na sigaw ko sa kanya kaya napapikit pa ito “Hera nandito lang ako, hindi mo kailangang sumigaw! Isa pa, nauna ako dito so paano mo nasabing sinusundan kita?” pang-iinis niya pa sa akin At dahil totoo naman yun ay hindi na lang ako kumibo. I was about to swim away pero pinigil niya ang kamay ko saka ako isinandal sa pool. Nasa magkabilang gilid ang kamay niya, caging me kaya naman medyo kinabahan ako pero pinagmukha kong matatag ang mukha ko. “Kuya anong ginagawa mo?” tanong ko habang nakatingin ako sa magagandang mata niya “Do you remember what I told you before?” tanong niya with his husky voice “Marami kang sinabi! Alin don?” tanong ko habang nakataas ang kilay ko I almost flinched nang haplusin niya ang pisngi ko, not leaving my eyes kaya pinigilan ko ang pagpikit dahil sa ginagawa niya. “I told you, don’t call me kuya, right?” paalala niya sa akin and I remember that was the first time na pinagalitan niya ako dahil nakikipagusap ako sa iba “Why would I do that? Mas matanda ka sa akin kaya dapat lang na…” Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang labi ni kuya Dylan pressing against mine. It was a simple yet nerve wracking kiss. My first kiss! “Call me kuya again, I will punish your sweet lips!” Hindi ako nakagalaw dahil sa bilis ng pangyayari. My heart is beating fast at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. He traced my lips with the use of his thumb while smiling. “This lips is mine from now on!” sabi pa niya bago niya ako iwan sa pool.Emmanuel Dalawang taon na din ako dito sa Pilipina at masasabi ko na masaya ako lalo na at kasama ko na ang totoo kong pamilya. My parents made it a point na makabawi sa lahat ng oras na hindi nila ako nakasama at ganun din naman ang aking mga kapatid. Nate became by bestfriend lalo na at magka-edad kaming dalawa. Hindi man siya tunay na Samaniego ay masasabi ko na hindi naman nagbago ang pagtingin sa kanya ng aming pamilya. Palagi kaming magkasama sa mga lakad at siya din ang kasama ko noong magtraining ako sa kumpanya ng aming ama. Minsan nga, binibiro na kami na kambal pero para sa amin, okay lang yun at nakadagdag nga iyon sa closeness naming dalawa lalo pa at pareho naman kami ng birthdate. Hindi man kami totoong magkapatid, ang pagmamahal ng aming Mommy na si Hera Armida ang nagbuklod sa aming dalawa. At siyempre pa, ganun din ang aming Daddy na si Dylan Glenn Samaniego. Pareho na kaming nagtatrabaho sa marketing department ng kumpanya at lalo nga kaming naging close na dal
Emmanuel Jacob Santillan(Final Chapter- Part Two)Kabadong- kabado ako habang papasok ang kotse ni Kuya Matthew sa mansion ng mga Samaniego. Siya ang sumundo sa akin sa hotel para dalhin dito to meet my real family. Siya rin ang naging daan para makausap ko ang tunay na Daddy ko at hindi nga maipagkakailang ama ko siya dahil para akong nananalamin.Naalala ko noong unang beses na nakilala ko si Daddy, we both cried kahit na wala pa akong sinasabi sa kanya. Totoo nga siguro ang lukso ng dugo at lalo siyang naging emosyonal noong ilahad ko sa kanya ang nangyari, twenty-four years ago.Galit ang nagtulak kay Isabel Santillan, ang nakilala kong ina, dahil iniwan siya ni Hector, or should I say, Dylan Glenn Samaniego nung minsang maging bihag siya ng mga rebelde sa Tayabas Quezon. She was so enraged dahil paggising niya, wala na si Hector at iniwan na siya.My mother is a nurse pero ayon sa kwento niya, hindi siya nakapag practice sa ospital dahil kailangan niyang manilbihan sa samahan.
Emmanuel Jacob Santillan( Final Chapter - Part one)Inilibot kong muli ang paningin ko sa bahay na nagsilbing tahanan ko sa loob ng labinlimang taon. Ayoko sanang ibenta ito dahil marami kaming masasayang alaala dito ni Mommy pero dahil na rin sa mga huling habilin niya sa akin ay wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya.Naramdaman ko ang tapik sa balikat ko ng aking bestfriend na si Chris. Pinoy din siya at kapitbahay namin dito sa lugar namin sa Los Angeles, California. Nine years old lang ako ng magpunta kami ni Mommy dito sa paniniwalang nandito ang Daddy ko pero noon ko lang nalaman na hindi pala totoo yun.Ang sabi ni Mommy, nabuntis lang siya ng lalaking nakasama niya ng isang gabi and since then, hindi na niya ito nakita. Mahirap lumaki na walang ama pero pinunan lahat ni Mommy ang pagkukulang na iyon.She worked hard hanggang makatapos ako ng college at dahil na rin sa sipag at tiyaga, idagdag pa ang impressive transcript ko sa Business Administration, nakapa
HeraDebut ng bunsong anak namin ni Dylan ay gaya nga ng hiling ko, napagbigyan kami ng babaeng anak at dahil medyo nahirapan ako nung ipanganak ko siya ay nagdesisyon kami ni Dylan that three children will be enough.We named our princess, Isabella Amara Saavedra Samaniego at nakakatuwa din na malaki ang interes niya sa pagdidisenyo. Wella at least hindi nawawala sa pamilya ang linyang ito while my two boys is just like Dylan, business oriented.Nate is already twenty-one years old at graduating na siya this year sa kursong Business Management. He is also a licensed pilot dahil isa ito sa mga naging hobby niya. Bata pa lang siya, he was always fascinated with flying things and if I remember it right, he was only seven years old when he said that one day, he will fly planes!At nagkatotoo iyon and I am very very proud of him!Ang panganay na anak ko na si Adi, I mean si Axel, ay isa na ding ganap na negosyante dahil siya na ang CEO ng mga Samaniego Group of Companies Incorporated. He
One last chapter to go mga loves!!! Thank you so much sa pagsubaybay ninyo sa book 7 and I hope patuloy ninyong suportahan ang iba ko pang mga aklat dito sa GN.May isa pang revelation na gugulat sa inyo mga loves kaya wala pong bibitaw!
HeraMonths have passed at masasabi ko mas sumaya ang mansion sa pagdating ni Nate sa buhay namin.He is our bundle of joy and his Kuya Adi is always excited to go home from school para makita siya.We already enrolled Adi in school and he is now in preschool. Masaya nga ang teacher ni Adi dahil way ahead daw siya sa kanyang edad at sa kanyang mga kaklase.And Dylan is so proud of him and we love him so much.“I will always make you proud, Daddy, Mommy!” sabi pa niya kaya lalong nalulunod ang puso ko sa saya“Amore, I was thinking na magbakasyon tayo this coming summer. Yung tayong pamilya lang.” Sabi ni Dylan isang gabi habang nakahiga kami sa kama matapos kong patulugin si Nate“You have something in mind?” tanong ko naman sa kanya nung tumabi na siya sa akin“I was thinking sa Disneyland since hindi pa nakakapunta doon si Adi!” sagot niya sa akin and I think it’s a nice idea“Hongkong?” tanong ko pa and he nodded “Pwede, and then diretso tayo ng Korea and Singapore! What do you t