Dylan
Nasa isang bar ako ngayon with kuya Michell and we are waiting for Josh and Helious. Habang wala pa sila ay panay ang kwentuhan namin ni kuya Michell tungkol sa mga nagaganap sa buhay namin. He is happily married now at mabuti nga nakasama pa siya sa amin ngayon. Well hindi naman na madalas gaya nung binata pa siya. Of course kailangan niyang tutukan ngayon ang pamilyang binubuo niya. “So kamusta naman kayo ni Hera?” tanong niya sa akin Sa aming lahat, tanging siya lang ang nakakaalam ng feelings ko for Hera. And I trust him naman dahil hanggang ngayon, wala siyang pinagsasabihan lalo na si Helious. Tama naman si Hera! I know that Helious will be mad lalo at ang prinsesa nila ang pinaguusapan. At gaya ng sinabi ko kay Hera, hindi naman ako santo dahil I also had my share of being a womanizer when I was younger. Pero ngayon, nagtino na ako dahil gusto kong maging karapat- dapat sa babaing mahal ko. “Ayaw niyang maniwala sa akin kuya pero sinabi ko naman na patutunayan ko that I really love her!” sagot ko kay Kuya Michell And that made him laugh! “Well kung ako din ang nasa kalagayan ni Hera, mahihirapan akong maniwala, Dylan!” “Alam ko naman yun, kuya! That’s why I’m trying my best talaga!” sagot ko pa dito and he nodded “Just make sure na hindi mo sasaktan si Hera! Alam mo na kung ano ang kasunod kapag ginawa mo yan!” seryosong babala sa akin ni kuya “Siyempre naman kuya! Ikaw, more than anyone else, knew about my feelings for her over the years!” confident na sagot ko kay kuya Michell Isa pa, alam kong isa si kuya Michell sa babanat sa akin once na may gawin akong hindi maganda. “Good! So kailan mo sasabihin sa mga Saavedra yan?” kuya asked kaya medyo natigilan ako “Kakausapin ko muna si Hera about that kuya! Sa akin naman walang problema pero siya kasi, parang ayaw pa niya!” kwento ko sa kanya Tumango lang si kuya Michell kahit pa napataas ang kilay niya at saka inginuso ang dalawang bugok na paparating kaya tumahimik na ako. “What’s up!” masayang sabi ni Helious habang lumilibot ang mata sa buong bar “Hoy! Umayos ka! Mamaya ka na mambabae!” sabi ni Josh sabay tapik sa balikat nito kaya sinimangutan siya ni Helious “Wag ka ngang umasta na akala mo matino ka! Porke nandyan lang si kuya eh!” balik naman ni Helious kay Josh “Maupo na kayo!” saway naman ni kuya sa dalawa at sumunod naman agad sila “Buti nandito ka kuya! Hindi ba mahigpit si Almira?” tanong pa ni Helious bago niya tunggain ang alak na inilagay niya sa baso niya “Of course not! Paminsan-minsan lang naman ito. Well siguro kung araw-araw kong gagawin, malamang magalit talaga sa akin yun!” sagot ni Kuya Michell “How’s married life then?” Josh asked and kuya Michell smiled “Sobrang saya! Ang sarap umuwi sa bahay lalo at alam mo na may naghihintay sa iyo!” I bet, kuya Michell is really happy dahil kitang-kita mo iyon whenever he talks of her wife, Almira and his son Matthew. “Kayo ba? Kailan ba kayo mag-aasawa?” tanong pa niya sa amin Hindi ako kumibo pero itong dalawa, nagkamot lang ng ulo. “Ano? Wala kayong balak?” tanong ulit ni kuya Michell sa amin “Ako wala pa!” sagot agad ni Josh “Me too!” Segunda ni Helious Hindi pa rin ako kumibo hanggang sa makita kong nakatingin ang dalawang bugok sa akin. “What?” tanong ko pa sa kanila “May tanong si kuya Michell diba?” sabi sa akin ni Josh “Baka mag-asawa na din ako!” sagot ko sa kanila pero pinagtawanan lang ako ng dalawa “T*****a ka! Ikaw pa ba mag-aasawa?” buska sa akin ng dalawa “Bakit? Imposible ba?”nagtatakang tanong ko sa kanila Kung umakto kasi sila para bang napakaimposible na mag-aasawa ako. “Bro seryoso ka ba?” tanong ni Helious at gusto ko na ngang sabihin sa kanya na ang kapatid niya ang gusto kong mapangasawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko “Siyempre naman! Gusto ko din magkapamilya! Bakit kayo? Ayaw niyo?” sagot ko pero ayaw pa rin akong tigilan ni Helious “May girlfriend ka na ba? Bakit hindi namin alam yan?” sabi pa nito at itong si kuya Michell ay biglang nasamid sa iniinom niya Nilapitan ito agad ni Josh at tinapik pa ang likod niya. “Okay ka lang kuya!?” nag-aalalang tanong ni Josh dito Tumango naman si kuya Michell na hanggang ngayon nauubo pa rin. Abot-abot ang dasal ko na huwag madulas itong si kuya Michell dahil hindi pa ito ang oras para malaman nila ang totoo. Mabuti na lang ay naiba na ang topic kaya kahit papano ay nakampante na din ako. Umuwi na din si kuya Michell bandang alas-diyes kaya naman naiwan na naman kaming tatlo. At gaya ng inaasahan ko, pagkaalis ni kuya ay nag-ikot lang sandali ang dalawang bugok at pagbalik sa table ay may kasama na silang babae. Walastik din talaga! Ang bibilis ng mga ito! At dahil hindi na ako pinapansin ng dalawang bugok ay nagpaalam na ako sa kanila. Uuwi na lang ako at magpapahinga sa unit ko dahil simula ngayon, si Hera lang ang babaing titignan ko. Kinantyawan pa ako ng dalawa pero hindi ko na sila pinansin. Dumaan muna ako sa bar at nagpaalam na ako kay Dwight na may kausap din babae. “Ingat ka kuya!” sabi pa nito sa akin Sumakay na ako agad ng kotse at bago ko paandarin ang sasakyan ay kinuha ko ang phone ko. Nag-type ako ng message dahil nakita ko na on-line pa si Hera. ‘Goodnight amore! Sweet dreams!’ Pagka-send ko ng message ay binuhay ko na ang kotse pero nakita ko na nagt- type pa si Hera ng reply sa message ko. Sinilip ko ang relo ko and it’s already 11:30 in the evening. Bakit gising pa siya? ‘ just finished working! Ngayon pa lang ako pauwi!’ Binasa ko pa ulit ang message niya para makasiguro ako but it clearly states na pauwi pa lang daw siya! I dialled her number at agad naman niyang sinagot iyon. “What the hell? Nasa opisina ka pa rin ba?” tanong ko sa kanya “Yes! Bakit!?” sagot niya sa akin at pinigilan ko talagang magmura sa telepono “Bakit ka naman inabot ng ganyang oras dyan?” kastigo ko sa kanya as I started to drive ng maisuot ko ang earpods ko “Dylan, ganito talaga ako minsan! Actually maaga pa nga eh! Minsan inuumaga na ako dito!” tila balewalang kwento niya sa akin “Huwag kang aalis dyan! I’ll be there in ten minutes!” sabi ko kay Hera Hindi ko na naintindihan ang sinasabi niya dahil nagmaneho na ako. Kailangan kong makapunta agad doon dahil of course, nag-iisa siya doon! Paano na lang kung may makaisip na gawan siya ng masama? Dammit Hera! At bakit hinahayaan naman ni Helious ang kapatid niya? Alam kaya niya ito? Pagdating ko sa office ng Bella Dolcezza ay nagulat pa ang guard na naka-duty ng gabing iyon nang makababa ako ng kotse “Sir Dylan! Magandang gabi po!” bati niya sa akin na may bahid ng pagtataka “Susunduin ko si Hera!” sagot ko saka ako dere-deretsong pumasok ng building I entered the lift at agad akong lumabas doon when I reached the floor of Hera’s office Nasa mesa pa siya and fixing some papers nang pumasok ako sa opisina niya. “Hera! Are you serious?! Anong oras na bakit nandito ka pa!” inis na sigaw ko “Hey! Bakit ka ba nagagalit! This isn’t really the first time na nagover-time ako no!” sagot pa niya sa akin “That was before! Ngayon Hera, I’m telling you hindi na pwede yan! If you have work, iuwi mo!” balik ko sa kanya “What! Teka lang Dylan ha, ano bang meron at galit na galit ka!” Kahit kailan talaga hindi magpapatalo si Hera kaya nilapitan ko na ito para maipaintindi ko sa kanya ang gusto kong mangyari. Inikot ko ang swivel chair niya paharap sa akin at itinayo ko siya kaya nagulat pa siya sa akin. “Dylan ano ba…” “Amore, look! Ngayon that we are together, hindi na pwede yung ganito okay! I just want you to be safe always. And being here in the middle of the night is not! So please, kung may trabaho ka, iuwi mo na lang! Naiintindihan mo ba?” I stared at her eyes and she just sighed. “Fine!” “Good! And starting today, I want to be updated kung ano ang ginagawa mo okay?” dagdag ko pa kaya napailing siya “Dylan hindi naman pwedeng…” Hindi na niya naituloy ang protesta niya when I immediately kissed her lips. I teased her and I slowly bit her luscious lips. “Kiss me back, Amore!” bulong ko kanya and I felt how she hesitated pero hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siyang muli And she did try her best to kiss me back! I know for a fact na wala pa siyang naging boyfriend so ako ang unang halik niya. And it felt so good! We both gasped for air after that hot kiss and I leaned my forehead against hers. “Akin ka lang Hera Armida!” bulong ko sa kanya and I hugged her real tight Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin kaya napangiti ako. I may sound possessive but that is me! I kissed her once more at hindi naman siya tumutol at kahit hindi pa siya sanay ay ginawa niya ang lahat para suklian ang mainit na halik ko. I really wanted to touch her body pero hindi ko ginawa dahil ayoko namang mabigla siya. Hindi naman siya kagaya ng ibang babae na nakikilala ko. She is far different from them. And she’s mine! After that kiss ay h******n ko ang noo niya. “I’ll take you home! Magpahatid ka nalang bukas okay! O sunduin na lang kita?” tanong ko sa kanya pero umiling siya “Huwag na muna nating ipaalam kay Kuya!” sagot niya at kahit hindi ako sangayon, wala naman akong magagawa. Inayos na ni Hera ang gamit niya saka kami magkawahak-kamay na lumabas ng opisina niya. I am so happy!Emmanuel Jacob Santillan(Final Chapter- Part Two)Kabadong- kabado ako habang papasok ang kotse ni Kuya Matthew sa mansion ng mga Samaniego. Siya ang sumundo sa akin sa hotel para dalhin dito to meet my real family. Siya rin ang naging daan para makausap ko ang tunay na Daddy ko at hindi nga maipagkakailang ama ko siya dahil para akong nananalamin.Naalala ko noong unang beses na nakilala ko si Daddy, we both cried kahit na wala pa akong sinasabi sa kanya. Totoo nga siguro ang lukso ng dugo at lalo siyang naging emosyonal noong ilahad ko sa kanya ang nangyari, twenty-four years ago.Galit ang nagtulak kay Isabel Santillan, ang nakilala kong ina, dahil iniwan siya ni Hector, or should I say, Dylan Glenn Samaniego nung minsang maging bihag siya ng mga rebelde sa Tayabas Quezon. She was so enraged dahil paggising niya, wala na si Hector at iniwan na siya.My mother is a nurse pero ayon sa kwento niya, hindi siya nakapag practice sa ospital dahil kailangan niyang manilbihan sa samahan.
Emmanuel Jacob Santillan( Final Chapter - Part one)Inilibot kong muli ang paningin ko sa bahay na nagsilbing tahanan ko sa loob ng labinlimang taon. Ayoko sanang ibenta ito dahil marami kaming masasayang alaala dito ni Mommy pero dahil na rin sa mga huling habilin niya sa akin ay wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya.Naramdaman ko ang tapik sa balikat ko ng aking bestfriend na si Chris. Pinoy din siya at kapitbahay namin dito sa lugar namin sa Los Angeles, California. Nine years old lang ako ng magpunta kami ni Mommy dito sa paniniwalang nandito ang Daddy ko pero noon ko lang nalaman na hindi pala totoo yun.Ang sabi ni Mommy, nabuntis lang siya ng lalaking nakasama niya ng isang gabi and since then, hindi na niya ito nakita. Mahirap lumaki na walang ama pero pinunan lahat ni Mommy ang pagkukulang na iyon.She worked hard hanggang makatapos ako ng college at dahil na rin sa sipag at tiyaga, idagdag pa ang impressive transcript ko sa Business Administration, nakapa
HeraDebut ng bunsong anak namin ni Dylan ay gaya nga ng hiling ko, napagbigyan kami ng babaeng anak at dahil medyo nahirapan ako nung ipanganak ko siya ay nagdesisyon kami ni Dylan that three children will be enough.We named our princess, Isabella Amara Saavedra Samaniego at nakakatuwa din na malaki ang interes niya sa pagdidisenyo. Wella at least hindi nawawala sa pamilya ang linyang ito while my two boys is just like Dylan, business oriented.Nate is already twenty-one years old at graduating na siya this year sa kursong Business Management. He is also a licensed pilot dahil isa ito sa mga naging hobby niya. Bata pa lang siya, he was always fascinated with flying things and if I remember it right, he was only seven years old when he said that one day, he will fly planes!At nagkatotoo iyon and I am very very proud of him!Ang panganay na anak ko na si Adi, I mean si Axel, ay isa na ding ganap na negosyante dahil siya na ang CEO ng mga Samaniego Group of Companies Incorporated. He
One last chapter to go mga loves!!! Thank you so much sa pagsubaybay ninyo sa book 7 and I hope patuloy ninyong suportahan ang iba ko pang mga aklat dito sa GN.May isa pang revelation na gugulat sa inyo mga loves kaya wala pong bibitaw!
HeraMonths have passed at masasabi ko mas sumaya ang mansion sa pagdating ni Nate sa buhay namin.He is our bundle of joy and his Kuya Adi is always excited to go home from school para makita siya.We already enrolled Adi in school and he is now in preschool. Masaya nga ang teacher ni Adi dahil way ahead daw siya sa kanyang edad at sa kanyang mga kaklase.And Dylan is so proud of him and we love him so much.“I will always make you proud, Daddy, Mommy!” sabi pa niya kaya lalong nalulunod ang puso ko sa saya“Amore, I was thinking na magbakasyon tayo this coming summer. Yung tayong pamilya lang.” Sabi ni Dylan isang gabi habang nakahiga kami sa kama matapos kong patulugin si Nate“You have something in mind?” tanong ko naman sa kanya nung tumabi na siya sa akin“I was thinking sa Disneyland since hindi pa nakakapunta doon si Adi!” sagot niya sa akin and I think it’s a nice idea“Hongkong?” tanong ko pa and he nodded “Pwede, and then diretso tayo ng Korea and Singapore! What do you t
DylanNakatulog naman ako ng ilang oras pero pagising-gising ako to check on my wife. She slept soundly last night dahil na rin siguro sa pagod at ganun din si Helious na sa couch natulog.At kapag pumapasok ang mga nurse to check Hera’s vitals ay nagigising ako kaya naman kulangt talaga ako sa tulog but that is very much fine with me dahil alam ko naman na mas mahirap ang pinagdaanan ni Hera throughout the pregnancy pati na sa panganganak.Kung tutuusin, ang alagaan siya ay napakaliit na bagay lang kumpara sa tiniis niyang hirap at sakit.“Good morning!” sabi sa akin ni Hera ng magmulat ito ng mata lalo pa at nakatitig ako sa maamo niyang mukhaSiguro kahit matanda na kami, hindi ako magsasawa na pagmasdan ang mukha ng asawa ko dahil ang mukhang ito ang dahilan kung bakit natuto akong magmahal at a very young age“Good morning! Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ko sa kanya matapos kong halikan ang noo niya“Medyo okay na! Gusto ko sanang magbanyo!” sabi niya kaya naman dahan-dahan k