Chapter 66
Levi POVKinabukasan, maaga akong umalis. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa city patungo sa address na nasa resume ni Calista. Habang binabagtas ko ang daan papunta sa lugar nila, ramdam kong hindi ito bahagi ng lugar na madalas kong puntahan. Unti-unting lumiliit ang kalsada, nagiging makipot, at halatang rural na.Napahinto ako sa isang kanto kung saan tila wala nang kasya ang kotse. May mga tambak ng kahoy, putik sa gilid, at mga bata na naglalaro ng teks sa ilalim ng puno. Huminga ako ng malalim. Pinagmasdan ko ang daan na mukhang ‘di na talaga papasukan ng sasakyan.Binaba ko ang bintana at tinawag ang isang babaeng nagwawalis sa tapat ng maliit na tindahan.“Excuse me. Where’s Calista Oraba’s house?” tanong ko, diretsong diretsa.Nagulat siya, napatingin sa akin, sabay pigil sa walis niya. “S-Sir… si Cali po?”Tumango ako.“Makipot na po ang daan papunta sa kanila. E… park niyo na lang muna po anChapter 77Calista POVGabi na akong nakarating sa bahay. Mabigat ang katawan ko pero mas mabigat ang dibdib ko—hindi ko na alam kung pagod lang ba sa trabaho o dahil paulit-ulit kong naiisip ang tawag ko kay Levi kanina. Hindi pa rin ako sigurado kung tama ba ‘yung ginawa kong pagtawag. Pero sigurado ako sa isang bagay… gusto kong malinawan.Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ni Criscel. Naka-pambahay na siya, may hawak na tasa ng kape habang nakaupo sa sahig at may ginagawang homework.“Ate!” bungad niya habang nakangiti. “Buti umuwi ka na. Inantay pa talaga kita!”Napangiti ako. Kahit papaano, nakakagaan ng loob ‘yung makita siyang buo at masaya. Mula noong tinulungan ko siyang makaalis sa dati naming magulong bahay, ginawa ko na talagang responsibilidad na mapangalagaan siya.“Sorry, natagalan ako. Sobrang daming tao sa karinderya. Akala mo may fiesta,” sagot ko sabay tanggal ng sapatos at bagsak ng bag sa tabi ng sofa.
Chapter 76Calista POVTahimik akong nakaupo sa gilid ng karinderya matapos ang lunch rush. Kapos sa oras pero mas kapos ang loob ko sa pagtanggap ng nararamdaman ko. Sa gilid ng cashier table ay naroon pa rin ang bouquet na pinadala ni Levi—unti-unting nalalanta pero nanatiling magandang paalala ng mga salitang hindi niya nasabi noon pero ngayon, isa-isa niyang pinaparamdam.Sa dami ng iniisip ko, bigla akong napatingin sa cellphone ko… na wala. Naiwan ko sa bahay, lowbat din yata. Pero kailangan ko siyang tawagan. Hindi para makipagbalikan. Hindi rin para magpasalamat lang. Gusto ko lang… maintindihan. Gusto ko lang marinig ang totoo. Kung bakit ngayon?Kaya dali-dali akong tumayo at lumapit sa may-ari ng karinderya, si Mang Cesar, na noon ay abala sa pag-aayos ng inventory sa gilid ng kusina.“Uh… Mang Cesar,” bati ko, sabay ngiti.Napatingin siya sa akin at bahagyang nagulat. “Oh, Calista. May kailangan ka ba?”“Ano po… P
Chapter 75Levi POVNakaupo ako ngayon sa opisina, pero kung tutuusin, wala sa mga papel sa harap ko ang iniisip ko. Wala sa mga figures sa monthly report ang may saysay para sa akin ngayon. Ang tanging laman ng utak ko, ay si Calista.Napatingin ako sa notification sa phone ko—delivered na raw ang food na ipinadala ko kanina. Napangiti ako kahit papaano. Alam kong hindi sapat ‘yon para mapawi ang lahat ng sakit, pero gusto kong iparamdam sa kanya na may nagmamalasakit pa rin sa kanya kahit na nasaktan ko siya noon.Tumayo ako saglit at lumapit sa bintana ng office. Mula rito, tanaw ko ang ilang parte ng lungsod—matao, mabilis ang galaw ng mga sasakyan, pero sa gitna ng lahat ng iyon, nanatiling tahimik ang loob ko. Tahimik, pero hindi payapa.Alam kong wala akong karapatang suyuin siya ngayon. Pero hindi rin ibig sabihin ay titigil na ako sa paghahanap ng paraan. Gusto ko siyang maipaglaban. Kahit paunti-unti.Biglang may naisip ako.
Chapter 74Levi POVMaaga pa lang, gising na ako. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa iisang dahilan—Calista.Hindi ako mapalagay simula nang iniwan niya kami ni Princess sa gitna ng daan. Kahit ilang araw na ang lumipas, ramdam ko pa rin ang lungkot sa loob ng bahay. Tahimik si Princess, madalas tulala. Ako naman, parang laging may kulang.Kaya ngayong umaga, bago pa man magbukas ang opisina, nagdesisyon akong mag-order ng breakfast para sa kanya. Naalala ko kung gaano siya kasimple at kung paano niya gustong nakakakain ng mga paborito niyang pagkain kahit busy.“Botejo,” bulong ko sa sarili habang naglalagay ng order sa app. Alam kong gustung-gusto niya ang pagkain doon—lalo na ang Egg Katsu Bento at Mango Yakult. Simple lang, pero panalo para kay Calista.Pagkatapos kong lagay ang order, dinoble-check ko ang delivery address. Gusto kong siguraduhin na walang aberya. Then, naglagay ako ng request para sa rider:"Please includ
Chapter 73Calista POVPinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko gamit ang palad. Bahagyang basa pa ang buhok ko dahil sa ulan habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa gate ng bahay namin. Sa bawat hakbang, pakiramdam ko ay mas lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib. Hindi ko alam kung dahil sa mga sinabi ni Levi, sa sigaw ni Princess, o sa sarili kong desisyong iwan sila sa gitna ng kalsada. Pero isa lang ang alam ko—masakit pa rin. Masakit pa ring mahalin siya.Pagdating sa tapat ng bahay, bahagya kong tinapik ang pinto. Isang mahinang katok lang, dahil baka tulog na sila. Pero ilang segundo lang ay bumukas agad ito. Si Chrisiah.“Ate, nagkita kayo ni Sir Levi?” agad niyang bungad, halatang gulat at sabik sa sagot. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa—tila sinusuri kung okay ba ako, o kung may sugat akong tinamo.Napangiti ako, kahit pilit. “Ano ba pinagsasabi mo,” sagot ko, sabay tawa nang peke, para hindi mahalata ang sakit. “Matu
Chapter 72Calista POVHindi ko pa rin maipaliwanag kung ano ang mas nakakagulat—ang makita si Levi na biglang sumulpot para iligtas ako, o ang makita si Princess na umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko. Naramdaman ko ang bigat ng mga braso ni Levi nang yakapin niya ako sa gitna ng kusina. Nakaapak ako sa basa at madulas na sahig, amoy mantika, amoy luha, pero sa loob ng ilang segundo… parang safe ako.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Hindi ko na napansin kung paano niya ako inalalayan palabas ng resto. Parang may sarili akong mundo habang papalabas kami—ang init ng pisngi ko, ang panginginig ng kamay ko, ang pakiramdam na para akong batang tumatakbo palayo sa bangungot.Pagkapasok namin sa kotse, agad akong niyakap ni Princess mula sa likod ng upuan. Hindi siya bumitaw.“Nanny, balik ka na po,” aniya, hikbi ang bawat salita.Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang luha pero tuloy-tuloy pa rin ito. Lumingon ako sa likod, sa m