Share

The Billionaire's Baby Maker
The Billionaire's Baby Maker
Penulis: Jin

Chapter One

Penulis: Jin
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-09 10:03:42

“Balita ko, nahuli na raw ng pulis si Gab, ah?”

Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang marinig ang sinabi ng kaibigan kong si Jasrylle. Malakas akong bumuntong hininga at nagkibit balikat. “Talaga?” tanging sambit ko.

“Dapat lang sa kaniya ‘yon, gago siya. Kulang pa ang salitang hayop para sa kaniya. Hindi ka na nga pinanagutan, hindi ka pa tinulungan noong may sakit ang inaanak ko. Kung sana lang ay tinulungan ka niya e ‘di sana…”

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang malakas na akong bumuntong hininga. Itinikom niya ang kaniyang bibig at pekeng umubo. “Sorry na, hindi ko naman sinasadyang banggitin ulit ang tungkol doon. Nakakagigil lang, tangina niya talaga! Kung ako lang sana ang masusunod, hahayaan ko na siyang mabulok sa kulungan dahil sa ginawa niya. Walang puso ang gagong iyon. Wala ring itlog,” may halong inis na dagdag niya.

Nanatili akong tahimik. Gustuhin ko mang magsabi rin ng masama tungkol sa lalaking iyon ay hindi ko na nagawa. Sapat na ang gabi-gabi kong pagsumpa sa kaniya dahil sa ginawa niya sa anak nam—anak ko.

Bente anyos nang mabuntis ako ng dati kong kasintahan na si Gab. Hindi ko alam kung tanga lang ba ako noong mga panahong iyon o sadyang bobo ako noong ipinanganak dahil pumatol ako sa ganoong klaseng lalaki. Mayaman ang pamilya niya ngunit wala naman siyang ibubuga sa mga ito. Hindi siya nakapagtapos ng Kolehiyo at walang trabaho kaya naman nang sabihin ko sa kaniyang buntis ako ay hindi niya tinanggap ang anak naming dalawa at sinabing ipalaglag ko ang bata.

Mahirap man ako pero hindi ko magagawa ang bagay na hinihingi niya. Kaya naman kahit na hindi niya ako binigyan ng perang pansustento sa anak namin at kahit na ipinipilit niya na ipa-abort ko ang bata, hindi ako pumayag. Naipanganak ko nang malusog ang anak naming dalawa nang walang kahit na magkanong sustento mula sa kaniya.

Akala ko ayos na ang lahat. Akala ko kapag nagsumikap ako, mapapalaki ko nang maayos ang anak ko kahit na wala siyang tatay. Hindi ko naman alam na…

Muli akong uminom ng tubig at ibinaba ang baso sa lamesa bago muling tumingin kay Jasrylle na ngayon ay nakaupo sa Monobloc chair na nasa tabi ko. “May nahanap ka na bang raket?” tanging tanong ko sa kaniya.

Agad naman akong napasimangot nang agad siyang umiling. Sabi na nga ba. Malakas siyang bumuntong hininga at nag-angat ng tingin sa akin. “Sigurado ka bang ayaw mo sa bar namin? Alam mo na, sasayaw-sayaw ka lang naman doon, hindi ka naman magpo-prostitute. Magkaiba naman ang dalawang iyon. Saka tingnan mo, kahit naman nagkaanak ka na, maayos pa naman ang katawan mo. Sexy ka pa rin naman. Ayaw mo ba talaga?”

“Ayaw ko sa mga ganiyan, Jasrylle,” mariing sambit ko.

“Minsan kasi Lyana, kailangan mo ring tanggalin ‘yang hiya mo sa katawan. Kumikita ako ng pitong libo isang araw, ano ka ba? Ayaw mo rin bang kumita nang ganoon? Baka nakakalimutan mong kailangan mong magdoble kayod para riyan sa kapatid mo? Gusto mo na naman bang maulit ang lahat ng nangyari noon, ha?”

Hindi ako nakasagot at sa halip ay nagbaba lamang ng tingin. Tama siya. Kailangan kong alisin ang hiya sa katawan ko. Pero kasi…

“H-Hindi ako marunong magsayaw.”

Malakas na bumuntong hininga si Jasrylle nang marinig ang sinabi ko. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at agad naman akong napalunok nang makita ang suot niya. Tingin ko ay hindi ako makapagsusuot nang ganoong klaseng damit. Naka-tube top siya at luwang-luwa ang malaking dibdib. Sobrang iksi rin ng suot niyang short at kaunting tuwad lang ay sigurado akong lalabas na ang puwit niya dahil sa sobrang ikli niyon. Mabuti na lamang ay nakalugay ang buhok niya kaya’t kahit papaano ay may natatakpan pa sa katawan niya.

“Ganito kasi ‘yan, sizmars. Giling-giling lang. Hindi mo naman kailangang humataw nang bongga, dapat ‘yong mukha ka lang sexy para maaliw sila. Saka ano ka ba naman, hindi ka naman ikakama ng mga iyon. Maliban nalang kung ikaw ang may gusto—“

“Jasrylle,” suway ko sa kaniya.

Umirap siya at tinampal ang aking balikat kaya’t napailing na lamang ako. Oo at iisipin ng iba na pariwara ako sa buhay dahil nabuntis ako nang hindi pinapakasalan at tinakbuhan pa ng nakabuntis sa akin—pero hindi naman ako ganoong klaseng tao. Tanga lang siguro ako noong mga oras na iyon pero ang totoo ay conservative akong tao.

He’s my first and last. Wala na akong balak pang umibig ng ibang lalaki dahil nadala na ako sa kaniya. Akala ko si Gab na pero mali pala ako. Pare-parehas lang ang lalaki—pare-parehas silang manloloko. Masiyado na akong nasaktan noon at wala na akong balak pang sumugal pang muli para lang sa letseng pagmamahal na ‘yan na ikasasakit ko lang din naman pala sa huli.

“Lumunok ka nalang, sizmars. Para kay Thirdy, ano ka ba? Alam mo naman na kailangan niya ng gamot, ‘di ba? Huwag ka nang mahiya, ang isipin mo, ‘yong pera nalang. Kakayanin mo ba kung pati kapatid mo, mamatay tulad ni… ni ano…”

Muli siyang umubo at nag-iwas ng tingin sa akin nang muntik na naman siyang madulas at sabihin ang tungkol kay… ang tungkol kay Waylen.

Waylen is my son who died. Dalawang taon nang mamatay siya dahil sa dengue. Akala ko ay magiging maayos ang buhay naming dalawa pero akala ko lamang pala iyon. Hindi ko inaasahan na kailanman ay babawiin siya kaagad sa akin ng Maykapal. Tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon, narito pa rin ang sakit sa pagkawala niya at kahit kailan man ay mukhang hindi na mawawala ang sakit na dulot ng pagkawala ng anak ko.

Kung sana mayaman lang ako. Kung sana naging maayos akong ina sa kaniya. Kung sana naipagamot ko siya kaagad. Sana… sana narito pa rin ang anak ko

.

“Isipin mo nalang si Thirdy, Lyana. May ilulugar pa ba ‘yang hiya mo kung wala na kayong kainin at wala ka ng maipambili ng gamot ng kapatid mo? Tandaan mo, si Thirdy nalang ang mayroon ka ngayon. Pati ba naman siya, hahayaan mong mawala dahil lang diyan sa hiya mo?” dagdag niya pa kaya’t malakas akong bumuntong hininga.

“Sayaw lang naman, girl. Saka narito ako, tingin mo ba ay pababayaan kita nang mag-isa, ha? Siyempre, hindi. Sizmars kaya kita, ano.”

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya atb humugot ng malalim na buntong hininga. “Turuan mo muna akong sumayaw bago mo ako ipasok diyan sa trabaho mong ‘yan. Kailangan ko ng pera, alam mo naman ‘yan,” pagsuko ko sa kaniya.

Tama naman kasi siya. Nawala na sa akin ang anak ko, hindi na ako papayag na pati ang kapatid ko ay mawala rin sa akin.

Pumalakpak si Jasrylle at malapad na ngumiti. “’Yan, ganiyan dapat, sis! Bata ka pa naman, ayos lang ‘yan. Marami ka pang magagawa sa buhay. ‘Yang si Gab, hayaan mo na ang gagong iyon. Move on na, sizmars ko. Saka malay mo, kapag nagtrabaho ka na sa bar namin, baka ano, alam mo na…” Tumaas ang gilid ng labi niya kaya’t kunot noo ko siyang tiningnan.

“Na?”

“Malay mo makahanap ka ng mayamang lalaki na magkakagusto sa ‘yo. Ayaw mo noon, gaganda na ang buhay mo—“

“Ayaw ko na sa mga ganiyan, Jasrylle,” pagtutol ko sa kung ano mang sasabihin niya at nag-iwas ng tingin. “Nadala na ako. Ayaw ko nang umulit pa.”

Malakas siyang bumuntong hininga at tinapik ang aking balikat. “Sure ka na? Okay, ayaw mo nang magmahal pa ulit, gets ko naman. Pero ayaw mo na ba ulit na magkaroon ng anak? Ayaw mo na ng pamilya? Hindi naman porque fail ‘yong una, fail din ang sunod. Hindi natin sure pero malay natin, baka may pamilya pala naman talagang nakalaan para sa ‘yo. Kailangan mo lang subukan muli.”

---

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Sheryl Delantar
sorry po Ms jin nagkamali po ako ng comment may kaparehas ka po kce na title ng story Nyo po binabasa ko rin kce story muh,huhu sna po wag ka magalit ms author peace yow po sorry again
goodnovel comment avatar
Sheryl Delantar
hi Ms Senyorita andtu ulit ako para basahin ang story na to tpos ko na kxe basahin ang kwento ni Izzy at leo kaya I'm here nmn to support this story feeling ko maganda rin to kaya babasahin ko rin, Godbless po^_^
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Sixty

    “You know my Dad, Lyana? How come?”Gulat akong lumingon sa gawi ni Preston at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Umawang ang labi ko at muling ibinalik ang tingin sa gawi ng ama niya upang siguruhin na hindi lamang ako namamalikmata. Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sa kaniya ngunit wala akong ibang nakita kung hindi ang paglalaro ng ngisi sa kaniyang mga labi.Nakangisi siya na para bang sinasabi na…“Magandang araw, Ma’am.”Mas lalong umawang ang labi ko at wala sa sariling hinampas si Preston sa kaniyang balikat. “Siya nga!” Malakas na sigaw ko at hindi ulit makapaniwalang tumingin sa kaniyang ama.“Dad, paano mo nakilala si Lyana? Why did you call her… Ma’am?” takang tanong din ni Preston sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang ito. “Let’s just talk about that later, son. Why don’t you introduce that lady to us first?” Hindi tulad kanina nang una niya akong binati at tinawag na Ma’am ay iba na

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Nine

    “What…”Marahas akong lumingon sa gawi ni Preston at pinanlakihan siya ng mga mata. Agad naman siyang umiling at iwinasiwas ang mga kamay na parang dinedepensahan ang sarili. “No. I didn’t tell them to come here. Hindi ko nga alam na pupunta pala sila rito…”Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya’t muli siyang umiling. “Trust me, babe. Wala akong alam… promise. I swear,” dagdag niya pa.Gusto ko pa sana siyang suwayin dahil tinawag na naman niya akong ‘babe’ kahit na hindi ko pa rin siya tuluyang pinapatawad pero hindi ko na lamang pinansin ang pagtawag niya sa akin ng ganoon dahil abala ako sa pag-iisip ng mga maaaring mangyari kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa akin… o baka naman alam na nila kaya sila pumunta rito?Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling sinapo ang aking bibig dahil sa kaba. Ano na lamang ang iisipin nila sa akin? Sigurado akong magagalit sila sa akin tulad ni Preston kaya…Wala sa sarili akong napahaw

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Eight

    “I already told you to just stay at your room, right?” Inagaw sa akin ni Preston ang hawak kong walis at nakataas ang kilay na tumingin sa akin. “Bakit ba ayaw mong makinig?”Umirap ako nang marinig ang sinabi niya at ipinagkrus ang aking dalawang braso. Hindi ako nagdalawang isip na makipagsukatan ng tingin sa kaniya. “Huwag mo akong utusan, hindi kita boss,” ganti ko. “Of course, I am not your boss. I already fired you, remember?”Mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin kaya’t sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga at mapailing. Inismiran ko muna siya bago inagaw ang kinuha niya sa aking walis tambo. “You don’t have to clean Chantal’s room, Lyana. Malinis naman. You should just go to your room and rest—““Paanong rest eh hindi nga ako pagod?” Inis na tanong ko pabalik at tinaasan siyang muli ng kilay. “At saka buntis lang ako, may paa at kamay pa rin ako kaya hayaan mo akong kumilos.”

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Seven

    “Sinong buntis? Ako?” Itinuro ko ang sarili ko at mabilis na umiling. “H-Hindi, ah! B-Baka iba! Baka ‘yong iba mong… g-girlfriend! Oo, baka ‘yong iba mong—““I don’t have any other girlfriend, Lyana.” Malakas siyang bumuntong hininga at walang emosyon akong tiningnan. “And don’t even bother lying to me. I already know the truth.”“Hindi nga sabi ako buntis. Sino bang nagsabi sa ‘yo, ha? Sinabi ba ni Dalia?” “Pati ba naman ‘yang panibago nating anak, gusto mo pa ring itago at ipagkait sa akin?”Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Sinabi na sa akin noon pa man ni Dalia na ganito ang magiging reaksiyon ni Preston kapag nalaman niya ang balak kong pagtatago sa anak namin mula sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinakinggan. Nagpkawala ako ng malakas na buntong hininga at nangingilid na nag-angat muli ng tingin sa kaniya. “Bakit ba parang concern na concern ko kung sakali m

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Six

    “Wala ka na ba talagang kahit kaunting tiwala na natitira para sa akin, ha?”Hindi makapaniwalang tanong ko at lumingon sa kaniya. Malakas siyang bumuntong hininga. “It’s not about trust, Lyana. That guy clearly told me to send his greetings to your son. Sino pa bang ibang anak mo maliban kina Jarvis at Chantal, ha?” Mariing tanong niya.Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na ibang anak ang tinutukoy ni Gab at hindi si Jarvis ngunit alam kong kapag sinabi ko ang totoo, baka mas lalo niya lang akong kamuhian—namatay sa pangangalaga ko ang sarili kong anak. Sino ba namang hindi magagalit sa akin? Sinong hindi ako sisihin?“Problema na naming dalawa ‘yon ni Gab at hindi ka na kasali. Ang concern mo lang dito ay ang mga bata kaya huwag ka nang makisali pa sa problema ko,” malamig na sambit ko habang hindi nakatingin sa kaniya.“I am asking if Jarvis is my son—““Oo nga sabi!” Hindi ko na

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Five

    “A-Anong ginagawa mo rito?”Mas lalo siyang napangisi nang marinig ang tanong ko kaya’t mas lalo lamang akong sinalakay ng kaba. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita dahil nakulong siya noon at nang makalaya naman siya ay hindi na nagtagpo ang landas namin kaya’t akala ko ay hindi na kami muling magkikita pa.Kung alam ko lang sana na magtatagpo pa ang landas naming dalawa, sana naihanda ko ang sarili ko dahil sa pagkakataong ito, para akong binabangungot habang tinitingnan niya ako. “I just got here with my girlfriend. Hindi ko naman alam na dito pa pala kita makikita and oh…” Dumako ang mga mata niya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa kaya’t muli akong napalunok dahil sa kaba. “Mukhang nakahanap ka na naman ng mayamang lalaking peperahan, ha? Who is he? Ipakilala mo naman ako.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at hindi nakasagot sa tanong niya. Luminga-linga siya sa paligid at nang makumpirmang kakaunti ang tao ay saka siya umupo sa upuang inuupuan ni Dalia kanina. Nahigit k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status