Share

Chapter Three

Author: Jin
last update Huling Na-update: 2022-06-09 10:04:52

“So you’re telling me that you were there because you’re applying for a job? Sa lugar na iyon talaga?”

Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagbaba ng tingin. Malakas na bumuntong hininga si Dra. Vallero kaya’t hindi ko maiwasang kainin ng hiya. Dati ko siyang kaklase noong High School kaya’t medyo nakakapanliit na makita siyang maganda na ang buhay at may maayos na trabaho tapos ako… heto.

“How about your son? Kumusta na siya? Ngayon na lamang ulit ako bumalik dito sa PIlipinas kaya’t pinagpaplanuhan ko pa na bisitahin kayo. Hindi ko naman inaasahan na sa ganoong klase ng lugar pa kita makikita,” dagdag na tanong niya.

Mas lalong bumigat ang aking paghinga at hindi kaagad nakasagot. Si Doktora Vallero ang nagpaanak sa akin noon. Wala akong pambayad sa hospital at wala rin akong ibang kasama. Mabuti na lamang at saktong siya ang naka-duty kaya’t siya na ang nagpaanak sa akin kahit na hindi ko pa alam kung saan ako kukuha ng ipambabayad. Tinulungan niya rin ako sa pagbabayad ng bills noon matapos kong manganak kaya’t kahit papaano ay hindi na masiyadong lumobo ang utang ko.

Pasasalamatan ko pa sana siya noon pero nabalitaan ko namang nangibang bansa na siya bago ko pa siya makausap muli. Dahil doon, hindi na niya nalaman na…

“Wala na ang anak ko.”

“What? Anong ibig mong sabihin na wala na? Kinuha ng tatay sa ‘yo?”

Kinagat ko ang aking ibabang labi at mapait na ngumiti sa kaniya. “N-Namatay noong two years old siya. Dengue,” tanging sagot ko.

Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pag-awang ng kaniyang mga labi matapos marinig ang sinabi ko. Malakas naman akong bumuntong hininga at muling nag-iwas ng tingin sa kaniya. “I-I’m sorry. Hindi ko alam,” mahinang sambit niya.

Mas lalo ko namang ipinulupot sa aking katawan ang suot niyang coat kanina ngunit ipinahiram niya sa akin nang makitang napakaikli ng suot kong damit. Inaya niya rin ako na uminom ng kape at mag-usap sa malapit na coffee shop. Tatanggi pa sana ako sa kaniya kanina dahil 3 in 1 na kape lamang naman ang afford ko pero sabi niya ay siya na ang bahala kaya’t siyempre ay sumama ako.

“Ayos lang. Medyo kakaunti lang din naman ang may alam sa batch natin. ‘Yong iba, wala namang pakialam.”

“Pero Lyana…”

“Kailan ka nga pala umuwi?” Sinubukan kong ibahin ang usapan nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. “Bumalik ka ba rito para sa trabaho o bakasyon lang?”

Hindi ko mapigilang mainggit sa kaniya. Tamang sakay lang sa eroplano at hindi na kailangan pang problemahin kung may makakain ba siya sa susunod na araw. Sana all.

Tipid siyang ngumiti ngunit nahalata kong pilit pa rin iyon. “Umuwi ako para sa trabaho. Hinire kasi ako ng pinsan ko kasi kailangan niya raw ng tulong ko kaya umuwi ako kahit na busy ako sa trabaho ko roon,” pormal na sagot niya.

“Ano bang trabaho mo roon? Doktor pa rin?”

Natahimik siya at animo’y nag-aalangan kung sasagutin ba ang tanong ko o hindi kaya’t bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa pagtataka. Kapagkuwan ay mahina siyang tumawa. “H-Hindi na ako doctor sa government hospital. U-Uh… sa agency ako nagtatrabaho tapos doctor ako roon.”

“Talaga? Anong agency?” pag-uusisa ko pa. Baka kasi mamaya, may alam siyang bakanteng trabaho na maaari kong pag-applyan. Susunduin ko na si Thirdy kay Tiyang bukas kaya’t kailangan kong magkaroon ng kasiguruhan na magkakaroon ako ng trabaho para kahit papaano ay magkaroon ako ng kahit na kaunting peace of mind.

Tulad kanina ay hindi kaagad siya nakasagot at animo’y nag-aalinlangan pa rin sa isasagot sa tanong ko na sa tingin ko naman ay madaling sagutin.

Mayamaya pa ay malakas siyang bumuntong hininga at pasimpleng lumapit sa akin. “Nagtatrabaho ako sa surrogacy agency sa California,” mahina at halos pabulong na sagot niya sa tanong ko.

Agad namang nagsalubong ang kilay ko dahil sa isinagot niya. Ano raw? “Surro… ano? Anong klaseng trabaho iyon?”

Pamilyar sa akin ang salitang iyon ngunit dahil hindi naman ako doctor katulad niya at mas lalo namang hindi kami magkapantay ng talino, hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Hindi ko nga alam kung saan ko unang narinig ang salitang iyon. Sa eskwelahan yata o sa hospital din? Ewan ko.

“Mahirap ipaliwanag pero basically, p-parang ano, naghahanap kami ng babae na puwedeng magbuntis—“

Gulat kong tinakpan ang nakaawang kong labi gamit ang aking palad. “Illegal ba ‘yan?” Hindi ko alam pero iyon ang unang lumabas na salita mula sa aking bibig.

Mukhang sanay na si Doctora Vallero sa ganoong tanong dahil hindi na siya nagulat sa reaksiyon ko. Dahan-dahan naman siyang umiling bilang sagot sa tanong ko. “Legal ang surrogacy sa ibang bansa. Hindi rin naman siya illegal dito pero dahil sinasabing conservative country ang Pilipinas, hindi siya common,” pagpapaliwanag niya.

Inalis ko naman ang palad na nakatakip sa aking bibig at dahan-dahang tumango. “Anong ginagawa ng mga ganoon? Trabaho ba ‘yon? Kasi agency, e, ‘di ba?”

“Bale tinutulungan namin ‘yong mga mag-asawang hindi magkaanak dahil sa infertility o kahit na anong sakit. Natutulungan namin sila through gestational surrogacy kung saan ipinapasok sa katawan ng surrogate mother ang egg cell ng babae at sperm cell ng lalaki. Kapag naman same-sex couple, tinutulungan din namin silang magkaanak. Hahanap ng egg cell donor o sperm cell donor tapos dadalhin sa tiyan ng surrogate mother ang bata hanggang sa maipanganak.”

Mas lalong umawang ang bibig ko dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Baka bobo lang talaga ako o ano pero hindi ko kaagad naintindihan kung anong sinabi niya.

“P-Posible ba ‘yon?” Hindi makapaniwalang usal ko.

Tumango si Doctora Vallero. “Marami na rin kaming natulungan. Binabayaran ang agency at ang surrogate mother depende sa kontrata,” sagot niya.

Binabayaran?

“Ibig mo bang sabihin, ginagawang business ng babaeng surrogate ang mga bata—“

“It’s not like that,” mabilis na pagtutol niya kaya’t muli akong tumingin sa kaniya. “Tinutulungan lang nila ang mga couple na magkaanak. Binabayaran sila for compensation… bayad sa tulong nila. 50-50. Tutulungan ka nila financially, tutulungan mo naman silang magkaanak. Ganoon. Pero depende pa rin sa surrogate mother kung ano ang mindset niya.”

Wala sa sarili naman akong napatango nang maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. “Astig pala noon, ano? Pwede pala ‘yong ganoon,” komento ko.

“Lyana?”

“Hmm?” Kaswal na tanong ko at sumimsim sa kapeng inilibre niya sa akin. “Ano ‘yon?”

“’Yong anak mo naman, healthy siya noong ipinanganak mo, ‘di ba? Wala namang ibang sakit?”

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya ngunit marahan pa rin akong tumango bilang sagot. “Oo. Healthy naman siya noon saka walang problema. Hindi rin naman ako nahirapan sa pagbubuntis kasi hindi naman ako maselan. Nawala lang siya dahil sa… dahil sa dengue.” Muli akong lumunok at nagbaba ng tingin.

“Sabi mo noon, saglit lang naman kayong nagkarelasyon ng tatay ng anak mo, ‘di ba? I-Ilang beses bago…”

“Bago?”

“Bago kayo nakabuo?” Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa tanong niya. Marahas akong nag-angat ng tingin sa kaniya at kunot-noo siyang tiningnan. “I-I mean, curious lang naman ako. Kung isa lang, ibig sabihin, m-mabilis ka palang maano… mabuntis.”

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya at taka lamang siyang inobserbahan. Nang makabawi ay saka ako nagsalita. “Bakit mo tinatanong ang ganiyang bagay sa akin?” tanong ko.

“Kailangan mo ng trabaho, ‘di ba? Para sa kapatid mo?”

Naguguluhan man ay tumango pa rin ako dahil kailangan ko naman talaga ng trabaho ngayon lalo pa’t susunduin ko na ulit si Thirdy. Sa ngayon ay wala akong ibang priority kung hindi ang kapatid ko.

“Kailangang-kailangan,” pirming sagot ko sa tanong niya.

“Kung ganoon…” Tiningnan niya ako sa aking mga mata kaya’t hindi ko maiwasang kabahan sa kung ano man ang susunod niyang sasabihin sa akin. Mag-iiwas na sana ako ng tingin nang muli siyang magsalita. “Gusto mo bang maging surrogate?”

---

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Baby Maker   Epilogue Two

    “Sir? Sir, aalis na ho ako.” I was pulled out of my own reverie upon hearing our maid’s voice. Nag-angat ako ng tingin at naabutan ang nakasilip sa may pinto na si Manang Lerma. Hindi na siya naka-maid’s uniform kaya’t alam kong paalis na siya. Sa halip na sagutin siya ay nagbaba na ako ng tingin at tumingin sa napakaraming papeles na nasa aking harapan. “Are you going to meet Chantal’s new nanny, Manang?” I asked her, still looking towards my paper works. “Ay, oho, Sir. Kausap ko na ho ‘yong pamangkin ko, sabi sa akin ay papunta na raw sa meeting place namin ‘yong kaibigan niya na magiging yaya ni Chantal.” “Can I see her curriculum vitae?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit sa halip na sagutin ako ay kinamot niya ang ulo at nag-iwas ng tingin. Malakas akong bumuntong hininga. “Manang? I said, I want to see her curriculum vitae. Ilang taon na ba? Saan dating nagtrabaho? Kumusta ang ugali—“ “Sir, huwag na ho kayong mag-alala. Ako na ho ang bahala. May tiwala naman

  • The Billionaire's Baby Maker   Epilogue One

    “Manang Lerma, napatulog ko na ang kambal. Si Preston ho ba, tapos na sa triplets?” Tumigil si Manang Lerma sa paghuhugas ng mga boteng ginamit ni Preston sa pagpapadede ng tatlo kaya naman tingin ko ay maging siya ay tapos na sa pagpapatulog sa triplets. “Ha? Ay, hindi ko napansing lumabas. Baka nandoon pa rin sa kuwarto. Kanina pa ibinigay sa akin ‘tong mga bote, e. Hugasan ko na raw para matuyo na kaagad,” sagot niya kaya’t wala sa sarili akong patango. “Tulog na po ba ang triplets noong pumunta kayo sa kuwarto?” Mabilis na umiling si Manang Lerma kaya’t lihim akong bumuntong hininga. Mukha ngang naghihirap ngayon si Preston, ah? Deserve. “Naglalaro sila noong pumasok ako. Noong umalis naman ako, nag-iiyakan ‘yong tatlo,” kaswal na sagot sa akin ni Manang Lerma kaya naman agad na nagtagpo ang aking dalawang kilay. Bumuntong hininga ako. “Bakit ho nag-iiyakan? Nag-away po ba? May masakit sa kanila?” Nag-aalalang tanong ko sa kaniya pabalik. “Ay, hindi. Nagpapala

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Seventy Two

    “Kasal? Nino?” Ilang beses akong napakurap habang nakatingin kay Margaux. Awtomatiko namang tumaas ang kilay niya kaya’t mas lalo pang kumunot ang aking noo dahil sa labis na pagtataka. Mayamaya pa ay malakas siyang bumuntong hininga at hinilot muli ang kaniyang sintido. “Baka kasal ko, ano?” “Kanino ka ikakasal? May bago ka na namang boyfriend? Kailan pa?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Ang bilis niya namang makahanap ng bagong boyfriend tapos ikakasal na sila kaagad. Bumuntong hininga ako. Keep up ka naman diyan, Preston. Sana all. Tumingin muli si Margaux sa gawi ko kaya’t naguguluhan pa rin akong tumingin sa kaniya. Tatanungin ko pa sana siya ulit kung bakit ikakasal na siya kaagad ngunit naunahan na niya ako sa pagsasalita. “Naka-drugs ka ba?” Agad ko siyang sinamaan ng tingin. “Lasing ka rin ba? Alam mo naman na buntis ako tapos itatanong mo kung naka-drugs ako. Hindi naman ako tanga—“ “Kung hindi, dapat naintindihan mo na na ikaw ang ikakasal at hindi

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Seventy One

    “You’re due in two months, right, Lyana?” Agad akong tumango bilang sagot sa tanong ni Tita—nanay ni Preston. Tumingin ako sa gawi niya at ngumiti. “Bakit po?” takang tanong ko sa kaniya pabalik. Makahulugan siyang ngumiti sa akin at marahang umiling kaya’t hindi ko mapigilang mas lalo pang magtaka dahil doon. Alam ko kasi kung may ibig sabihn ang tanong niya o wala. Saka base sa pagngiti niya sa akin, alam kong mayroong dahilan kung bakit niya itinanong sa akin ang bagay na iyon. “Nakapagpacheck up na ba kayo ulit ni Preston? Alam mo na ba ang gender ng baby?” “Medyo busy po kasi si Preston sa trabaho nitong mga nakakaraang linggo kaya ako lang po ang nagpapacheck up. Sinasamahan din naman po ako ni Dalia kaya ayos lang naman po sa akin. Saka alam ko na po kung anong gender,” sagot ko at ngumiti rin sa kaniya. Mukhang nalaman niya rin kaagad na may kahulugan ang pagngiti ko kaya’t pinanliitan niya ako ng mata. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko upang pigilan na matawa.

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Seventy

    “Chanty, siya si ‘To Thirdy. ‘Di siya medyo nakakapagsalita pero bait naman siya. ‘Di siya nang-aaway.” Pinagmasdan ko lamang ang kambal na nag-uusap samantalang napaggigitnaan naman nila si Thirdy na pabalik-balik ang tingin mula kay Jarvis at Chantal na animo’y nagtataka kung sino si Chantal. Hindi talaga namin pinlano na daraan din kami rito kay Thirdy pero naisipan ni Preston na pumunta na raw kami rito para na makilala na rin niya si Thirdy nang makilala rin ni Chantal ang Tito niya na hindi niya pa kailanman nakakausap o nakikilala. Nakakatuwa nga dahil pagdating namin ay agad nang tumayo si Thirdy at niyakap ako nang mahigpit na para bang miss na miss ako. Mula kasi nang magbuntis ako ay hindi pa ako nakakadalaw muli sa kaniya dahil hindi pa rin alam ni Tiyang na buntis na naman ako at alam kong mahihirapan akong magpaliwanag sa kaniya kaya’t hindi ako kaagad nakadalaw. Halos isang oras yatang hindi bumitiw sa akin si Thirdy at hindi pinansin ang tatlo— sina Jarvis, Cha

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Sixty Nine

    “Do you visit here often?” Tumingin ako kay Preston nang marinig ang tanong niya at marahang tumango bilang tugon. Muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at sa halip ay pinagmasdan na lamang sina Chantal at Jarvis na magkaharap na nakaupo sa puntod ng Kuya nila. Malakas akong bumuntong hininga at kaswal na nagkibit balikat. “Palagi. Kapag may libre akong oras kagaya ng pagkahatid ko kina Jarvis at Chantal sa school noon. Hindi ko nga alam na hindi pala naikukuwento sa ‘yo ni Kuyang driver na inihahatid at sinusundo niya ako palagi rito noon,” sagot ko. “He’s not like that. And isa pa, it’s your own privacy. Wala nga siyang nababanggit sa akin kaya hindi ko alam.” Napatango naman ako dahil doon at tipid na ngumiti dahil kampante ako na hindi masasamang tao ang kasama namin sa bahay. Ipinagkrus ko ang aking dalawang braso habang nakatingin kina Jarvis at Chantal. Medyo malayo kami ni Preston sa kanila kaya’t hindi namin naririnig ang pinag-uusapan nila ngunit halata naman m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status