Share

Chapter Five

Author: Jin
last update Last Updated: 2022-06-09 10:05:45

“Anong kailangan kong magbayad? Aba, ineng. Maayos akong nagmamaneho at ‘yang kapatid mo ang bigla na lamang tumawid. Hindi ko na kasalanan pa na tatanga-tanga ‘yang kapatid mo—“

“Ituloy ho niya ‘yang sasabihin niyo at kayo na ang susunod na nakahiga rito sa tabi ng higaan ng kapatid ko,” seryosong banta ko sa lalaking aking kaharap.

Malakas akong bumuntong bago tumingin kay Thirdy na kagagaling lamang sa pag-iyak. May benda ang ulo niya dahil sa pagkakabangga ngunit laking pasasalamat ko na hindi naman pala gaanong kalala ang natamo niya.

“L-Lyana, kasi ano…” Ibinalik ko ang tingin ko kay Tiyang nang magsalita siya. “S-Si Thirdy naman kasi talaga ang may a-ano, may kasalanan. T-Tumawid kasi siya t-tapos...”

“Oh? Narinig mo naman yata ang sinabi niyang matandang ‘yan,” matapobreng sambit ng lalaking nakabangga kay Thirdy kaya’t bahagya kong ipinikit ang aking mga mata upang ikalma ang aking sarili.

Nang makakalma na ako ay saka ko siya tinaasan ng kilay. “Kayo ho ang nakabangga sa kapatid ko. At isa pa, sino ho bang nasa hospital at nasaktan? Ang kotse niyo ho ba?” tanong ko sa kaniya pabalik.

Hinawakan ako ni Tiyang sa braso at sinabing tumigil na pero hindi ko siya pinakinggan. Saan naman ako kukuha ng pambayad ni Thirdy rito kung hindi siya magbabayad? ‘Yong kapatid ko na ang na-agrabyado tapos kami pa ang kailangang magbayad? Hindi ako papayag doon, ano. Saka isa pa… wala akong pera.

“Bakit hindi mo tanungin ‘yang kapatid mo. Mukha namang hindi maayos ang pag-iisip niyan, hindi na ‘yan makakapagsinungaling.”

Muli kong ipinikit ang aking mga mata para kahit papaano ay ikalma ang aking sarili. Hindi ko naman alam na mahirap para ‘tong kausap, letse naman, oh.

“Manong, kung kayo ang narito sa hospital at nagpapagamot, kahit wala akong pera, babayaran ko ho kayo kung mapapatunayan na ang kapatid ko ang may kasalanan. Eh ang kapatid ko ho ang narito at naagrabyado kaya bakit ako ang magbabayad? Nasaktan ho ang kapatid ko pero hindi naman nasaktan ang sasakyan niyo,” inis na sambit ko.

“Tatanga-tanga ‘yang kapatid mo tapos sa akin mo isinisisi. Wala! Ako na nga ang naabala, ako pa ang magbabayad, mga letse.”

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang talikuran niya ako. Dali-dali ko namang iwinaksi ang pagkakahawak ni Tiyang sa braso ko at tumakbo papalapit sa gawi ni Manong. Mariin kong hinawakan ang braso niya upang pigilan siya sa paglalakad.

“Bayaran niyo ho muna ang danyos na ginawa niyo sa kapatid ko,” mariing sabi ko habang nakahawak sa braso niya. Saglit siyang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin ngunit hindi ako natinag at nakipagsukatan pa ng tingin sa kaniya.

Hindi siya puwedeng umalis. Saan naman ako kukuha ng pambayad dito sa hospital? Hindi makakalabas si Thirdy rito tapos kapag mas lalong nagtagal, mas lalo ring lalaki ang ibabayad namin—hindi talaga siya puwedeng umalis!

Magsasalita pa sana akong muli ngunit naunahan na niya ako. Malakas niyang iwinaksi ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso kaya’t sa sobrang lakas niyon ay halos tumalsik ako palayo. Agad akong napaaray dahil tumama ang braso ko sa bed side ni Thirdy. Peste!

Hindi kaagad ako nakatayo dahil sa sakit kaya’t ilang segundo akong nanatili sa puwesto ko habang iniinda ang sakit ng aking braso. May dalawang nurse na lumapit sa akin ngunit umiling lamang ako bilang pagtanggi sa tulong nila. Baka mamaya, pati ako, may kailangang bayaran.

Nang mawala na ang sakit sa balikat ko ay saka ako nag-angat ng tingin sa gawi ng manong na nakabangga kay Thirdy ngunit mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang makitang wala na ito sa puwesto niya.

“Letse,” malakas na mura ko at tumayo. Lumingon ako kay Tiyang ngunit tahimik lamang siya sa sulok. Malakas akong bumuntong hininga. “Tiyang, bakit naman hindi niyo pinigilan?”

Mula sa direksiyon ko ay hindi nakatakas sa aking mga mata ang pasimpleng paglunok at pagbaba ng tingin niya sa akin upang iwasan ang aking mga mata. Muli akong nagpakawala ng buntong hininga at hinilot ang aking sintido upang kahit papaano ay mapakalma ang aking sarili.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Thirdy na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising dahil sa aksidente. May benda ang ulo niya samantalang balot din ng benda ang kanang braso at hita niya. Hindi ko mapigilang mapamura habang nakatingin sa sinapit niya.

“Lyana?”

Nag-angat ako ng tingin at muling tumingin sa gawi ni Tiyang nang tawagin niya ang pangalan ko. “Ho?” Mahinang tanong ko.

Umalis siya sa tabi ni Thirdy at naglakad palapit sa akin. Nang makalapit ay saka niya hinawakan ang aking kanang braso kaya’t kunot noo ko siyang tiningnan. “Natanggap ka naman sa trabaho, hindi ba?”

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay malakas na lamang akong bumuntong hininga bago muling ibinaling ang aking tingin sa gawi ni Thirdy.

Mukhang nakuha naman ni Tiyang ang ibig kong sabihin nang sunod-sunod din siyang bumuntong hininga tulad ng ginawa ko kanina. “Susundan ko na ba ang lalaking ‘yon? Hindi mo naman kasi sinabi na hindi ka natanggap sa trabaho… pasensiya na, ha?” Mahinang sambit niya.

“Huwag ho kayong mag-alala, magdedelihensya ako ng pera. Kailangang mailabas kaagad si Thirdy rito dahil mas lalo pang lalaki ang babayaran natin sa hospital kung hindi natin kaagad mababayaran.”

“M-May pera ka ba?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago marahang umiling. “May dalawang libo pa ako rito. Nakabenta naman kami ni Thirdy kahit papaano—“

“Tiyang, kung kukunin ko ‘yan, wala na ho kayong pang-puhunan sa susunod na ititinda niyo,” pagputol ko sa sasabihin niya.

“Eh paano na ang pambayad sa hospital? Maibabalik din naman ‘tong dalawang libo kapag ayos na ang lahat. Ang mahalaga, makalabas dito sa Thirdy.”

Hinawakan niya ang dalang shoulder bag at kinuha ang wallet sa loob. Mayamaya pa’y inilagay niya sa aking palad ang ilang isang daan tanda na katas iyon ng pagtitinda niya. “Kunin mo na ‘to. Ang sabi mo nga, mas mapapamahal pa kapag nagtagal dito si Thirdy. Dito ka muna at magdedelihensya na rin ako ng pera.”

“Tiyang…”

“Tanggapin mo na, Lyana. Saka mo na lamang ako bayaran kapag nakahanap ka na ulit ng trabaho,” pamimilit niya pa.

Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at walang nagawa kung hindi ang tanggapin ang perang ibinigay niya. “Babayaran ko ho ito, Tiyang. Pasensiya na ho lagi sa abala. Kayo na nga ang nagbantay kay Thirdy tapos…”

Tipid lamang siyang ngumiti sa akin at tinapik ang aking balikat kaya’t nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya dahil sa labis na hiya. “Babalik ho muna ako bahay, Tiyang. Kukuha ako ng pamalit na damit ni Thirdy saka ilang gamit. Dadaan na rin ho ako kina Jasrylle dahil baka mapautang niya ako ng pera kung sakali,” dagdag ko pa.

“Oh siya, basta bumalik ka kaagad, ha? Alam mo naman ‘tong si Thirdy, ikaw ang unang hahanapin nito panigurado na ‘yan.”

Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya bago ako muling sumulyap sa gawi ni Thirdy na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Sigurado akong magta-tantrums siya pagkagising dahil sa sakit at sigurado rin ako na hindi kakayanin ni Tiyang na mag-isang pakalmahin si Thirdy kaya’t kailangan kong makabalik kaagad.

Ang tanong, saan naman ako hahanap ng pera? Sa iskwater ako nakatira kaya’t hindi na nakakapagtaka na tulad ko ay wala ring pera ang mga kapitbahay ko. Alam ko namang mababait sila at gusto akong tulungan pero kung gipit na gipit ka rin, kahit na gustong-gusto mong tumulong, hindi puwede.

Nagpaalam pa akong muli kay Tiyang bago tuluyang umalis ng hospital. Hindi ko mapigilang manliit habang binabagtas ang daan palabas dahil maipagkakailang puro mayayaman ang nakakasalubong ko base sa pananamit nila. Idagdag pang napakaikli ng suot ko dahil sa bar ako galing kanina upang mag-apply ng trabaho—na wala rin naman akong napala.

Humigpit ang hawak ko sa jacket na tanging nagsisilbing pantakip sa katawan ko dahil sa sobrang ikli ng suot kong damit sa loob niyon. Mabuti na lamang talaga at binigyan ako ni Doctora Vallero ng jacket dahil kung hindi, mas lalo akong magiging kahiya-hiya rito.

Nakatingin ako sa baba dahil sa hiya kaya’t hindi ko na napansin pa ang kasalubong ko. Bumalik lamang ako sa reyalidad nang muntik na akong tumilapon sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin nito

.

“Miss, mag-ingat ka naman,” matapobreng sambit ng isang baritonong boses mula sa aking harapan. Agad kong tinakpan ang aking katawan dahil bahagyang lumilis ang suot kong jacket kaya’t nakita ang suot kong ‘damit’ sa loob niyon.

Nagbaba ako ng tingin bahagyang yumuko dahil sa hiya. “P-Pasensiya na, ho,” agad na paghingi ko ng paumanhin.

Umismid lamang sa akin ang lalaki na tila may kausap sa telepono at nagpatuloy na sa paglalakad. “I told you, I want to pursue it. Why are you questioning my decisions, huh? Napag-usapan na namin ng asawa ko ang lahat… I don’t care if it’s dangerous or not. We want a child, end of discussion,” dinig kong sambit niya sa kausap sa telepono.

Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuann nang marinig ang sinabi niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa puwesto ng lalaki kanina ngunit wala na siya roon. Bahagyang umawang nag mga labi ko at kinakabahang napalunok dahil sa ideyang biglang pumasok sa isip ko.

Muli akong napahawak sa suot kong jacket. Kinapa ko ang bulsa niyon at agad na nakuha ang calling card na ibinigay sa akin kanina. Si Doctora Vallero… m-mabibigyan niya kaya ako ng pera?

----

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Sixty

    “You know my Dad, Lyana? How come?”Gulat akong lumingon sa gawi ni Preston at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Umawang ang labi ko at muling ibinalik ang tingin sa gawi ng ama niya upang siguruhin na hindi lamang ako namamalikmata. Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sa kaniya ngunit wala akong ibang nakita kung hindi ang paglalaro ng ngisi sa kaniyang mga labi.Nakangisi siya na para bang sinasabi na…“Magandang araw, Ma’am.”Mas lalong umawang ang labi ko at wala sa sariling hinampas si Preston sa kaniyang balikat. “Siya nga!” Malakas na sigaw ko at hindi ulit makapaniwalang tumingin sa kaniyang ama.“Dad, paano mo nakilala si Lyana? Why did you call her… Ma’am?” takang tanong din ni Preston sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang ito. “Let’s just talk about that later, son. Why don’t you introduce that lady to us first?” Hindi tulad kanina nang una niya akong binati at tinawag na Ma’am ay iba na

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Nine

    “What…”Marahas akong lumingon sa gawi ni Preston at pinanlakihan siya ng mga mata. Agad naman siyang umiling at iwinasiwas ang mga kamay na parang dinedepensahan ang sarili. “No. I didn’t tell them to come here. Hindi ko nga alam na pupunta pala sila rito…”Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya’t muli siyang umiling. “Trust me, babe. Wala akong alam… promise. I swear,” dagdag niya pa.Gusto ko pa sana siyang suwayin dahil tinawag na naman niya akong ‘babe’ kahit na hindi ko pa rin siya tuluyang pinapatawad pero hindi ko na lamang pinansin ang pagtawag niya sa akin ng ganoon dahil abala ako sa pag-iisip ng mga maaaring mangyari kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa akin… o baka naman alam na nila kaya sila pumunta rito?Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling sinapo ang aking bibig dahil sa kaba. Ano na lamang ang iisipin nila sa akin? Sigurado akong magagalit sila sa akin tulad ni Preston kaya…Wala sa sarili akong napahaw

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Eight

    “I already told you to just stay at your room, right?” Inagaw sa akin ni Preston ang hawak kong walis at nakataas ang kilay na tumingin sa akin. “Bakit ba ayaw mong makinig?”Umirap ako nang marinig ang sinabi niya at ipinagkrus ang aking dalawang braso. Hindi ako nagdalawang isip na makipagsukatan ng tingin sa kaniya. “Huwag mo akong utusan, hindi kita boss,” ganti ko. “Of course, I am not your boss. I already fired you, remember?”Mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin kaya’t sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga at mapailing. Inismiran ko muna siya bago inagaw ang kinuha niya sa aking walis tambo. “You don’t have to clean Chantal’s room, Lyana. Malinis naman. You should just go to your room and rest—““Paanong rest eh hindi nga ako pagod?” Inis na tanong ko pabalik at tinaasan siyang muli ng kilay. “At saka buntis lang ako, may paa at kamay pa rin ako kaya hayaan mo akong kumilos.”

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Seven

    “Sinong buntis? Ako?” Itinuro ko ang sarili ko at mabilis na umiling. “H-Hindi, ah! B-Baka iba! Baka ‘yong iba mong… g-girlfriend! Oo, baka ‘yong iba mong—““I don’t have any other girlfriend, Lyana.” Malakas siyang bumuntong hininga at walang emosyon akong tiningnan. “And don’t even bother lying to me. I already know the truth.”“Hindi nga sabi ako buntis. Sino bang nagsabi sa ‘yo, ha? Sinabi ba ni Dalia?” “Pati ba naman ‘yang panibago nating anak, gusto mo pa ring itago at ipagkait sa akin?”Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Sinabi na sa akin noon pa man ni Dalia na ganito ang magiging reaksiyon ni Preston kapag nalaman niya ang balak kong pagtatago sa anak namin mula sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinakinggan. Nagpkawala ako ng malakas na buntong hininga at nangingilid na nag-angat muli ng tingin sa kaniya. “Bakit ba parang concern na concern ko kung sakali m

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Six

    “Wala ka na ba talagang kahit kaunting tiwala na natitira para sa akin, ha?”Hindi makapaniwalang tanong ko at lumingon sa kaniya. Malakas siyang bumuntong hininga. “It’s not about trust, Lyana. That guy clearly told me to send his greetings to your son. Sino pa bang ibang anak mo maliban kina Jarvis at Chantal, ha?” Mariing tanong niya.Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na ibang anak ang tinutukoy ni Gab at hindi si Jarvis ngunit alam kong kapag sinabi ko ang totoo, baka mas lalo niya lang akong kamuhian—namatay sa pangangalaga ko ang sarili kong anak. Sino ba namang hindi magagalit sa akin? Sinong hindi ako sisihin?“Problema na naming dalawa ‘yon ni Gab at hindi ka na kasali. Ang concern mo lang dito ay ang mga bata kaya huwag ka nang makisali pa sa problema ko,” malamig na sambit ko habang hindi nakatingin sa kaniya.“I am asking if Jarvis is my son—““Oo nga sabi!” Hindi ko na

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Fifty Five

    “A-Anong ginagawa mo rito?”Mas lalo siyang napangisi nang marinig ang tanong ko kaya’t mas lalo lamang akong sinalakay ng kaba. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita dahil nakulong siya noon at nang makalaya naman siya ay hindi na nagtagpo ang landas namin kaya’t akala ko ay hindi na kami muling magkikita pa.Kung alam ko lang sana na magtatagpo pa ang landas naming dalawa, sana naihanda ko ang sarili ko dahil sa pagkakataong ito, para akong binabangungot habang tinitingnan niya ako. “I just got here with my girlfriend. Hindi ko naman alam na dito pa pala kita makikita and oh…” Dumako ang mga mata niya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa kaya’t muli akong napalunok dahil sa kaba. “Mukhang nakahanap ka na naman ng mayamang lalaking peperahan, ha? Who is he? Ipakilala mo naman ako.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at hindi nakasagot sa tanong niya. Luminga-linga siya sa paligid at nang makumpirmang kakaunti ang tao ay saka siya umupo sa upuang inuupuan ni Dalia kanina. Nahigit k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status