Share

Chapter Four

Penulis: Jin
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-09 10:05:20

“Ha? Surrogate?” Hindi makapaniwalang tanong ko at itinuro ang aking sarili. “A-Ako?”

Marahan siyang tumango at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya. Naguguluhan man ay sumunod pa rin ako at tuluyan nang lumapit pa sa kaniya. “It’s a secret. Huh? Ang totoo kasi niyan, kaya pumunta ako roon sa bar ay dahil kilala ko si Mamita. Hihingi sana ako ng tulong sa kaniya sa paghahanap ng surrogate—“

“E ‘di ba sabi mo sa akin, may ano na naman kayo, may agency na? Bakit hindi ka nalang doon maghanap ng surrogate sa agency niyo? Malay mo, may HIV pa ‘yong makuha mo, mas lalo kang mapapahamak kapag ganoon,” pagputol ko sa sasabihin niya.

Agad naman niya akong sinenyasan na babaan ko ang boses ko dahil nasa coffee shop pa rin kami at baka may makarinig sa pinag-uusapan namin. Mabilis naman akong tumango bilang pagsunod.

“Sa agency kasi namin, dapat ang mga supposedly parents ang pupunta roon. Pero sa sitwasyon kasi ng pinsan ko, hindi sila puwedeng umalis ng bansa kasi mahahalata ng pamilya namin. Ayaw kasi nilang sabihin ng asawa ng pinsan ko sa pamilya namin na hindi siya makakapagbuntis kaya…”

“Kung hindi sila puwedeng pumunta ng ibang bansa, e ‘di ‘yong surrogate nalang ang papuntahin mo rito.”

Muli siyang umiling at malakas na bumuntong hininga. “That’s not allowed in our agency. Kaya naman wala akong choice kung hindi ang umuwi rito sa Pilipinas at maghanap ng puwedeng maging surrogate mother ng baby nila.”

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Hindi dahil sa nag-iisip ako kung tatanggapin ko ba o hindi kung hindi dahil hindi pa rin ako makapaniwala na mayroon palang ganoong bagay. Grabe rin ang mundo, e, ano?

‘Yong mga teenager na walang proteksiyon kapag nag-sesex, ang dali-dali kung mabuntis tapos ‘yong mga kasal na at handa nang magkaanak, sila naman ‘yong hindi mabuntis-buntis. ‘Yong mga ayaw magkaanak, nagkakaroon ng anak tapos ‘yong mga gustong magkaanak, hindi naman magkaanak.

Malakas akong bumuntong hininga at napailing. Hindi nga talaga pantay ang mundo sa bawat tao.

“Lyana?”

Nakabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Doktora Vallero. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naguguluhan siyang tiningnan. Muli naman siyang bumuntong hininga. “Pumayag ka na, please? Alam kong sobrang nalilito ka pa ngayon pero ipapaliwanag ko naman sa ‘yo nang maigi basta pumayag ka lang—“

“T-Teka.” Itinaas ko ang aking kamay para pigilan siya sa pagsasalita. “B-Bakit ako? Marami pa namang ibang babae riyan kaya bakit ako ang napili mo? Saka hindi mo ba narinig? Namatay ang anak ko—“

“But it wasn’t your fault,” pagputol niya sa sasabihin ko kaya’t natahimik ako. “Maayos naman ang pagbubuntis mo sa kaniya, hindi ba? Madali kang nabuntis kasi sabi mo, isang beses niyo lang naman sinubukan pero nabuntis ka na. Hindi ka rin nakunan kahit na nagtatrabaho ka habang buntis ka noon. Madali rin kitang napa-anak noon. Everything… you will be a perfect surrogate, Lyana.”

Ilang beses akong napakurap dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya ngunit kapagkuwan ay dahan-dahan akong umiling at malakas na bumuntong hininga. “Pasensiya na pero ayaw ko sa mga ganiyan. S-Saka hindi madali ang pagbubuntis, ano,” pagtanggi ko.

“Lyana, mayaman ang pinsan ko. He’s hella rich. SIyam na buwan mo lang naman dadalhin ang bata tapos tapos na. Wala ka ng responsibilidad sa bata at may pera ka pa. My cousin can pay you millions just so they can have a child. Come on, Lyana. Pumayag ka na, please?”

Kinagat ko ang aking ibabang labi at natahimik. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kaniya. Oo at kailangan ko ng pera pero hindi sa ganoong paraan…

Paano kung hindi ko maiwan ang bata? Paano kung mapamahal ako? Saka hindi madali ang magbuntis, naranasan ko na ang bagay na iyon noon pa man kaya naman…

“Ibang babae na lamang ang tanungin mo niyan, Doktora Vallero. SIgurado akong may iba pang papayag sa offer mo lalo pa’t sabi mo naman, malaki ang ibabayad ng pinsan mo. Pero kung ako ang tatanungin mo, pasensiya na pero ayaw ko,” sagot ko at nagbaba ng tingin sa kaniya.

Malakas naman siyang bumuntong hininga kaya’t mas lalo akong natahimik.

“Lyana, hindi naman ‘to libre. Trabaho ang gagawin mo… legal na trabaho. Pagkatapos ng siyam na buwan, malaya ka na ulit. Magagawa mo na lahat ng gusto mo. Makaka-diretso ka na sa College tapos puwede ka pang makahanap ng magandang trabaho pagkatapos mong mag-aral. This is a good opportunity for you, Lyana.”

Kahit na maganda ang offer niya ay marahan pa rin akong umiling bilang pagtanggi. Hindi mapapalitan ng kahit na anong pera ang pagiging ina. Ni hindi ko nga alam kung ‘ina’ bang maituturing ang mga surrogate.

“Pasensya na talaga. Iba nalang ang alukin mo,” sambit ko at tumayo na. “Salamat sa kape at sa offer mong trabaho. Pasensiya na ulit dahil hindi ko matatanggap ang alok mo.”

“Lyana…”

Malakas akong bumuntong hininga at tipid siyang nginitian. “Sana ay makahanap na kayo ng surrogate ng pinsan mo at nang magkaanak na sila ng asawa niya. Isasama ko nalang kayo sa dasal ko. Salamat at pasensiya na, ha? Gusto ko mang ibalik sa ‘yo ang naitulong mo sa akin noong nanganak ako noon pero kasi, hindi sa ganitong paraan. Pasensiya na, mauna na ako.”

Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko bago tumayo. May kung ano siyang kinuha sa bag niya at inilagay sa kamay ko kaya naman agad na nagsalubong ang aking mga kilay. Napalunok ako nang makita kung ano iyon.

“That’s my calling card. Kapag nagbago ang isip mo tungkol sa offer ko, tawagan mo lamang ako. Maghihintay ako ng tawag mo, huh?” sambit niya.

“H-Ha? Pero sinabi ko na naman sa ‘yo na hindi ako interesado—“

“Baka lang magbago ang isip mo,” pagputol niya sa sasabihin ko at tinapik ang aking balikat. “S-Sayang din naman kung nagbago ang isip mo tapos hindi mo ako ma-contact, ‘di ba? Lyana, may tiwala ako sa ‘yo… k-kung hahanap nalang din kami ng surrogate, doon na sa kilala ko at may tiwala ako, ‘di ba?”

“Pero kasi…”

“Hindi kita pinipilit. Rerespetuhin ko naman ang choice mo pero… k-kung sakali lang naman. Tawagan mo lang ako kapag nagbago na ang isip mo,” mahinahong sambit niya at tipid akong nginitian.

Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang marahang tumango at magpaalam sa kaniya. Isasauli ko pa sana ang jacket na ibinigay niya sa akin para takpan ang katawan ko kanina ngunit hindi na niya iyon tinanggap dahil baka mabastos pa raw ako sa daan. Nagpasalamat na lamang ako sa kaniya at umalis na ng coffee shop.

Mabibigat ang bawat hakbang ko palabas habang iniisip kung ano ang mga sinabi niya. Hindi ko pa rin tuluyang naiintindihan ang surrogate na sinasabi niya—baka isa rin iyon sa rason kung bakit hindi ako pumayag sa alok niya. Dahil hindi ko pa naman talaga alam kung ano ang gagawin para may mabuong bata sa tiyan ng surrogate mother.

Kung normal iyon sa ibang bansa, hindi naman iyon ganoong ka-normal dito. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ako nakapagtapos sa pag-aaral kaya’t hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Masiyadong kumplikado ang bagay na iyon sa akin.

Pumara lamang ako ng jeep para sumakay dahil sobrang sakit na ng paa ko. Sayang ang sampung piso pero wala naman akong magagawa dahil gustong-gusto ko na ring magpahinga.

Napakaraming nangyari ngayong araw na ito kaya naman hinahanap na ng katawan ko ang kama ko kahit na matigas naman iyon at masakit sa likod. Saka isa pa, susunduin ko pa si Thirdy kina Tiyang.

Hindi pa man ako nakakaayos ng pagkakaupo sa jeep nang tumunog na ang telepono ko. Agad kong kinuha ang keypad kong cellphone sa aking bulsa para sagutin ang tawag.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko nang makitang si Tiyang ang tumatawag.

Karaniwan kasi ay ako ang tumatawag kay Tiyang para kumustahin si Thirdy kaya’t nakakapanibago na siya ang tumatawag sa akin ngayon. Naguguluhan man ay sinagot ko pa rin ang tawag niya. “Tiyang, bakit po?” bungad na tanong ko sa kaniya.

“L-Lyana, si Thirdy… a-ano si Thirdy…”

Hindi ko alam kung bakit ngunit agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Kinakabahan akong lumunok bago muling nagsalita. “Anong mayroon kay Thirdy, Tiyang? May nangyari ba?” tanong ko.

“S-Si Thirdy… nabangga ng sasakyan si Thirdy…”

Tila tinakasan ako ng realidad at binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi niya. Si Thirdy raw… “Ho?!”

----

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Baby Maker   Epilogue Two

    “Sir? Sir, aalis na ho ako.” I was pulled out of my own reverie upon hearing our maid’s voice. Nag-angat ako ng tingin at naabutan ang nakasilip sa may pinto na si Manang Lerma. Hindi na siya naka-maid’s uniform kaya’t alam kong paalis na siya. Sa halip na sagutin siya ay nagbaba na ako ng tingin at tumingin sa napakaraming papeles na nasa aking harapan. “Are you going to meet Chantal’s new nanny, Manang?” I asked her, still looking towards my paper works. “Ay, oho, Sir. Kausap ko na ho ‘yong pamangkin ko, sabi sa akin ay papunta na raw sa meeting place namin ‘yong kaibigan niya na magiging yaya ni Chantal.” “Can I see her curriculum vitae?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit sa halip na sagutin ako ay kinamot niya ang ulo at nag-iwas ng tingin. Malakas akong bumuntong hininga. “Manang? I said, I want to see her curriculum vitae. Ilang taon na ba? Saan dating nagtrabaho? Kumusta ang ugali—“ “Sir, huwag na ho kayong mag-alala. Ako na ho ang bahala. May tiwala naman

  • The Billionaire's Baby Maker   Epilogue One

    “Manang Lerma, napatulog ko na ang kambal. Si Preston ho ba, tapos na sa triplets?” Tumigil si Manang Lerma sa paghuhugas ng mga boteng ginamit ni Preston sa pagpapadede ng tatlo kaya naman tingin ko ay maging siya ay tapos na sa pagpapatulog sa triplets. “Ha? Ay, hindi ko napansing lumabas. Baka nandoon pa rin sa kuwarto. Kanina pa ibinigay sa akin ‘tong mga bote, e. Hugasan ko na raw para matuyo na kaagad,” sagot niya kaya’t wala sa sarili akong patango. “Tulog na po ba ang triplets noong pumunta kayo sa kuwarto?” Mabilis na umiling si Manang Lerma kaya’t lihim akong bumuntong hininga. Mukha ngang naghihirap ngayon si Preston, ah? Deserve. “Naglalaro sila noong pumasok ako. Noong umalis naman ako, nag-iiyakan ‘yong tatlo,” kaswal na sagot sa akin ni Manang Lerma kaya naman agad na nagtagpo ang aking dalawang kilay. Bumuntong hininga ako. “Bakit ho nag-iiyakan? Nag-away po ba? May masakit sa kanila?” Nag-aalalang tanong ko sa kaniya pabalik. “Ay, hindi. Nagpapala

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Seventy Two

    “Kasal? Nino?” Ilang beses akong napakurap habang nakatingin kay Margaux. Awtomatiko namang tumaas ang kilay niya kaya’t mas lalo pang kumunot ang aking noo dahil sa labis na pagtataka. Mayamaya pa ay malakas siyang bumuntong hininga at hinilot muli ang kaniyang sintido. “Baka kasal ko, ano?” “Kanino ka ikakasal? May bago ka na namang boyfriend? Kailan pa?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Ang bilis niya namang makahanap ng bagong boyfriend tapos ikakasal na sila kaagad. Bumuntong hininga ako. Keep up ka naman diyan, Preston. Sana all. Tumingin muli si Margaux sa gawi ko kaya’t naguguluhan pa rin akong tumingin sa kaniya. Tatanungin ko pa sana siya ulit kung bakit ikakasal na siya kaagad ngunit naunahan na niya ako sa pagsasalita. “Naka-drugs ka ba?” Agad ko siyang sinamaan ng tingin. “Lasing ka rin ba? Alam mo naman na buntis ako tapos itatanong mo kung naka-drugs ako. Hindi naman ako tanga—“ “Kung hindi, dapat naintindihan mo na na ikaw ang ikakasal at hindi

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Seventy One

    “You’re due in two months, right, Lyana?” Agad akong tumango bilang sagot sa tanong ni Tita—nanay ni Preston. Tumingin ako sa gawi niya at ngumiti. “Bakit po?” takang tanong ko sa kaniya pabalik. Makahulugan siyang ngumiti sa akin at marahang umiling kaya’t hindi ko mapigilang mas lalo pang magtaka dahil doon. Alam ko kasi kung may ibig sabihn ang tanong niya o wala. Saka base sa pagngiti niya sa akin, alam kong mayroong dahilan kung bakit niya itinanong sa akin ang bagay na iyon. “Nakapagpacheck up na ba kayo ulit ni Preston? Alam mo na ba ang gender ng baby?” “Medyo busy po kasi si Preston sa trabaho nitong mga nakakaraang linggo kaya ako lang po ang nagpapacheck up. Sinasamahan din naman po ako ni Dalia kaya ayos lang naman po sa akin. Saka alam ko na po kung anong gender,” sagot ko at ngumiti rin sa kaniya. Mukhang nalaman niya rin kaagad na may kahulugan ang pagngiti ko kaya’t pinanliitan niya ako ng mata. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko upang pigilan na matawa.

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Seventy

    “Chanty, siya si ‘To Thirdy. ‘Di siya medyo nakakapagsalita pero bait naman siya. ‘Di siya nang-aaway.” Pinagmasdan ko lamang ang kambal na nag-uusap samantalang napaggigitnaan naman nila si Thirdy na pabalik-balik ang tingin mula kay Jarvis at Chantal na animo’y nagtataka kung sino si Chantal. Hindi talaga namin pinlano na daraan din kami rito kay Thirdy pero naisipan ni Preston na pumunta na raw kami rito para na makilala na rin niya si Thirdy nang makilala rin ni Chantal ang Tito niya na hindi niya pa kailanman nakakausap o nakikilala. Nakakatuwa nga dahil pagdating namin ay agad nang tumayo si Thirdy at niyakap ako nang mahigpit na para bang miss na miss ako. Mula kasi nang magbuntis ako ay hindi pa ako nakakadalaw muli sa kaniya dahil hindi pa rin alam ni Tiyang na buntis na naman ako at alam kong mahihirapan akong magpaliwanag sa kaniya kaya’t hindi ako kaagad nakadalaw. Halos isang oras yatang hindi bumitiw sa akin si Thirdy at hindi pinansin ang tatlo— sina Jarvis, Cha

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter Sixty Nine

    “Do you visit here often?” Tumingin ako kay Preston nang marinig ang tanong niya at marahang tumango bilang tugon. Muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at sa halip ay pinagmasdan na lamang sina Chantal at Jarvis na magkaharap na nakaupo sa puntod ng Kuya nila. Malakas akong bumuntong hininga at kaswal na nagkibit balikat. “Palagi. Kapag may libre akong oras kagaya ng pagkahatid ko kina Jarvis at Chantal sa school noon. Hindi ko nga alam na hindi pala naikukuwento sa ‘yo ni Kuyang driver na inihahatid at sinusundo niya ako palagi rito noon,” sagot ko. “He’s not like that. And isa pa, it’s your own privacy. Wala nga siyang nababanggit sa akin kaya hindi ko alam.” Napatango naman ako dahil doon at tipid na ngumiti dahil kampante ako na hindi masasamang tao ang kasama namin sa bahay. Ipinagkrus ko ang aking dalawang braso habang nakatingin kina Jarvis at Chantal. Medyo malayo kami ni Preston sa kanila kaya’t hindi namin naririnig ang pinag-uusapan nila ngunit halata naman m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status