GABBY POINT OF VIEW Tahimik ang hapon. Nakakainis yung ganitong klaseng katahimikan—parang sinisigaw ng paligid na may tinatago, pero ayaw sabihin kung ano.Dahil hindi ako mapakali, naglakad-lakad ako sa gilid ng mansion. Hinayaan ko na lang ang paa ko magdesisyon kung saan ako pupunta. It was rare to have any time alone, lalo na ngayon na parang lahat ng camera, mata, at dila ng mga tsismosa ay nasa akin. Pero ngayon, walang staff, walang reporters, walang Damian.Langit.May maliit na pathway sa likod ng greenhouse na parang nakalimutan na ng panahon. Puno ng damo, puno ng alikabok, pero may something sa aura na hindi ko maipaliwanag. Parang hinihila ako ng kung anong invisible thread.“Oy Seraphina, anong tinatago mo sa likod ng mansion mo, ha?” bulong ko sa sarili ko.I kept walking, brushing aside overgrown vines. Then I saw it.Isang lumang bakal na gate, half open, with rust eating away at its beauty. Pero sa loob—naku po—ang ganda. Parang secret garden ng mga bata sa fairy t
GABBY POINT OF VIEW Araw ng Linggo. Mainit. Mainit ang panahon, mainit din ang ulo ko. Hindi dahil sa araw. Hindi dahil sa kape kong kulang sa gising. Kundi dahil may sumulpot na babae sa social media na nagngangalang Francheska De Alban, self-proclaimed “the woman Damian truly loves.” Tapos may caption pa: “Sometimes, even marriage can't erase true love. Soon, he’ll come home to me.” Kasama pa ang picture nila ni Damian—grainy, mukhang luma, pero halata ang closeness. Tawa muna ako. Gigil. Pero tawa. Akala siguro ng malanding Francheska na ako ‘yung tipikal na asawa na magra-rant online, magpo-post ng cryptic quotes, tapos magde-delete after five minutes. Nah, girl. I’m not Seraphina. I’m Gabby. And I don’t cry. I plot. That same afternoon, nagpa-book agad ako ng table sa pinakasosyal na hotel restaurant sa BGC. Tapos, nagpaabot ng personal invitation kay Francheska. Through a courier. With gold foil and velvet envelope. Seraphina’s signature paper. Classy. Deadly. At
GABBY POINT OF VIEW Hindi ako nagising para lang magmukhang trophy wife ng isang lalaking walang balls to protect what’s his.I was born to raise hell. At ngayon, gamit ang mukhang ‘to, pangalan ni Seraphina, at utak kong sanay sa kalsada’t survival, sisiguraduhin kong maririnig nila ako.Napatingin ako sa salamin habang inaayos ang emerald green suit na kinuha ko pa sa lumang collection ni Seraphina. Matagal nang naka-box ‘yon, parang takot siyang magsuot ng kahit anong commanding. Palaging pa-sweet. Palaging pa-angel.Well, not anymore.Tinapik ko ang kuwelyo ko, sinigurong perfect ang makeup—subtle but sharp. Eyes lined like a dagger, lips painted in dark wine, hair tied back like I was going into battle. Because I was.This wasn’t just a board meeting.This was my debut as war general.“Miss Seraphina,” sabi ng assistant nang dumating ako sa lobby ng Velasco Enterprises. “They didn’t expect you today…”“Exactly,” I smiled. “That’s why I’m here.”She blinked.I walked past her lik
DAMIAN RAFAEL POINT OF VIEW Wala naman talagang bago.Ganun pa rin ang gising ko—maaga, malamig ang shower, tahimik ang almusal. Laging black coffee, laging sunod-sunod na tawag. Everything felt the same.Pero may mali.Hindi ko lang matukoy kung ano.O kung sino.Pagtingin ko sa baba ng bahay, andoon na siya. Seraphina. O kung gusto niya ngayon, “Seraphina Velasco” in full brand form. Naka-red power suit na parang pupunta sa fashion week, hindi sa almusal lang. Tumigil ang mundo saglit. Hindi ko mapigilang titigan siya habang kinukuha niya ‘yung tea sa gilid.Walang kaimik-imik. Walang lambing. Wala ‘yung dating Seraphina na kilala ko. Pero kakaiba, kasi kahit wala na ‘yung dating siya, para bang mas buhay na buhay ngayon ‘tong version na ‘to.Mas matapang. Mas kumikislap ang mata. Mas… mapanganib.At mas lalo siyang hindi ko kayang bitawan ng tingin.Araw-araw ko siyang nakikita pero bawat araw, parang iba-ibang babae ang kaharap ko. One day, she’s the ice queen in heels. The next
GABBY POINT OF VIEW Normal lang dapat ang araw ko. Magkakape lang sana ako, magpapadala ng ilang email para sa bagong branding shoot ko, tapos baka mag shopping ng mga gamit para sa opisina ko. Pero syempre, hindi pwedeng maging simple ang buhay ng babaeng may kaluluwang pinalitan, may among mayabang na asawang hindi alam na hindi na ako si Seraphina, at may pamilyang gustong ilibing ako sa power play.Naka-red wrap dress lang ako that day, ‘yung may slit hanggang hita. Simple heels. Hair tied in a slick ponytail. Nothing screamed “target” except maybe the fact na may aura akong “hindi niyo ako kayang daigin, mga ulupong.” At apparently, may isang gago sa paligid na hindi nagustuhan ‘yun.Naglalakad lang ako pa-garage, papunta sa waiting car. I was humming something sa isip ko. ‘Yung tipong feel na feel ko na empowered ako. Pero something in the air shifted.You know that feeling na parang may nanonood? Na may mainit sa batok mo kahit wala namang araw?Hindi ko na tinapos ang lakad k
GABBY POINT OF VIEW Wala na akong magagawa kundi ang maglakad papunta sa kwarto na tinutukoy nila. Sa isang iglap, ang buhay ko ay nauurong sa isang laro ng alon at balod. Dammit! bakit ko ba ito pinapasok? But then again, sino pa ba ang pipiliin ko kundi ang sarili ko? Kaya nga nandito ako sa katawan ng Seraphina Velasco, at ang pinagka-kumplikado lang nito—ay si Damian. Saan na ba ako dadaan? Pero teka, may kinuha akong bag na hindi ko naman planong kunin. Bakit ba kasi pinilit nila na magkasama kami sa iisang wing? Gusto ko pa ba ito? Hindi ko alam.Naglalakad ako sa hallway, ang bawat hakbang ko ay tila mas mabigat sa pakiramdam ko. May mga anino ng mga tanawin sa paligid ko na para bang ang lahat ng mata ay nakatutok sa akin. Hindi ko na kayang pigilan ang gutom ng silencing drama. Tinutukso ko na lang ang sarili ko. Naglakad ako papasok sa kwarto, at nasubukan kong magpigil ng hininga nang makita ko si Damian na nakatayo sa harap ng kama. Napaka-expressive ng mukha niya, puno
GABBY POINT OF VIEW Nasa harap ako ng malaking salamin sa loob ng kwarto, tinitingnan ko ang sarili ko na nakasuot sa pinakamalupit na dress ni Seraphina. Ang red dress na ito, sa totoo lang, ay isa sa mga pinaka-inaayawan niyang isuot sa buong buhay niya. Sabi nga ni Seraphina, “This dress is a walking disaster.” Pero sa ngayon, sa mga mata ko, ang dress na ito ay isang pagkakataon. Isang pagkakataon para patunayan na hindi ko kailangan ang mga opinion ng ibang tao para magmukhang maganda.Pero iba si Seraphina. Para sa kanya, ang dress na ito ay simbolo ng lahat ng hindi maganda sa mundo. It’s tight, it’s bold, and the color is way too aggressive for her taste. Pero sa akin? Mukhang maganda, at wala akong pakialam kung ayaw niya ito. I’m not going to let her past self dictate my choices. Gabby Cruz is in charge now, and this dress? It’s mine to own.Nang lumabas ako ng kwarto, ramdam ko na ang mga mata ng mga tao sa paligid. They were staring, whispering, and some were even raising
GABBY Nasa loob ako ng walk-in closet ni Seraphina—o closet ko na ngayon, kung tutuusin—habang kinakalikot ang isang lumang kahon sa ilalim ng dresser. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para halukayin ang mga lumang gamit, pero may kutob akong may matutuklasan akong kakaiba. At hindi nga ako nagkamali.Isang maliit na kahon ng alahas ang nahugot ko mula sa ilalim. Dusty, parang matagal nang hindi nabubuksan. Binuksan ko ito nang dahan-dahan, at halos maibuga ko ang hininga ko nang makita ko ang laman—isang eleganteng singsing na may malaking sapphire sa gitna, napalilibutan ng maliliit na diamonds. Hindi ito simple. Hindi rin ito pang regalo lang. This was an engagement ring.“Anong kalokohan ‘to?” bulong ko sa sarili habang tinatalikuran ang dresser, hawak-hawak ang kahon. “Hindi ‘to kay Damian. Kilala ko ‘yung taste nung lalaking ‘yon. Iba ang style nito. Mas... may puso.”Napatingin ako sa gilid ng kahon at may nakita akong maliit na sulat, halos nakadikit sa lining sa loo
GABBY POINT OF VIEW May mga muscle ache ako sa katawan na hindi ko alam kung kanino ko ipapamana. Ang buong braso ko nananakit. Ang mga binti ko parang binugbog ng isang squad ng basketball players. Pero ang pinaka-importante sa lahat, natutunan ko na paano kumapit ng tama sa baril.Hindi siya laruan. Hindi rin siya pang-Instagram lang. Shotgun ang gamit ko ngayon. Mabigat. Malamig. Pero sa kamay ko, pakiramdam ko parang extension ng katawan ko."Again," utos ni Kuya Joel, ang private bodyguard na lihim kong kinontrata. Dating special forces. Tahimik lang. May pilat sa pisngi na parang signature. Hindi masyadong madaldal. Pero kung magturo, klaro. Walang drama.Tumindig ako muli sa shooting range sa loob ng private training facility sa kabilang estate. Hindi ito bahagi ng Velasco mansion kundi isa sa mga lumang properties na hindi masyadong pinupuntahan. Sabi nga nila, kung gusto mong matutong lumaban, lumayo ka muna sa lugar na delikado.Pinasok ko ang bullet sa chamber. Hinigpitan
GABBY POINT OF VIEW Wala na akong gana kumain. Kahit gaano pa karaming putahe ang nakahain sa mamahaling dining table ng Velasco Mansion, para sa akin, lahat ito may halong lason. L literal. Hindi metaphorical. Hindi chika lang. Lason talaga.Nagsimula ang kutob ko dalawang linggo na ang nakalipas. Bawat gabi, pagkakain, sumasakit ang tiyan ko. Hindi basta kabag lang. Yung tipo ng sakit na parang may kutsilyong hinihiwa ang bituka mo sa loob habang sinusunog ng apoy. Akala ko noong una dahil lang sa stress. Kasi nga, Gabby ako sa loob ng katawan ni Seraphina, at ang dami kong kailangang saluhin. Damian. Bianca. Mga kalokohan sa business. Lahat. Pero noong may araw na hindi ako kumain sa bahay at bigla akong gumaan ang pakiramdam, doon ko napatunayan. May lason sa pagkain.Hindi ako nagpakita ng kahit anong kahina-hinala. Tahimik lang akong nag-obserba. Isa-isa kong tinandaan kung sino ang mga naghahain, kung sino ang naglalapit ng plato, at kung sino ang laging malapit sa baso ko ng
GABBY POINT OF VIEW Nandiyan na siya. Si Bianca, ang kabit. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya para magbalik sa buhay namin. Akala ko ba tapos na siya? Akala ko ba nag-move on na siya sa buhay ni Damian? Pero ngayon, nandiyan siya sa harap ko, nakatayo sa harap ng malaking salamin sa sala, at tinitingnan ang sarili niyang reflection na parang may karapatan siyang magyabang.Masyadong maganda si Bianca. Wala akong pakialam. But the problem with her is, she thinks her beauty gives her the power to step all over people. That includes me, Seraphina Velasco—o ngayon, Gabby na nakatago sa katawan niya.Hindi ko akalain na ang babae, na pinili ko dati maging tahimik at passive para lang mapanatili ang status quo, ay magpapanggap na walang nangyari. Akala ko pa nga si Damian, na parang napakatatag ng mga prinsipyo, ay hindi na bibigay kay Bianca. Pero siya, hindi. Hindi ko alam kung anong dahilan, pero isa lang ang malinaw: Gusto niya akong gawing tanga sa sarili kong buhay.Nasa
THIRD PERSON POINT OF VIEW Pagpasok ni Damian Rafael Velasco sa opisina, nakakunot na agad ang noo niya. Hindi pa man siya nakakalapit sa mesa ay tanaw na niya ang makapal na papel na nasa ibabaw nito—at mas kapansin-pansin, may mga *bloody red ink* comments sa bawat gilid ng kontrata.Tahimik siyang lumapit, kinuha ang dokumento, at pinasadahan ng mata ang mga komentong mukhang sinulat gamit ang galit at caffeine.Too vague. Pwede bang i-specify ang visitation hours dito? Ayoko ng biglaang ‘surprise visits’ para lang makita kung humihinga pa ko.”“Clarify: Ano bang ibig sabihin ng ‘fulfill wifely duties’? Sex slave ba ko? Ano ‘to, 1950s?”“Change this. ‘Til death do us part’?! Kalma lang. Di ako planong mamatay sa mansion na ‘to. Temporary contract lang ‘to, not a funeral plan.”Muntik nang mabilaukan si Damian. Pinilit niyang hindi mapatawa pero napailing na lang siya.Pagkaangat niya ng tingin, nandoon si Seraphina o sa paningin ng lahat, si Seraphina Velasco, ang tahimik, mahinhi
GABBY POINT OF VIEW Umaga pa lang ay madilim na ang langit. Mabigat ang mga ulap, parang nagpipigil ng iyak. Hindi naman ako sensitive sa ulan pero may kakaiba ngayong araw. Tahimik ang buong mansion, wala si Damian, wala ring staff. Ako lang at ang sarili ko, sa loob ng napakalawak na bahay na parang palasyo pero madalas ay parang kulungan.Kumakain ako ng cereal sa kitchen nang bumuhos ang ulan. Hindi lang ambon, kundi talagang buhos. Yung tipong nagkakandahulog ang mga patak mula sa langit, parang galit, pero may halong lungkot. Napalingon ako sa malalaking salamin na bintana sa likod. Kita ko ang garden, ang damo, ang puting bato sa paligid ng pool, at ang parang walang katapusang ulan.At doon ko naisip.“Bakit hindi?”Tumayo ako. Iniwan ang bowl ng cereal na kalahati pa lang ang bawas. Tumakbo ako paakyat sa kwarto at naghagilap ng simpleng dress. Hindi na ako nagbihis ng pambahay o kahit sports bra. Nagsuot lang ako ng light blue na summer dress na hanggang tuhod, manipis at m
GABBY POINT OF VIEW Araw ng linggo. Tahimik ang buong mansion. Wala si Damian, may business meeting daw kasama ang ilang foreign investors. At dahil ayaw kong mabulok sa kama habang ini-stalk si Bianca online, napagdesisyunan kong gamitin ang gym sa loob ng bahay. Oo, may gym. Complete setup. Air-conditioned, may weights, treadmill, boxing bag, pati juice bar. Pakiramdam mo nasa elite wellness center ka, pero wala kang kasama. Sarap. Pumasok ako suot ang black sports bra at fitted leggings na nakita ko sa cabinet ni Seraphina. Pati mga damit pang-workout niya, sosyal. Lahat branded. Pero ang katawan? Mahinhin. Parang hindi pa nasanay sa bigat ng mundo. “Well, ‘yan ang babaguhin natin ngayon,” bulong ko sa sarili habang pinapatakbo ang treadmill. Unang dalawang minuto? Okay pa. Tatlong minuto? Pawis na. Limang minuto? Tinamaan na ako ng kabuuang pagkahilo. Pero hindi ako tumigil. Pinilit ko ang sarili kong hindi magpaawat. Gabby ako. Walang “ayoko” sa bokabularyo ko. Pagkatap
GABBY POINT OF VIEW Walang traffic. Walang kasabay. Isang maluwag na highway lang sa labas ng lungsod, tahimik at tila walang banta. Perfect driving weather, sabi nga nila. Pero minsan, kahit ang pinakatahimik na daan, may halimaw pa ring nakatago sa likod ng dilim.Hawak ko ang manibela ng sports car ni Damian habang humahampas ang hangin sa mukha ko, bukas ang bintana, at ang music sa loob ng sasakyan ay isang lumang rock playlist mula sa MP3 na nakuha ko sa kwarto ni Seraphina. Weirdly enough, swak na swak sa mood ko ngayon. Rebelde. Malaya. Untouchable.Pero hindi pala.Bigla kong naramdaman ang kakaibang presensya sa likod. Hindi yung literal na multo, pero yung instinct na parang may sumusunod. Tumingin ako sa rearview mirror at napansin kong may itim na SUV na halos dikit na dikit sa bumper ko. Walang plaka. Walang ilaw. Sobrang lapit. Sa sobrang lapit, konting preno ko lang ay babangga na siya."Anong problema mo?" bulong ko habang pinipihit ang manibela, bahagyang lumilipat
GABBY POINT OF VIEW Hindi ako nagtago. Hindi rin ako nagpaalam.Umaga pa lang, habang nagkakagulo ang buong mansion tungkol sa paparating na press conference, tahimik lang akong umiinom ng kape sa veranda. Naka-all black ako—fit na leather dress, knee-high boots na may makinang na silver zippers, at mga hikaw na parang maliliit na labaha. Isang statement sa sarili: hindi ako natatakot. At lalong hindi ako magpapakain sa sistema ng mga plastik at traydor.Hawak ko ang USB na parang bala. Kasi totoo naman. Bawat segundo ng video sa loob nito, kayang sumabog ang buong pangalan ni Bianca Aragon at ng media empire niyang sinandalan niya buong buhay. A few months ago, I wouldn't have cared. Pero ngayon? After she tried to humiliate Seraphina, spread fake stories, and gaslight everyone with her smiling interviews?Well, guess what, Bianca. Today, babangon si Seraphina. At gagamitin ko ang sarili mong sinungaling na footage laban sa'yo.Lumapit si Damian habang tinatapos ko ang kape ko."Ano
GABBY POINT OF VIEW Napulot ko ‘yon sa ilalim ng dresser habang naghahanap ako ng ipit ng buhok. Malamang nahulog at hindi na napansin ni Seraphina noon, o tinago talaga. Maliit lang—MP3 player, kulay itim, may gasgas sa gilid, at may sticker ng butterfly sa likod. ‘Yung tipong outdated na, pero may sentimental value.Agad kong pinunasan at pinindot. Gumana pa. Sa dami ng pinagdadaanan ko ngayon sa mansion na ‘to, parang mas gugustuhin ko na lang makinig ng music kaysa makipag-argumento na naman kay Damian o makipagplastikan sa mga rich wives sa susunod na event.Kumportable akong umupo sa gilid ng kama, suot pa ang oversized shirt na may tatak ng Dela Vega logo. Ang ironic. Ang katawan ko kay Seraphina, pero ang puso ko—Gabby pa rin. Pero ngayong hawak ko ‘tong lumang MP3 player, para akong may hawak na piraso ng kaluluwa ng babaeng ‘to. At sa totoo lang, gusto kong malaman kung sino nga ba siya... bago ako.Unang kanta pa lang, napaikot ang mga mata ko.“Can’t Help Falling in Love”