GABBY POINT OF VIEW “Handa na po kayo, Ma’am?” tanong ng producer habang inaayos ang microphone sa kwelyo ng blazer ko.Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin—mataas ang cheekbones, matalim ang titig, at nakaayos ang buhok sa isang fierce low bun. Ang dating Seraphina na nanginginig sa harap ng camera? Patay na. Ang babae sa salamin ngayon ay ako—Gabby, sa katawang ‘to, at handang muling kunin ang kapangyarihang matagal nang tinanggal sa kanya.Tumango ako. “Let’s do this.”Lumabas ako sa glass doors ng Velasco main estate, kung saan naghihintay ang ilang press, cameramen, at mga emosyong gustong-gusto kong basagin. Nakasuot ako ng itim na pantsuit na may manipis na pulang lining sa gilid. Suot ko rin ang pulang lipstick na suot ko sa unang baril ko sa dati kong buhay. Symbolic? Maybe. Pero ngayon, ito ang sandata ko.Tahimik ang paligid habang tumayo ako sa podium sa gitna ng malawak na garden ng Velasco estate. May iilang kalmot ng sunog ang isang parte sa likod, galing sa guest
Gabby's Point of ViewTahimik ang buong mansion habang nasa veranda kami ni Damian. Umiihip ang malamig na hangin, pero hindi iyon sapat para pahupain ang init sa dibdib ko. Ilang araw na rin mula nang sunugin ko ang guest house. Ilang gabi na rin akong hindi maayos ang tulog. Lahat ng kilos ko, pakiramdam ko'y binabantayan. Pero ngayon, habang hawak ko ang tasa ng mainit na tsaa, ang kabog ng dibdib ko ay hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa taong nasa harapan ko.“Gabby,” tawag niya. Tahimik ngunit buo ang boses.Tiningnan ko siya. Suot niya ang dark navy suit, ngunit wala siyang tie. Nakabukas ang unang dalawang butones ng polo niya, parang gusto niyang ipakitang hindi siya ngayon ang businessman na kilala ng mundo, kundi ang lalaking nasa harap ng babae na mahal niya.“I want to marry you.”Napasinghap ako. Hindi dahil sa sorpresa, kundi sa paraan ng pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon diretso, walang pag-aalinlangan. Parang matagal na niya itong iniisip at ngayon lang nagkaroo
GABBY POINT OF VIEW Kinagat ko ang loob ng pisngi ko habang tinitingnan ang guest house sa gilid ng malaking Velasco estate. Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin. Dito, sa guest house na pag-aari ni Doña Velasco ang ina ni Damian, nakatago ang mga dokumento at videos na pilit nilang ginagamit para palabasin akong baliw. Isang buong silid ang punô ng tapes, reports, at falsified therapy sessions na galing kay Cassius. Pati ang mga lumang journal entries ni Seraphina na mali-maling inedit para sirain ako ay nandito rin.At ngayon, kailangan na nitong mawala.Tumayo ako sa gitna ng kwarto. Nasa harap ko ang luma ngunit matibay na kahong metal na puno ng lumang hard drives. Nakalagay ito sa isang estante, may takip na lumang kurtina. Walang alarm system, walang CCTV, at hindi rin pinapansin ng ibang staff ang guest house na ito dahil may paniniwala silang minumulto raw ito.Mag-isa lang ako.Mabuti na lang.Lumapit ako sa bag ko at inilabas ang maliit na boteng may l
GABBY POINT OF VIEW Paglabas ko ng clinic ni Cassius, ramdam ko pa rin ang init ng dugo ko. Mabigat ang bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung may CCTV sa labas ng building pero sa ngayon, wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay ang bawat salitang binitawan niya sa loob ang bawat pangmamaliit, pangungutya, at paniniwalang kontrolado pa rin niya ang buhay ko. At doon sa gilid ng kalsada, natanaw ko ang isang mamahaling itim na kotse. Audi. Personalized plate. Kilala ko ‘to ilang beses ko nang nakita sa mga lumang photo folder ni Seraphina. Kotse ni Cassius ‘to. Walang duda. Pati kulay at gasgas sa gilid, tugma. Luminga ako sa paligid. Wala masyadong tao. Tanghali. Mainit. Tahimik. Parang sinadya ng langit na bigyan ako ng pagkakataon. Lumapit ako, kalmado pero may nag-aapoy sa dibdib. Hinawakan ko ang maliit na swiss knife na lagi kong dala. Kay Gabby ‘to. Kay dating ako. Hindi ko ‘to binitawan kahit nasa katawang ito ako. At ngayon, gamit na gamit na ulit. "Let’s see how
GABBY POINT OF VIEW Maaga pa lang ay gising na ako. Mahimbing pa ang tulog ni Damian pero ako’y para bang may apoy na sa dibdib. Hawak ko pa rin ang maliit na external drive na naglalaman ng therapy sessions ni Seraphina. Lahat ng ebidensya. Lahat ng patunay. Lahat ng kasinungalingan na itinanim sa isip ng babaeng minanipula nila. At ngayon, oras na para harapin ang punong demonyo—si Cassius Delgado.Hindi ko sinabi kay Damian. Hindi pa. Alam kong magagalit siya, baka pati mawalan ng kontrol. Pero kailangan ito. Ako ang nasa katawan ni Seraphina. Ako ang kailangang matapos ang labang ‘to. Ako ang dapat kumalaban sa multo ng nakaraan niya.Sinadya kong suotin ang paboritong kulay ni Seraphina—cream na dress na mahaba, may lace sa leeg. Elegant. Mahinhin. Mukhang mahina. Para lalong hindi siya maghinala.Pagdating ko sa clinic ni Cassius, tahimik ang buong lugar. Mamahalin ang loob. Parang hindi ka pumasok sa opisina kundi sa isang luxury suite. May classical music sa background. Amoy
GABBY POINT OF VIEW Habang nag-aayos ako ng mga lumang kahon sa attic, napansin ko ang isang maliit na wooden chest na may balot na telang kulay abo. Halos matabunan na ng alikabok, pero may kakaibang pwersang tila humahatak sa akin papunta rito. Inangat ko ang takip at bumungad sa akin ang mga lumang journal, larawan, at isang maliit na silver chip na may label na sulat-kamay. Nakalagay lang: “S.E. Confidential.” Agad akong napatigil. Kilala ko na ang handwriting na ‘yon kay Seraphina. Pumasok ang kaba sa dibdib ko. Parang sinisipa ng malakas ang puso ko habang dahan-dahan kong kinabit ang chip sa tablet ni Damian nang hindi niya alam. Isang secured folder ang bumungad. Walang pangalan ng file kundi mga date stamp lang, pero malinaw na audio recordings ang laman. Nang i-play ko ang una, halos hindi ako makahinga."Session One. Seraphina Elizalde. Patient exhibits symptoms of dissociation and learned helplessness," sabi ng lalaking boses. Malamig ang tono. Clinical. Walang emosyon. N