Share

The Billionaire's Bargain
The Billionaire's Bargain
Author: waterjelly

001: MAID

Author: waterjelly
last update Last Updated: 2025-03-12 13:36:43

KUMUNOT ANG NOO ko nang pagkagising ko ay may naamoy akong pamilyar na amoy ng isang pagkain pero mas lalong nagpakunot sa noo ko ang tunog ng pagbuhos ng tubig.

Iminulat ko ang mata ko para makita ko kung anong nangyayari. Bumungad sa akin ang babaeng kumakain ng cup noodles malapit sa pinto. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya pero sigurado akong hindi ko siya kilala dahil alam kong mag-isa lang ako sa kwarto.

'May bisita ba sila Auntie?'

Kumurap ako ng ilang beses para alalahanin kung may bisita ba sila Auntie na dumating kahapon hanggang sa naalala ko ang nangyari kagabi. Sinubukan kong alisin ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko pero may pumipigil sa paggalaw ko. Tinignan ko ang kamay ko.

Nakaposas ako.

Wala sa sariling napunta ang tingin ko sa babae. Napangiwi ako nang maibuga nito ang kinakain nitong noodles nang magtama ang mata namin.

Tinignan ko lang siya na dali-daling ibinaba ang cup noodles sa mesa saka patakbong lumapit sa akin.

"Gising ka na pala" ani niya.

'Hindi 'te! Tulog pa ako pero nakabukas ang mata ko!

Mukha naman siyang matino at mapagkakatiwalaan hindi kagaya ng mga tao kagabi. Sinubukan kong magsalita pero may takip pala ang bibig ko kaya wala din lang itong silbi.

Napansin naman iyon ng babae kaya tinanggal niya takip sa bibig ko. Doon ako nagpakawala ng mahabang hininga na siyang ikinatakip ng ilong ng babae. Ganoon na ba kabaho ang hininga ko?

Umirap ako, "Sorry naman kung mabaho hininga ko. Ilang oras ba naman akong hindi nagsalita"

Tumawa lang ang babae. Anong nakakatawa dun?

Tinignan ko ang kamay ko, "Pwedeng pakitanggal itong posas sa kamay ko? Masakit na kasi e".

Tinignan ko 'yong babae. Iyong hitsura ng mukha niya parang ngayon niya lang na-realize na nakaposas pa rin ako.

"Ooppss...Iyan pala dapat 'yong gagawin ko kagabi. Kaya pala parang may nakalimutan akong gawin kagabi" sabi niya saka tumayo.

Napatanga ako sa kanya. Kagabi pa pala dapat niya ito tatanggali pero nakalimutan niya?! Makawala lang ako dito hihilahin ko 'yang buhok niya. Ang sakit kaya ng kamay ko!

"Wait lang..."sabi niya saka may kinuha sa bulsa ng suot niyang pang-maid.

Nagliwanag ang mukha nito saka ipinakita sa akin iyong susi, "Tsaran!"

Ewan ko pero parang ang weird ng babaeng 'to. Kinibit balikat ko na ang iyon saka sinundan nang tingin ang bawat kilos niya. Nang makawala ako sa posas na iyon at agad kong hinila ang buhok niya pero sapat lang para maka ramdam siya ng kaunting sakit.

Tinignan niya ako nang masama.

"Para 'yan sa ginawa mong paglimot na tanggalin ang posas sa kamay ko" paliwanag ko kaagad.

Ngumuso ito, "Sorry naman.."

Tumalikod ito sa akin saka binuksan ang kabinet. May kinuha ito doon na nakasupot pa at inilahad sa akin.

Nagtaas ako nang tingin sa kanya, "Anong gagawin ko diyan?" taka kong tanong.

"Maligo kana saka isuot mo ito..." inilagay niya iyon sa ibabaw ng kama nang hindi ko ito tanggapin, "... bilisan mo na bago pa mag-alburoto iyong matanda"

'Matanda? Siya ba ang taong na–utangan ni Auntie?'

Magsasalita pa sana ako pero naglakad na ito palabas ng kwarto. Napatingin ako sa damit na nakasupot, kakulay nito 'yong damit na suot ng babae, kulay puti at itim. Mukhang katulong ang magiging trabaho ko dito.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bathroom. Namangha agad ako sa nakita ko. Mukhang sosyal ang may-ari nitong bahay kung saan ako dinala ng mga lalaking kumuha sa akin kagabi. Ang lawak ba naman ng bathroom tapos 'yong mga gamit dito mukhang mamahalin. Take note, kwarto lang ito ng maid. Paano pa kaya kung kwarto na ng may-ari?

"Sosyal nga, nagka-utang ba naman si Auntie sa kanya tapos ako pa 'yong ginawang pambayad" saad ko sa sarili ko.

Tinanggal ko ang damit mula sa supot saka iyon isinabit sa likod ng pinto. Naligo na agad ako para makalabas na ako sa kwartong ito. Gusto kong makita iyong mga kumuha sa akin kahapon nang masapak ko sila.

Tinignan ko ang replika ko sa salamin habang suot ang damit na binigay sa akin ng babae kanina.

Well, okay naman siya, kaya lang medyo maiksi sa akin. Manyak ata 'yong may-ari ng bahay na ito. Paano na lang kung may pupulutin ako sa sahig? Edi kita na ang dapat hindi makita.

"Tapos ka na ba?"

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko iyong babae. Tinignan ko ulit ang hitsura ko sa harap ng salamin saka lumabas.

Kita ko kung paano gumuhit ang ngisi sa mukha ng babae nang lumabas ako, "Bagay sa'yo. Seksi mong tignan"

Napairap na lang ako sa mga tinuran niya. Nakita kong tinignan niya pa ulit ang katawan ko. Tinalikuran ko na lang siya saka naghanap ng suklay pero wala akong makita sa ilang minuto kong paghahanap.

Hinarap ko iyong babae, "Wala ba kayong suklay dito?"

"Wala ka bang sariling suklay?"

"May sarili akong suklay pero wala na akong panahon na mag-impake dahil busy ako sa pagtakbo sa mga lalaking nagdala sa akin dito"

NAGHALO ANG MANGHA at inis ko ngayon. Mangha sa ganda ng bahay kung saan ako magta-trabaho at inis sa Auntie ko. Paglabas ko ng kwarto parang nagningning 'yong mata ko sa nakita ko. Napakalawak ng bahay tapos kahit saan ka tumingin, mga mamahaling gamit ang nakikita mo. Sa palagay ko nga ay mababali na ang leeg ko dito kakatingin kung saan-saan.

Umayos ako ng tayo nang may dumating na matandang babae. Mukhang istrikto siya dahil sa hitsura ng mukha niya. Nakasimangot ito saka magkasalubong ang kilay.

Natigil rin sa pag-iingay ang ibang mga kasama kong katulong nang dumating ito. Takot ata sila sa matandang ito.

"Sa mga dating katulong, alam niyo na kung saan ang lilinisin niyo araw-araw tapos sa mga baguhan naman, ang mga kasama niyo sa kwarto ang magpapaliwanag sa inyo ng mga gagawin niyo dito sa mansiyon" mariin nitong saad sa aming lahat.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ang nagsimula na itong humakbang pero napatigil iyon na para bang may nakalimutan siyang sabihin.

"Saan si Miss Donovan?" tanong nito saka tinignan kaming lahat.

Kahit may katanungan sa aking isip kung bakit niya ako hinahanap ay itiinaas ko pa rin ang kamay ko. Napatingin ito sa akin, pati na rin iyong mga kasamahan ko.

"Pinapatawag ka ni Sir Alex sa office niya...." ani niya sa akin tapos tumingin sa katabi ko, "... Adrianna, samahan mo siya papunta sa office ni Sir Alex"

Tuluyan na siyang umalis sa harap namin pagkatapos niyang sabihin iyon. Ang mga kasamahan naman namin ay pumunta na sa iba't-ibang direksyon kung saan sila maglilinis.

Hinarap ko ang katabi ko, "Adrianna pala ang pangalan mo"

"Yup...." tumango ito, "... nakalimutan kong sabihin sa'yo kanina" saad niya saka nagsimula nang maglakad kaya sinundan ko siya.

Kung may sasabihin man akong sikreto ay sa kanya ko sasabihin dahil sigurado akong makakalimutan niya agad iyon.

"Lahat na lang ata nakakalimutan mo"

Tinawanan lang niya 'yong sinabi ko, ako naman, hindi ako makatawa dahil makakaharap ko na iyong pinagkaka-utangan ni Auntie.

'Sir Alex huh?'

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Bargain   048: PARENTS

    I groaned when I felt someone caressing my hair. Mas lalo akong inaantok sa aksyon na iyon. "Baby, wake up. You need to get ready," Alex's voice filled the silence of the room. Napabangon ako kaagad nang maalala ko na bibisita pala ang mga magulang ni Alex ngayon. Tumingin ako sa side ko, wala na si Theo doon kaya tumingin naman ako kay Alex. Naka-ayos na siya. Iyong simple lang hindi bongga. "Si Theo?" tanong ko kay Alex. Tumayo siya, "Nasa baba na siya. Hinihintay si mom at dad." Inilahad niya ang kamay niya sa akin, "Come on..." Inabot ko ang kamay niya at bumangon na. Balak ko sanang mag-ayos sa kwarto ko sa baba pero dito na daw ako maghanda sa kwarto niya. May mga gamit na ring pinaakyat si Alex dito kanina. Pagkatapos kong maligo ay nagdamit na ako. I'm wearing a white t-shirt and a black pants. Para akong nakahinga nang maluwag dito sa suot ko. Pagkababa namin sa unang palapag ay nakita ko si Theo na sumisilip sa bintana, hinihintay ang lolo at lola niya. "Punta

  • The Billionaire's Bargain   047: DOUBTS

    Kakapasok pa lang namin sa mansyon ay bumungad na sa akin ang mga aligagang katulong. Nakita ko rin si manang Rosing na may inuutos sa dalawang katulong. Anong meron? Napatigil sa paglalakad ang isang katulong nang makita kaming tatlo na pumasok sa living room. Ganoon din ang ilang kasamahan ko. They start to whisper when they saw Alex holding my hands. "Take this to my room" utos ni Alex sa isang kasambahay na tumigil malapit sa amin. "Y-yes, sir" kinuha nito ang bag sa kamay ni Alex at dali-daling umakyat sa ikalawang palapag. "Sir Alex, bibisita daw po ang mga magulang niyo" saad ni manang Rosing nang lumapit siya sa amin. "Grandpa and grandma are visiting?!" gulat na tanong ni Theo kay namang. "Yes, Theo." Napasigaw sa tuwa si Theo. Kung siya ay masaya, ako naman ay natigilan sa sinabi ni manang Rosing. Alex's parents are going to visit here! What should I do? Magugustuhan ba nila ako kung ipapakilala ako ni Alex sa kanila? Nawala lahat ng iniisip ko nan

  • The Billionaire's Bargain   046: CONNECTED

    Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng ingay pagkagising ko. Pamilyar sa akin ang mga boses na aking narinig. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang liwanag ng ilaw. I squint my eyes to ease the pain from the sudden exposure to the light. I scanned my body. I'm wearing a hospital gown. I guess Alex brought me here after what happened earlier. Ginala ko ang mata ko sa buong kwarto hanggang sa huminto iyon kay Theo. Hindi siya nakatingin sa aking gawi kaya hindi niya alam na gising na ako. He's talking to Adrianna about something. Nakaramdam naman ako ng lungkot nang hindi ko makita si Alex sa loob. He's probably doing something important that's why he's not here. Sana pumunta agad siya dito. Adrianna's widen when her eyes landed on me, "Tatianna!" she shouted in shock making Theo looked at my direction. "Mommy!" he also shouted. I opened my mouth to speak but nothing came out. Doon ako nakaramdam ng uhaw. Agad na pumunta sa tabi ko si Adrianna at inabot sa akin a

  • The Billionaire's Bargain   045: IMAGES

    "Mommy!"Agad kong binitawan ang cellphone na hawak ko nang marinig ko ang sigaw ni Theo. Rinig ko pa ang maliliit nitong yapak. Mukhang papunta siya dito sa loob ng kwarto ng tatay niya.Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. I automatically smile when I saw Theo entering the room. Unti-unting nabura ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang luha sa mukha ni Theo.Is he crying?Napunta naman ang atensyon ko sa lalaking pumasok sa kwarto. Nakasunod pala siya kay Theo. He leaned his shoulder against doorframe. "Why is my baby crying?" I asked softly. Had something happened?Umakyat si Theo sa kama na agad ko namang tinulungan para hindi mahulog. He immediately hug me after climbing the bed. Kahit nagtataka ay niyakap ko siya pabalik. I looked at Alex to to get an answer but he just stare softly at me and Theo. I caress Theo's back, "What happened, baby?" I asked again. He sobbed, "Daddy said you got hurt" he answered and sobbed again. Saglit kong tinignan si Alex bago bin

  • The Billionaire's Bargain   044: HURT

    "Does it still hurt?" Alex asked me after treating my wounds. Nandito pa rin kami sa loob ng kwarto niya. Nakaupo pa rin ako sa ibabaw ng kama niya habang siya ay nasa tabi ko na. Sa gilid namin ay ang emergency tool kit na ginamit niya sa paggamot ng sugat ko. "Hindi na masyado..." mahina kong sagot sa tanong niya. "Mabuting pang magpahinga ka muna dito" saad niya na siyang ikinatingin ko sa kanya. "O-okay lang ako, saka siguradong hahanapin ako ni Theo mamaya." He breath, "I'll take care of him, baby. Just rest here. Magpapadala ako ng pagkain mo mamaya" he raise and looked down on me. Tiningala ko siya, "Para naman akong baldado nito. Kaya ko pang maglakad, Alex" paalala ko sa kanya. Mabo-boring lang ako dito sa loob ng kwarto niya e. Mas maganda kung may ginagawa ako or may pinagkakaabalahan. "I know that, baby, but I want you to listen to me. This is for your own good, hmm?" inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng akijg tainga. Tumango na lang ako. I close my

  • The Billionaire's Bargain   043: TATIANNA VS. SHEENA

    "Bakit naman kita susundin? E, totoo naman ang sinabi ko" dagdag pa ni Sheena. Kinuyom ko ang kamao ko. I want to slap her face for putting Theo in this confrontation. Walang kamuwang-muwang ang bata pero sinasali niya sa usapan para lang may masabi siya! "Siguro ibinalandra mo ang katawan mo sa kanya no?" Hindi na ako nakapagpigil. Nilapitan ko siya at buong lakas na sinampal. Nasalampak siya sa sahig dahil sa lakas ng impact ng ginawa ko. Agad na nagsilapitan ang mga kasamahan namin sa amin. Kita ang gulat sa mga mukha nila. Hawak ang pisngi niya. Hindi makapaniwalang nagtaas nang tingin si Sheena sa akin. Taas noo akong nagbaba nang tingin sa kanya. Akala niya ay hindi ko siya lalabanan sa ginawa niya! "Hindi ko ginawa ang ginagawa mo, Sheena. I'm not like you!" "Ang kapal ng mukha mong sampalin ako!" tumayo siya at itinaas ang kamay para sampalin ako pero inunahan ko siya. This time, sinampal ko ang kabila niyang pisngi. Agad namang sumugod ang mga alipores niya sa akin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status