SA DALAWANG ARAW NA nakalipas ay naging maayos naman ang buhay ko. Nanny na nga ako ni Theo at masasabi kong madali lang siyang alagaan.
Susunod kaagad siya sa mga sasabihin ko lalo na kapag pinagbabawalan ko siya sa isang bagay na ikakapahamak niya. Nagmamatigas nga lang ito sa kanyang ama, palibhasa ay binibigay ni sir Alex ang lahat ng gusto ni Theo. Nagpapakain ako ngayon ng mga isda sa fish pond. Wala kasi akong ibang magawa habang hinihintay na magising si Theo, ayoko naman siyang gisingin dahil masyado pang maaga. "Tatiana..." Napalingon ako sa gilid nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Adriana, may hawak itong malaking basket at puno ng nakatuping damit. "Bakit?" tanong ko habang pinapagpag ang kamay kong madumi dahil sa pagkain ng mga isda. "Ikaw na lang ang bahalang mag-ayos nitong damit ni Theo" ani niya saka itinaas ang basket. Tumango na lang ako dahil wala na rin akong gagawin. Kinuha ko na sa kanya ang basket saka ako naglakad papasok sa loob ng mansyon. Napangiwi pa ako sa bigat ng basket pero kaya pa naman. 'Oh, sh*t!' Mura ko ng wala sa oras dahil pagkaapak ko pa lang sa ikawalang palapag ay nakita ko kaagad si sir Alex na nasa labas ng office niya, nakatalikod ito sa akin tapos pinipindot ang cellphone niya. Binilisan ko ang paglalakad ko habang mariing nakapikit saka tahimik na humihiling na sana ay hindi niya ako makita. Para bang kapag pumikit ako hindi maglalaho ako na para bang bula. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na ako sa kwarto ni Theo nang hindi ako nakikita ni sir Alex. Maingat kong binaba ang basket malapit sa kama ni Theo saka huminga nang malalim. "Muntik na ako doon, a" ani ko sa sarili ko. Iniiwasan ko kasi si sir Alex nitong nakalipas na dalawang araw. Hindi ko pa siya kayang harapin, saka makakaramdam lang ako ng awkwardness kapag nangyari 'yon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na hinalikan niya ako. Pumasok na ako sa loob ng walk in closet ni Theo nang makapagpahinga ako saglit. Isa-isa kong inayos ang mga damit niya at inilagay iyon sa tamang lagayan. Matagal din ako natapos dahil napakadami ng damit ni Theo na kailangan ayusin. Napakalawak ba naman ng walk in closet niya tapos iyong iba kailangan talagang ayusin kasi parang basta na lang nilagay 'yong damit, hindi man lang inayos. Nang matapos ay lumabas na ako sa walk in closet. Naabutan ko naman si Theo na nakaupo sa kama tapos nilalaro na naman iyong mga laruan niya. "Good morning, Theo" kuha ko sa atensyon niya dahil mukhang hindi niya pa rin nararamdaman ang presensya ko dito sa loob ng kwarto niya. Agad na nanlaki ang mata nito saka tumayo, "Mommy!!" masayang sigaw niya at nagsimula nang tumalon-talon sa ibabaw ng kama. Lumapit ako sa kama tapos binuhat siya, agad naman niyang ipinalibot ang maliliit niyang braso sa aking leeg. "How's your sleep, Theo?" tanong ko. Lumapit ako sa bintana at inayos ang kurtina at bintana para pumasok ang sinag ng araw dahil medyo madilim dito sa loob. "I sleep well, mommy" bulong niya saka sinandal ang kaliwang pisngi sa aking balikat. BUMABA KAMI SA sala nang matapos ko siyang liguan at bihisan ng komportableng damit. Binaba ko muna siya sa carpet saka ako nagpaalam na kukuha ako ng pang-umagahan niya. Nauna na kasi si Sir Alex na kumain kanina dahil may meeting daw. Nagsasalin ako ng orange juice sa baso habang ang ibang kasambahay ay naghahanda para sa pananghalian. Naagaw naman ng dalawang kasambahay ang pansin ko nang pumasok sila sa kusina tapos mukha pang galit ang mga mukha nila. "Ba't ganyan hitsura ng mukha niyo?" tanong ng isang kasambahay. Akala ko ay ako lang ang nakapansin. "Paano ba naman, nandiyan na naman si Ma'am Valerie tapos grabe na naman maka-utos. Akala mo naman siya ang nagpapasweldo sa akin" inis nitong sambit. 'Ma'am Valerie?' Sino na naman kaya itong babaeng ito? Mukhang masama ang ugali base na lang sa reklamo ng dalawang kasambahay. "Sino 'yon?" tanong ko habang kinukuha ang plato na may lamang pancake. Tumingin sa akin ang mga kasambahay nang tanungin ko iyon. "Iyon 'yong babaeng ipinagpipilitan ang sarili kay sir Alex, tapos grabe 'yon mag-utos sa lahat ng kasambahay. Akala mo siya ang amo, e si sir Alex nga hindi gano'n, tapos siya? Grabe!" parang sasabog na sa inis at galit itong isang kasambahay na sumagot sa tanong ko. 'So, parang si Sheena din pala itong si Ma'am Valerie? Napakadami namang nababaliw kay sir Alex. Siguro may susunod pa akong makikita at makikilala. Iba talaga ang kagwapuhan niya. Maglalakad na sana ako paalis ng kusina nang marinig ko ang malakas na iyak ni Theo mula sa sala. Nagkatinginan kaming lahat saka ako dali-daling lumabas ng kusina. Puno ng kaba ang dibdib ko nang makarating ako sa sala. Tinignan ko si Theo, nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya ako nakitang pumasok sa sala. May babae namang nasa harap niya at nakataas pa ang isang kilay habang nakatingin kay Theo. Mukha itong naririndi sa pag-iyak ng alaga ko. Kumuyom ang kamay ko nang pumasok sa isip ko kung anong ginawa ng babaeng ito sa alaga ko. At kung tama man ang hinala ko ay hinding-hindi makakatakas itong babaeng ito sa akin. Lumapit ako sa kanila, "Theo, baby, come here" malambing kong tawag kay Theo. Agad siyang humarap sa akin ng marinig niya ako. Parang may kumurot sa puso ko nang makita ko ang hitsura niya. Basang-basa ang mukha niya sa luha pero hindi nakaligtas sa mata ko ang kanang pisngi niya na namumula. Huminga ako nang malalim. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang kamay ko, parang gusto kong manapak. "Mommy!!" sigaw niya sa gitna ng kanyang pag-iyak. Naawa ako sa hitsura niya, para siyang nakahanap ng kakampi ng dumating ako. Agad ko siyang binuhat at ikinulong sa bisig ko. Isinandal ko ang mukha niya aking balikat. Nadagdagan ang galit na nararamdaman ko nang marinig ko ang hikbi niya. Marahan kong hinaplos ang likod niya habang tinitignan nang masama ang babaeng nasa harapan ko ngayon. 'Ang kapal ng mukha!' Mamaya ka lang sa akin! Tignan natin kung may kilay ka pa bang itataas sa susunod! "Mommy?" nanunuyang saad ng babae, "Kailan pa nagkaroon ng karelasyon si Alex sa isang kasambahay?" Ngumisi ako, "Ano naman ngayon? Hindi mo ba tanggap kasi mas nagustuhan niya ang isang kasambahay kaysa sa'yo?" Tumawa ito, "What the hell! Gano'n na ba kababa ang taste ni Alex para pumatol sa'yo?" Umirap ako, "Mas lalo lang bababa ang taste ni sir Alex kung ikaw ang pinatulan niya" laban ko. Akala niya magpapatalo ako sa pangbababa niya. Nakarinig ako ng tawa sa likod ko. Alam kong ang mga kasambahay iyon. "What's going on here?!"I groaned when I felt someone caressing my hair. Mas lalo akong inaantok sa aksyon na iyon. "Baby, wake up. You need to get ready," Alex's voice filled the silence of the room. Napabangon ako kaagad nang maalala ko na bibisita pala ang mga magulang ni Alex ngayon. Tumingin ako sa side ko, wala na si Theo doon kaya tumingin naman ako kay Alex. Naka-ayos na siya. Iyong simple lang hindi bongga. "Si Theo?" tanong ko kay Alex. Tumayo siya, "Nasa baba na siya. Hinihintay si mom at dad." Inilahad niya ang kamay niya sa akin, "Come on..." Inabot ko ang kamay niya at bumangon na. Balak ko sanang mag-ayos sa kwarto ko sa baba pero dito na daw ako maghanda sa kwarto niya. May mga gamit na ring pinaakyat si Alex dito kanina. Pagkatapos kong maligo ay nagdamit na ako. I'm wearing a white t-shirt and a black pants. Para akong nakahinga nang maluwag dito sa suot ko. Pagkababa namin sa unang palapag ay nakita ko si Theo na sumisilip sa bintana, hinihintay ang lolo at lola niya. "Punta
Kakapasok pa lang namin sa mansyon ay bumungad na sa akin ang mga aligagang katulong. Nakita ko rin si manang Rosing na may inuutos sa dalawang katulong. Anong meron? Napatigil sa paglalakad ang isang katulong nang makita kaming tatlo na pumasok sa living room. Ganoon din ang ilang kasamahan ko. They start to whisper when they saw Alex holding my hands. "Take this to my room" utos ni Alex sa isang kasambahay na tumigil malapit sa amin. "Y-yes, sir" kinuha nito ang bag sa kamay ni Alex at dali-daling umakyat sa ikalawang palapag. "Sir Alex, bibisita daw po ang mga magulang niyo" saad ni manang Rosing nang lumapit siya sa amin. "Grandpa and grandma are visiting?!" gulat na tanong ni Theo kay namang. "Yes, Theo." Napasigaw sa tuwa si Theo. Kung siya ay masaya, ako naman ay natigilan sa sinabi ni manang Rosing. Alex's parents are going to visit here! What should I do? Magugustuhan ba nila ako kung ipapakilala ako ni Alex sa kanila? Nawala lahat ng iniisip ko nan
Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng ingay pagkagising ko. Pamilyar sa akin ang mga boses na aking narinig. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang liwanag ng ilaw. I squint my eyes to ease the pain from the sudden exposure to the light. I scanned my body. I'm wearing a hospital gown. I guess Alex brought me here after what happened earlier. Ginala ko ang mata ko sa buong kwarto hanggang sa huminto iyon kay Theo. Hindi siya nakatingin sa aking gawi kaya hindi niya alam na gising na ako. He's talking to Adrianna about something. Nakaramdam naman ako ng lungkot nang hindi ko makita si Alex sa loob. He's probably doing something important that's why he's not here. Sana pumunta agad siya dito. Adrianna's widen when her eyes landed on me, "Tatianna!" she shouted in shock making Theo looked at my direction. "Mommy!" he also shouted. I opened my mouth to speak but nothing came out. Doon ako nakaramdam ng uhaw. Agad na pumunta sa tabi ko si Adrianna at inabot sa akin a
"Mommy!"Agad kong binitawan ang cellphone na hawak ko nang marinig ko ang sigaw ni Theo. Rinig ko pa ang maliliit nitong yapak. Mukhang papunta siya dito sa loob ng kwarto ng tatay niya.Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. I automatically smile when I saw Theo entering the room. Unti-unting nabura ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang luha sa mukha ni Theo.Is he crying?Napunta naman ang atensyon ko sa lalaking pumasok sa kwarto. Nakasunod pala siya kay Theo. He leaned his shoulder against doorframe. "Why is my baby crying?" I asked softly. Had something happened?Umakyat si Theo sa kama na agad ko namang tinulungan para hindi mahulog. He immediately hug me after climbing the bed. Kahit nagtataka ay niyakap ko siya pabalik. I looked at Alex to to get an answer but he just stare softly at me and Theo. I caress Theo's back, "What happened, baby?" I asked again. He sobbed, "Daddy said you got hurt" he answered and sobbed again. Saglit kong tinignan si Alex bago bin
"Does it still hurt?" Alex asked me after treating my wounds. Nandito pa rin kami sa loob ng kwarto niya. Nakaupo pa rin ako sa ibabaw ng kama niya habang siya ay nasa tabi ko na. Sa gilid namin ay ang emergency tool kit na ginamit niya sa paggamot ng sugat ko. "Hindi na masyado..." mahina kong sagot sa tanong niya. "Mabuting pang magpahinga ka muna dito" saad niya na siyang ikinatingin ko sa kanya. "O-okay lang ako, saka siguradong hahanapin ako ni Theo mamaya." He breath, "I'll take care of him, baby. Just rest here. Magpapadala ako ng pagkain mo mamaya" he raise and looked down on me. Tiningala ko siya, "Para naman akong baldado nito. Kaya ko pang maglakad, Alex" paalala ko sa kanya. Mabo-boring lang ako dito sa loob ng kwarto niya e. Mas maganda kung may ginagawa ako or may pinagkakaabalahan. "I know that, baby, but I want you to listen to me. This is for your own good, hmm?" inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng akijg tainga. Tumango na lang ako. I close my
"Bakit naman kita susundin? E, totoo naman ang sinabi ko" dagdag pa ni Sheena. Kinuyom ko ang kamao ko. I want to slap her face for putting Theo in this confrontation. Walang kamuwang-muwang ang bata pero sinasali niya sa usapan para lang may masabi siya! "Siguro ibinalandra mo ang katawan mo sa kanya no?" Hindi na ako nakapagpigil. Nilapitan ko siya at buong lakas na sinampal. Nasalampak siya sa sahig dahil sa lakas ng impact ng ginawa ko. Agad na nagsilapitan ang mga kasamahan namin sa amin. Kita ang gulat sa mga mukha nila. Hawak ang pisngi niya. Hindi makapaniwalang nagtaas nang tingin si Sheena sa akin. Taas noo akong nagbaba nang tingin sa kanya. Akala niya ay hindi ko siya lalabanan sa ginawa niya! "Hindi ko ginawa ang ginagawa mo, Sheena. I'm not like you!" "Ang kapal ng mukha mong sampalin ako!" tumayo siya at itinaas ang kamay para sampalin ako pero inunahan ko siya. This time, sinampal ko ang kabila niyang pisngi. Agad namang sumugod ang mga alipores niya sa akin.