"Mommy, bakit ang tagal mong nagising?" Iyan ang tanong sa akin ni Theo nang makarating ako sa garden. Mag-isa lang siya dito nang papalapit ako sa dito. Umupo ako sa tabi niya at binuhat siya para paupuin sa akin kandungan. "I miss my baby.." I kissed his cheeks, making him laugh. Magkasama naman kami kahapon pero na-miss ko pa rin ang batang ito. Parang higit pa sa pagiging nanny ang trabaho ko dito. "I miss you too, mommy" ani niya saka dinampi ang kanyang labi sa aking pisngi. Ngumiti ako saka tinignan ang table kung saan nagkalat ang mga pang-kulay at mga coloring books niya. Hilig na talaga niyang gawin ito. "You're coloring robots now?" Kinuha nito ang asul na kulay, "Yes, mommy. Uncle Kael showed me a video of this robots and they're so cool!" "Really?" Tumango si Theo at kinulayan na ang isang pahina ng coloring book. "Yes and they're saving the people from danger, mommy." "Do you want mommy to help?" I asked him about coloring the other pages of the colorin
KUMUNOT ANG NOO ko nang pagkagising ko ay may naamoy akong pamilyar na amoy ng isang pagkain pero mas lalong nagpakunot sa noo ko ang tunog ng pagbuhos ng tubig.Iminulat ko ang mata ko para makita ko kung anong nangyayari. Bumungad sa akin ang babaeng kumakain ng cup noodles malapit sa pinto. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya pero sigurado akong hindi ko siya kilala dahil alam kong mag-isa lang ako sa kwarto. 'May bisita ba sila Auntie?'Kumurap ako ng ilang beses para alalahanin kung may bisita ba sila Auntie na dumating kahapon hanggang sa naalala ko ang nangyari kagabi. Sinubukan kong alisin ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko pero may pumipigil sa paggalaw ko. Tinignan ko ang kamay ko. Nakaposas ako. Wala sa sariling napunta ang tingin ko sa babae. Napangiwi ako nang maibuga nito ang kinakain nitong noodles nang magtama ang mata namin. Tinignan ko lang siya na dali-daling ibinaba ang cup noodles sa mesa saka patakbong lumapit sa akin. "Gising ka na pala" ani niya.
TUMIGIL AKO sa paglalakad nang tumigil din si Adrianna. Mukhang nandito na kami sa labas ng office ni Sir Alex. Hinarap niya ako. "Dito 'yong office ni Sir Alex, katok ka na lang kapag. Hindi na kita mahihintay kasi magtatanggal pa ako ng mga patay na dahon sa garden" mahabang saad nito saka naglakad paalis nang hindi hinihintay ang sagot ko. Nang tuluyan na siyang makaalis ay humarap na ako sa pinto. Bigla akong kinabahan. 'Andito ka na, Tatiana. Lakasan mo ang loob mo' Huminga muna ako nang malalim saka kumatok ng tatlong beses sa pinto. Nang wala akong marinig na sagot ay dahan-dahan ko na lang na binuksan ang pinto saka sumilip sa loob. Napalunok ako nang makita ko ang likod ng isang lalaki, may kausap ata ito sa cellphone. Mag-isa lang siya sa loob. Sa tindig niya pa lang alam kong bata pa ito, akala ko kasi kanina ay matanda na ito. Dahan-dahang akong pumasok saka isinara ang pinto. Tahimik lang akong nakatayo habang hinihintay na matapos si Sir Alex sa pagsasalita. Haban
SA ISANG LINGGONG pagta-trabaho ko dito ay naging maayos naman ang buhay ko. Dito ako kadalasan sa hardin nagta-trabaho, minsan ay sa ibang parte ng mansyon pero mas gusto ko dito.Maaga pa lang ay nandito na ako sa hardin para diligan itong mga magagandang halaman. Si Adrianna naman ay winawalis ang mga patay na dahon. Nagagalit na siya minsan dahil hindi man lang maubos-ubos ang mga patay na dahon. "Adrianna!!"Nabasag ang katahimikan sa hardin nang makarinig kami ng sigaw na may kasamang galit. Tumingin ako sa parte ng hardin kung saan nanggaling 'yong sigaw.Nakita ko si Sheena na naglalakad palapit sa pwesto namin kasama ang dalawa niyang alipores. Napatingin ako kay Adrianna na tumigil sa pagwawalis saka tinignan si Sheena. Walang buhay itong nakatingin sa tatlo. "Bakit na naman, Sheena?" walang buhay na tanong ni Adrianna sa kanya.Matalim na tumingin ito kay Adrianna, "Ano 'tong narinig kong sinabi mo na delusional ako!?" galit nitong saad kay Adrianna.Umirap si Adrianna, "
SA GITNA NG maliwanag na gabi ay napilitan akong bumangon dahil sa uhaw na nararamdaman ko. Madilim sa buong kwarto pero may liwanag ng buwan na pumapasok mula sa bintana ng aming kwarto.Maingat akong bumangon para hindi ko magising si Adrianna sa taas ng double deck. Tahimik akong naglakad patungo sa pinto nang may nagsalita sa likod ko. "Saan ka pupunta, Tatiana?" mahinang tanong ni Adrianna. 'Natulog ba ito o hindi?'Ang bilis niyang magising kahit kaunting galaw lang. Kamot-kamot ko ang ulo ko nang humarap ako sa higaan."Punta lang ako sa kusina, nauuhaw na kasi ako" inaantok na sagot ko.Ilang minuto akong naghintay sa sagot niya pero wala akong nakuha kundi ang malalim niyang paghinga. Kumunot ang noo ko doon. Nakatulog agad si Adrianna? Ang bilis naman! Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon saka lumabas ng kwarto. Dahan-dahang lang ako sa paglalakad dahil baka magising ko ang mga kasamahan kong natutulog. Kumurap-kurap muna ako para masanay ang mata ko sa ilaw ng kusina n
UMAGA NA AT INAANTOK pa rin ako! Ano bang pwede kong gawin para makalimutan ko 'yong nakita ko kagabi? Hindi ako makatulog kagabi dahil doon! Nasa hardin kami ngayon, heto ako tulalang nakatitig sa kawalan habang nagdidilig ng halaman. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang matulog pero may trabaho ako kaya hindi ko 'yon magawa. Buti pa si Adrianna, maayos ang tulog. Parang hindi nagising kagabi. Lahat ata ng tao dito sa mansyon maayos ang tulog, ako lang ang hindi. Tapos 'yong taong may kasalanan kung bakit hindi ako makatulog ay maayos din ang tulog. I feel so miserable.. Huminga ako ng malalim saka itinapat ang hose sa ibang halaman para madiligan ang mga ito. Marami pa akong gagawin ngayon pero mukhang iba ang tatapos dahil inaantok na talaga ako. "TATIANA!!" Agad akong napaharap sa taong tumawag sa akin pero umatras ito nang maitapat ko ang hose sa kanya. Buti na lang at hindi ko ito nabasa. Tinupi ko ang hose saka tumingin sa kanya. "Ano 'yon, ate Mirna?" tanong k
WALA KANG IBANG MARIRINIG sa loob ng office ni sir Alex kundi ang hagikhik ng anak ni sir Alex na si Theo. Naglalaro kasi ito ng baril-barilan habang nasa kandungan ko. Kalaro naman nito ang isa sa kaibigan ni sir Alex na nagngangalang Clint. 'Parang nakita ko na ang dalawang bisita ni sir Alex' Nakaupo ako ngayon sa pang-isahang upuan tapos si sir Alex ay nakikipag-usap nang masinsinan malapit sa table niya kasama ang isa pa niyang kaibigan. Tinitigan ko naman ang mukha ng lalaking nasa harapan ko at pilit na inaalala kung saan ko siya nakita pero sumasakit lang ang ulo ko. 'In fairness naman, gwapo silang tatlo pero mas nangingibabaw para sa akin ang kagwapuhan ni sir Alex' Sa hitsura nila mukhang wala lang sa kanila ang nangyari kanina pero ako, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naghalo ata ang pagiging curios at hiya ko ngayon. "Let's go, Clint" saad ng isang kaibigan ni sir Alex. Nginitian naman niya ako pero hindi ko magawang suklian 'yon. Sinundan ko nang tingi
SA DALAWANG ARAW NA nakalipas ay naging maayos naman ang buhay ko. Nanny na nga ako ni Theo at masasabi kong madali lang siyang alagaan. Susunod kaagad siya sa mga sasabihin ko lalo na kapag pinagbabawalan ko siya sa isang bagay na ikakapahamak niya. Nagmamatigas nga lang ito sa kanyang ama, palibhasa ay binibigay ni sir Alex ang lahat ng gusto ni Theo. Nagpapakain ako ngayon ng mga isda sa fish pond. Wala kasi akong ibang magawa habang hinihintay na magising si Theo, ayoko naman siyang gisingin dahil masyado pang maaga. "Tatiana..." Napalingon ako sa gilid nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Adriana, may hawak itong malaking basket at puno ng nakatuping damit. "Bakit?" tanong ko habang pinapagpag ang kamay kong madumi dahil sa pagkain ng mga isda. "Ikaw na lang ang bahalang mag-ayos nitong damit ni Theo" ani niya saka itinaas ang basket. Tumango na lang ako dahil wala na rin akong gagawin. Kinuha ko na sa kanya ang basket saka ako naglakad papasok sa loob ng mansyon. Napa
"Mommy, bakit ang tagal mong nagising?" Iyan ang tanong sa akin ni Theo nang makarating ako sa garden. Mag-isa lang siya dito nang papalapit ako sa dito. Umupo ako sa tabi niya at binuhat siya para paupuin sa akin kandungan. "I miss my baby.." I kissed his cheeks, making him laugh. Magkasama naman kami kahapon pero na-miss ko pa rin ang batang ito. Parang higit pa sa pagiging nanny ang trabaho ko dito. "I miss you too, mommy" ani niya saka dinampi ang kanyang labi sa aking pisngi. Ngumiti ako saka tinignan ang table kung saan nagkalat ang mga pang-kulay at mga coloring books niya. Hilig na talaga niyang gawin ito. "You're coloring robots now?" Kinuha nito ang asul na kulay, "Yes, mommy. Uncle Kael showed me a video of this robots and they're so cool!" "Really?" Tumango si Theo at kinulayan na ang isang pahina ng coloring book. "Yes and they're saving the people from danger, mommy." "Do you want mommy to help?" I asked him about coloring the other pages of the colorin
Isang pamilyar na silid ang bumungad sa akin pagkagising ko. Napahawak naman ako sa akin ulo nang makaramdam ako ng sakit doon. Iginala ko ang tingin sa buong kwarto. Lahat ng gamit ay pamilyar. Nanlaki agad ang mata ko nang mapansin kong ang mga gamit na iyon ay pagmamay-ari ni sir Alex. Tinignan ko ang kama, wala naman akong katabi. Halata rin kasi na ako lang ang natulog dito sa kama. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon pero nakakahiya naman na si sir Alex pa ang nag-adjust. Tumitig ako sa kisame para alalahanin kung anong nangyari kahapon sa bar pero ang naaalala ko lang ay noong pumunta na kami ni Adrianna sa dance floor. Pagkatapos no'n ay wala na akong maalala. Nagsimula na tuloy akong kabahan. Baka naman may nagawa ako kagabi na hindi maganda! Agad akong umalis sa ibabaw ng kama para sana puntahan si Adrianna at tanungin siya pero naudlot iyon ng tumama sa noo ko ang pintuan ng kwarto ni sir Alex nang bumukas iyon. Napamura agad ako sa akin isipan nang nagsi
While drinking alcohol, my head snapped toward my phone when it suddenly rung. Naglakad ako palapit sa table saka iyon kinuha. My grip tightened around the phone when I saw what my brother, Kael, sent. It was a video of Tatianna dancing and I notice how the males around her looked at her direction. Agad akong pumasok sa sasakyan ko para puntahan ang bar kung saan dinala ni Kael si Tatianna. While I'm on my way there, I'm planning on killing those men who are ogling at her. I already told her not to wear that red satin dress, but of course, she wouldn't listen. Kita ko naman ang pagkataranta ng mga tauhan ko nang makita nila akong papasok sa bar ko. Hindi ko sila pinansin at dumiretso lang ako sa pagpasok. I scan the whole dance floor to find Tatianna, my eyes stopped at the familiar built of woman who's dancing with Adrianna. My eyes softened when I saw how happy she is. Hindi niya pansin ang mga taong nasa paligid niya na nasa kanya ang atensyon, lalo na ang mga lalaki. Som
Nasa labas pa lang kami ng bar ay rinig na rinig na namin ang napakalakas na musika. Nang nasa entrance na kami ay may bouncer na nagche-check ng ID at isa yun sa problema namin dahil wala kaming ID saka hindi ko nadala ang ID ko kasi nga sapilitan akong kinuha sa bahay ng auntie ko. “Sir Kael, paano po yan? Wala po kaming ID” saad ni Adrianna kay sir Kael na nasa unahan lang namin. Sumang-ayon naman ang mga kasama namin. Humarap ito sa amin, “Don’t worry, pagmamay-ari naman ni kuya Alex ang bar na ito kaya chill lang kayo” sagot nito saka lumakad patungo sa bouncer at kinausap ito. Mukhang sinabihan niya ang bouncer na papasukin kami dahil tumingin ang bouncer sa amin saka tumango. Nang maayos na ay pumasok na kami sa loob ng bar. Napapaypay ako sa hangin nang maamoy ko ang sigarilyo. Sinundan lang namin si sir Kael na pumunta naman sa VIP table. “Dito kayo mag-stay at kung gusto niyo naman uminom ay pwede kayong um-order sa counter. Kung tungkol sa pambayad ay 'wag na kayong m
Morning came and I found myself busy coloring the pages of coloring book here in the sala with Theo. Seryoso siya sa pagkukulay ng mga ito nang makarinig kami ng busina, tanda na may bisitang dumating sa mansiyon. Ang mga kasambahay naman ay dali-daling sumilip sa glass window para tignan kung sino iyon. Sabay sa pagbukas ng pinto ay siya namang pagsigaw ng isang estranghero. “I’m back!” masayang sigaw nito na siyang bumulabog sa tahimik naming umaga. Mukhang kilala iyon ni Theo dahil nang makilala niya kung sino ito ay nanlaki ang mga mata niya saka patakbong sinalubong ang lalaki. “Uncle Kael!” he shouted, running towards the man whom he call uncle. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa carpet saka pinagmasdan sila. Kapatid ata ni sir Alex ang lalaking ito dahil may pagkakahawig sila. Kung guwapo si sir Alex ay guwapo rin itong lalaki. Guwapo, matangkad saka meron siyang confidence na nakikita ko lang sa Visconti. Sa kamay ng lalaki ay may hawak itong paper bags na alam kong
Lito man ay pinag-igihan ko ang pagmamasa ng dough para sa ibi-bake namin mamaya. Katabi ko naman ang tatlong kasambahay na kasama ko sa pagmamasa para mas mapabilis ito. Mas lalo akong nagtaka nang pumasok ang apat na kasambahay na may dalang kulay asul na kurtina. Habang nagmamasa ako ay tinitignan ko sila na pinapalitan ang kurtina dito sa loob ng kusina. Sa pagkaalam ko ay pagkatapos ng dalawang linggo ay saka lang nila pinapalitan ang kurtina pero ngayon, mas maaga. Pumasok naman si ate Mirna sa loob ng kusina kaya tinanong ko na siya. “Anong meron, ate Mirna?” Inilapag nito ang hawak na basket na puno ng sari-saring bulaklak sa island counter saka ako hinarap. “Ngayon kasi ang anniversary ni sir Alex at ni Maam Iana. Kilala mo naman siguro siya no?” tanong niya sa akin saka sinimulang ayusin ang mga bulaklak. Ianna? Siya ba ‘yong dating fiancee ni sir Alex? Tumango ako, “Opo, ate.” “Ganito kasi ang ayos ng mansiyon kapag anniversary ni sir Alex at Maam Ianna” “
Ang gintong liwanag ng araw sa hapon ay tumatama sa mga salamin na bintana ng opisina aking opisina. Tahimik ang silid, maliban sa ingay ng vintage clock na nakadikit sa dingding. Umupo si ako sa sofa, hinihintay na matapos si Mr. Acosta, sa paglalatag ng mga files para sa pinag-usapan naming proyekto. Nakikinig lang ako nang maigi habang ipinapaliwanag niya sa akin ang mga dapat gawin para sa bagong proyekto. Nang matapos na siya ay sakto namang may kumatok sa pinto ng opisina ko mula sa labas. Parehas kaming napatingin ni Mr. Acosta sa pinto. "Come in..." I said. I smiled immediately after seeing Tatianna enter my office. She's carrying a tray full of desserts. I watch her as she slowly walk toward the glass table, put the tray above it and hold the door knob to close the door. "You know, Mr. Visconti. I really like you for my daughter" I snapped my head back at Mr. Acosta when those words came out of his mouth. I was surprised by what he said. I couldn't even say a wor
Nagulat ako ng pagkagising ko isang araw ay aligaga ang mga kasambahay. Pati ang mga guards ni sir Alex. Kunot noong pumasok ako sa loob ng kusina. Nakita ko si Adrianna na nagluluto habang ang iba ay naghahanda ng iba pang sakpan sa iluluto nila. Lumapit ako kay ate Mirna nang makita ko siya. "Anong meron, ate?" tanong ko habang ang tingin ko ay nasa paligid. "Meron kasing dadating na importanteng bisita ngayon si sir Alex" sagot niya sa akin. Napatango na lang ako saka nagpaalam sa kanya na aalis ako. Naglakad ako papunta sa ikalawang palapag para puntahan si Theo. Habang nasa hallway ako ay nakita ko si Sheena habang pinapagalitan ng mayordoma. Galit nitong itinuturo ang malaking painting na nasa harap nila. "Sabi ko araw-araw mo itong punasan! Bakit ang dumi ngayon!?" singhal nito. Walang nagawa si Sheena kundi ang magbaba nang tingin habang pinupunasan ang painting. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya pero agad ding naglaho iyon nang tignan niya ako nang masama. Iniwas
"Where are we going, mommy?" tanong ni Theo nang lumabas kami mula sa kwarto ng daddy niya. Tumingin ako sa kanya at nanggigigil na hinalikan ang mataba niyang pisngi. Napaka-cute naman kasi ng batang ito. Dahil sa ginawa ko ay natatawang inilayo ni Theo ang mukha niya sa akin pero buhat-buhat ko siya kaya wala siyang magagawa. "You're going to take bath, Theo" sagot ko. Ngumuso ito, "But I don't like to take a bath, mommy." Natawa ako, "Baby, you need to take a bath. Babaho kapag ang baby namin kung hindi naligo." He smiled, "Okay, mommy" ani niya saka niyakap ang teddy bear na kanina pa niya hawak. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya pagkarating namin. Madilim pa ang kwarto niya dahil natatakpan ng kurtina ang bintana. Nagtungo ako sa may bintana saka hinila ang isang parte ng kurtina para lumiwanag kaunti ang kwarto. Maingat ko namang inilapag si Theo sa ibabaw ng malambot na kama. "Wait for mommy, okay?" Kumunot ang noo niya, "Where are you doing, mommy?" S