“‘Andito ka rin ba… para pagsabihan ako,” garalgal kong wika, pilit na pinupunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang mga palad ko.Umiling lang siya, saka may inabot na isang puting panyo sa akin na bitbit niya pala sa isang kamay.Saglit akong napatitig doon at naiangat ang tingin sa kan’ya. Napalunok ako at dahan-dahan iyong inabot saka pinunasan ang bawat pisngi.Umupo siya sa aking tabi pagkatapos saka marahang nagsalita. “I’m not here to scold you, Lorraine. I’m here to tell you not to think too much about what happened. Panigurado… magiging successful ang operasyon ni Sandro.”Napakagat ako sa loob ng aking pang-ibabang labi, naguguluhan sa pagiging kalmado niya sa mga oras na ‘yon. “Pero… ako ‘yong dahilan kung ba’t siya nandito. Kung hindi ko siya nasaktan, kung hindi ko nasabi ‘yong mga bagay na ‘yon kay Mr. Aragon, baka—”“Shhh,” pagputol niya sa sasabihin ko, saka mahina niyang tinapik ang aking balikat. “Calm down. Naiintindihan kita, Lorraine. At alam kong maiintindihan ka
Hindi ko namalayang nakarating na ako sa maliit na chapel ng ospital. Tahimik lang ang paligid at walang ibang tao roon kundi ako lang. Umupo ako sa pinakaharap, at hindi ko na napigilan ang sarili kong bumagsak ang mga balikat. Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na akong humagulhol.Wala na akong pakialam kung gaano kalakas ang pag-iyak ko, kung may makarinig sa akin sa labas. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na namumuo pa rin sa aking dibdib at pilit akong kinakain nang buo. Gusto ko lang ilabas ang bigat sa dibdib ko.“Panginoon…” halos wala nang boses kong bulong, nanginginig sa bigat ng nararamdaman. “Patawarin Niyo po ako. Patawarin NIyo po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Hindi ko po sinasadya… hindi ko po ginusto. Pero alam kong ako pa rin ang may kasalanan kung bakit nandito si Sandro ngayon.”Walang tigil sa pagbagsakan ang aking mga luha. Hinayaan ko na lang dahil iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon—ang umiyak at ipagdasal ang kaligtasan ni Sandro.“Kung p’we
Sapo-sapo ko ang aking mukha habang patuloy pa rin sa paghagulhol. Hindi ko na alam kung ilang minuto o ilang oras na akong umiiyak doon, naghihintay na matapos ang operasyon at hindi tumitigil sa pagdasal na sana ay maging successful ang operasyon ni Sandro.Kailangan kong maging matatag—pero paano kung si Sandro mismo, hindi magiging matatag sa laban na ‘to? Mas lalong napunit ang puso ko sa naisip.Panginoon, ‘wag naman sana. Kahit ‘wag na po niya akong patawarin, maging ligtas lang po sana siya.Ilang minuto ang lumipas nang may mga yabag na papalapit akong narinig. Pag-angat ng tingin ko, halos gumuho na naman ang dibdib ko nang makita ko ang mga magulang ni Sandro.“Lorraine, iha!” Mabilis na lumapit si Mrs. Navarro sa akin, namumugto na ang mga mata. Hinawakan niya ang braso ko, nanginginig. “What happened to my son?”Hindi ko alam kung paano sisimulan. Nanginginig ang mga labi ko, halos hindi makabuo ng kahit anong salita. Namumutawi ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ko ala
Nakahiga lamang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang sinabi ni Sandro sa akin bago siya umalis ng bahay.“You know what, Lorraine? I am fvcking done pretending that I love you. I am so sick of pretending that you are better than Celeste just to make this relationship fvcking work.”Sick of pretending? Kung gano’n, lahat ng pinapakita niya sa akin nitong mga nagdaang linggo ay pawang pagkukunwari lang? Gano’n ba? Hindi totoo ang pagmamahal na pinakita niya sa akin? Naawa lang ba siya sa akin kaya niya ginawa ‘yon? Dahil alam niyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko, kaya napili niyang magkunwari na lang na mahal niya ako upang magpatuloy ang kasunduan namin?Ang mga tanong na iyon ay parang apoy na dahan-dahang tumutupok sa akin mula sa loob. Parang walang humpay na sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko. At tila ba ay naubos na ang mga luha ko kanina, kaya wala nang kahit isang butil ang pumatak para man lang damayan ak
Pakiramdam ko’y unti-unting nadurog ang lahat ng tiwala at pagmamahal na ipinagkaloob ko sa kan’ya. Hindi ko mahanap ang tamang mga salita na isasagot, at hindi ko na rin mahagilap ang sarili kong boses sa takot na baka mas lalo ko lang palalain ang sitwasyon. Na baka… mas lalo lang akong mamatay sa mga salitang ibabato niya sa akin.Hindi ko inaasahang dadating ang panahon, na ikukumpara niya ako sa dati niyang nobya—ang namatay niyang fiancee. Siya ang pinakahuling tao na inaasahan kong gagawin iyon, dahil sa mga pinapakita niya nitong nagdaang mga araw, dahil sa mga pinaparamdam niya sa akin.Akala ko… akala ko wala na si Celeste sa palabas na ‘to. Akala ko… hindi na mangyayaring masasama pa siya sa kung ano’ng mayroon sa amin ni Sandro.Pero ano ‘to? Bakit… bakit biglang siya na naman ang bida sa storya naming d
Nang matapos ang meeting, pinilit kong maging abala ang sarili—nag-aayos ng mga reports, nagre-review ng schedules, at nag-aasikaso ng emails. Pero kahit ano’ng gawin ko, hindi ko maiwasang mamroblema sa nangyari. Alam kong kasalanan ko iyon at ako ang dapat managot, pero si Sandro ang sumalo lahat ng resulta.Hindi ko na alam kung ano ang iisipin pa, dumagdag pa nga ang problemang ‘to sa ginawa ni Miguel sa akin! Bagay na kailangan ko munang isantabi dahil maliban sa hindi pa ako handang harapin siya sa korte, ay dapat ko munang unahin ‘tong problema na ‘to.Lumipas ang oras na tila walang katapusan. Aligaga ako sa lahat ng ginagawa at paulit-ulit na napapalingon sa pinto ni Sandro, pero matapos ang meeting, ni kahit kailan hindi pa siya lumabas sa opisina niya o ‘di kaya ay tawagin ako para i-update siya sa schedule niya ngayong araw.Umuwi ako no’n na puno ang isipan sa takot, kaba, at kagustuhang makausap si Sandro. Alam kong kailangan kong humarap sa kan’ya sa bahay, kailangan ko