Dumating ang araw ng Sabado, ang araw kung kailan magaganap ang civil wedding namin ni Mr. Navarro, or Sandro.Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at hindi ako mapakali.Tahimik lamang ang umagang iyon. Walang kampana. Walang bulaklak. Walang puting gown o madrama’t romantikong paglakad sa aisle. Wala rin akong pamilya sa paligid. Walang mga luha ng tuwa o yakap ng kasiyahan. Sa halip, tahimik lang ang paligid, gaya ng kasunduang pinasok ko.Ako lang, si Sandro, isang hukom, at isang babae sa sulok na may hawak ng kamera.Nakatayo ako sa loob ng isang maliit na conference room sa isang private law office. May mesa sa gitna, upuan sa magkabilang panig, at ilang papeles sa ibabaw. Nakaayos ako—hindi pang-bride, kundi pormal lang: isang puting dress at puting sandal na may maliit na takong, simple pero disente. Nagsuklay ako ng maayos at naglagay ng konting kolorete. Hindi para kay Sandro, kundi para sa sarili kong dignidad.Nang pumasok siya, hindi ko maiwasang mapatingin.Si Alessandr
Terakhir Diperbarui : 2025-07-23 Baca selengkapnya