Chapter: Kabanata 64Pagkatapos ng initial test ni Sandro, napansin ko ang maingat na tingin ng doktor sa akin. Sa tingin niyang iyon, gumapang ang kaba sa aking dibdib at tila nagka-ideya na ako sa sasabihin niya sa akin.Maya-maya, humarap siya sa nurse. “Can you please stay with Mr. Navarro for a while? I need to talk to Mrs. Navarro outside,” pahayag niya rito na tinanguan naman ng nurse.Nilingon ko si Rafael na ngayon ay tumango na sa akin na para bang sinasabi sa aking siya na muna ang bahala sa kaibigan niya. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti bago sinundan ang doktor sa labas ng room ni Sandro.Habang naglalakad, abot-abot ang pagtahip ng aking dibdib. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko sa bawat hakbang, at para bang may malamig na hangin na humahaplos sa aking batok.Kahit na may parte sa aking alam na ang sasabihin ng doktor sa akin, hindi ko pa rin maiwasang hilingin na sana mali ako. Na sana mali ang iniisip ko.Nang tuluyan kaming nakalabas ay humarap ang doktor sa akin, saka bumuga
Last Updated: 2025-09-06
Chapter: Kabanata 63“Ma’am Lorraine, sigurado ka po bang magt-trabaho ka ngayon? Wala ka pa pong sapat na pahinga simula nang umuwi ka kaninang madaling araw,” nag-aalalang wika ni Manang Selya habang iginigiya ako sa malaking pinto ng bahay.Tipid akong ngumiti kay manang at tumango. “Opo, Manang. Kailangan ko, eh, lalo na’t wala si Sandro. At kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko bilang executive assistant niya.”Nang nalaman naming successful ang operasyon ni Sandro, nanatili pa ako sa ospital kahit na ramdam kong hindi naman welcome ang presensya ko roon. Kahit na palagi akong iniismiran ni Isabelle sa t’wing magkakasabay kami sa pagbisita ni Sandro at sinasabihan ako ng masasamang salita, hindi ako nagpatinag. Pinipili kong itikom ang bibig at lunukin ang kagustuhan kong ipagtanggol ang sarili.Kahit sina Mr. at Mrs. Navarro ay hindi ako pinapansin sa t’wing bumibisita rin sila sa anak nila. Hindi man nila ako direktang kinompronta sa kasalanan ko, ramdam ko naman ang lamig at pader sa pagitan n
Last Updated: 2025-09-05
Chapter: Kabanata 62“‘Andito ka rin ba… para pagsabihan ako,” garalgal kong wika, pilit na pinupunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang mga palad ko.Umiling lang siya, saka may inabot na isang puting panyo sa akin na bitbit niya pala sa isang kamay.Saglit akong napatitig doon at naiangat ang tingin sa kan’ya. Napalunok ako at dahan-dahan iyong inabot saka pinunasan ang bawat pisngi.Umupo siya sa aking tabi pagkatapos saka marahang nagsalita. “I’m not here to scold you, Lorraine. I’m here to tell you not to think too much about what happened. Panigurado… magiging successful ang operasyon ni Sandro.”Napakagat ako sa loob ng aking pang-ibabang labi, naguguluhan sa pagiging kalmado niya sa mga oras na ‘yon. “Pero… ako ‘yong dahilan kung ba’t siya nandito. Kung hindi ko siya nasaktan, kung hindi ko nasabi ‘yong mga bagay na ‘yon kay Mr. Aragon, baka—”“Shhh,” pagputol niya sa sasabihin ko, saka mahina niyang tinapik ang aking balikat. “Calm down. Naiintindihan kita, Lorraine. At alam kong maiintindihan ka
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: Kabanata 61Hindi ko namalayang nakarating na ako sa maliit na chapel ng ospital. Tahimik lang ang paligid at walang ibang tao roon kundi ako lang. Umupo ako sa pinakaharap, at hindi ko na napigilan ang sarili kong bumagsak ang mga balikat. Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na akong humagulhol.Wala na akong pakialam kung gaano kalakas ang pag-iyak ko, kung may makarinig sa akin sa labas. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na namumuo pa rin sa aking dibdib at pilit akong kinakain nang buo. Gusto ko lang ilabas ang bigat sa dibdib ko.“Panginoon…” halos wala nang boses kong bulong, nanginginig sa bigat ng nararamdaman. “Patawarin Niyo po ako. Patawarin NIyo po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Hindi ko po sinasadya… hindi ko po ginusto. Pero alam kong ako pa rin ang may kasalanan kung bakit nandito si Sandro ngayon.”Walang tigil sa pagbagsakan ang aking mga luha. Hinayaan ko na lang dahil iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon—ang umiyak at ipagdasal ang kaligtasan ni Sandro.“Kung p’we
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: Kabanata 60Sapo-sapo ko ang aking mukha habang patuloy pa rin sa paghagulhol. Hindi ko na alam kung ilang minuto o ilang oras na akong umiiyak doon, naghihintay na matapos ang operasyon at hindi tumitigil sa pagdasal na sana ay maging successful ang operasyon ni Sandro.Kailangan kong maging matatag—pero paano kung si Sandro mismo, hindi magiging matatag sa laban na ‘to? Mas lalong napunit ang puso ko sa naisip.Panginoon, ‘wag naman sana. Kahit ‘wag na po niya akong patawarin, maging ligtas lang po sana siya.Ilang minuto ang lumipas nang may mga yabag na papalapit akong narinig. Pag-angat ng tingin ko, halos gumuho na naman ang dibdib ko nang makita ko ang mga magulang ni Sandro.“Lorraine, iha!” Mabilis na lumapit si Mrs. Navarro sa akin, namumugto na ang mga mata. Hinawakan niya ang braso ko, nanginginig. “What happened to my son?”Hindi ko alam kung paano sisimulan. Nanginginig ang mga labi ko, halos hindi makabuo ng kahit anong salita. Namumutawi ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ko ala
Last Updated: 2025-09-03
Chapter: Kabanata 59Nakahiga lamang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang sinabi ni Sandro sa akin bago siya umalis ng bahay.“You know what, Lorraine? I am fvcking done pretending that I love you. I am so sick of pretending that you are better than Celeste just to make this relationship fvcking work.”Sick of pretending? Kung gano’n, lahat ng pinapakita niya sa akin nitong mga nagdaang linggo ay pawang pagkukunwari lang? Gano’n ba? Hindi totoo ang pagmamahal na pinakita niya sa akin? Naawa lang ba siya sa akin kaya niya ginawa ‘yon? Dahil alam niyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko, kaya napili niyang magkunwari na lang na mahal niya ako upang magpatuloy ang kasunduan namin?Ang mga tanong na iyon ay parang apoy na dahan-dahang tumutupok sa akin mula sa loob. Parang walang humpay na sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko. At tila ba ay naubos na ang mga luha ko kanina, kaya wala nang kahit isang butil ang pumatak para man lang damayan ak
Last Updated: 2025-09-03
Chapter: Chapter 008I tilted my head back, giving Cassiel more access. Then his lips moved lower, tasting the hollow of my throat. Napasinghap ako, at bago ko pa mapigilan, isang mahinang ungol ang kumawala sa aking mga labi. His touch and kisses sent shivers down my spine.Naglakbay ang mga kamay niya, ang isa ay nasa likod ko at ang isa nama’y nasa hita ko. I gasped, clutching his neck tighter.“Cassiel…” Sinubukan kong magtunog na nanlalaban, pero ang paraan ng pagkakatawag ko sa kan’yang pangalan ay kabaliktaran sa gusto kong mangyari. “You can tell me to stop,” sambit niya, bahagyang dumadampi na ang kan’yang labi sa aking tainga, at ang paos niyang tinig ay nagdala ng kilabot sa buong katawan ko. “But you won’t, will you?”The way he said it—low and certain—made something inside me snap.Hindi ko alam kung bakit, pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong inilapat ang mga labi ko sa kan’yang mga labi. Ang mga kamay ko’y nakasabunot sa mga buhok niya na para bang mas hinihila ko siya nang mas mari
Last Updated: 2025-08-15
Chapter: Chapter 007Cassiel didn’t say anything at first. He just kept that unreadable stare, the kind that made it impossible to tell if he was considering it or dismissing it entirely. I expected him to smirk and shake his head, like he always did when he wanted to keep his distance.Pero imbes na gano’n, ay ibinaba niya ang margarita sa side table.I froze mid-sip. Wait—what?Without breaking eye contact, he stood up while unbuttoning his white linen shirt one slow button at a time. My stomach did that annoying twist again, but this time it was sharper. Parang biglang nag-alert mode ang aking buong katawan.“W-What are you doing?” I asked, trying to keep my voice steady.Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya, ngunit hindi siya sumagot. The shirt slid off his shoulders, revealing the kind of body you only saw in magazines—sculpted chest and toned arms.I swallowed hard. Okay… this is happening.Nang maabot niya ang kan’yang relo at inilagay iyon sa tabi, nagsimulang kumabog ang puso ko. Hindi
Last Updated: 2025-08-14
Chapter: Chapter 006Cassiel was wearing a white linen shirt. Ang ilang butones sa itaas ay nakabukas kaya bahagyang sumisilip ang matigas niyang dibdib. Pinaresan niya ito ng itim na board shorts na simple lang naman, pero hindi ko alam kung ba’t ang lakas ng dating niya! Lalo pang nadagdagan ang kakisigan niya dahil sa suot niyang silver Rolex watch.May suot siyang itim na sunglasses, at kahit natatakpan ang mga mata niya, ramdam ko pa rin na sa akin siya nakatingin. Ang buhok niya ay medyo magulo, like he just rolled out of bed, or like someone just ran their fingers through it. My fingers, preferably.Saglit akong natigilan nang na-realize ang huling naisip.My god! Zara, did you just hope na ang mga daliri mo sana ang ginamit sa pagsuklay sa buhok niya? Nahihibang ka na talaga! At hindi ba’t si Cassiel dapat ang mabibighani sa kagandahan mo ngayon? Ba’t biglang bumaliktad ang sitwasyon?! And wait, sasama siya? Wala naman siyang nabanggit kagabi na sasama siya, ah?Tiim-bagang na lang akong naglakad na
Last Updated: 2025-08-13
Chapter: Chapter 005Later that night, sabay kaming naghapunan ni Cassiel. Tahimik lamang kaming kumakain habang nag-iisip ako ng paraan para magawa pa lalo ang plano ko. And gusto ko sanang tanungin siya kung may bangka ba siya rito. I just want to do some boating around the private island. ‘Di kalayuan din kasi ay may nakita akong sandbar kanina.“Do you have a boat here?” kaswal kong tanong habang hinihiwa-hiwa ang grilled wagyu beef na may gintong crust sa gitna.I could feel his stare linger on me for a few seconds. “Why? You’ll use it to escape?”“What? No?” kaagad kong depensa, pero kalauna’y nagkibit-balikat din. “Pero p’wede.”Mabilis namang nagdilim ang tingin niya sa akin na kinahalakhak ko nang marahan. “What? I didn’t even think of it. Binigyan mo lang ako ng idea!” rason ko pa habang tumatawa.He just shook his head and continued eating.“So, wala?” Pinihit ko ang ulo ko sa isang banda, sinusubukang tingnan ang mukha niya nang maayos.Damn, ang g’wapo talaga niya. Those thick, well-groomed e
Last Updated: 2025-08-13
Chapter: Chapter 004Wala akong ibang ginawa buong araw kundi ang tumunganga at magbasa ng mga libro at magazines sa balcony ng villa ko. Bored na bored ako pero wala akong choice kundi gawin ang mga p’wede lang gawin dito sa isla.Ayoko rin namang kulit-kulitin si Cassiel, baka kung ano pa isipin no’n. May plano akong akitin siya, oo, pero wala akong planong isipin niya na patay na patay ako sa kan’ya. Which clearly is not true.When the clock hit 2:30 P.M., naisipan kong maligo sa malinaw na dagat. Nandito na rin naman ako at walang ibang magawa, sulitin ko na lang din.Lumabas ako ng villa suot ang red two-piece swimsuit ko at isang puting coverup na hindi ko tinanggal hanggang nakarating ako sa sun lounge chair na malapit sa beach bar. Nagdala na rin ako ng isang libro na babasahin ko mamaya pagkatapos kong lumangoy, at isang white towel.I placed my cover up, the book, and the towel on the sun lounge chair, saka nagpahid ng sunblock sa braso at mga balikat ko. Dumiretso na agad ako sa dagat pagkatapo
Last Updated: 2025-08-10
Chapter: Chapter 003I couldn’t sleep. Palakad-lakad lang ako sa loob ng k’warto ko habang iniisip ang nangyari kanina. Ang nakakainis pa ay hindi mawala sa isip ko ang muntikan nang paghalik niya sa ‘kin!Gosh, three years! Three years, Zara! Tapos may epekto pa rin sa ‘yo ang gagong ‘yon?! Nababaliw ka na yata! Baka nakalimutan mo na ang dahilan kung ba’t kayo naghiwalay three years ago?!I annoyingly brushed my hair using my fingers. “I need to do something,” bulong ko sa sarili ko.Dahil kung wala akong gagawin, who knows kung ilang linggo, ilang buwan, and worse, ilang taon niya akong ikukulong sa islang ‘to? Ano na’ng mangyayari sa modeling career ko kung mawawala ako ng gano’n katagal?!Bwisit na Cassiel kasi! Ano’ng pake niya kung may balak pumatay sa ‘kin? And wait… as far as I remember, wala naman akong kaaway in the first place? Ang bait ko kaya sa mga co-models ko! And they also love me! Kaya who would even dare try to make me want to die?!Baka palusot lang ng gago’ng ‘yon na may gustong puma
Last Updated: 2025-08-10

How to Break a Billionaire's Heart
Warning: SPG | R18+
Some chapters contain mature content that may not be suitable for young readers. Read at your own risk!
Eloise Manalo wanted to destroy the man who ruined her stepsister’s life. She believed that man was Estevan Alaric Foreman. The ruthless billionaire and dangerously captivating.
Kaya kahit labag sa loob niya ay nilapitan niya ito sa isang club, nilunod ang konsensya sa alak, at hinayaang mangyari ang isang gabing puno ng tukso at kasalanan.
She had a one-night stand with the devil himself.
But the next morning, she wasn’t just left breathless; Estevan offered her a deal, at iyon ay ang maging girlfriend siya nito ng tatlong buwan. Attend his business or family events, live in his grand world, and pretend to be his. All to help him get revenge on the one person who’s taken everything from him—his younger brother.
Ang hindi alam ni Estevan? Eloise thinks he’s the man who left her stepsister pregnant and alone. And what she doesn’t know? It wasn’t him. It was the brother he was trying to destroy.
Both are playing a dangerous game. Estevan is using her to hurt someone else, and Eloise is pretending to be someone he can trust while waiting for the perfect time to destroy him.
But the closer they get, the messier things become.
Because desire doesn’t care about secrets.
And revenge definitely has a price.
Read
Chapter: Chapter 41Nablangko ang isipan ni Estevan sa narinig mula sa dalaga. Bumuka ang kan’yang bibig at muli itong sumara, tila walang mahanap na tamang salita para isagot dito. “W-What?” was the only word he came up with after a few seconds of grasping for the right words.Umiwas ng tingin si Eloise, sinusubukang huwag ipakita rito na pati siya ay winawasak ng mga salitang binitiwan niya. No matter how much she wanted to throw herself into his arms, she couldn’t… she shouldn’t.“Eloise…” garalgal na tawag ni Estevan, marahang humakbang palapit. “Why are you saying this? Baby, talk to me. Did I do something wrong? Tell me, please,” pagmamakaawa nito sa dalaga.Umiling siya at mahigpit na pinipisil ang laylayan ng tuwalya na nakabalot sa katawan niya. “Wala kang ginawang mali. It’s just me. Ayoko na, Estevan. Hindi ko na kaya.”“No… don’t say that. Don’t tell me it’s over just like this,” mabilis na sagot ng binata. Muli nitong inabot ang isa pang kamay ni Eloise pero ‘agad siyang lumayo. Binalot ng
Last Updated: 2025-09-05
Chapter: Chapter 40Pagkatapos umalis ni Elias sa café ay hindi na mapakali si Eloise. Kahit anong pilit niyang ibalik ang atensyon sa trabaho—sa pag-aasikaso ng mga orders, sa pagngiti sa mga customers, sa pagtulong sa staff—lagi at laging bumabalik sa utak niya ang mga salitang binitawan nito."Soon, she will be introduced as Estevan’s fiancée. As the future partner of the heir to the Foreman Group of Companies, it is her responsibility to uphold the family’s image."Nanginginig ang mga kamay niya sa tuwing inuulit-ulit iyon ng isip niya. It felt like she couldn’t breathe, and she couldn’t hold her emotions together properly. Himala na lang talaga at nakayanan niyang magtrabaho hanggang magsara sila.“Ma’am Eloise, okay ka lang po?” tanong pa ng isa niyang barista kanina nang mahulog ang tray na hawak niya. Pilit siyang ngumiti at tumango rito, saka sinabing napagod lang siya. Pero ang totoo, halos gusto na niyang umuwi agad at magkulong sa k’warto niya.She went home to her apartment with that thought
Last Updated: 2025-08-29
Chapter: Chapter 39“Thank you so much, nag-enjoy ako,” malaki ang ngiting wika ni Eloise kay Estevan nang inihatid siya nito sa kan’yang apartment. Malalim na ang gabi at tahimik na ang paligid, tanging ang ingay ng iilang sasakyan na dumadaan mula sa kalye ang nagbibigay ingay sa paligid.“Always, baby,” sagot ni Estevan at marahan siyang hinapit sa baywang bago ginawaran ng maikling halik sa labi. It was as if he wanted to make sure she was really there, that she wouldn’t go anywhere, even just for a moment, after she joked about being gone for a week.Noong una’y simpleng halik lamang iyon, banayad at parang ayaw pa niyang matapos. But after a few seconds, Eloise realized that every touch was getting deeper. Mas madiin at mas mapusok, and before she knew it, they were slowly stepping into her unit, carried by the heat and presence of each other.Bago pa siya makapag-react, kinarga na siya ni Estevan, kaya’t agad niyang ipinulupot ang mga braso sa batok nito at ang kan’yang mga hita sa baywang ng bina
Last Updated: 2025-08-13
Chapter: Chapter 38“Hey,” Eloise greeted Estevan the moment she saw him standing in front of her apartment.“Hi, baby,” nakangiting bati ni Estevan sa dalaga sabay hapit sa baywang nito palapit at kaagad na ginawaran ng halik. “I missed you,” bulong ng binata nang lumayo ito sa mga labi ni Eloise, pero nanatiling nakadikit ang kanilang mga noo sa isa’t-isa.Marahan namang humalakhak ang dalaga at kagat-labing sumagot. “I missed you, too.”Kahit na kaninang madaling-araw pa naman no’ng huli silang nagkita ay tila sabik na sabik sila sa presensya ng isa’t-isa. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti ni Eloise sa binata ay mayroon pa ring sakit at lungkot na pilit niyang tinatago.Eloise guided Estevan inside her apartment, and they headed straight to the living room.Alas otso na sa mga oras na iyon at kakauwi lang din ni Eloise mula sa cafe niya. Si Estevan naman ay galing din sa opisina nang nag-text ito sa kan’ya na pupunta siya rito.“Have you eaten?” tanong ni Estevan sa kan’ya saka umupo sa pahabang so
Last Updated: 2025-08-12
Chapter: Chapter 37It was already late when Eloise was able to fall asleep on Estevan’s chest. Nakasandal lamang siya sa headboard habang tinitigan ang maganda at maamong mukha ng dalaga. Her eyes were still swollen from crying.Gustuhin man niyang magtanong kung bakit ito umiiyak kanina, ngunit ayaw din niyang pilitin kung ayaw pang magsabi ng dalaga sa kan’ya. He knew she’d be able to share it with him when the right time comes. It definitely broke his heart as he watched her break down in his arms earlier. Wala siyang nagawa kundi ang yakapin ito nang mahigpit at i-assure na nasa tabi lang siya nito. She just kept crying and crying until she wasn’t able to do so.Nang tiningnan niya ang wall clock, mag a-alas tres na ng umaga. He still needs to go home so he can still sleep, even for a few hours.Sa dalawang araw na hindi siya pumasok sa opisina para lang makasama si Eloise, marami siyang appointments at meetings na hindi niya nadaluhan. But then, he didn’t care. Even a hundred million losses wouldn
Last Updated: 2025-08-11
Chapter: Chapter 36Hindi makatulog si Eloise kahit anong pilit niya. Nakahiga lang siya sa gilid ng kama, at nakatitig sa bintana na nilamon ng dilim. Ang lamig ng hangin sa kwarto, ang tunog ng tahimik na lungsod sa labas—lahat ng iyon ay parang sumisiksik sa dibdib niya. Iniisip pa rin niya ang usapan nila ni Elizabeth kanina. Ang mga salita, ang mga halakhak na may bahid ng kirot, ang mga mata ni Elizabeth na may lihim na lungkot.The guilt was like a weight she couldn’t lift off her shoulders. Alam niyang hindi lang niya niloloko si Elizabeth; niloloko rin niya si Estevan, ang lalaking unti-unting naging mahalaga sa kan’ya kahit na ang plano niya ay saktan ito nang lubusan.Pilit niyang pinikit ang mga mata, sinubukang takasan ang mga aninong sumasagi sa isipan. But instead of fading, the thoughts only grew louder. Kahit anong pikit niya ay pumapasok sa kan’yang isipan ang mukha ni Elizabeth kanina, ang mga salita, at ang hinanakit na nakatago sa likod ng bawat ngiti. Parang mga punyal na sumusubsob
Last Updated: 2025-08-10

The President's Duty Bride
Isang gabi ng kasalanan. Isang lihim na pagbubuntis. At isang lalaking hindi niya kailanman inaakalang kailangang harapin muli.
Wala sa plano ni Evelyn Ramirez ang mahulog sa tukso habang nasa isang Mediterranean resort. Isang gabi lang ‘yon—isang gabing puno ng init, paglimos ng kalayaan, at pagkalimot sa mundo. Walang pormal na pagkakakilala. Walang pangako. Isang lihim na dapat kalimutan.
Pero pagbalik niya sa Maynila, isang dalawang linya sa pregnancy test ang gumising sa bangungot.
At ang lalaking responsable?
Si Cassian Alcott—isang half-British, half-Filipino heir ng isang makapangyarihang pamilya at, sa hindi niya alam na kapalaran, ang may-ari ng studio kung saan siya nagtatrabaho.
Evelyn wants to run. Pero sa piling ni Cassian, walang ligtas na taguan. Hindi siya ang tipong pinapaalis ng isang lalaki tulad nito—lalong hindi kapag may nakataya na.
“Marry me,” bulong ni Cassian. “Not because I have to… but because I won’t let you go through this alone.”
Sa mundo ng yaman, intriga, at mapanirang bulung-bulungan, paano pipiliin ni Evelyn ang sarili… kung ang puso niya ay unti-unting nahuhulog sa lalaking dapat sana’y isang gabi lang sa kan’yang buhay?
Read
Chapter: Kabanata 9Pagkauwi nila mula sa clinic, tahimik lang si Evelyn habang inaayos ang kalat sa center table. Mga resibo, brochure, at bag na dala nila kanina. Hindi pa rin tuluyang nawawala ang kabog sa dibdib niya. Kahit pa maaliwalas ang buong bahay, hindi pa rin niya mapigil ang pagbalik-balik ng imahe ng monitor kanina. 'Yong malabong hugis pero malinaw na nagsasabing may buhay na nagsisimulang lumaki sa loob niya.Binuksan niya ang isang bintana at hinayaan ang hangin mula sa hardin. Kailangan niya ng preskong hangin. Kailangan niyang pigilan ang sarili na magtanong ng “paano kung.” Kasi baka kapag nasimulan na niya, hindi na siya tumigil.“Evelyn,” tawag ni Cassian mula sa may hagdan. Kalalabas lang nito mula sa k’warto. Nakasuot ito ng dark blue shirt na bahagyang nakabukas ang itaas na butones at naka-tuck in sa puting slacks. Napalingon naman siya rito. “Hmm?”“I made a reservation for dinner,” sabi nito habang inaayos ang relo sa pulso. “Seven-thirty. I figured… it’s been a long day.”“D
Last Updated: 2025-08-07
Chapter: Kabanata 8Kinabukasan, isang mahinang katok ang gumising kay Evelyn. Pagdilat ng mga mata niya ay bahagya pa siyang naguguluhan sa paligid. Saka lang bumalik ang alaala niya buong gabi makaraan ang ilang sandali.“Evelyn,” mahinang tawag ni Cassian mula sa labas. “We have an appointment at ten.”Agad siyang bumangon, medyo magulo pa ang buhok. “Appointment?”“Check-up. OB,” sagot ng binata mula sa labas. “I made arrangements.”Biglang napaupo nang tuwid si Evelyn at napakunot ang noo. “Cassian, hindi ako nakapag-inform sa trabaho.”“I already work on that. I’m your boss, remember?”Hindi na siya nakapagsalita pa. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matutuwa. Ang bilis nitonh kumilos. Parang wala na siyang dapat problemahin. Pero sa totoo lang, parang nakaka-pressure din.Napalunok na lang tuloy siya at saka tumango.“Give me twenty minutes,” sagot niya.“Take your time,” tugon ni Cassian. “Breakfast is waiting.”Pagkatapos niyang magbihis, bumaba siya at naabutan ang binata sa kusina, nagsus
Last Updated: 2025-08-04
Chapter: Kabanata 7Malalim na ang gabi nang makarating sila sa bahay ni Cassian. Tahimik lang si Evelyn sa buong biyahe, pinapanood ang mga ilaw sa labas ng kotse habang dumaraan sila sa mga main road. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, pero mas malamig pa rin ang bigat na bumabalot sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang lahat.Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong two-storey house na gawa sa glass at dark stone, sandaling hindi naka-imik si Evelyn. Hindi niya inakalang ganito kaganda ang bahay ni Cassian. Akala niya'y isang condo lang sa business district. Well, bilyonaryo nga pala ito. Muntik na niyang makalimutan.“I had it renovated a year ago,” sabi ni Cassian habang binubuksan ang passenger door. “Didn’t really think someone else would be living here.”Tumango lang siya at lumabas ng kotse, dala ang maliit na overnight bag na pinilit niyang pagkasyahin ang ilang mga damit at mga gamit niya.Pagpasok nila, agad na tum
Last Updated: 2025-08-02
Chapter: Kabanata 6Halos mag aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Evelyn. Mabigat ang bawat hakbang niya habang binabaybay ang malamlam na hallway. Tumutunog ang takong ng flats niya sa tiles, pero mas maingay pa rin sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.Pagkapasok sa unit, agad niyang hinubad ang suot na flats at isinabit ang cardigan sa hook sa tabi ng pinto. Gusto lang sana niyang mahiga, magpahinga, at kalimutan kahit sandali ang mga pangyayaring bumalot sa kan’yang araw.Pero bago pa man siya makalakad papunta sa k’warto, may biglang kumatok. Tatlong sunod-sunod na katok.Napatigil si Evelyn at sandaling nagduda kung may narinig ba talaga siyang katok o kung guni-guni lang niya iyon dahil sa pagod. Pero nang may kumatok ulit nang mas malakas, nilapitan na niya ang pinto.Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa gulat dahil sa taong bumungad sa kan’ya.Nakatayo sa harap ng pinto si Cassian. Suot ang charcoal gray suit na bahagyang nakabukas ang kwelyo. May makikitang pag
Last Updated: 2025-08-02
Chapter: Kabanata 5Kinaumagahan, habang abala ang buong studio sa paghahanda para sa isang editorial shoot, tahimik lamang si Evelyn sa kan’yang workstation. Nakaupo siya sa editing corner, pa-check na sana ng mga raw shots mula sa isang bridal session kahapon, pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya magawang tumutok.Ang kamay niya, nakapatong sa mouse, pero hindi gumagalaw. Sa screen, naka-freeze ang larawan ng bride na nakangiti habang hawak ang bouquet—isang kuhang sana’y magaan lang i-edit. Pero ngayon, para bang ang bawat larawan ay isang tanong: kaya ko pa ba ’to? Kaya ko bang magpatuloy, habang may buhay na umuusbong sa tiyan ko?Sa paligid, abala ang lahat. Si Mark, ang videographer, ay nasa kabilang dulo ng studio, kausap ang isang kliyente tungkol sa prenup shoot nila sa Tagaytay. Si Lorie, ang production assistant, ay abalang tinatahi ang veil ng bride para sa styling board. At si Ava na palaging pulido at palaging composed ay pabalik-balik habang kinukumpirma ang wardrobe pieces
Last Updated: 2025-08-01
Chapter: Kabanata 4Kung puwede lang tumakas, matagal na sanang wala si Evelyn doon.Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang antigong pintuan na gawa sa dark wood, ukit-ukit ang disenyo at mukhang mas mahal pa sa buong apartment na inuupahan niya sa Makati. Mula pa lang sa gate ng Alcott Family Estate, alam na niyang ibang mundo ito—tahimik, malawak, at nakababalot ng uri ng karangyaan na hindi mo basta-basta makikita. Lalo na kung galing ka sa pamilya na mas sanay sa palengke kaysa sa private dining rooms.The estate stood like a fortress in the heart of Forbes Park—modern in architecture but cold in atmosphere, as if every tile and sculpture was there to remind her she didn’t belong. Malalaki ang bintana, pero walang liwanag ang pumapasok. Kahit hapon pa lang, pakiramdam niya gabi na sa loob.Nag-alok si Cassian na sunduin siya gamit ang sasakyan nito, pero tumanggi siya. Gusto niyang dumating bilang sarili niya. Hindi bilang babae ng kung sino. Hindi bilang alaga. Hindi tagasunod. Gusto niyang patunaya
Last Updated: 2025-07-30