Share

Kabanata 3

Ilang araw nang nakakulong lang sa bahay si Almirah pagkatapos ng umagang nasabi niya ang mga salitang iyon kay Lazarus. Lumalabas lang siya sa kaniyang apartment sa tuwing binibisita niya si Lola Melba sa bahay niyo para dalhan ng pagkain. Pagkatapos niya roon ay kaagad siyang bumabalik sa kaniyang apartment. 

Hindi niya rin alam kung magtataka ba siya o matutuwang wala rin siyang narinig mula kay Lazarus sa mga nakaraang araw na iyon the reason why her life has been quiet for almost a week now.

She was paid a hundred and sixty thousand after that night kaya ngayon ay hindi niya pa problema ang pera pero alam niyang darating ang araw na mangangailangan ulit siya kaya para maiwasan iyon at malaking halaga ang itinabi niya para sa kaniyang ipon. 

Kaunting tiis pa para makaalis na siya sa buhay na mayroon siya ngayon. Wala rin namang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya babayaran ni Lazarus kaya naisip niyang ngayon pa lang ay maghahanap na siya ng mas matinong trabahong puwede niyang apply-an. 

Iyong hindi na katulad ng ginagawa niya ngayon dahil hindi na siya gaanong baon sa utang. 

Nakatingala lamang siya sa kisame ng kaniyang apartment at ninanamnam ang katahimikan at kapayapaan ng paligid. She closes her eyes to enjoy the moment kaya naman gan'on na lamang ang gulat niya nang tumunog ang kaniyang telepono. 

Nang mahagilap niya ito, galing iyon kay Lazarus. She halfheartedly answered the call, but didn't utter a word. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang puso at damdamin niya mula sa mga narinig niya mula rito. 

"Magkita tayo sa address na ipadadala ko sa'yo. Please be there at 6:00 PM," anito bago pinutol ang tawag.

Sa lahat ng sinabi ni Lazarus ang salitang "please" ang nangibabaw at rumehistro sa isip ni Almirah. He never heard him say that kaya gan'on na lamang ang gulat niya ngayon. 

Ilang beses niya ring tinanong sa sarili niya kung totoo ba ang narinig niya o gumagawa na lang ng ilusyon ang utak niya dahil sa mga napagdaanan niya sa nakaraang araw. 

Nasa kalagitnaan pa siya ng pagkagulat nang mag-beep ang kaniyang cellphone. She received a message from Lazarus. 

Lazarus: 

May ipadadala ako riyan para sunduin ka. Magkita na lang tayo sa La Grande Hotel. Kapag tinanong ka, sabihin mo lang sa reception na may reservation ka under my name. 

Huminga siya ng malalim. Ilang minuto rin siyang natulala lang bago naisipang maghanda na. It took her nearly an hour to be ready. Tama namang bumusina ang sasakyang susundo sa kaniya. 

Dahil hindi traffic, kaagad silang nakarating sa address na ibinigay ni Lazarus sa kaniya. As she entered, she was immediately assisted by the staff. 

"Good evening, Ma'am! Do you have a reservation?" 

Tipid siyang ngumiti. Ayaw man sana niyang banggitin ang pangalan pero kailangan para makapasok na siya sa loob. 

"Oo. Under the name L-Lazarus Montreal," her voice trembled a bit as he mentioned his name. 

Nagliwanag ang mukha ng receptionist. May kung anong sinabi pa ito bago sumenyas sa isa pa nilang kasama. 

"Good evening, Ma'am. This way to Mr. Montreal's reserved room." Iginiya siya ng isang babaeng staff. Hindi na siya nagtanong at sumunod na lang. Halos isang linggo rin silang hindi nagkita kaya may pakiramdam na siya kung ano na naman ang mangyayari. 

With that thought, Almirah prepared herself. Inaasahan niyang sa isang silid siya nito dadalhin at hindi nga siya nagkamali. 

Ano pa nga ba ang gagawin nila rito kung hindi iyon na naman? 

"Thank you," aniya sa babaeng staff bago ito tuluyang umalis. She knocked on the door before twisting it open. Inihanda na niya ang sarili niya sa susunod na mangyayari pero naestatwa siya nang sa halip na hubad na Lazarus ang maabutan niya ay hindi. 

Lazarus was on the hotel's balcony. Nakatalikod ito mula sa kinatatayuan niya kaya siguro hindi nito nakita ang pagdating niya. Bukod doon, the properly set-up table caught her attention. May dalawang upuan din doon. Mabilis na humataw ang kaba at pagkalito sa kalooban ni Almirah.

Bago pa man siyang makabawi ay nakita na siya ni Lazarus. Kaagad itong pumasok sa kwarto kung nasaan siya. Kumpara sa huli nilang pagkikita, mas kalmado ang aura nito ngayon. 

Hindi niya maiiwasang kabahan at mag-isip ng kung ano-ano, lalo na Ang kung anong may kinalaman sa trabaho niya. 

"I thought you wouldn't come," parang nakahinga ito nang maluwag nang sambitin niya iyon. "Let's eat first," anito saka siya iginiya patungo sa veranda. 

Nalilito man ay sinundan na lamang niya ito at nang nasa veranda na ay hinila pa nito ang upuan para sa kaniya. 

"Ano'ng meron? Akala ko nandito tayo dahil—" 

"Not tonight," he cuts her off. Almirah pressed her lips together. Lalo siyang kinabahan dahil baka bigla na lang sabihin ni Lazarus na tapos na ito sa kaniya. 

At isa lang ang ibig sabihin n'on para kay Almirah. May ipon naman siya pero hindi pa iyon sapat para matakasan niya talaga ang hirap ng buhay. 

"Nandito ba tayo ngayon kasi sasabihin mo sa akin na huling beses na itong pagkikita natin?" 

Hindi siya mapakali hangga't hindi niya iyon naitatanong at nalalaman ang sagot. 

Natigilan si Lazarus sa kaniyang ginagawa. He stared at her in confusion for a second before he spoke. "What? No… I prepared this dinner for us to talk about the last time we saw each other. I want to apologize from the things I have done and said to you," tuloy-tuloy na sinabi ng binata sa kaniya. 

Her jaw dropped at what he said. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Kung mawawala ba nang tuluyan ang kaba niya dahil may trabaho pa rin siya o malilito lang siya sa oras ng pananatili niya sa hotel na iyon kasama si Lazarus na mukhang nasa ibang katauhan sa mga oras na iyon. 

"What I did was wrong. I understand now that even when I am paying you enough to satisfy my carnal needs, I shouldn't have said those words to you," dagdag pa nito. 

Habang nagsasalita si Lazarus ay nakikinig lamang si Almirah. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng kaniyang naririnig mula sa kaniyang kausap. Hindi rin siya makahanap ng tamang salitang dapat itugon dito. 

"I also realized that the money I am paying you will never be enough to heal the wounds of those insulting and degrading words I have uttered against you." 

She just stared at him in awe. The way he apologized, it sounded so sincere and pure for her. 

"I should've known better. Not because I grew up in a messed up household doesn't mean I'll have to treat people the same. I'm sorry, Almirah. From now on, I'll learn how to handle my words better so I won't have to hurt other people's feelings." 

Parang mayroong kumurot sa puso ni Almirah sa lahat ng sinabi niyang iyon. His words somehow comfort her aching heart. Hindi man kaagad mawawala ang sakit nito, alam niyang may dahilan na siya ngayon para patawarin ito. 

Para rin kay Almirah, hindi madaling kalimutan ang mga masasakit na salita kaya nga kung papipiliin man siya ay mas gugustuhin niyang masaktan nang pisikal kumpara sa emosyonal na sakit dahil ang una para sa kaniya ay naitatago kapag magaling na ang sugar, it might cause her trauma, pero ang huli ay hindi basta-bastang maitatago. Once it occupies your mind, unti-unti ka nitong sisirain. 

"We should eat now," anito nang sa wakas ay tapos na itong magsalita. Wala rin namang kasing maiusal na salita si Almirah kaya tahimik na lang din siyang kumain. 

Pasado alas otso na ng gabi nang natapos silang kumain. They stayed there for a while to talk more about random things now. Mas gumaan na rin ang usapan kumpara kanina. It was actually the first time that they'd talk about a different topic rather than their set-up. 

"Wala ka ng balak ituloy ang pag-aaral kung gan'on?" He asked with his furrowed brows as they talked about her education. 

Hanggang third year college pa lang kasi ang natapos niya. Sayang ang isang taon na lang sana pero dahil hindi na kinaya dahil kapos sa pinansyal na pangangailangan kahit pa scholar naman siya noon ay napilitan siyang tumigil. 

"Meron naman… pero hindi pa ngayon. Hindi naman paunahan sa pag-aaral, e. Hangga't dala-dala mo ang pangarap mo, naniniwala naman ako na maaabot mo rin ito pagdating ng tamang oras na nakalaan para sa'yo," she said bitterly. 

She said it to somehow comfort herself. Kahit gan'on naman kasi ang paniniwala niya, nanghihinayang pa rin siya. Gayunpaman, nangangarap pa rin naman siya. 

"Bakit hindi mo ituloy ngayon ang pangarap kung gan'on? I'll help you," he offered but she immediately shook her head. 

It was tempting. A chance for her at gusto man niya, ayaw na niyang magkaroon ng isang mabigat na utang na loob mula sa ibang tao.

Kung magkakaroon man siya ng utang na loob, sa sarili na niya iyon at hindi para sa iba dahil naniniwala siya na mahirap takasan ang utang na loob. It will slowly suffocate you until you're being controlled by the person you owe. 

"Babalik pa rin naman ako. Nag-iipon lang ngayon dahil marami pa rin namang gastusin at… alam ko rin namang darating ang araw na pagsasawaan mo rin ako kaya hangga't may oportunidad pa para makaipon, ginagawa ko na ngayon." 

"Dadagdagan ko ang ibinabayad ko sa'yo kung gan'on," pagsubok pa nitong kumbinsihin ang dalaga pero buo na ang loob nito. 

"Tama na sa akin iyong ibinibigay mo. Hindi ka naman nagkulang sa pagbibigay sa akin sa tuwing tinatawagan mo ako. Tinanggap ko na iyong sobrang ibinigay mo noong nakaraan kahit pa hindi naman dapat dahil kung ano'ng ginawa ko, iyon lang dapat ang mabayaran pero salamat pa rin. Naging malaking tulong iyon sa akin. Mas madaling tanggapin ng konsensiya ko na patas tayo sa trabahong ito kaya hindi ko matatanggap ang alok mo. Oo at kailangan ko ng pera pero ayokong umabuso. Sana maintindihan mo kung bakit tumatanggi ako ngayon."

Lazarus couldn't even utter a single word. He just stared at her in pure amazement. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status