Hindi ko inaasahan na sa gabing 'yon ay makakaramdam ako ng kapayapaan sa puso habang nagk-kwentuhan kami ni Leandro. Masaya ako dahil marami na kaming napagkwentuhan at pakiramdam ko ay unti-unti na talaga namin nakikilaka ang isa't-isa. "We used to visit here every summer with my family before," muling pagkukwento ni Leandro. "Marami rin kaming core memories ni Rafael dito hanggang sa lumaki kami. We always swim together and we love snorkeling," patuloy niya pagkagtapos ay bahagyang natanaw na parang inaalala niya talaga ang alaala nila ni Rafael sa lugar na 'to. Napatango naman ako at tipid na ngumiti habang nakikinig sa kwento niya. Halos nakakalahati na namin ang wine na iniinom namin at parang nasa kalahati na rin kami ng pag-uusap tungkol sa bagay na hindi pa namin alam sa isa't-isa. "So... Close talaga kayo ni Rafael?" kunot-noo na tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang napatango at kahit na tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin doon ay kita ko ang ma
Pinili namin ni Leandro na sulitin ang oras at araw na magkasama kaming dalawa sa isla na pagmamay-ari niya. Kahit na sobrang daming pangyayari no'ng nakaraang araw dahil sa biglaang pagpunta rito ng Mama niya ay mas pinili pa rin namin ang isa't-isa. Mas pinili namin na 'wag na lang isipin dahil kahit ano'ng sabihin naman ng ibang tao ay walang magbabago sa pagmamahalan naming dalawa. Katatapos lang namin maligo ni Leandro sa dagat. Kanina pa kaming umaga nagsimula at pahapon na nang matapos kami dahil naglatag din kami ng outdoor picnic blanket sa buhangin habang may lamesa kami sa likuran para sa mga ibang pagkain namin. Napag-usapan na rin namin kung bakit hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol sa pag-pull out ng pamilya ni Luciana sa kumpanya niya at ang iba pang mga investors. Pinaliwanag niya sa akin na baka mag-alala pa ako at natakot siyang baka iwasan ko siya para lang balikan niya ulit si Luciana. Hindi rin naman daw malaking kawalan ang pag-pull out ng mga ibang invest
"No! I will never let this happen, Leandro! Hinding-hindi ko matatanggap ang babaeng 'yan!" patuloy na sigaw ni Madame Celestine. Napayuko na lang akong muli at napabuntonghininga dahil alam ko sa sarili ko na hinding-hindi naman talaga niya ako magugustuhan. Ang tingin niya lang sa akin ay isang tao na naghahangad ng yaman kaya dumidikit ako sa anak niya. Parehas sila ni Luciana ay gano'n ang tingin sa akin kaya hindi malabo na maging gano'n din ang tingin sa akin ng karamihan kahit na ang totoo ay nagmamahal lang naman ako. "Hiwalayan mo ang babaeng 'yan at suyuin mo si Luciana para matuloy ang kasal niyo—" "No!" mariing sagot naman ni Leandro. "My whole life, I've always follwed you. Everything you said and every decision of yours, I did. Even marrying a woman I don't even love!" Napaawang ang labi ko at hindi ko naiwasang mapaangat ng tingin kay Leandro dahil ramdam ko mula sa boses niya ang hinanakit na parang matagal na niyang kinikimkim. "Ginagawa ko lang ang alam kong ma
Nagising ako kinabukasan na namalayan kong wala na si Leandro sa tabi ko kaya naman napabangon ako kaagad. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko dahil sa pagbawi namin ni Leandro sa isa't-isa mula sa pag-aaway namin. Ramdam ko rin ang sakit sa pagitan ng mga hita ko, pero hindi ko na masyadong ininda 'yon dahil nakaramdam ako ng kaba. Nakita ko ang oras sa wall clock at maga-ala sais pa lang ng umaga, pero wala na agad si Leandro sa tabi ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko alam kung napa-praning ba ako o sadyang nasanay lang ako na hindi niya ako iniiwanan sa pagtulog. Napabuntonghininga ako at kahit na hirap ako sa paglalakad ay sinubukan ko pa rin maglakad palabas ng kwarto. Gamit ang nagusot kong damit mula kagabi at kahit na ramdam ko ang lamig ng sahig sa talampakan ko ay pinagpatuloy ko ang paglalakad pababa. "Leandro?" tawag ko habang hinahanap siya. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at mula sa hallway ay kita ko sa labas hind
Nanatiling tahimik si Luciana sa kabilang linya na para bang walang salita ang gustong lumabas mula sa bibig niya. Hindi ko naiwasang mapangisi kahit na ramdam ko ang kaba ko sa maaaring maging kapalit ng pagsabi ko sa kaniya tungkol sa relasyon namin ni Leandro. Naramdaman ko ang paghugot niya ng malalim na hininga mula sa kabilang linya bago tuluyang magsalita na para bang nakakuha na ulit siya ng lakas ng loob. "L-Leandro confessed to y-you?" nauutal niyang tanong na parang kinatatakutan niyang bigkasin ang mga salitang 'yon dahil natatakot siya sa magiging sagot ko. "Yes." Diretsyo at matapang na sagot ko naman sa kaniya. Mula sa kabadong boses kanina ay napaawang ang labi ko nang marinig ko ang pagtawa niya kaya hindi ko naiwasang mapakunot-noo. Napailing na lang ako at napabuntonghininga dahil mukhang nababaliw na nga talaga ang babaeng 'to. Nakakainis lang dahil bakit ba nakikipag-usap pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon?! "Oh my, God! I really can't believe you!" nata
"I-I'm sorry. Let's stop fighting, baby. Please? Let's fix this," paulit-ulit niyang sabi habang hinahaplos ako. Kahit na tuluyang bumuhos ang mga luha ko ay pinilit kong umalis mula sa pagkakayakap sa kaniya. Mabilis kong pinalis ang mga luha ko at nagtaas ng tingin sa kaniya. Mas lalo ko naman nakita ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin kaya tinaas ko ang dalawa kong kamay para patigilin siya sa pagsuyo sa akin. "J-Just give me time tonight, Leandro. P-Please," paki-usap ko sa kaniya dahil tingin ko ay mas kakalma ako kung mapag-iisa ako ulit. Dinig ko naman ang mabigat niyang paghinga pagkagtapos ay tumango sa akin kahit na labag sa loob niya ang pakawalan ako kahit sandali lang. Nang tuluyan niya akong bitawan ay mabilis naman akong tumalikod palayo sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero dumiretsyo ako papunta sa kwarto. Sana lang ay 'wag niya muna akong sundan dito habang hindi pa kalmado ang emosyon na nararamdaman ko. Nagpasya ako na maligo