LOGINBuong oras sa event, hindi ako mapakali. Paulit-ulit lang sa isip ko kung sinong De Luca ang isa sa magiging guest sa event na 'to. Paano kung si Ma'am Celestine 'yon? Ang mom nila Rafael. O 'di kaya ay si Leandro naman?
Humugot ako ng malalim na hininga habang nakatingin sa masasarap na pagkain na nasa harapan ko. Kapag nga naman minamalas ka talaga. Sa dami ng pagkakataon na muli akong makakakita ng De Luca ay dito pa talaga? Okay pa sana kung si Rafael ang makikita ko rito, pero mukhang hindid dahil iba ang nararamdaman ko. "Relax, Gigi. Ano naman kung makita ka nila rito right? Wala ka namang ginagawang masama. Nagtatrabaho ka lang." Bulong ko sa sarili ko. "Gigi, ayos ka lang? Sino kausap mo d'yan?" curious na tanong sa akin ni Jay na isa rin na kasama ko sa catering. Mabilis naman akong napailing at pinilit na ngumiti kahit sobrang kaba ang nararamdaman ko. "W-Wala. Nagc-cheer lang ako sa sarili ko," sagot ko pagkatapos ay pekeng tumawa. Kahit na ano'ng pilit kong kumalma ay ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko lalo na nang makita kong dumarami na ang mga guests na pumapasok. Sa sobrang dami naming staff dito at sa sobrang dami ng guests ay hindi naman ko naman siguro makakaharap ang isang De Luca ngayong gabi. Nagsimula ang event at inabala ko ang sarili ko sa pagtatrabaho pero napahinto ako nang may magsalita sa harapan. "Everyone, let's welcome our very important guest tonight. Despite sa pagiging busy ng tao na 'to ay binigyan niya tayo ng oras para maka-attend dito." Sabi ng emcee roon. Muling nabuhay ang kaba sa dibdib ko habang nakatanaw sa harapan. "Girl! Ano'ng ginagawa mo? Balik sa trabaho!" sabi sa akin ni Trina. Mabilis naman akong napailing at hinila siya palapit sa akin. "May guest dito na De Luca. Hindi ko alam kung sino kina Ma'am Celestine o Leandro ang nandito," bulong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niya at parehas kaming hindi nakapagsalita nang muling magsalita ang emcee na nasa harapan. "Mr. Leandro De Luca! Let's give him applause!" masayang sabi ng emcee. Halos kumalabog muli ang puso ko at nagkatinginan kaming dalawa ni Trina. Mukhang napansin niya na kabado ako kaya naman hinawakan niya ang dalawa kong kamay para pakalmahin ako. "Huwag kang mag-alala. Sa sobrang daming tao rito hindi ka niya makikita. Kaya sige na! Balik na tayo sa trababo," sabi niya. Napabuntonghininga naman ako at napatango sa kaniya. Iyon na nga lang ang iisipin ko dahil sisiguraduhin ko na hindi kami magkakaharap ngayong gabi dito. Kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na hindi niya ako makikita dahil isa lang akong maliit na tao sa gitna ng marangyang event na ito. "Ladies and gentlemen, Mr. Leandro De Luca will now give a few words," sabi ng emcee. Muli akong napaangat nang tingin sa harapan at nakita kong nakatayo na sa harapan si Leandro. Gwapong-gwapo sa suot niyang dark suit habang ang mga bisita ay pinapalakpakan siya. Hindi ko naman naiwasang mapairap at bumalik na lang sa trabaho. Napapikit na lang sa sobrang inis. Nakakainis lang at napapatanong ako sa sarili ko na bakit saan ako mapunta ay may isang Leandro De Luca? "Good evening, everyone," sabi niya gamit ang malalim at confident na boses. Agad akong nakaramdam ng kilabot sa batok. "I want to thank everyone for being here tonight," patuloy niya. "This event wouldn't have been possible without your support. It's truly an honor to be part of such an important cause. On behalf of our family, I am deeply grateful for your generosity." sabi niya habang tipid na nakangiti. Muling nagpalakpakan ang mga tao dahil sa sinabi niya. Matalim ko siyang sinundan nang tingin hanggang sa table niya at nakita kong naroon din pala si Luciana, ang fiancee niya. Napailing na lang ako at inalis ang tingin sa kanilang dalawa hanggang sa naalala ko na naman ang mga salitang binitawan niya sa harapan ng bahay kaninang umaga. Three million just to stay away from Rafael. Sandali kong pinikit ang mga mata ko at huminga nang malalim. Come on, Gigi! Huwag kang patalon-talon sa emosyon mo. Ayusin mo na lang nag trabaho mo! Pinagbuti ko na lang ang trabaho ko roon hanggang sa magsimula nang kumain ang mga guests. Nakangiti pa ako habang pinapanood ang mga guests na naglalagay ng mga pagkain sa plate nila nang matanaw kong papunta sa direksyon namin si Leandro. Sa sobrang kaba at takot ko na magkaharap kaming muli ay agad akong napaalis sa pwesto ko. Nagpunta ako sa beverage area at nakita kong naroon si Nico. May hawak siyang round serving tray at may nakalagay na limang drinks doon. "Nico! Ako na d'yan," sabi ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya at bahagyang natawa dahil bigla kong inagaw ang trabaho sa kaniya. "H-Huh? Sigurado ka?" kunot-noo niyang tanong. Mabilis naman akong napatango. Mas mabuti na ako na lang ang mag-serve ng drinks na 'yon kaysa makaharap ko na naman ang isang napakayabang na Leandro De Luca! "Oh sige. Ayusin mo ha. Alalahanin mo VIP guests lahat ng mga nandito," paalala niya. "O-Oo," nauutal na sagot ko. Sana nga ay 'wag akong magkamali kahit na sanay na akong magbuhat ng maraming drinks. Maingat kong hawak ang tray nang magsimula akong maglakad papunta sa table ng mga VIP. Sobrang ingat at pinag-iisipan ko ang bawat hakbang, pero kahit ano'ng ingat ko ay parang mas lalo lang lumalakas ang kaba sa dibdib ko. "Okay, Gigi, you got this," bulong ko sa sarili ko. Inuna kong puntahan ang table nila Leandro para maibigay ko ang inumin nila habang wala siya roon. Malapit na akong makarating nang biglang tumayo si Luciana mula sa kinauupuan niya. Nakatalikod siya mulua sa akin at para bang may hinahanap, pero imbes na tumingin sa dinadaanan niya, diretso lang siyang naglakad papalapit sa akin. Mas lalo akong kinabahan sa takot na mabangga niya ako kaya naman nagsalita ako kaagad. "Excuse me—" sabi ko, pero huli na ang lahat. Diretso niyang nabangga ang tray na hawak ko kaya nawala ang pagka-balanse ko roon at tuluyang natumba ang mga champagne glasses at tumapon 'yon sa damit niya. "Oh my God!" sigaw niya habang nakatingin sa basang damit niya. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napaatras. Maraming napatingin sa amin at lumapit. "Gigi, ano'ng ginawa mo?" tanong agad sa akin ni Nico. "I-I'm so sorry! Hindi ko po sinasadya—" "Don't you dare touch me!" matalim ang sigaw ni Luciana. Ramdam ko ang hiya at kaba habang nakatitig siya sa akin na para bang isang malaking kasalanan ang nagawa ko. Mas dumagdag pa ang mga taong nakakita sa amin at ngayon ay nasa amin na ang atensyon ng lahat. Sigurado ako na nakita na kami ni Leandro. "Hindi mo sinasadya?! Or sadyang tanga ka lang?!" galit na sabi niya sa akin. Nakaramdam ako nang pagkainis dahil sa tono nang pananalita niya na para bang ako lang ang may kasalanan doon. "Tinitinignan mo ba ang dinadaanan mo? Nakayuko ka kanina habang naglalakad—" Pinutol niya ako sa pagsasalita. "What?! So pinapalabas mo na ako pa ang may kasalanan?!" "S-Sorry talaga." kabadong sabi ko. "Ang sabihin mo tanga ka lang!" sigaw niya sa akin. Magsasalita muli sana ako para sagutin siya pero pinigilan ako ni Nico hanggang sa dumating si Leandro. "Luciana! Stop it. She already say sorry. Hindi mo na kailangan palakihin pa 'to. Nakakahiya sa lahat," sabi ni Leandro. Matalim ko siyang tinignan dahil parehas sila ng fiancee niya na ang taas ng tingin sa sarili. Bagay na bagay silang dalawa! "And why not, Leandro? Nakita mo naman 'tong damit ko! Palibhasa hindi niya kayang bumili ng ganitong damit!" reklamo niya. Napakunot naman ako at tinignan nag simpleng tube red dress na suot niya. "Bakit? Magkano ba 'yan?" tanong ko. Natawa naman siya at muling nagbaling nang tingin sa akin para pasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa. "At talagang tinanong mo pa?" taas kilay niyang sabi, "Well, sa itsura mong 'yan ay halatang hindi mo afford. Baka nga mas mahal pa 'to sa buhay mo," patuloy niya pagkatapos ay muling natawa. "Luciana!" suway ni Leandro gamit ang pabulong na boses. Hindi na ako nagsalita pa dahil hinila na siya palayo ni Leandro roon. Hindi ko naman napigilang mapairap habang tinatanaw silang palayo. Magsama kayong dalawa tutal ay parehas lang naman masama ang ugali niyo! Nag-sorry na lang ako sa mga taong nakakita sa amin pati na rin sa boss namin at nagpasya na umuwi na lang. Ayos lang sa akin kahit wala akong matanggap na sahod dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Sa kagustuhan kong makaiwas kay Leandro ay hindi ko alam na mas mapapahamak pa pala ako! Kinabukasan pagkagising ko ay naroon na sa bahay si Trina. Hindi ko natapos ang event kagabi kaya hindi kami sabay umuwi. "Bakit mo naman kasi sinagot pa 'yung babae na 'yon? Hindi na sana siya nakapagsalita ng hindi maganda sa'yo," sabi niya sa akin. "At bakit naman hindi? Totoo naman na siya ang may kasalanan. Masyado siyang mayabang. Parehas lang sila ni Leandro! Kaya hindi na ako magtatakha kung bakit sila ikakasal sa isa't-isa," sunod-sunod kong sabi pagkatapos ay napairap. "Pero in fairness, mukhang hindi nagustuhan ni Leandro 'yung ginawa ng fiancee niya. Sabagay, hindi naman ikaw ang nakakahiya do'n," sagot ni Trina pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Napatango naman ako. "At totoo nga 'yung kasabihan na money can't buy class." "True! Pero mabuti na lang at mabait si Mr. Daez dahil binigay niya pa rin ng buo 'yung sahod mo. Kaya lang ay hindi ka raw muna niya tatanggapin sa mga raket. Magpahinga ka muna," paliwanag niya. Napabuntonghininga naman ako at napatango dahil naiintindihan ko si Mr. Daez. May part na mali talaga ako, pero hindi rin nila ako masisisi dahil hindi ko kayang magpaapi. Tama at mahirap lang ako, pero hindi ako basta-basta nagpapaapi na lang sa kung sino. Sa araw na 'yon ay inabala ko muli ang sarili ko. Nagpunta ako sa hospital para mag-follow up kung kailan maooperahan si Lola, pero talunan akong umuwi dahil mahaba pa raw ang pila. Pagbaba ko sa taxi ay nakita kong may sasakyan sa labas at alam kong kay Rafael 'yon. Agad naman siyang lumabas mula sa loob nang makita niyang paparating ako. "Rafael, ano'ng ginagawa mo rito?" kunot-noo na tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa suot niya. Naka-white long sleeve siya na nakatupi hanggang siko niya at naka-black pants. Nakaayos din ang buhok niya na para bang may lakad siyang pupuntahan. "I've been calling you kanina pa pero hindi ka sumasagot. Where have you been?" tanong niya. Napabuntonghininga naman ako. I wonder kung nalaman na ba niya ang eksena na nangyari sa akin at kay Luciana kagabi. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at nakita kong may limang missed calls nga siya roon. "Sorry hindi ko napansin. Galing kasi ako sa hospital para mag-follow up sa operation ni Lola. Wala e, mahaba pa raw ang pila kaya kailangan pa namin maghintay," paliwanag ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo niya at napailing bago muling magsalita. "I can help you with that. May alam ako na hospital na ipa-priority ang Lola mo—" "Ilang beses ko bang sasabihin? Ayaw kong ma-extend ang contract—" Ako naman ngayon ang pinutol niya sa pagsasalita. "I'm not going to extend your contract with me. I just want to help you, Gigi. Tulong ko na sa'yo 'to, dahil tinutulungan mo rin ako," paliwanag niya. "Hindi 'yon tulong. Ginagawa ko 'yon dahil binayaran mo ako." Pagtatama ko sa kaniya. "Whatever and I don't care. Besides, tinuturing na kitang kaibigan kaya tanggapin mo na lang ang tulong ko. Isipin mo na lang na hindi para sa'yo 'to. It's for your grandma," patuloy niya. Napabuntonghininga naman ako dahil tama siya. Hindi 'yon para sa akin kundi para kay Lola. "Naa-appreciate ko ang concern mo, Rafael, pero pinaghihinalaan na ako ng kapatid mo na pineperahan lang kita. Mukhang nagpa-imbestiga pa nga siya tungkol sa akin dahil pinuntahan niya ako rito kahapon para mag-offer ng three million para lang layuan kita—" Napahinto ako. Hindi ko intensyon na ipaalam pa 'yon sa kaniya, pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nakita ko naman na nag-iba agad ang expression niya na para bang nainis. "He did that to you?" tanong niya. Agad naman akong napakamot sa mukha ko at napailing. "How dare him to do that to you?" may bahid na inis sa boses niya. "Hayaan mo na. Ayos lang 'yon dahil mukhang pino-protektahan ka lang niya—" "He's not protecting me. Pinakikialaman niya ang buhay ko." Mariin na sabi niya. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa naging reaksyon niya. Baka mag-away pa silang dalawa. "Hayaan mo na, Rafael. Hindi naman totoo mga sinabi niya kaya hindi ako nasaktan," sabi ko para mawala na ang inis niya. Napailing siya at napahugot nang malalim na hininga. "Just wait for my text and call. Aalis na muna ako," sabi niya. Agad naman napakunot ang noo ko. "H-Huh? Saan ka pupunta?" tanong ko. "I'll just to Leandro." Sabi niya at agad tumalikod para makabalik sa sasakyan niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at biglang kinabahan dahil baka nga mag-away silang dalawa. "Rafael!" tawag ko sa kaniya para pigilan siya. Wala na akong nagawa nang nag-u turn ang sasakyan niya at mabilis na pinaandar ang sasakyan palayo sa akin."W-Where did you get that necklace?" tanong niya habang nauutal at kita ko rin ang pamumutla niya.Agad naman napakunot ang noo ko lalo na nang lumapit siya sa akin para makitang mabuti ang suot kong kwintas. Bakas sa mukha niya ang kuryosidad at pabalik-balik ang tingin niya roon at sa akin. Napahugot naman ako nang malalim na hinga at napailing. Hindi naman siguro rare ang ganitong kwintas no'ng panahon nila Mama kaya sigurado ako na marami itong kaparehas."Bakit mo natanong, Tito?" nagtatakhang tanong ko.Tumingin naman siya nang diretsyo sa akin at kahit na hindi pa siya magsalita ay nababasa ko sa mga mata niya ang labis na kaba lalo na nagmagsimula muli siyang magsalita."I once gave someone a necklace just like this... and it meant so much back then," paliwanag niya habang mangiyak-ngiyak. "Nag-iisang design lang 'yan noon kaya gusto kong malaman kung saan galing 'yan."Halos mapakurap-kurap naman ako at napayuko para tignan ang pendant ng kwintas ko. Bahagyang napakunot ang n
Hindi ko alam kung hanggang ano'ng oras ako sa resto-bar na kakwentuhan si Mr. Rocco. Ang sabi niya ay kauuwi niya lang ulit dito mula sa Europe matapos ang isang dekadang taon na lumipas. Na-kwento niya rin sa akin na matagal nang namatay ang asawa niya at hindi sila nagkaroon ng anak. Mag-isa na lang din siya sa buhay at tingin ko sa sobrang yaman niya ay gusto niya na lang maglibang sa kung ano-ano'ng bagay. Gusto ko rin sana itanong kung magkaibigan lang ba talaga sila ni Madame Celestine para naman mabigyan ko ng peace of mind si Rafael, pero hindi ko na ginawa dahil mukhang masyadong personal na tanong na 'yon.Magaan siyang kasama at kausap. Mahilig din siyang magpatawa kaya naman lahat ng iniisip ko ay pansamantalang nawala. Marami rin siyang naging life advices sa akin at pakiramdam ko tuloy ay nagkaroon ako ng tatay dahil sa kaniya kahit pansamantala lang. Isa pa ay naka-gain din siya ng tiwala ko nang sabihin niyang hindi makakarating sa kahit na kanino ang mga pinag-usapan
"Wala kang mapapala sa amin kaya kung ako sa'yo, umalis kana."Napailing ako at nanatiling nakatitig sa lalaking nagsalita. Nandito na ako ngayon sa presinto kung saan nakakulong ang dalawang salarin sa pagsunog sa bahay namin. Kanina ko pa rin sila tinatanong kung sino ang nag-utos sa kanila na gawin 'yon, pero isa sa kanila ay hindi ko mapaamin at palaging gano'n ang sagot sa akin."Kung hindi kayo makikipag-cooperate ay baka matagalan pa kayo d'yan. Kaya kung ako sa inyo ay sabihin niyo na lang kung sino ang nag-utos sa inyo!" sunod-sunod kong sabi at halos magmakaawa na ako sa boses ko.Natawa naman ang isang lalaki habang nakasandal sa pader at tamad na sumulyap sa akin."Sa tingin mo miss, ipapahamak namin ang pamilya namin para lang sa'yo?" tanong niya at muling natawa ng sarkastiko.Bahagya naman nanlaki ang mga mata ko at napaayos sa pagkakatayo dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pagkalabog ng puso ko dahil possible na tinatakot sila ng taong nasa likod nitong lahat."Ib
Chapter 100:Naging maganda ang dinner namin kagabi dahil nagkasama-sama ulit si Leandro, Rafael, at ang Lolo nila. Kahit na wala si Madame Celestine ay na-enjoy pa rin nila ang hapunan na pinahanda ko. Maagang umalis si Leandro at as usual ay hindi naman na siya naga-almusal sa bahay. Ako naman ay palaging nahuhuli sa pag-alis sa bahay dahil nakikisabay ako kay Don Severino sa pagkain ng almusal. Nang makatapos akong gumayak ay bumaba na ako kaagad kaya lang ay halos mapahinto ako dahil hindi ko inaasahan na maabutan ko roon si Madame Celestine na kapapasok lang din sa mansion nila.Hindi pa man ako tuluyang nakakababa mula sa hagdan ay napaangat na agad ang tingin niya sa akin. Kahit na kita ko ang pag-angat ng isang kilay niya nang makita ako ay napalihis ang tingin ko sa lalaking kasama niya na hindi rin nalalayo sa edad nila. Napaawang ang labi ko dahil parang may kakaiba akong naramdaman.Hindi naalis ang tingin ko sa lalaki at kita ko ang pagkunot ng noo niya pero napangisi ba
Halos mabuga naman ni Rafael ang iniinom niya habang natatawa kaya naman napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kaniya, dahil bigla akong naguluhan sa kaniya. "What's with that face, Gigi?" natatawang tanong niya pagkatapos ay napaayos sa upuan niya. "Of course, I'm just kidding." Halos makahinga naman ako nang maluwag at napairap na lang sa kaniya habang umiiling dahil akala ko talaga ay seryoso siya sa sinabi niya. Napailing na lang tuloy ako at napairap na lang sa kaniya dahil wala pa rin pagbabago sa kaniya, pero natawa na lang din ako. At least ngayon ay hindi totoo ang sinabi niya dahil kung hindi ay sigurado akong magkakagulo na naman sila ni Leandro. Gusto kong magkasundo sila ulit at ayaw kong mangyari ulit sa kanila ang pag-aaway dahil lang sa isang babae. Ilang sandali pa kaming naroon ni Rafael habang pinag-uusapan ang mga nangyari. Masaya ako na tanggap niya na kami ni Leandro, at sinabi niyang masaya siya para sa aming dalawa. Iyon lang din naman ang gusto
I started to heal and live again dahil gano'n naman talaga ang buhay hindi ba? We need to move forward, so we can finally heal the wound that neither of us caused, that neither of us ever wanted to carry. Hindi naging madali sa akin ang lahat, pero kinakaya ko at lumalaban ako sa araw-araw kahit na walang oras na hindi ako nangulila sa pagkawala ni Lola. Tanggap ko na noon pa na balang araw ay iiwan niya ako sa mundong 'to dahil matanda na siya, pero hindi ko matanggap na sa gano'ng paraan siya nawala... at kahit na ilang beses na sinasabi sa akin ni Leandro na pabayaan ko na siya na magtrabaho para roon at sa kaniya na ipabuya ang pagi-imbestiga ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Ngayon pa? Ngayon pa na binigyan ako ng idea ni Luciana na siya ang may kagagawan ng sunog sa lugar namin. Hindi ako titigil na makuha ang hustisya hindi lang para kay lola kundi na rin sa ibang mga tao na nabiktima niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang buksan ko ang drawer ko sa rito s







