"HAYYSST, my goodness! Super sakit sakit na ng puwit ko. Ngawit na nga umiinit pa," reklamo ko sa isip ko sabay unat unat na rin ng mga binti ko.
Hindi naman ako nakatayo pero mga sis, 8 hours lang naman namumuti ang mga mata ko rito. Nagugutom narin ako. Kung hindi ko lang talaga kailangan itong trabaho na ito hindi ko talaga ito kukunin. Hinding-hindi ko pagta-tyagaan ang lugar na to. Nag-aaply kasi ako as secretary ng kumpanya at dahil araw araw hiring dito kaya naisipan ko na baka pwede rin ang beauty ko rito. Balita ko rin malaki silang magpasahod meron ding pabahay, libreng kain saka pakotse rin HAHAHAHA kaso hindi ko na kailangan ng kotse at bahay dahil meron na ako nun. Pera ang kailangan ko P.E.R.A. Teng teneneng neneng... Uwu nakikita nyo ba yun nga sistar yung -yung mga mata ko naghuhugis peso coin na hahahahahahahaha. Pero iyon ay mangyayari lamang kung ako ay makakapasok. And speaking of makakapasok/matatanggap. Bumukas na ulit yung glass door ng office room. Lumabas dun yung babaeng mukhang hipon kasama yung babaeng umiiyak na applicant rin tulad ko. Yung kaninang sobrang kapal na make-up nya ngayon ay humulas na sa buong mukha nya. Tss sabi ko naman kasi sa kanya kanina eh sa bar nalang sya magtrabaho. Anong problema ba nila halos lahat kasi ng lumalabas sa kwarto na iyan ay umiiyak. Naku kinabahan tuloy ako. Dumaan sa harap ko yung babaeng umiiyak kaya napatingin ako sa kanya at sinundan ang lakad nya papalayo. Muntik ng madapa sa sobrang kerengkeng kasing maglakad sinabayan pa ng mataas nyang heels. "NEXT! NO. 167...SINO BA YUNG NEXTTTTT! KANINA PA KO TUMATAWAG AYAW NYONG MAGSILAPIT!" nanggigigil na wika nung babaeng mukhang hipon. Nakatingin ito sa katabi ko na namumutla na sa sobrang kaba. "Pssst, ikaw daw" Bulong na sabi ko sa kanya. "Huh? Pero 170 yung number ko" Takang sabi nya at tumingin sa gilid ng damit nya. Sabay kaming napatingin sa harap namin, sa likod, sa kaliwa naming banda at syempre sa kanan kaso pader na. Pagbalik ko ng tingin sa kanya dahan dahan niyang ibinaba yung tingin dun sa damit ko kaya sinundan ko ito at napagtantong "167" yung nakasulat. "Ayy ako pla yun," nasabi ko sa isip ko sabay tayo kase naman eh bat kasi kay pretty girl nakatingin eh diba dapat sa beautiful girl. Napapahiya na ngumiti nalang ako sa katabi ko at sa mga babaeng nakatingin rin sa akin. "GOODLUCK" Mahinang bulong naman ng katabi ko sapat lang para marinig ko. Inayus ko muna yung suot kong skirt dahil nalukot na mula sa upuan. Abe ikaw kaya uminit ang pwet sa upuan makakatagal ka kaya. Tumingin muna ulit ako sa katabi ko kanina at tumango ng nakangiti bago tumingin sa babaeng mukhang hipon na walang ibang ginawa kundi ihead to foot ako at tarayan. Tusukin ko mata nya eh pero bad yun hindi ko yun gagawin. Itinaas ko naman ng kaunti ang ulo ko para magmukhang hindi kinakabahan at saka sumunod na dun sa babae. "Ay duling!" Naihiyaw ko sa gulat dahil bumangga ang babae sa glass door ng office. Nakapalibot kasi sa room ay mga salamin na medyo malabo tapos kusa ng nagiisslide yung door nya, oh diba sosyal.Kaso yung babaeng hipon sa halip na sa bumukas na pinto dumaan abe dun ba naman dumaan sa gilid kung saan hindi bumubukas. Kulang na lang dun na sya kasi pumakat ng sobra yung mukha nya dun sa salamin.
"Ehemm, " napapahiyang ayus nya sa sarili nya sabay tingin ulit sa akin at umirap. Sinundan ko nalang naman siya papasok ng office. Grabe mga sis sobrang gandaaaaa kyahh... Sobrang linis ng buong lugar kasi kulang nalang magsalamin ako sa sahig. Color black , white at gray yung kulay ng kwarto mahahalata mo ring lalaki yung may ari dahil sa mabangong amoy ng buong room na panlalaki naman yung scent. Pupurihin ko talaga ng sobra yung engineer nila at hahanapin ko para ipagpatayo rin ako ng bahay. Ang itsura kasi nung room ay mauuna yung set ng sofa. Sa pagitan nung sofa merong mga kabinet na humaharang bago yung pinaka office nung CEO. Makikita mo rin ang lahat ng award ng kumpanya at ibang mga picture. Pero sa gilid pa nito ay mukha may cr dahil may isang pinto pa. Black na carpet rin ang dinaanan namin papunta sa lalaking nakatalikod ang upo. Sigeh imagine nyo muna yung feeling perfect ah. "Sir, no. 167 is here now," anunsyo nung babaeng hipon. Sabay talikod paharap sa akin sabay irap. Problema nun makita niya duduruin ko talaga yung mga mata nya. Wala na kung ibang ginawa kundi tignan nalang sya paalis kasi ang lola nyo mga sis, bumangga na naman sa pintuan. Kaloka... Napangiwi nalang ako dahil sa naisip na masakit yun. "Have a seat," sabi ng isang biritong boses ng lalaki. Hindi ko sya makita ng maayus dahil nakatalikod nga yung upuan nya sa akin. Nakaharap sya sa bintanang glass at tinatanaw ang mga naglalakihang gusali at mga sasakyan sa baba. Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa harap ko. Nilibot ko ulit ang paningin sa buong paligid nung office hanggang sa matapat yung mga mata ko sa pangalang nakalagay sa kanyang mesa. XIANCE SILVER-FORD!!!...what the f!... Nanlalaki ang mata ko ng napagtanto ko yung pangalan kasabay ng unti unti nyang pagharap sa akin. Slow-motion pa mga besshh. Nagkatinginan kaming dalawa at lalong napalaki ang aking mga mata. Lumaki rin ang kanya mga mata nung nakita nya ako pero kumunot rin agad ng tingin sa akin. "XIANCE?" Gulat at pagtataka na turo ko sa kanya. Head to foot naman ako nung loko at tinignan ng walang kaemo-emosyon. Attitude ka dude. "Ehem. Call me Mr. Silver, Miss " sabi nya. "May pa Mr-mr. Silver ka pa dyan. Eh nung mga bata nga tayo uhugin lang tawag ko sayo" May pagkainis na sabi ko sa kanya. "What the? Excuse me!" pagalit na sabi naman nya. Nanlalaki pa ang mga mata. "Oh ang luwag luwag nageexcuse ka pa. Ang dami dami mong dadaanan" sabi ko naman. Namula na yung tenga nya sa sobrang pagpipigil ng galit. Kaya napa halakhak talaga ako ng bongga. "Your mouth! Hindi ka parin nagbabago Miss Skyler" sabi naman nya sabay iling. Bumalik na ulit yung mukha nya sa pagiging cold at tumikhim para iayus yung sarili nya at pakalmahin. "Hindi na ko mag-pa paligoy ligoy pa, bakit ka nag-apply dito? Bakit itong kompanya ko ang napili mo? Kaya mo bang tumagal para maging sekretarya ko dahil una palang hindi magiging madali ang trabaho mo rito?" Maraming tanong nito na dinaig pa ang miss universe sa mga question and answer portion. Tignan mo to magtanong bakit ganyan. Sa pagkakaalam ko pang-malupitan dapat diba? Hindi rin ito nakatingin sa akin, nakatingin ito sa papel kong dala-dala kanina. Sinusuri ng mabuti, eh papel rin naman yun. Natulala ako sa itsura nya, sobrang daming nagbago sa mukha niya at pangangatawan. Lumaki ito ng bongga halos kita na yung ibang bakat ng muscle nya sa braso kahit nakasuot naman sya ng pormal. Mayroon din siyang suot na eyeglass nakatam-taman lang yung laki sa kanyang mata para makita parin yung mahahabang mga pilik mata nya rito. Hanggang ngayon makapal parin yung mga kilay nya na nakakunot ng kaunti. Yung matangos niyang ilong. Bumaba naman yung mata ko sa manipis, mamula mula, at basang labi nya sanhi ng pagsasalita nya. "F*ck" pabulong na wika ng bibig nya pero sapat na para mabasa ko... Huh?.. Ha?... Nagsasalita? Nagmura? Minura nya ko?... What the...? Nabalik ng dahan dahan yung paningin ko sa mata nya at nakita ko naman yung makapal nyang kilay na lalong nag-dugtong sa sobrang galit. "What are you doing Miss Skyler?" pagalit na sabi nito sabay iwas ng tingin sa akin. "Stop staring," dagda nya. Oppss napaayus ako ng upo dahil dun, hindi ko napansin na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa mukha nya. Namula ang buong mukha ko dahil sa kahihiyang ginawa. "What are you doing self, di mo pa hinalikan?" Bulong ko sa isip ko.. Aytt bad. "Ano na babae ka, sana lamang ay hindi mo inuubos ang oras ko sa mga walang kwentang pagpapantasya mo. Sobrang halaga ng oras ko para sayangin" Walang emosyong sabi nya ulit. "Eh kasi naman Xia-" tinignan nya ako nang masama kaya naputol ko ang sasabihin ko. "Mr. Silver or Mr. Ford not Xiance or call me X nalang... Boss mo ko rito kaya dapat iyon ang tawag mo!" nakss galit na galit gustong manakit. Pinaglihi sa sama ng loob siguro to. Ang sakit ng tenga ko mga besh... Napapikit nalang ako nang mariin dahil sa sinabi nya. WHAT? O -to-the M- to - the G gggggg. "My goodness, tanggap na ko. May goshess may trabaho na ko... Thankyou thankyou... I love you so much!" nakatayong sabi ko na may papalakpak pa at flying kiss sa ere. "Anong tanggap ang pinagsasabi mo?" Tanong nito. "Duhh, epal lng ang peg Mr. Sinabi mo na boss kita rito so ibig sabihin tanggap na ako kasi nga po boss na kamo kita" sabi ko na nagniningning pa ang mga mata. "Hindi mo pa nga nasasagot ang tanong ko tas papasa ka," walang emosyong sabi nya ulit. "No way, sabi mo yun" Hindi nagpapatalong sagot ko. "Mali ang pagka intindi mo, magtutuli ka muna" sabi nya pa. Tutuli mo your face, araw araw tong malinis. "Aba aba sabi mo yun eh" Maarteng sagot ko sa kanya. Napahawak naman sya sa kilay nya para magpigil na naman ng galit. Pinakakalma nya ang kanyang sarili sa paraang ganon. "This conversations with you, nonsense" bulong nito sapat lng para marinig ko. "Okay ikaw na ang ipapasa ko at siguraduhin mong kaya mong gawin lahat ng ipapagawa ko. Lahat rin ang iuutos ko. Ang gawin mo ngayun sumama ka kay miss switch para sa training mo at layuan mo ako ngayon na at wag abalahin" may pinindot sya sa telepono nya at kinausap ito. Walang gana rin itong nakatingin sa akin. Bagsak narin ang balikat nyang sumandal sa upuan nya at inikot ito patalikod. Yung pesto nya kanina nung pumasok ako. Biglang may pumasok na babae sa kwarto ko inirapan nito ako bago inayang sumunod sa kanya. Sya na siguro ang mag tatraining sa akin. Paglabas ko ng kwarto wala na rin ang mga babaeng andon kanina kasama ko. Malinis na ang buong hallway. "Bukas natin sisimula ang training mo bilang sekretarya. Umuwi ka na muna ngayon at itetext ko na lang ang dapat mong isuot at gagawin bukas" medyo lumalayong usal nya. "Okay po masusunod," nakangiting sabi ko naman. Ohhh I love this day na. "Sigeh, kumain ka na rin sa inyo Miss" may pagkaarting sabi nito. "Huh? Ang galing naman alam mong gutom na ko," medyo natatawang sabi ko. "Ha? Anong gutom, Hindi. Mabaho na kasi yung hininga mo, ang sangsang na ng amoy" sabi nito na may pagtakip pa sa ilong nya. Oww tinamaan ako, kaya bilis bilis kong hiningahan yung kamay ko at inamoy Ayt oo nga mabaho..Isang linggo na yung nakalipas simula yung nangyari samin ni Kylie. Hanggang ngayon iwas pa din kami sa isa't isa. No, ako lang pala yung umiiwas. Nahuhuli ko yon lagi na nakatingin sa akin na parang may gustong sabihin pero maya maya din iiwas sya at aalis na. Hanggang ngayon nga hindi ko makalimutan yon eh. Yung kape ko sayang hindi ko pa naiinom. "Tulala~~~" kanta ni Grae sa tabi ko. "Shut up," mahinang sabi ko na lang. Nakatulala nga naman kasi ako dito sa blackboard dahil walang teacher. "Mahal ka nun, wag kang mag-alala~~~" kanta pa nya ulit. Hindibko alam kung san nya napupulot ang lahat ng iyon. Wala na nga sa tono mali mali pa ang lyrics. Inirapan ko nalang dahil dun. "Ikaw? Hindi ka ba minahal kaya ka nagiingay ngayon? " wika ko na nagpatigil sa kanya. "Bat hindi ka mabiro ngayon, Masama bang kumanta" sabi nito saka pumalungbaba sa harapan ko. Nakaupo sya sa desk ng teacher namin sa harapan. Eh nasa harapan din ako ngayon nakaupo. "Si Kylie ba yon saka si Leonel Luc
"I knew it! Hanggang dito ba naman Xiance! " sigaw ni Kylie nung nakita nya ako sa likod ng puno. Nalaman ko kasi kay Kyle na pupunta itong si Kylie kasama ang pinsan nitong si Krizha kila Leonel Lucas dahil may party na gaganapin dun. Nanalo kasi ang grupo nila sa basketball nung nakaraan at ngayong linggo lang icecelebrate. "What are you talking about?" maan-maangan na sabi ko. Nasa mall sila para bumili ng susuotin nila sa friday, sinabihan ko na ai Kylie na huwag ng oumunta dun pero ayaw nya. Napaka pakielamero ko daw. "Sinusundan mo kami. Ano bang problema mo! " Sigaw nito halatang halata ang pagkapikon. "Eh ano din bang problema mo! Bawal ba akong magmall? " sagot ko nalang. Nahuli nya ako na nagtatago dito. Sinusundan ko kasi sila, ewan ko kung bakit. Dapat talaga kay kila Grae ang punta ko pero paglabas ko ng bahay nakita ko na nakagayak si Kylie at paalis na kasama si Krizha. Nacurious ako kaya pumunta ako kila Kylie para magtanong. "Anong bawal! Nararamdaman ko sinusu
"You look like a money with a minion!" Malakas na sigaw ni Kylie sa mukha ko.Malakas naman na nagtawanan yung mga barkada ko dahil sa sinabi nya. Nandito kami kasi sa hallway at naabutan ko si Kylie kaya inaasar ko muna. Saka yang linya na yan kasi ang laging sinasabi nya . Minion ko raw mga barkada ko.Well ako lang naman yung taong kinaiinisan ni Kylie Skyler, and alam nyo naman na yun.At nagsimula ito mong grade 8 kami pero sa susunod na story ko na lang ito babanggitin. Bestfriend naman kami dati eh may umepal lang. Sino nga ulit yon? Leonel Lucas. The ultimate crush ng bayan at crush din ni Kylie. Tumunog na rin naman yung bell kaya nag sipasukan na rin kami sa mga klase namin. Nasa Arcanum University kami nag-aaral, school para sa mga mahihirap at mayayaman kase baata nag exam ka, tyak makakapasok ka. Natapos na rin namn ang araw na ito at ready na rin ako pauwi sa bahay. Pero noong nasa hallway na ako nung school nakita ko si Kylie at Belle hurtstone na naguusap. Si Belle
"Pre. X ,mag-christmas party na naman tayo. Sino date mo sa ball?" tanong ni Grae sa akin.Isa siya sa barkada. Joker din."I don't know, wala nga akong balak umattend eh," mahinahong sagot ko naman, saka umupo sa tabing bintana.Nandito kasi kami sa paboritong tambayan namin. Sa dulong room pero tambakan na ngayon ng mga gamit. High school life eh, alam niyo naman."Luh, pwede ba yun? Alam mo naman na taon-taon ikaw ang prince of the night," sagot namn ni Ashley. May half Korean friend."That's why I don't want to attend" hindi naman yun iyong habol ko dahil graduating na at taon taon ako nga ang nananalo ay nakasawanan ko na. "Tssk, attend na. Mangchiks na lang tayo" Natatawa tawa namang sagot ni Clark Kent. Ayun nga siya ang playboy sa barkada. Sobrang aami niya ng pinaiyak na babae."Si X pa, eh fateful yan sa one and only nya, "sabat ulit ni Grae sabay upo sa tabi ko."Oo nga, saka kawawa naman labado mo, walang date nun" natatawang sabi nya ulit sabay tapik naman sa balikan k
Kasabay ng papalubog nang araw, andito ako mula sa aking bintana. Nakatulala at hawak sa aking paboritong gitara. Kumakanta ng paboritong kanta. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni muni, ng makarinig ako ng tawanan mula sa baba ng aking bintana. Dalawang batang babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang. Naglalaro sila sa tabi ng aming bahay, sa malawak na bakuran sa kanilang tahanan. "Sila yata yung bagong lipat, " sabi ko sa isip. Binitawan ko ang gitara at lumapit sa tabi ng bintana para matanaw ng ayus yung mga batang babaeng naglalaro. Sa tingin ko baseball yung kanilang ginagawa dahil may hawak yung isang bata nang bola at ibabalibag ito sa isang batang babae. Tuwang tuwa sila sa kanilang ginagawa. Nakakapagod ang pabalik balik na pagkuha ng bola mula sa malayo dahil sa pag palo rito, pero mukhang walang problema para sa isang babae dahil tumatawa naman ito at mukhang nageenjoy naman sila. Mula dito sa bintana ng kwarto ko kahit malayo sa kanila, nakikita kong pawisa
Ilang minuto na pahinga pa ang nangyari bago ko napansin na tumayo na yung emcee sa stage. Natahimik naman ang lahat dahil dun. Hawak ko ang cell phone ko para tignan ang oras. 1:32 am ang nakalagay."Gabi na, tyak na tulog na tulog na ang anak ko" Wika sa sarili. Lahat ng tao ngayon ay nakatingin sa lalaki na nakatayo ngayon sa harap. Pati na din sila Xiance ay tahimik na nakatingin din dun. Lahat ay natataka kung bakit, dahil nagkaroon naman na ng awarding kanina para sa mga empleyado na masipag na deserve magkaaward. Kahit nga ako may meroon din. Kaya nakakataka na tatayo pa ulit sya. Marami pa ding tao pero halos mga dalaga at binata nalang ang nanduduon. Nagsasayawan yung iba sa harap. "Again, good evening everyone! Before we end this party magkakaroon tayo ng last dance para sa gabi na ito! Special dance para sa mga single na lalaki at babae. "Shemayyy!!!" ngayon ko lang naalala. Kagagawan ko ang lahat ng ito. Natahimik at lalong nagtaka ang bawat tao sa loob ng hall. Nagt