“Kapag inaway ka ni Kiel, alam mo ang uuwian mo, ha? Kapag nagloko siya, isang tawag lang ang layo ko sa ‘yo, tandaan mo. At kung may kailangan ka, anything, sanayin mo na ang sarili mong unang lumapit sa akin,” paalala ni Rolly kay Erin habang nakasakay sila sa lift, paakyat sa rooftop ng condo tower ni Kiel.Doon ginawa nina Suzanne at Chantal ang isang simpleng set-up para sa civil wedding nila ni Kiel. Si Suzanne ang nag-suggest ng venue na ‘yon para hindi raw siya masyadong mahirapan given her condition. Hindi na siya restricted sa kama. Pumayag na ang kanyang doktor na maglakad siya sa loob ng bahay. But she cannot go on long drives yet. Kaya naman imbes na sa unit lang ni Kiel sila makasal, umoo agad si Erin sa suggestion ni Suzanne na sa rooftop na lang ng building ang venue, accessible and not too simple.Nang malaman ng kanyang mga tauhan sa AdSpark na ikakasal na sila ni Kiel, nagboluntaryo ang mga ito na sila na ang bahalang kumontak sa lahat ng suppliers. Suzanne and Ch
Mula sa silid ng unit ni Kiel, sumilip si Erin sa bintana at tinanaw ang papalubog na araw sa balik-tanaw. Another day is ending but her life will never be the same after the sun sets.Niyuko ni Erin ang bungkos ng bulaklak na nasa kanyang mga kamay. It’s a mix of hydrangeas and peonies. The bouquet was so pretty she can’t keep herself from smiling.Well, kanina pa naman siya talaga masaya. Bakit hindi? She’s getting married today, she should be happy. And she is.Finally, she’s getting that fairy tale ending she had always dreamed of. Lumaki siya na laging nangangarap ng isang maayos na pamilya kung saan nagmamahalan ang lahat. At ngayon nga, ang pangarap na iyon ay matutupad na sa piling ni Kiel, ang lalaking kanyang pakamamahalin sa habambuhay.Hindi naglaon, nakarinig ng katok sa pinto ng silid si Erin. Umingit pabukas ang pinto at inuluwa ang bulto ng kanyang kapatid na si Rolly. Ito at ang pamilya lang nito ang dumating kaninang umaga para sa kanyang kasal, wala ang kanyang ama.
“Love, hindi naman sa pag-aano, pero hindi ka ba nagsasawa dyan? ‘Yan na lang ang kinain mo buong araw. ‘Yan at ‘yong manggang hilaw na benta ng suki mo sa palengke malapit sa dati mong apartment,” tanong ni Kiel sa dalaga habang pinagmamasdan itong kumain ng tapsilog na binili pa nito sa canteen ng BGC kanina. She had specifically instructed him na ‘yon ang gusto nitong agahan.Hindi kinain ni Erin ang almusal na hinanda ni Kiel. Bagkus ay pinabili siya nito ng tapsilog doon sa BGC. Gusto sanang tumanggi ni Kiel noong una pero mapilit si Erin. Sa huli ay napilitan siyang pagbigyan ito. He reminded himself that that day was for Erin anyway. Kaya naman gagawin niya ang anumang naisin nito.He ordered three servings of tapsilog from BGC. Nang pauwi na siya, tumawag si Erin na gusto din daw nito ng manggang hilaw doon sa palengke malapit sa dati nitong apartment. She gave him directions on the phone para marating ang palangke kahit na halos magkandaligaw-ligaw siya. In the end, nagpatulo
“We will reopen the case for you if that’s what you want, Mr. Benavidez. Tutulungan din namin kayong magsampa ng additional na kaso kay Mr. Dela Fuente. Sabihin niyo lang kung ano ang desisyon ninyo. You can call me anytime,” anang pulis na in-charge sa kaso ni Ernesto.Naroon sila sa opisina ng pulis sa presinto at katatapos lang nitong ipaliwanag sa mag-anak na Benavidez ang totoong nangyari sa sinapit ni Cara, ang yumaong asawa ni Lucas.Natahamik ang mag-anak, tanging ang mahihinang paghikbi lamang ni Lucas ang maririnig sa loob ng ilang minuto. Hindi pa rin matanggap ng lalaki na sa dahil lang sa kasakiman sa salapi kaya nawalan siya ng minamahal at naulila sa ina ang kanyang anak.Maging si Kiel ay hindi rin makaimik. The news came to him as a shock when he first heard it. At ngayong nalaman niya ang buong detalye tungkol sa ginawa ni Ernesto, parang gusto niyang hugutin sa piitan ang matandang lalaki at bugbugin ito. But even that isn't enough. It will never be enough repaymen
“Nagkaayos na kaya sila?” tanong ni Lara kay Jace habang naghihintay ang mag-asawa sa pagbaba ni Kiel sa sala ng kanilang bahay. It has been almost an hour now mula nang umakyat si Kiel sa silid ng kaibigan. And she is starting to get anxious even though the doctor said Erin is fine.“Let’s just wait here. I’m sure pagbaba ni Kiel, maayos na sila ni Erin,” ani Jace, masuyong hinagod ang likod ng asawa sa pagtatangkang aluin ito. “While waiting, how about some drink? Liam?” anang lalaki, bumaling sa binata na noon ay nakaupo rin sa sala at naghihintay ng balita kay Erin.Nag-angat ng tingin si Liam kay Jace bago marahang tumango. “Sure,” anang binata, alanganing ngumiti. Mabilis namang kumilos si Lara, kumuha ng tig-isang crystal glass mula sa bar, nilagyan iyon ng ice bago nagsalin doon ng alak. Hindi naglipat sandali, inabot iyon ng babae sa asawa at sa bisita.“Thank you for catching Erin kanina, Liam. I can never thank you enough for what you did. Mas malaking disgrasya sana ang
“P-pero, Erin, at least listen to me bago ka magalit at—““Listen to you? Bakit ako makikinig sa ‘yo e sinungaling ka!” muling singhal ni Erin, humawak nang mahigpit sa unan, pinigil ang pangingilid ng luha.Ilang araw niyang hindi nakausap si Kiel. Ang akala niya kung ano nang nangyari dito. ‘Yon pala… ‘yon pala…“Okay just calm down first. I don’t want to upset you more. Ayokong may mangayari sa ‘yo at sa baby natin,” ani Kiel sa malumanay na tinig, bago maingat na umalis sa kama at tumayo sa gilid niyon, umaasang makikinig si Erin sa pakiusap niya.“Upset? I am not upset, Kiel! I am angry at you!” ani Erin, nagsimula nang manginig ang tinig, nangilid na rin ang mga luha. “Iniwan mo ‘ko dito sa mga kaibigan ko dahil ang alam ko may importante kang gagawin sa inyo. Pero hindi pala, magpapakasal ka lang pala sa iba. And the worst part is, alam ng lahat, ako lang hindi! Sinong hindi sasama ang loob? Sinong hindi magagalit, Kiel? You left me out in the dark! Kaya ano pang ipapaliwanag