Panay ang lihim na mura ni Liam habang pilit na kumakawala sa pang-iipit ng mga fans na nakakita sa pagdating niya sa sports fest.He went there to see Lily personally for his own peace of mind. Alam niya, nagkausap na sila, na uuwi ito nang araw na 'yon sa unit niya upang makapag-usap sila.But last night, he barely slept. Not even a wink. Laman ng isip niya si Lily buong magdamag. Hindi siya mapakali na sa bahay ito ni Paul natulog. Kilala niya si Paul, kaibigan ito ni Erin at bakla ito mula ulo hanggang talampakan. But… Liam still felt uneasy. He had heard of gay men who took advantage of their female friends. He knew it was baseless and unhinged for him to think that way last night but… he cannot help it.He suddenly felt protective of her eversince he realized that his feelings for her grew into something he cannot control anymore. Isa pa, iniisip din niya ang sports fest. Malayo sa kanya si Lily. Maaring gawin ni Charles ang anumang gusto nitong gawin na pagpapabida. He just kn
Malalim na ang gabi subalit mulat na mulat pa rin si Lily. Hindi makatulog ang dalaga dahil sa paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isip ang mga nangyari kanina sa harap ng gymnasium ng SGU.Hindi alam ng dalaga kung paano nakasunod si Liam sa kanya roon. Subalit hindi na rin naman na siya nagtataka. Liam has connections and money. Kayang-kaya nitong malaman ang mga bagay na gusto nitong malaman sa isang iglap. Ang tanong, bakit siya nito pinuntahan doon? Para ano, magbigay lang ng sapatos sa buong team nila sa sporst fest?Tumagilid ng higa si Lily sa kama. Mabuti na lang at mag-isa lang siya sa silid na pinatuluyan ni Paul sa kanya. Kung hindi, bakakasama na rin niyang nagpupuyat ngayon ang katabi niya sa kama. Dumako ang tingin ni Lily sa dingding, pasado alas dose na ng gabi subalit ayaw pa rin talaga siyang dalawin ng antok. Laging bumabalik ang isip niya kay Liam at sa mga nangyari ng nakaraang mga araw na wala ito.Marami silang dapat pag-usapan talaga. Kaya lang, bakit gano
Nang makasampa sa mobile truck, agad na nagsimulang mamili si Lily. Nagkukumahog na sa pagpili ang mga kasamaha niya sa trabaho. Premium designs ang lahat ng dala ng mobile shoe truck kaya naman hindi iyon pinalampas ng mga kasama ng dalaga. Lumipas ang ilang minuto, nagsibabaan na rin ang mga kasamahan ng dalaga nang makakuha ng kanilang mga gustong sapatos. Matapos magpasalamat kay Tyrone, bumalik na rin ang mga ito sa loob ng gym. Hanggang sa si Lily na lang ang natira sa mobile truck.“Lily, why don’t you get this? Bagong labas ito,” ani Calix na biglang sumulpot mula sa kung saan, kinuha nito ang isang pares ng sapatos mula sa display rack.“C-Calix, nandito ka rin?” gulat na tanong ng dalaga.“Well, I was forced to—““Calix!” saway ni Tyrone sa kapatid na noon ay nakabantay sa may hagdan ng truck.“I’m just lending my hand to a friend. Ito, ayaw mo nito?” sabi pa nito, inilahad sa kanya ang pili nitong sapatos. Noon napansin ng dalaga na may kipkip itong paper bag na tila pamil
“Salamat, Charles! Sakto sa akin,” ani Lily, matapos isuot ang sapatos na hiniram ng dalaga. Malapit lang ang condo unit ng kapatid ng binata sa SGU kaya sinamantala na ni Lily ang manghiram ng sapatos.Hassle na kasi masyado para sa kanya kung bibili siya ng bago gayong isang araw lang naman niya iyong gagamitin. At lalong hindi rin mas maganda kung babalikan niya sa bahay nila ang rubber shoes niya gayong ang alam ng lola at kapatid niya, nasa Cebu siya.Mabuti na lang at mabilis na umaksyon ni Charles at inayos ang problema niya. They may have started on the wrong foot per sobrang naa-appreciate ni Lily si Charles sa nakalipas na mga araw.“That’s good to hear. Runner si Carrie. Kaya for sure kompotable mong maitatakbo ‘yang sapatos niya,” sagot naman ni Charles, tumuwid na ng tayo, nag-stretching na rin.Ngumiti naman si Lily, itinuloy din ang pagwa-warm up.“O Lily, five laps muna tayo dito sa loob ng gym bago tayo dumiretso sa practice game,” sabi ni Paul na noon ay nagi-strecth
“Why are we here again?” tanong ni Calix kay Liam na noon ay tutok na tutok ang tingin sa gymnasium ng St. Gabriel University. Doon idinirekta ng security guard ng AdSpark si Liam nang hindi maabutan ng binata si Lily sa opisina.He tried calling her subalit gaya kanina nang magising siya, hindi sinasagot ni Lily ag cellphone nito. He had no choice but to see her personally.“Because this is all your fault,” sagot ni Liam, pabulong, ang mga mata nasa direksyon pa rin ng gym, pilit na inaaninag sa loob niyon si Lily.Pumalatak si Calix. “Why is it my fault? I asked my driver to deliver the goods into your house. Hindi naman ako ang bumitbit no’n. Isa pa, pinagmadali ninyo ako ni Aries na sumunod sa inyo. I had no time to double check the grocery bags. You see, this is party your fault,” anang binata, sumandal na sa upuan ng passenger’s seat, lukot ang mukha. Liam forced Calix to go with him, ending his ‘sweet’ time with his current girlfriend Janine, who just came back from the US.“S
“Lily, ito na ‘yong schedule natin mamaya,” ani Paul, habang inaabot kay Lily ang isang papel na naglalaman ng mga gagawin nila mamaya sa practice game para sa gaganaping sports fest kinabukasan.Agad na nangunot-noo ang dalaga nang makitang alas kwartro ng hapon ang umpisa ng kanilang practice game. “Alas kwatro ang out natin?” takang-tanong ng dalaga sa kasamahan.Excited na tumango si Paul, bumungisngis. “Girl, pumayag si Ma’am Suzanne na maaga tayong mag-out lahat today! Napaka-supportive niya ngayon. Feeling ko talaga nakakagaling ng kasupladahan ang opisina ni Ma’am Erin.”Sabay na napabungisngis ang dalawa sa sinabi ng bakla. Totoo kasi na naging mas approachable si Suzanne ngayong ito ang interim CEO ng AdSpark.“Dati namang mabait si Ma’am Suzanne,” sabi Lily maya-maya.“Exactly! Hindi nga lang halata di ba?” sagot naman ni Paul.Lalong naghagikgikan ang dalawa.“O basta, mamaya ha? Pagpatak ng alas kwatro, out na tayo tapos diretso na tayo sa gym ng SGU, okay?” paala ni Paul