“Uy, Lara, tawag ka ni boss,” bulong ni Erin kay Lara na mula pa nang dumating sa opisina ay tila hulog sa malalim na pag-iisip.
Agad namang napakurap si Lara, mabilis na hinamig ang sarili. “H-ha? Ano ‘yon?”
“Ms. Martinez, tinatanong kita kung ano nang progress sa pinagawa ko sa ‘yo noong isang araw?” mataas ang boses na sabi ni Amanda, ang marketing manager nila sa LDC at immediate boss ni Lara. “May progress na ba o tinambak mo na naman sa desk mo?”
Sandaling napangiwi si Lara, hindi pa niya tapos ang pinapagawa nitong marketing plan dahil sa marami siyang iniisip. But that doesn’t mean she’s not efficient. Isang linggo ang ibinigay ni Amanda na palugit sa kanya She still has four days to finish it. “I’m half way through it, Ma’am. Pwede po akong mag-overtime mamaya para matapos ko,” pormal na sagot ng dalaga.
Umirap si Amanda, noon pa ma’y mainit na ang dugo nito kay Lara dahil mabilis talaga magtrabaho ang dalaga kumpara sa ibang empleyado. Subalit, nangangahulugan din ‘yon na isang malaking threat sa kanyang posisyon ang dalaga. Kaya naman hinihintay niyang itong magkamali upang mabigyan niya ito ng demerits at iba pang grounds para mapaalis sa kumpanya. Only then will she be at peace that she will keep her position for a long time.
“Hindi na kailangan. Just stay on schedule, baka maging rush lang ang kalabasan ng pinapagawa ko sa ‘yo. Ayoko ng mabilisang trabaho, alam mo ‘yan,” umpisa ni Amanda, tumayo na. “Very well, kung wala nang iba pang concern, meeting adjourned, Pwera sa ‘yo, Lara. Maiwan ka muna sandali.”
Makahulugang nagtinginan sina Lara at Erin. Gayunpaman ay tumalima pa rin si Lara at lumapit sa boss nang makalabas na ang ibang kasamahan sa meeting room.
“Ma’am, may ipapagawa ka po?” tanong agad ni Lara kay Amanda.
Kinuha ni Amanda ang isang stack ng folders sa mesa at ibinigay kay Lara. “Ikaw ang magpapirma sa executive floor. H’wag kang bababa dito hanggang hindi napipirmahan lahat.”
“P-Pero, Ma’am, ‘di ba si Mindy ang usaually gumagawa nito?”
“Oo, pero nasaan si Mindy? ‘Di ba wala. Kaya wala nang pero-pero. Alam mong importante ‘yan para umusad ang budget natin. Sige na, pumunta ka na,” ani Amanda bago nagpatiunang lumabas ng meeting room.
Lukot naman ang mukha ni Lara na sumunod palabas. Agad na sumalubong dalaga si Erin.
“Anong sabi? Anong utos?” usisa agad ni Erin.
“Papapirmahan ko raw ito lahat sa excutive floor kasi wala saw si Mindy kaya ako ang gagawa.”
Agad na tumikwas ang nguso ni Erin. “Nananadya na naman ang bruha. Ang sabihin mo, mainit talaga ang dugo niya sa ‘yo kasi mas magaling ka kaysa sa kanya,” anito, iniikot ang mga mata.
“Uy, marinig ka. Lalo lang akong pahirapan,” saway ni Lara sa kaibigan. “Sige na, aakyat na ‘ko baka sakaling mapirmahan agad ang mga ‘to bago magbuga ng apoy ang dragon.”
Sabay na napabungisngis ang magkaibigan sa tinuran ni Lara. Dragon talaga ang secret code nila kay Amanda dahil mabilis itong magalit sa kanya nang walang dahilan.
Ilang sandali pa, naghiwalay ang magkaibigan. Si Erin, hinarap ang trabaho nito habang si Lara naman ay tinumbok ang lift.
“Alam mo ba, balibalita na malapit nang ikasal si Sir Jace?” narinig ni Lara sa mga empleyado na kasama niya sa lift.
“Talaga? Pa’no mo nasabi?” ani naman ng isa.
“Nakita ko sa social media, pauwi na raw si Via, ‘yong ex ni Sir na greatest love niya,” sabat ng isa pa.
Tumuwid ng tayo si Lara. Hindi siya mahilig makinig sa mga pinag-uusapan ng iba. Pero dahil si Jace ang topic, bigla siyang naging interesadong makinig sa usapan ng mga kasabayan niya sa lift.
“Alam mo bang minsan nang inaya ni Sir Jace si Via na magpakasal? Kaya lang ayaw talaga ni Via. Mas gusto niyang i-pursue ang dancing career niya e. Gusto niyang maging primabellerina. Siyempre kung ako rin, career muna bago dyowa.”
“Ay oo ako rin. Basta secured ka sa dyowa mo, wala kang dapat ipag-alala talaga. Kaya ba kumakalat ngayon ‘yong nag-viral na note ni Sir Jace sa socmed dati about do’n sa waiting for true love to come back?”
“Ay nabasa mo? Oo ‘yon nga! Ang ganda ‘di ba? Kaya abang na abang talaga ang mga tao kung ano nang mangyayari ngayon kasi tapos na ang dance tour ng ballet company niya kaya pauwi na si Via.”
“Naku, excited na ‘ko sa mangyayari! Kapag kaya natuloy ang kasalan, invited tayong lahat dito sa LDC?”
Tumunog ang lift at bumukas ang pinto. Hind na narinig pa ni Lara ang ibang usapanng mga kapwa niya empleyado dahil lumabas na ang mga ito. Habang siya, itinuloy ang paglalakabay patungo sa executive floor kung saan naroon ang opisna ni Jace.
Jace.
Muling naalala ng dalaga ang narinig niyang usapan kanina. Hindi tuloy maiwasan ng dalaga ang mag-isip. Kung pauwi na si Via, bakit pa kailangan ni Jace ng contract bride? Bakit hindi na lang si Via ang inalok ni Jace gayong sabi nga sa chismis, he’s waiting for his true love to come back? Kapag bumalik na si Via, pa’no siya?
Kumurap ang dalaga, mabilis na sinaway ang sarili. Malinaw ang kontrata, asawa lang siya sa papel at sa harap ni Doña Cristina. She’s insignificant in the life of Jace Lagdameo. Labas siya sa anumang usaping personal na buhay nito kaya dapat wala siyang pakialam sa mga ‘yon.
Tama. Wala siyang pakialam dapat kay Jace. Isa pa, sobra siyang suplado at magaling mang-insulto. Why would she care with such kind of person?
Nandoon siya para magtrabaho at tuparin ang kanilang kasunduan. Wala nang iba.
Nang muling bumukas ang lift, agad na humakbang si Lara palabas at tinumbok ang opisina ni Jace.
“Ms. Lara? Anong ginagawa mo rito?” salubong sa kanya ni Eli.
“M-May, papaprimahan lang po akong documents. Napag-utusan lang ako.”
“Wala si Sir Jace e, may meeting kasama ang board. Iwanan mo na lang ang mga ‘yan at balikan mo mamaya.”
Bahagyang napangiwi si Lara. “Hindi po pwede e. Hintayin ko raw pong mapiramahan sabi ng boss ko.”
“O sige, maghintay ka na lang. Pwede doon sa loob ng opisina ni Sir para kumportable ka,” ani Eli, pinagbuksan ng pinto ang asawa ng amo. Iginiya ng lalaki si Lara patungo sa settee na nasa opisina ni Jace. “Kapag nainip ka, naroon lang ang pantry. Puwede kang magtimpla ng kape kung gusto mo.”
“Sige po, salamat,” sabi ni Lara bago tuluyang umupo sa ssette.
The office was spacious and elegant. Bagay na bagay sa personality ni Jace.
Maya-maya pa, nakarinig siya ng pagtatalo sa labas ng opisina ng asawa.
“Ms. Via, wala po si Sir Jace,” ani Eli, malakas ang boses.
“It’s okay, hihintayin ko siya sa loob,” anang boses ng babae.
Napatayo naman si Lara sa kanyang upuan, biglang nataranta. Bago pa man makagalaw si Lara, bumukas na ang pinto at pumasok sa silid ang isang magandang babae. Para itong aparisyon ng isang diyosa, elegante at maganda.
Agad itong umirap nang makita si Lara. “You must be the girl-friday, ipagtimpla mo ‘ko ng kape,” utos agad nito.
Parang napaso sa nag-aapoy na kalan na mabilis na inalis ni Lily ang kamay sa bibig ni Liam, lumayo rin ng bahagya sa binata. Umabot na hanggang langit ang lakas ng pagkabog ng dibdib ng dalaga. Natataranta siya at hindi siya makapag-isip ng maayos.Paanong nasa opisina na agad si Suzanne, ang interim CEO? Hindi naman ganoon ang usual na pasok nito. Paanong…Kumurap si Lily, lalong kinabahan nang maisip kung ano-ano sa mga pinag-usapan nila ni Liam ang narinig nito? He called her Mrs. Montano!‘Oh my god!’ sigaw ng dalaga sa isip, lalong bumilis ang pagtahip ng dibdib.‘Yon na ba ‘yon? Buking na ba sila agad ni Liam?Lumabas na ng opisina si Suzanne, lumapit sa dalawa. Salitan ulit nitong pinagmasdan ang dalawa. “Well?” anito, tila naiinip na sa sagot nila.Si Liam ang unang nakabawi. “Hello, Suzanne! It’s been a while. Nagkasabay kami sa lift ni Lily. I came here to surprise Erin sana. But Lily here told me that… that Erin is still on her maternity leave. I cussed outloud. Lily cover
Napakurap si Lily sa sinabi ni Liam, lalong nalaglag ang panga. "L-Liam... Hindi na kailangan Maayos na—“" "Gusto ko, Lily. Like I said, I want to make sure you're really okay. Kagagaling mo lang sa sakit. Baka kung mapaano ka. Mabuti nang ganito. Sigurado ako na ligtas ka. Kaya hayaan mo akong ihatid ka hanggang sa office ninyo.""P-pero...baka may makakita sa atin na magkasama tayo, Liam--""Then let me do the talking. I can explain everything. Now hit the floor buttons, wife or else you're gonna be late for work" anito nakangiti. Subalit bago pa man iyon magawa ni Lily, sunod-sunod na sumakay sa lift ang iba pang empleyado sa building. The lift was full in no time and Liam and Lily were both pushed to the back of the elevator. Muntik nang maipit si Lily sa pagdumog ng mga tao. Mabuti na lang at mabilis na iniharang ni Liam ang kanyang braso sa harapan ng dalaga upang proteksiyonan ito.Hindi naglaon, sumara ang pinto ng lift at umandar pataas ng building. Tahimik ang lahat na lu
Tanghali na nang umalis ang mga kaibigan ni Liam sa hospital suite ni Lily. They acquainted themselves with her. At sa totoo lang, na-enjoy ng dalaga ang oras ng pagbisita ng mga ito sa kanya.Nang dumating ang pananghalian, muling tinulungan ni Liam si Lily na kumain. Hind na nagreklamo pa ang dalaga. Alam niya kasi na hindi rin naman siya mananalo sa binata kahit na anong sabihin niya kaya hinayaan na lang niya ang gusto nitong mangyari.After lunch, nakatulog si Lily. Noon naman inasikaso ni Liam ang mga dapat nitong asikasuhin. Umuwi rin saglit ang binata upang kumuha ng pamalit ni Lily.Dala na rin ng pagod, halos gabi na nang magising si Lily. She almost missed dinner. Buti na lang ginising siiya ni Liam.When dinner came, hinayaan na ni Liam na kumain ng sarili nito si Lily. He joined her for dinner though and they talked a little.“Masaya ka siguro kapag kasama ang mga kaibigan mo,” ani Lily habang sumusubo ng pagkain. Chicken tinola ang binili ni Liam na ulam.“Well, yes. Yo
“Lily, how are you? Ayos ka lang ba?” tanong ni Suzanne kay Lily habang magkausap ang dalawa sa cellphone.“M-maayos naman po ako, M-Ma’am. Masama lang po talaga ang pakiramdam,” anang dalaga, inayos ang upo sa kama. Napabuntong-hininga si Suzanne. “Gano’n ba? Dahil ba naulanan ka noong Biyernes? Sinabi sa akin ni Paul na ikaw ang huling umuwi last week.”“P-parang gano’n na nga po siguro, M-Ma’am,” sagot ng dalaga, alanganin. Muling bumigat ang kanyang dibdib dahil sa pagsisinungaling sa boss.“Well, in as much as I need you here, hindi rin naman kita pwedeng pilitin na magtrabaho. Mabuti pa siguro magpahinga ka na nga muna. You’ve been overworked since Erin got pregnant. Maybe you can take the rest of the week off for you to recover—““Ay hindi, M-Ma’am!” bulalas ng dalaga, taranta “A-ang ibig ko pong sabihin, mga dalawa o tatlong araw lang po siguro na pahinga, ayos na ‘ko. H’wag na po na buong linggo, Ma’am. May importante tayong schedule this week di ba?”’ pagpapaalala ng dalaga
Ang malakas na buhos ng liwanag mula sa bintana ang nagpagising kay Lily kinabukasan. Sandali pang nagtaka ang dalaga nang mabungaran ang hindi pamilyar na kisame at paligid na kanyang kinaroronan. Nang tangkain niyang bumangon, agad siyang napangiwi nang makaramdam ng pananakit ng katawan at kamay. Noon niya napagtanto na mayroon palang nakakabit na swero sa kanyang kamay.Ospital. Nasa ospital siya. Subalit, paanong—Sandaling napakurap ang dalaga, nag-isip. Hanggang sa maalala niya na nilagnat siya nang nagdaang araw at itinakbo siya ni Liam sa ospital. She remembered his panicked voice as he drove her to the hospital. She was in and out of consciousness at that time, subalit sigurado siyang si Liam ang nagdala sa kanya roon. Makikilala niya ang boses nito kahit saan. Kaya lang… kung ito ang nagdala sa kanya roon, nasaan ito?Wala ni anino nito sa hospital suite. O baka naman, ito lang ang nagdala sa kanya roon tapos iniwan din siya?Napalunok ang dalaga sa huling naisip. Baka nga
“Will you stop walking, Liam. Nahihilo na ‘ko sa ‘yo!” saway ni Dustin kay Liam na kanina pa nagpaparoo’t parito sa labas ng ER ng ospital na pinagdalhan ng binata kay Lily.Si Dustin ang unang tinawagan ni Liam nang mawalan ng malay si Lily. Dustin’s sister, Gwyneth, is a doctor. At wala nang iba pang mapagkakatiwalaan pa si Liam sa kalagayan ni Lily kundi ang mag kakilala niya.Nang utusan ni Gwyneth si Liam na agad dalhin si Lily sa St. Agatha Hospital, agad iyong ginawa ng binata. He drove like a madman and reached the hospital in no time. Doon na rin sila nagkita ni Dustin.That was half an hour ago. At hanggang ngayon, wala pa ring balita si Liam tungkol sa kalagayan ng asawa.“Well deal with it. I’m nervous as fck!” gigil na sagot ni Liam, marahas na ipinasada ang kamay sa buhok. Habang tumatagal ang kanyag paghihintay, mas lalong nagbubuhol-buhol ang kanyang mga emosyon!“Relax, will you?” ani Dustin, prenteng sumandal sa dingding. “Gwyneth will take care of your wife."Hindi