“Siya nga? Halik hija, umupo ka rito sa tabi ko,” ani Doña Cristina ang abuela ni Jace. Agad namang tumalima si Lara, umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Nang sabihi ni Jace sa akin na nag-asawa na siya’y hindi ako agad naniwala. Subalit ngayong nandito ka na, sobra talaga akong natutuwa. You are beautiful, hija. Magaling pumili ang aking apo. Inaasahan kong mula sa ‘yo ay magpapatuloy ang lahi ng pamilya Lagdameo.”
Alanganing ngumiti si Lara. “Makakaasa po kayo, L-lola,” anang dalaga mabilis na sumulyap kay Jace na nasa kabilang gilid lang ng kama ng matanda.
“Mabuti kung gano’n. Si Jace ay nag-iisang apo ko. We have a curse in this family, Lara. Isang anak na lalaki lang sa bawat henerasyon ng Lagdameo ang ipinapanganak. At umaasa akong ikaw ang puputol sa sumpang ‘yon—“
“Alright, that’s too much information, Lola. Please, h’wag po ninyong takutin si Lara,” masuyong saway ni Jace sa abuela, mabilis na iniba ang usapan. “Nakainom ka na ng gamot mo? Nasaan nga pala si Nurse Mandy? Bakit mag-isa ka rito?”
“Inutusan ko lang sa kusina, hijo. May pinakuha lang ako,” ani Cristina, muling ibinalik ang tingin kay Lara. “Sana ay lagi ninyo akong dalawin nang ganito ni Jace, Lara. I’m getting weaker by the day. I’m afraid I won’t last for the next six months just like what the doctor said.”
“M-may sakit po kayo?” hindi na napigilang tanong ni Lara.
“Oo, hija. I only have six months to live,” anang matanda. “Hindi ba naikwento ni Jace sa ‘yo?”
Napangiwi si Lara, natatarantang tumingin kay Jace.
“Mababaw ang luha ni Lara, Lola. Kaya hindi ko masabi-sabi sa kanya,” maagap na sagot ni Jace, makahulugang tumingin kay Lara.
Sa taranta ng dalaga’y bigla niyang niyakap ang matanda. “Ipagdarasal ko po kayo araw-araw sa simbahan, Lola. Naniniwala ako na gagaling kayo,” anang dalaga.
Ngumiti naman si Cristina. “Maraming salamat, hija. Hindi ka lang maganda, may mabuti kang puso. Sana’y maging maligaya kayo ng apo ko.”
Narakaramdam ng pagbigat sa kanyang dibdib si Lara, unti-unti nang naging malinaw sa isip ng dalaga kung bakit nangailangan bigla si Jace ng asawa. Agad din siyang nakunsensiya sa sinabi ng matanda. Bilang na ang mga araw nito sa mundo subalit, naroon silang dalawa ni Jace, pinapaniwala pa nila ang matanda sa isang kasinungalingan.
Nang umingit pabukas ang pinto ng silid, bumitiw na si Cristina kay Lara.
“Sir Jace, nandito ka pala,” ani Mandy, ang private nurse ni Cristina.
“Dinalaw lang namin ng misis ko si Lola,” ani Jace.
Agad na lumipad ang tingin ni Mandy kay Lara. “M-misis, Sir? Nag-asawa ka na? Kailan pa?”
“You’re asking too much again, Mandy. Alam mo namang malihim si Jace,” saway ni Cristina sa nurse.
Bahagyang nataranta si Mandy. “S-sorry po, nagulat lang po ako kasi ang akala ko’y hinihintay pa rin ni Sir Jace ang pagbabalik ni Ma’am Via at sila ang magpapakasal—“
“Mandy! That’s enough!” mataas ang boses na saway ni Cristina sa kanyang private nurse.
“S-sorry po ulit,” hinging paumanhin ng nurse. Yumuko na.
“Mabuti pa siguro’y bumalik na kayo sa siyudad, Jace. Gabi na rin. Gusto ko nang magpahinga,” ani Cristina, umayos na ng higa sa kama. Si Lara na ang tumulong sa pag-aayos ng unan ng matanda dahil siya ang nasa malapit.
Ilang sandali pa, nagpaalam na rin si Jace sa abuela. Sunod na nagpaalam si Lara.
“Magpagaling po kayo, Lola. Dadalaw po kami ulit ni Jace,” anang dalaga.
Ngumiti ang matanda, “Aasahan ko ‘yan, hija.”
Hindi nagtagal, lumabas na ng silid sina Jace at Lara.
Nasa daan na sila pabalik sa siyudad nang may ibigay na folder si Eli kay Jace. Tahimik na pinanood ni Lara ang pagbuklat ng binata sa folder.
“Lara Veronica Martinez. Twenty five years old, no parents, no siblings. Closest kin: an uncle, a sick aunt and a cousin who’s barely out of high school” ani Jace, bago nag-angat ng tingin sa dalaga. “Your file is boring, Ms. Martinez,” dugtong ng binata, tiniklop na ang folder bago kinuha ang isa pa at ibinigay sa dalaga.
Tinanggap ni Lara ang folder at maingat na binuksan. Isa ‘yong kontrata, a business contract regarding their marriage.
“That is our contract for the next six months. I want you to read it carefully and then sign it. Nariyan na rin ang ating annulment papers na ipapasa agad sa korte sa sandaling matapos ang anim na buwan. We don’t need to live under one roof unless necessary. Everything is already arranged, Ms. Martinez, wala kang dapat ibang alalahanin pa kundi ang umakto bilang asawa ko sa harapan ni Lola. Do that and I will give ten million pesos for your service after. Enough para makapagbagong buhay ka.”
Sampung milyon. Sampung milyon lamang pala ang halaga ng kanyang pagkatao. Nais mainsulto ni Lara subalit… ganoon naman talaga ang mayayaman, maliit ang tingin sa mga ordinaryong tao gaya niya.
“What? Is ten million not enough? Magsabi ka lang, kaya kong magdagdag,” ani Jace, sa malamig na tinig nang makitang nakatulala si Lara sa dokumento sa kanyang harapan.
Lalong bumigat ang dibdib ni Lara sa sinabi ng lalaki. Anong akala nito sa kanya mukhang pera? Kaya niyang magtrabaho at kumita ng malinis.
“Sir, pasensiya na po pero hindi ko po tatanggapin ang anumang sobrang ibibigay ninyo na wala dito sa kontrata. Kung iniisip po ninyo na sasamantalahin ko ang pagkakataon na ito upang hingan kayo ng kung ano-ano, hindi ko po gagawin ‘yon. Malaking bagay na po sa akin na iniligtas ninyo ako sa pagpapakasal sa taong hindi ko gusto,” dire-diretsong pahayag ng dalaga bago naglabas ng ballpen at pinirmahan ang mga dokumentong nasa kanyang harapan.
Matapos ibalik ang folder kay Jace, hindi na nag-imikan pa ang dalawa. Masama ang loob ni Lara sa mga pasimpleng insulto ni Jace sa kanya. Subalit pilit na inalo ng dalaga ang sarili dahil, alam naman niyang wala siy ang magagawa. Malayo ang agwat ng buhay ni Jace sa kanya. Hindi nito maiintindihan ang kanyang damdamamin bilang isang taong namuhay sa kahirapan.
Pagdating sa siyudad, si Eli na nag nagtanong kay Lara kung saan ang kanyang kasera. Agad naman iyong sinabi ng dalaga.
Hindi naglaon, huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng boarding house kung saan nakatira si Lara.
“Mauna na po ako, S-Sir Jace. Salamat po sa paghatid,” ani Lara, bago tinulak pabukas ang pinto ng kotse.
Subalit bago pa man makalabas ang dalaga’y mabilis na hinagip ni Jace ang isang kamay nito at pinigilan. “I have two rules for you that you must uphold at all times. Don’t tell anyone about this. You must keep this as a secret. I’m warning you, Ms. Martinez. You don’t want me angry. Also, I forbid you to fall in love with me. Understood?” ani Jace, seryoso.
“Makakaasa po kayo, Sir. Hindi ko gagawin ang mga 'yan,” ani Lara bago binawi ang kamay sa lalaki at tuluyang lumabas ng sasakyan.
Pagdating sa sariling kwarto, agad na tumunog ang cellphone ng dalaga. Rumehistro sa screen ang pangalan ng kanyang Tiyo Berto. Subalit imbes na sagutin ang tawag, in-off niya ang kayang cellphone, dumiretso sa banyo at naligo.
“Tulog ka na ba? O nag-iisip pa?” tanong ni Lily kay Liam na noon ay katabi na ng dalaga sa kanyang kama.Malalim na ang gabi subalit hindi pa rin dinadalaw ng antok ang dalaga. Her emotions are still all over the place dahil sa nangyari kanina. She was still shocked and overwhelmed.Umuwi siya na ang tanging nasa isip ay ang ipagtapat ang tungkol sa relasyon niya kay Liam. Hindi inaasahan ng dalaga na muli niyang makakaharap ang sakim na tiyuhin at pinsan na minsan nang naging tinik sa buhay niya.“I am awake, babe. Ikaw bakit hindi ka natutulog. Hindi ka rin makatulog?’ ani Liam, bumaling na sa asawa.“May mga iniisip lang,” pag-amin ni Lily, pinananatili ang tingin sa kisame ng kanyang silid.“Then tell me about it, maybe I can help you unthink,” sabi ni Liam, tumagilid ng higa at ipinulupot na ang braso sa baywang ng asawa.“Totoo bang makukulong na sina Tiyo Boying at RJ, Liam? Hindi ko na ba talaga sila poproblemahin pa?” tanong ng dalaga.“Yes. I will make sure of it,” panini
Nasa ganoong pag-iisip si Lily nang biglang nabasag ang hawak na bote ni Boying habang hawak iyon ng matandang lalaki. Napaigtad ito, napaatras, tuluyang nabitawan ang bote.“A-anong nangayari? Bakit nabasag?” naguguluhang tanong nito, bumaling sa anak.Marahas namang umiling si RJ, nagpalinga-linga na rin, bakas ang labis na pagtataka sa mukha. Hindi nagtagal, nabitiwan nito si Noel, sumisigaw na lumuhod sa sahig.“M-may tama ako! M-may tama ako,” ani RJ, napahawak sa dumudugong kaliwang binti bago tuluyang natumba sa sahig.“P*tangina! Anong ginawa mo?” singhal ni Boying sa anak, taranta itong dinaluhan.Si Noel naman ay muling tinakbo ang kinaroroonan ni Lily, nanginging na humawak sa braso ng kapatid.“D-dalhin mo ‘ko sa o-ospital, ‘Tay. A-ayoko pang m-mamatay,” pakiusap ni RJ sa ama, sa nahihirapang tinig.Muling napamura si Boying. “Ta*ngina talaga! Ano ba kasing ginawa mo? Sinabi nang h’wag masyadong atat sa paggamit niyang baril! Napakabobo mo rin kasi,” anang matandang lalaki
Agad na namanhid si Lily sa nadatnan sa kanyang sariling bahay. Umalis siya na nakaayos ang lahat. Umalis siya na ang akala niya, ligtas ang kanyang pamilyang iiwan pansamantala subalit….Kumabog na ang dibdib ni Lily, nalunod sa sunod-sunod na mga tanong isip.Paano natagpuan ni RJ ang bago nilang bahay? Ilang araw nang ganoon ang nangyayari? Wala namang nababanggit sa kanya si Noel tuwing tumatawag siya. Wala rin siyang napapansing kakaiba sa pag-uusap nila ng kapatid. Maliban na lamang na laging iwas si Esme sa kanya kapag gusto niyang kausapin nitong nakaraang ilang mga araw at--Agad na natigilan si Lily, abot-langit na ang kaba sa dibdib. Nagmamadaling humakbang papasok sa loob ng bahay ang dalaga, nagpalinga-linga.“N-nasaan si Lola?!” anang dalaga, sa nanginginig na tinig. “Noel, nasaan si Lola?” dugtong na tanong ni Lily nang hindi makita kahit saan ni anino ng abuela.“A-ate… kasama ni Tiyo s-sa taas si Lola. K-kinukulong nila sa kwarto si L-Lola at—“ agad na natigilan si No
“Girl, bakit naman nagtawag ka pa ng back-up. Para namang kakainin ka namin ng buhay ni Chantal kung sinabi mong asawa mo na pala ang super-crush kong si Liam,” ani Paul kay Lily habang nasa isang café sila malapit sa AdSpark. May hinihintay silang kliyente.Unlike Charles, they were shocked at first subalit masaya ang mga ito sa nalamang balita. Bagay na labis na nakapagpagaan ng loob ng dalaga.“Anong super-crush? Mahiya ka naman, kaharap mo ang misis niyang super-crush mo,” saway ni Chantal kay Paul, umirap habang sumisimsim ng kape sa tasa.Rumolyo din ang mga mata ni Paul. “Mabuti na ‘yong totoo, ‘no? At saka Lily doesn’t mind naman. Di ba, Lily?”Ngumiti ang dalaga, marahang umiling. She really doesn’t mind that other people are still ‘crushing’ on her husband. Dahil bukod sa wala sa control niya ang bagay na ‘yon, public figure si Liam. He is bound to be admired by many people, hindi lang siya.“O siya, siya. Sagutin mo na nga ang golden question? Bakit si Liam pa ang nagsabi s
Agad na nag-panic si Lily sa tanong ni Charles, nagsala-salabat sa isip ang mga tanaong. Paano nalaman ni Charles na may asawa na siya? Sinabi ba mismo ni Liam dito? Pero wala namang naikwento si Liam sa kanya tungkol doon. Kung alam na ni Charles ang tungkol sa tunay na relasyon nila ni Liam, what about Paul and Chantal? Alam na rin ba ng mga ito?Kumabog na ang dibdib ni Lily. She doesn’t want it to be a big deal. It’s the truth, kasal sila ni Liam at nagmamahalan sila kaya lang…“Liam said your he’s wife. Is it true?” dugtong na tanong ni Charles nang manatiling tahimik si Lily matapos ang ilang sandali.He loved her. Hindi niya alam kung kailan nagsimula. He just joined the company recently. But he had always had his eyes on her since day one. Lily is patient and kind. Napakasipag din nito sa trabaho. It’s also a plus that she is pretty. He had been meaning to approach her, to tell her his intention secretly dahil bawal ang office romance sa AdSpark. But when he was just gaining h
“Are you sure you don’t want me to go up with you?” tanong ni Liam kay Lily nang marating nila ang building kung nasaan ang opisina ng AdSpark. Hinatid ng binata ang asawa kahit na ayaw sana nito. Alam ni Liam na hindi pa sanay si Lily sa set-up nilang dalawa. It was just yesterday that they have finally cleared the air between them. Lily needs some time to adjust.Subalit ayaw magpa-awat ng binata na gawin ang dapat niyang gawin para sa asawa. He wanted to be her helper in every possible way. Kaya naman nang magpaalam ito na papasok na sa opisina at magta-taxi na lang daw, ipinilit talaga ni Liam na ihatid ang asawa.It was the least he could do for her today. Ngayong papasok na ito sa trabaho, ibig sabihin maghapon din silang hindi magkikita. He will go on with his day too. May meeting siya pagkatapos niya itong ihatid at doon na siya didiretso. But that doesn’t mean Lily is not his priority anymore.His wife will always be his priority. Always will. Always.Marahang umiling si Lily