Namilog agad ang mga mata ni Lara sa sinabi ni Jace, niyakap ang sarili. “S-Sir… w-wala po sa usapan natin ito.”
Sandaling nangunot ang noo ni Jace bago nagbuga ng hininga. “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo ngayon, Ms. Martinez. But whatever is it, scrap it! I am not spending the night with you nor you with me. Ang sabi ko lang, dumito ka habang inaayos ko ang gulo mo. Ang alam ni lola ikaw ang asawa ko. Masyadong magiging kumplikado para sa akin kung may mangyayaring masama sa ‘yo at malaman ni Lola. Do you understand my intention now?” ani Jace, may bahagyang pagsingkit ang mga mata.Kumurap naman si Lara, wala sa sariling tumango. “Ah… okay po Sir, naiintindihan ko na. Akala ko kasi...” Hindi na itinuloy ng dalaga ang sasabihin, alanganing ngumiti, lihim na hiniling na sana lamunin na lang siya muna ng sahig sa sobrang kahihiyan.
“You sure? Loud and clear?” ani Jace, diskumpiyado
“Y-yes, Sir.”
“Good. Now go make yourself comfortable in the couch,” utos ni Jace sa dalaga na agad namang tumalima. Mabilis na nawala si Jace sa paningin ni Lara, kung saan nagpunta, hindi niya alam.
Ipinalibot ni Lara ang tingin sa kabahayan. Iyon na yata ang pinakamalaking bahay na nakita niya sa kanyang tanang buhay. Now she wonders kung ilang tao ang nakatira roon.
Maya-maya pa, tumunog ang kanyang cellphone. Nang tignan niya ang T'yo Berto niya ulit ang tumatawag. Mula kagabi ay ilang beses na siya nitong tinangkang tawagan. Subalit mas pinipili niyang h’wag sagutin ang tawag ng tiyuhin. Alam na niya agad na tungkol sa amo nito ang pag-uusapan nila. Nalaman na ni Boss Chino kung saan siya nagta-trabaho. Sigurado siya, nakausap na ni Boss Chino ang tiyuhin tungkol sa hindi niya pagsipot sa restaurant kagabi. Hindi na rin mahirap hulaan na ang tiyuhin niya mismo ang nagsabi sa amo nito kung saan siya matatagpuan. Kaya naman hindi na nagawang pigilan ng dalaga ang pagbangon ng galit sa dibdib para sa kanyang T’yo Berto.
Gayunpaman, nag-aalangan man, sinagot na rin ng dalaga ang tawag.
“T’yo—“
“P*tang*n aka talaga e no, Lara. Ikaw na nga ang tinulungan, wala ka pang utang na loob! Talagang pinahiya mo ako kay Boss Chino e. Anong gusto mong mangyari, mawawalan na nga ako ng bahay, pati trabaho mawawalan din ako?”
“T’yo, a-ayoko ko po kay B-Boss C-Chino,” ani Lara, humikbi na. Muling sumusugat sa kanyang dibidb ang masasakit na salita ng tiyuhin.
“Tarantada ka talaga! Wala sa ‘yo ang pagpapasya! Sana hindi na lang talaga kita pinatuloy dito sa bahay namin ng tiyhain mo. Sana, itinapon na lang kita sa kalsada at pinabayaan. ‘Pag talaga sa akin gumanti si Boss Chino sa ginawa mong pagtanggi sa kanya, iiwanan ko ‘tong inutil na tiyahin mo at nang mawala na ang pabigat sa buhay ko!” gigil na sabi ni Berto bago mabilis na pinutol ang tawag.
Napahagulgol naman si Lara. Isinubsob na ang mukha sa kanyang mga palad. Walang humpay sa pag-ulit sa kanyang isip ang huling sinabi ng tiyuhin.
Masama ang loob niya. Bakit pati ang T’ya Linda niya kailangang idamay ng tiyuhin upang gantihan siya? Hindi ba ito nanaawa sa tiyahin niya, wala na itong lakas o ni kakayahan na asikasuhin ang sarili. Alagain ito sa madaling sabi. Subalit ni minsan hindi sumagi sa isip niya na sana, wala na lang ang tiyahin. O ‘di kaya’y hindi na lang nagtagal ang buhay nito matapos nitong magkasakit.
Para sa dalaga, ang kanyang T’ya Linda ang isa sa mga pinaghuhugtan niya ng inspirasyon sa buhay upang patuloy na lumaban. Subalit ang kanyang T’yo Berto… tila sinukuan na nito ang kanyang tiyahin. At sa ikinikilos nito sa ngayon, hindi malayong, gawin nga nito ang pagbabanta nito
Samantala, si Jace naman ay nagtuloy sa kanyang study at tinawagan si Eli.
“Speak, Eli. What updates do you have for me?” sabi agad ni Jace nang umangat ang kabilang linya.
“Sir nahuli na namin lahat, pati ‘yong pinaalis din ng mga tauhan natin sa restaurant kagabi. Our men are holding them inside their van—with their heads covered with sacks. Ano pong ninyong gawin sa kanila, Sir,” ani Eli.
Sasagot na sana si Jace nang makarinig siya ng mahinang katok sa pinto. “Hold on a sec,” anang binata kay Eli bago naglakad patungo sa pinto.
Pagbukas niya ng pinto, naroon na si Lara, panay ang tulo ng luha. “S-Sir… n-nakikiusap po ako. H’wag po ninyong sasaktan sina Boss Chino. A-ako na lang po kakausap kay T’yo. M-magkakaintindihan din po kami. B-baka po kasi mas malaki ang maging problema ko kapag napano si B-Boss Chino. B-baka po… baka po… Sir, p-please, tama na po sa akin na iniligtas ninyo ako sa balak nilang pagkuha sa akin,” ani Lara sa pagitan ng pagsigok, nasa isip ang tiyahin na hindi niya mapupuntahan agad subalit maaring iwan ng kanyang T’yo Berto, gaya ng banta nito.
Lalong dumilim ang mukha ni Jace, hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babae. “Have you gone mad? Is it the heat? Or did the ride home shook your brains so much that you’re telling all this nonsense to me?”
Humikbi si Lara. “S-Sir… p-please. Pagbigyan po ninyo ako. Kahit ngayon lang. Hindi na po ako hihiling ng iba. P-please, Sir.”
Umigting ang panga ni Jace, tinantiya ang emosyon. Kung sabagay, wala naman talaga siyang pakiaalam sa dalaga. Pagkatapos ng anim na buwan, aalis ito sa buhay niya at ganoon din siya. So, will her decision now, affect his future? Hell, no!
Jace took in sharp breath. “Kung ‘yan ang desisyon mo, wala akong magagawa, Ms. Martinez. Subalit binabalaan kita. Should this Chino Jocson be of any threat to our contract, parurusahan ko siya sa paraang gusto ko at isasama kita. Naiintindihan mo ba?”
Kumislap ang takot sa mata ng dalaga subalit napilitan ding tumango. Bukas na bukas din, uuwi siya sa kanila upang harapin mismo ang tiyuhin. Sasabihin niya ritong kasal na siya at di na maaring ikasal sa iba pa dahil labag iyon sa batas.
Gagawan din niya ng paraan ang utang ng tiyuhin kay Boss Chino. May kaunting ipon siya sa bangko. Kung sapat na iyo’y handa niya iyong isuko maayos lang ang kanyang problema sa amo ng tiyuhin.
“Third room on the left upstairs. That would be your room. Clean up and wash your face. Inabala mo lang ako sa wala,” ani Jace bago muling sinara ang pinto ng study.
Binalikan ni Jace ang cellphone, “Eli.”
“Sir, napagdesisyonan niyo na po ba ang gagawin sa mga bihag?”
Marahang nagbuga ng hininga si Jace bago, “Set them free.”
“We have removed the blockage on your grandmother’s heart, Ms. Torres. She will just need to stay her in the hospital for a few more days to make sure she’ll make a full recovery. Sa ICU muna siya sa ilalagay pero kapag nagising na siya, pwede na rin siya ilipat sa regular room,” anang doktor kay Lily.Nasa ospital ang dalaga, sa tapat ng OR kung saan siya nag-abang ng balita tungkol sa operasyon ng abuela. Mula nang dumating siya sa Maynila kahapon, ang pagpapaopera sa kanyang abuela na ang inatupag ni Lily. Ni hindi siya nagpahinga o natulog man lang. Nang malaman ng dalaga mula sa doktor ang tunay na kalagayan ng abuela, pakiramdam ng dalaga ay hinahabol niya ang oras at hindi siya dapat magmabagal dahil buhay ng kayang lola ang nakataya.Kaya naman kahit pagod at naguguluhan pa rin dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa kanyang buhay, mas pinili ng dalaga ang magpakatatag upang madugtungan ang buhay ni Esme. At ngayon nga, narinig na rin niya sa wakas ang isang magandang balita.“
Magkasalikop ang mga nilalamig na kamay ni Lily habang nakaupo siya sa passenger’s seat ng sasakyan ni Liam. They are on their way to the airport, not for their honeymoon or some romantic getaway after they got married just two hours ago.Ihahatid na ni Liam si Lily sa airport upang makabalik agad ang dalaga sa Pilipinas. Liam is still clueless as to why Lily was rushing her way home. At lalong hindi pa rin sinasabi ng dalaga ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lang siyang pumayag na magpakasal kay Liam kapalit ng ibabayad nitong malaking halaga sa kanya. Pakiramdam niya kasi, hindi na iyon dapat pang malaman ng binata.May kontrata sila. Pumayag siyang maging pansamantalang asawa nito sa loob ng anim na buwan. Pagkatapos no’n, tahimik silang maghihiwalay ng landas. Tapos ang usapan.Kaya naman pakiramdam ni Lily hindi na dapat lumalim pa ang pagkakakilanlan nila ni Liam. Dahil hanggang papel lang naman ang ugnayan nilang dalawa. Pansamantala lamang.At nagpapasalamat ang dalaga
Kumabog ang dibdib ni Lily, awtomatikong nangilid ang luha. Pakiramdam ng dalaga, pinagsakluban siya ng langit at lupa. May sakit ang kanyang abuela at kailangan nito nang malaking halaga sa pagpapagamot. Sanay siyang laging nangungutang tuwing nagigipit silang mag-anak. Subalit agad naman siyang nagbabayad kapag sumusweldo siya. Alam ‘yon ng mga kapitbahay nila.Subalit, imposibleng makahanap siya ng magpapautang sa kanya sa mga kapitbahay nila nang ganoon kalaking halaga. Ni hindi pa nga siya nakakahawak o nakakakita man lang nang isang milyon. Saan niya ‘yon huhugutin ngayon?Napasalampak sa carpeted floor si Lily, tuluyan nang napaluha. Pakiramdam niya pinipiga ang kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga.Sa edad na animnapu’t lima, talagang mahina na si Esme. Subalit noong malakas-lakas pa ito, tinitiyaga nitong maglabada at magtinda-tinda nang kung ano-ano, mapag-aral lamang nito hanggang kolehiyo si Lily. Nang makapagtapos ng pag-aaral, wala nang ibang hiniling si Lily ku
Agad na napanganga si Lily sa sinabi ni Liam. Naiintindihan niya ang sinabi nito but at the same time, hindi rin maintindihan ng dalaga nag dahilan kung bakit fiancée ang pagpapakilala sa kanya ng binata sa mga taong naroon sa silid.“Why the hell is the lie, Liam? We all know you’re not into relationships. You like to play but you don’t commit. Why don’t you stop the pretense,” anang matandnag lalaki, bahagya nang tumalim ang mga mata kay Lily.Humigpit anag hawak ni Liam sa kamay ni Lily. “I’m not lying, Darwin. Lily is my fiancée. So you better stop whatever crap you are planning against me,” anang binata, bumaling sa babaeng blonde na katabi ni Darwin.That was Hazel, the daughter of Darwin. Kasing-edad lang ito ni Liam at nagtatrabaho bilang model. She is liberated at palaging nagpapakita ng motibo kay Liam. But Liam knew her too well. Alam ng binata na ginagamit lang ito ng ama nito upang makuha ang mas maraming ari-arian ng kanyang namayapang magulang. But he won’t fall for th
Tahimik na pinagmamasdan ng sikat na race car driver na si Liam Beckett Montano ang puntod ng kanyang mga magulang na sina Cora at Wilbur Jones-Smith. Muli nang ampunin siya ng mga ito halos dalawang dekada na ang nakararaan, ang akala ng batang si Liam ay hindi na siya muling mag-iisa pa. Subalit naroon siyang muli sa umpisa bago siya matagpuan ng kanyang mga kinikilalang magulang—mag-isa at hindi alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa hinaharap.Just a week ago, Cora, his adoptive mother passed away. And yesterday, he had his mother buried right next to his father, Wilbur. It was one of Cora’s last wishes before she passed at tinupad iyon ng binata.He did everything Cora asked him to do before she passed. Hinanap niya ang kanyang mga totoong magulang sa Pilipinas. Bagay na hindi naging madali sa binata dahil ang pag-iwan ng kanyang tunay na pamilya sa kanya ay sumugat sa kanyang pagkatao sa matagal na panahon. But he tried, his damned best. Subalit huli na ang lahat. He learn
TEASERDahil sa kapos ang perang pampagamot sa may sakit na abuela, napilitang tanggapin ni Lily Rose Torres ang alok ni Liam Beckett Montano na maging pansamantalang asawa nito.Kailangan iyong gawin ng binata upang makuha nito nang buo ang mga ari-arian na iniwan ng mga namayapang magulang nito.Anim na buwan. Ganoon lang katagal ang kanilang kasunduan.Subalit paano kung may ibang plano ang tadhana sa dalawa? Paano kung ang pansamantala, maging totohanan na? Paano kung kahit tama ang kanilang pag-ibig, mayroon pa rin hadlang? Kaya bang magtagal ng isang pag-iibigan na nabuo lamang sa pagpapanggap?