Sandaling pinagmasdan ni Linda ang pamangkin, sa isip ay isang kahilingan na sana, nakakapagsalita na lang siya ulit upang masagot niya nang maayos ang pamangkin kaya lang… Maluha-luhang inabot ni Linda ang pendant sa kuwintas ni Lara. Sandali niyang sinalat iyon bago tinuro ang pamangkin.Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga, hindi maintindihan ang sinasaabi ng tiyahin. Maya-maya pa, tuluyan nang napaluha si Linda bago humagulgol.Nataranta na si Lara, niyakap ang tiyahin. “Sorry, T’ya. Hindi ko po sinasadya na guluhin kayo. H’wag na po kayong umiyak, T’ya. Hindi na po ako magtatanong,” anang dalaga, marahang hinagod ang likod ng tiyahin.Nang sandaling kumalma si Linda ay itinuloy ni Lara ang pagpasyal sa tiyahin sa garden. Hindi na muli pang binuhay ni Lara ang usapin tungkol sa kanyang mga panaginip o sa pendant na ibinigay ni Linda sa kanya. Emosyonal si Linda kapag tungkol sa nakaraan ang pinag-uusapan. Kaya kahit noon ay iwas ang dalaga sa pagtatanong tungkol sa kanyang ina dahi
“Mrs. Lagdameo, naririnig mo ba ‘ko?” anang pulis na siyang kausap ni Lara.Kanina pa nasa presinto ang dalaga at kasalukuyang kinukuhanan ng statement ng pulis. Subalit tila lumulutang ang isip niya at halos walang makuhang sagot ang pulis sa kanya. Kaya paulit-ulit ang pagtatanong nito. Paulit-ulit din siyang hindi sumasagot.Ang tanging nasa isip ni Lara sa mga oras na ‘yon ay ang katotohanang binalewala siya ni Jace kanina. Gano’n katindi ang galit nito sa kanya? Umabot na sa gano’n na hahayaan siya nitong damputin ng mga pulis upang kwestiyunin?‘My grandson’s love for you is stronger than anything else in this world. I am sure, time will come, he is ready to abandon everything just to be with you.’‘Yon ang sinabi sa kanya ni Cristina noong huli silang mag-usap. Gusto pa sana niyang paniwalaan ‘yon ngayon, patuloy na panghawakan kaya lang…”Nag-angat ng tingin si Lara, mariing pinagsalikop ang mga kamay upang pigilan ang mga luha. “P-pakiulit po ang tanong,” anang dalaga sa gara
“Jace, gusto ma ba ng juice? Ikukuha kita. Hindi ka pa naghahapunan, baka magkasakit ka,” ani Larissa kay Jace. Magkatabi ang dalawa sa pew sa chapel kung saan nakaburol si Doña Cristina, subalit kausapin dili siya ng lalaki.Pakiramdam ni Larissa ay para lamang siyang hangin at hindi nakikita ni Jace. Alam niyang nagdadalamhati ito sa pagpanaw ng abuela nito, subalit… maano ba namang pansinin din siya nito. Kanina pa siya roon, salita nang salita, paiyak-iyak nang kaunti para hindi siya mapaghalataang walang paki sa pagpanaw ng lola ng binata. Kaya lang, walang epekto ang presensiya niya sa lalaki.Nitong mga nakaraang araw sinasadya niya talagang mag-inarte at kunwari’y dinadalaw ng masamang panaginip upang palagi siya nitong puntahan. Alam niyang wala sa misyon niyang paamuin pati si Jace Lagdameo kaya lang… naroon na siya—nasa halos ituktok na ng mundo ng mga mayayaman. At sa posisyon niyang ‘yon, kailangan niyang magkaroon ng mas maraming oportunidad upang lalong umangat.Ang sa
Kanina pa mulat si Lara subalit ni hindi magawa ng dalagang bumangon sa kama. Pasado alas otso na ng umaga subalit hindi pa rin siya bumabangon—nakatutok lang ang kanyang mga mata sa bintana kung saan lumalagos ang malakas na buhos ng liwanag mula sa labas ng apartment ni Erin.Umaga na. Nakatulog naman siya kahit paano. Subalit pakiramdam ni Lara, gaya ng mga nakalipas na araw, pagod na siya agad kahit na hindi pa nagsisimula ang kanyang araw.Iyon na ang ikatlong araw ng burol ni Doña Cristina. Ikatlong araw na rin ‘yon mula nang huli niyang makita si Jace. Sinubukan niya itong tawagan upang kumustahin. Subalit, gaya nang dati, hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag o text messages.‘Bakit ba kais tinatawagan mo pa siya? H’wag mo nang tawagan ang asawa mong walang kwenta! Lalo mo lang pinapasakti ang didib mo, Lara. Ang dapat mong gawin ngayon, magpalakas para sa baby mo.’‘Yan ang madalas sabihin ni Erin kay Lara nang nagdaang mga araw tuwing nakikita ng dalaga na tulala ang ka
Agad na napahinto sa pagsubo ng pagkain si Lara sa tinanong ni Keith. Paano nitong nalaman na buntis siya? Lahat ba ng doktor alam kung buntis ang isang babae o hindi? Nasa kanya ba ang lahat ng senyales na nagsasabi ditong buntis na siya sa panganay nila ni Jace?Kumabog na ang dibdib ng dalaga, lalong nataranta. Alanganin siyang nag-angat ng tingin kay Keith bago nagpakalma ng emosyon,“B-bakit mo n-naman n-nasabi?” tanong ni Lara, puno ng tensyon ang tinig.Keith chuckled. “Hindi ko nga alam kaya ko tinatanong,” natatawang umpisa nito. “Ang sabi kasi ni Erin sa akin, may problema ka raw sa pagkain ngayon. Naisip ko lang na hindi ka kaya buntis kaya mapili ka sa pagkain. Or on the second thought, maybe you’re just missing Jace that much that you find food so unappetizing these days.”Marahang nagbuga ng hininga ang dalaga. Relief washing over her. “N-nami-miss ko lang siguro si Jace, Keith. O-oo ‘yo lang ‘yon. Ilang buwan na rin kaming magkasama, ngayon lang kami ulit nagkahiwalay
Tanghali na nang nagising si Larissa. Ikatlong araw na ‘yon na masakit ang kanyang ulo na nagigising. Napapahaba kasi ang tulog niya nitong mga nakaraang araw sa hindi malamang kadahilanan. Pero mabuti na rin ‘yon para mabawasan ng ilang oras ang kanyang pagpapanggap. Naba-badtrip na rin siya minsan kay Carmelita. Wala itong kapagurang magkwento tungkol sa kung anu-anong bagay lalo na kapag halos patulog na siya sa gabi. Alam niyang ito ang misyon, ang paamuin ito at kunin ang loob at tiwala nito. Kaya lang sa higit dalawang linggo niyang pagpapanggap bilang si Larissa, masasabi niyang nagsasawa na siya sa karakter niya bilang apo ng matanda. Hindi naman sana siya makakaramdam nang gano’n kung lagi niyang kasama si Jace. Kaya lang sa pagkamatay ng abuela nito, hindi siya makapag-demand ng oras dito. Tanging sa iilang oras lamang na pagdalaw niya sa burol ni Doña Cristina siya nagkakaroon ng oras kay Jace. At kapag naroon siya’y sinisiguro niyang nararamdaman ng binata ang kanyang p
CHAPTER 90Sandaling nataranata si Lara nang makita ang pamilyar na bulto ni Keith, bago nagmadaling isinuksok sa kanyang bag ang reseta na hawak. "K-Keith, akala ko umuwi ka na," anang dalaga, humakbang palapit sa binata. "Naalala kong wala na akong groceries sa condo ko. Kaya naisipan kong dumaan na lang muna dito para mag-restock ng supplies. Ikaw, bakita ka nandito? Sabi mo kanina magpapahinga ka pa?" anang binata. Kumurap si Lara, mabilis na pinagana ang isip upang makabuo ng dahilan. "A-ano... M-may pinabili lang si Erin. O-oo 'yon may pinabili si Erin. Nakakahiya naman kung hihindian ko e sa kanya ako ngayon tumutuloy ngayon," pagsisinungaling ng dalaga. Tumango-tango ang doktor. "Gano'n ba? Gusto mo hintayin na lang kita para maisabay kita sa pag-uwi," alok ng doktor.Umiling si Lara,sumulyap sa ilang eco-bag na bitbit nito. "Naku h'wag na, Keith. Tapos ka nang mag mag-grocery e. Nakakahiya naman kung hihintayin mo pa 'ko. At saka galing kang duty. Dapat nagpapahinga ka na
“Lara, are you okay? You seemed silent,” untag ni Keith kay Lara nang nasa daan na sila pabalik sa apartment ni Erin. Nagtanong ang binata sa dalaga dahil masyado itong tahimik, tila hulog sa malalim na pag-iisip habang nakatuon ang mga mata sa labas ng sasakyan.Kumurap-kurap si Lara bago bumaling kay Keith. “A-ayos lang naman. M-may ano… may iniisip lang,” anang dalaga, ibinalik ang tingin sa harapan ng sasakyan. Gumugulo pa rin sa kanyang isip ang mga sinabi ni Larissa. Which get her to thinking… “Mabuti naman at nakakalabas na nang mag-isa si Larissa ngayon. Hindi na gaya noon na laging naka-alalay si Jace sa kanya… kahit na anong oras.”Tumango-tango si Keith. “It’s part of her healing journey. Slowly, she must learn how to be independent again. Para mabuhay siya nang normal. Ang sabi niya sa akin kanina, it’s the first time she went to the mall alone and bought something again by herself. That’s a great progress,” anang binata, may bahid nang pagmamalaki sa tinig.Nagsalubong
Panay ang hikbi ni Michelle habang pinagmamasdan ang kasintahan na si Arlo na nakaluhod sa may baldosa ng bahay na kasalukyang tinutuluyan ng kanyang mga magulang sa London. Doon sila kinaladkad ng inang si Melanie nang matuklasan nito ang kanyang pagsisinungaling.Blood was already dripping on Arlo’s nose, putok na rin ang labi nito dahil sa paulit-ulit na pagsuntok ng mga bodyguard ng magulang nang matagpuan nila siya kanina sa inuupahan niyang unit sa labas ng siyudad.Out of all the times that they’d discover her secret, bakit ngayon pa? The two weeks has been going smoothly, everybody bought the lie she had told everyone. Naibilin din niya nang maayos sa kanyang sekretarya na ayusin ang trabaho nito at na pangalagaan ang kanyang sikreto. Maayos naman ang lahat. She only needs to endure another week para matapos ang kanyang pagpapanggap, para masulit nila ang bakasyon nila ni Arlo. Subalit…Kung paano nalaman ng mga magulang ang kanyang pagsisinungaling, hindi pa rin halos mais
CHAPTER 23“Salamat sa paghatid sa akin, Kiel. Pwede ka nang umalis,” ani Erin nang tuluyang maihinto ni Kiel ang kanyang sasakyan sa parking space na naka-allot sa kanya sa condo tower.“No, ihahatid kita hanggang sa pinto ng unit mo,” pagpupumilit ng binata, binuksan na ang pinto ng driver’s seat, umikot sa bahagi ni Erin bago pinagbuksan ang dalaga ng pinto.Napabuntong-hininga ang dalaga. How can he resist him if he keeps doing things that way? Parusa ba ‘yon ng langit sa kanya? To continue tempting her until she gives in again?But she cannot give in, she must not!Akmang hahawak ni Kiel at tutulungan sana si Erin sa paglabas ng sasakyan subalit tumanggi na ang dalaga. “H’wag na, Kiel. Kaya ko,” ani Erin, nang makababa ng sasakyan. Walang paalam na naglakad papasok sa building si Paige. Tahimik namang sumunod si Kiel hanggang sa loobng lift.“Look, Kiel. I really appreciate what you did for me today. But this has to stop. You know this has to stop. So please, umuwi ka na lang.
Sa bench sa labas ng mall nagtungo ang dalawa. Unang inaya ni Kiel si Erin sa isang coffee shop. Subalit may naamoy na kakaiba si Erin sa loob niyon kaya mabilis na humindi nag dalaga. Si Erin na ang nag-suggest na sa labas na lang sila ng mall mag-usap. Mayroong bakanteng bench sa di-kalayuan kaya doon nila napiling umupo at mag-usap.“I’m sorry,” umpisa ni Kiel. “I was a bloody jerk when we talked. I shouldn’t have said those things to you.”Erin scoffed. “What you did was inexcusable, Kiel. Nakipagkita ako sa ‘yo dahil sa trabahong tinanggap ko mula sa fiancée mo. Your personal questions were out of the line.”“I know, that’s why I want to apologize. Alam kong mali ako, Erin,” anang binata nagbuga ng hininga.The past two days had been tough for him. He was struggling to divide his time with work and with the things Michelle left him in-charge of. Idagdag pa na lagi niyang naiisip na puntahan na lamang si Erin sa condo nito upang personal na humingi ng paumanhin. Dahil ayaw pansin
Latag na nag dilim subalit hindi pa rin malaman ni Erin kung ano ba ang gusto niyang kainin para sa dinner. Kaninang lunch pa siya nagke-crave ng mga kakanin, hindi lang niya alam kung saan siya kukuha. Mula nang lumabas siya ng ospital four days ago, bumalik na ang kanyang appetite. Hindi na rin siya gaanong nahihilo. The supplements she had been taking were of a great help. Kung hindi nga lang ba siya pinilit ni Lily na ituloy-tuloy na lang ang kanyang leave hanggang sa susunod na linggo upang makapahinga siya nang husto, baka pumasok na siya sa opisina.But after that meeting with Kiel, hindi na siya ulit pumasok pa sa opisina. She needs rest. Her body craves for it, she can feel it. Or maybe her growing baby is demanding it. But whatever the real reason is, determinado si Paige na gawin ang lahat ng kanyang magagawa upang protektahan ang kanyang ipinagbubuntis. Kaya naman mas marami nang naka-delagate na trabaho kay Lily ngayon. Mabuti na lang at talagang masipag at maaasahan sa t
“He is arrogant and a despicable liar! We will never do any business with that hateful man ever again!” gigil na pahayag ni Erin habang kumakain siya kasama sina Lily, Paul at Chantal. Wala si Suzanne dahil may inayos ito sa isa sa kanilang mga on-going projects.They were having lunch inside the pantry. Matapos manggaling sa EB Builders, nagpasyang bumalik sa opisina si Erin. She didn’t want to at first. Subalit dahil sa resulta ng pag-uusap nila ni Kiel, alam ng dalaga na kapag umuwi siya, mag-isa lang siyang magngingitngit sa condo niya. Bagay na ayaw niyang mangyari, she knew herself too well. The last time she threw a fit over a project, nabato niya ng vase ang 95-inch TV niya dahil sa sobrang inis. She doesn’t want that to happen again. Mabuti nang nasa opisina siya habang nanggigil. At least doon, may kasama siya, may nagtitiyagang makinig sa kanya.“Ma’am gusto po ninyo, kausapin ulit namin ni Chantal si Engr. Benavidez? Baka po magbago pa ang isip ni Sir,” suhestyon ni Paul,
Tahimik subalit puno ang kaba ang dibdib ni Erin habang naghihintay sila ni Lily sa labas ng opisina ni Kiel. Ang sabi ng sekretarya nito na nagpakalilang si Sara, may kausap daw na kliyente si Kiel na nauna kaysa sa kanila. Sara told them to just come back after an hour or so. Subalit nagpasyang maghintay si Erin. She might not have the courage to face Kiel again if she leaves."Ma'am gusto po ninyo ng bottled water? Pwede ko po kayong kunan sa--" "H'wag na, Lily," mabilis na tanggi ng dalaga sa alok ng sekretarya. "I'm okay." "Sure po kayo?" "Yes, I'm sure," pormal na sagot ni Erin, ang mga mata, nakatitig sa pinto ng opisina ni Kiel. She was training her mind not to be swayed by her emotions when she finally face Kiel. She was composing her thoughts too, determined to just say the words she needs to say and nothing else. Ayaw niyang awayin si Kiel kahit na alam ng dalaga na ito ang dahilan kung bakit siya naroon sa sitwasyon na 'yon. Kung sabagay, mabuti na rin na siya na ulit
“M-Ma’am Erin, b-bakit nandito ka na?” gulat na bungad ni Lily kay Erin pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kanyang opisa sa AdSpark Media. “H-Hindi po ba dapat nagpapahinga ka pa? Ang sabi ng doktor—““May importante akong gagawin, Lily. The DF Appliances proposals, get them for me,” putol ni Erin sa sekretarya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang swivel, umupo at binuksan ang laptop.Si Lily naman ay nanatiling nakatanga sa boss. Matapos nitong ma-discharge kahapon sa ospital, hindi inaasahanng sekretarya na papasok agad si Paige nang araw na 'yon, lalo pa at ganoon kaaaga. Mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan nito ng pahinga para sa ikabubuti ng dinadala nito. Kaya lang…“Lily, what are you looking at? I said give me the proposals for DF Appliance,” pag-uulit ni Erin.“S-sure kayo, Ma’am? Ang sabi ng doktor kahapon bawal kayong magpagod at saka—““Alam ko kung anong ibinilin ng doktor, Lily. I was there with you. Narinig ko ang lahat. But like I told you, may importante akong ga
“What are you doing here, Kiel?” pag-uulit ni Erin nang hindi sumagot agad si Kiel. This time, pinakalma ng dalaga ang nagwawalang puso at pinatatag din ang tinig.Umigting naman ang panga ni Kiel. hindi nagawang makasagot agad dahil paulit-ulit na ipinasada ng binata ang kanyang mga mat sa kabuuan ng dalaga. She looked relaxed and well-rested. Habang siya, halos mabaliw na sa kakaisip ng paraan kung paano muling makikita at makakausap ang dalaga.The past few days had been pure hell. Kahit na anong gawin niya, ni ayaw siyang kausapin ni Erin. He even tried visiting her in her office subalit ang laging sagtot ng sekretarya nito ay may sakit ito at naka-sick leave. He asked for her number and they gave him the same number he had been calling and messaging for the past few days subalit wala siyang nakukuhang sagot dito. It’s clear that his number had been blocked. All the damn new numbers he tried to use were all blocked from Erin’s phone.Malinaw sa kanya ang naging usapan nila. But…
“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya na ninyo? Kung matulog na lang po ako ngayon sa condo ninyo para may kasama pa rin kayo at—““H’wag na, Lily. Promise, kaya ko na. At saka baka hinahanap ka na rin sa inyo. Go home and rest. Halos hindi ka natulog kagabi habang binabantayan ako,” putol ni Erin sa sekretarya. Naroon sila sa lobby ng St. Anthony Hospital at hinihintay ang rented car na kinuha ni Lily na siyang maghahatid kay Erin pabalik sa condo ng dalaga. Matapos ang ilang pagsusuri at bilin ng doktor, Erin finally got discharged from the hospital. She feels a little better now. She feels more energized too. Malaking tulong ang pagpapa-confine ng dalaga sa ospital upang umayos ang kanyang pakiramdam. She even feels she can already go back to work tomorrow. Pero bawal pa. Ibinilin ng doktora na tumingin sa kanya na kailangan pa niyang magpahinga ng isang linggo upang tuluyan siyang makabawi ng lakas.“Pero Ma’am, mag-isa kayo do’n sa condo mo. Baka bigla ka na namang mahilo o magsu