Share

Chapter 84: Imbitasyon

Author: shining_girl
last update Huling Na-update: 2024-12-20 16:49:00

Sandaling pinagmasdan ni Linda ang pamangkin, sa isip ay isang kahilingan na sana, nakakapagsalita na lang siya ulit upang masagot niya nang maayos ang pamangkin kaya lang… Maluha-luhang inabot ni Linda ang pendant sa kuwintas ni Lara. Sandali niyang sinalat iyon bago tinuro ang pamangkin.

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga, hindi maintindihan ang sinasaabi ng tiyahin. Maya-maya pa, tuluyan nang napaluha si Linda bago humagulgol.

Nataranta na si Lara, niyakap ang tiyahin. “Sorry, T’ya. Hindi ko po sinasadya na guluhin kayo. H’wag na po kayong umiyak, T’ya. Hindi na po ako magtatanong,” anang dalaga, marahang hinagod ang likod ng tiyahin.

Nang sandaling kumalma si Linda ay itinuloy ni Lara ang pagpasyal sa tiyahin sa garden. Hindi na muli pang binuhay ni Lara ang usapin tungkol sa kanyang mga panaginip o sa pendant na ibinigay ni Linda sa kanya. Emosyonal si Linda kapag tungkol sa nakaraan ang pinag-uusapan. Kaya kahit noon ay iwas ang dalaga sa pagtatanong tungkol sa kanyang ina dahi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Joenita Apog
Ang ending patawarin niya si Jace magasama sila lokoloko si Lara nagdusa siya dsa ka ay ni jace
goodnovel comment avatar
Joenita Apog
Tan ga si jace
goodnovel comment avatar
Joenita Apog
Yang pekeng Larissa si via yan
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 24- Dinner

    "Lily, hwag kang magpagabi, baka mabinat ka," paalala ni Suzanne kay Lily nang makita ng babae na naroon pa rin sa table nito ang sekretarya gayong pauwi na siya. Bahagyang nag-angat ng tingin si Lily mula sa kanyang desktop computer at nginitian ang boss. "Tatapusin ko lang po ito, Ma'am. Uuwi na rin po ako," sagot ng dalaga. Lihim na napangiti si Suzanne. Mula noon hanggang ngayon, napakasipag talaga ni Lily. She is efficient in her job and a real asset to the company. Malayong-malayo na ito sa nagmamakaawang fresh graduate at handang pasukin ang anumang trabaho sa AdSpark. Lily has grown into a professional secretary all corporate executives would want to work with. Kaya naman sa nakalipas na ilang araw na wala ito, talagang naramdama niya ang hirap sa trabaho. But she didn't want yo get Lily sick again. Mas maraming naantalang trabaho kapag wala ito. She wants Lily to have a full recovery in time for the heavier tasks ahead of them. Kaya lang, kilala rin niya ito. Hindi nito

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 23- Confusing Emotions

    Parang napaso sa nag-aapoy na kalan na mabilis na inalis ni Lily ang kamay sa bibig ni Liam, lumayo rin ng bahagya sa binata. Umabot na hanggang langit ang lakas ng pagkabog ng dibdib ng dalaga. Natataranta siya at hindi siya makapag-isip ng maayos.Paanong nasa opisina na agad si Suzanne, ang interim CEO? Hindi naman ganoon ang usual na pasok nito. Paanong…Kumurap si Lily, lalong kinabahan nang maisip kung ano-ano sa mga pinag-usapan nila ni Liam ang narinig nito? He called her Mrs. Montano!‘Oh my god!’ sigaw ng dalaga sa isip, lalong bumilis ang pagtahip ng dibdib.‘Yon na ba ‘yon? Buking na ba sila agad ni Liam?Lumabas na ng opisina si Suzanne, lumapit sa dalawa. Salitan ulit nitong pinagmasdan ang dalawa. “Well?” anito, tila naiinip na sa sagot nila.Si Liam ang unang nakabawi. “Hello, Suzanne! It’s been a while. Nagkasabay kami sa lift ni Lily. I came here to surprise Erin sana. But Lily here told me that… that Erin is still on her maternity leave. I cussed outloud. Lily cover

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 22- Confusing Emotions

    Napakurap si Lily sa sinabi ni Liam, lalong nalaglag ang panga. "L-Liam... Hindi na kailangan Maayos na—“" "Gusto ko, Lily. Like I said, I want to make sure you're really okay. Kagagaling mo lang sa sakit. Baka kung mapaano ka. Mabuti nang ganito. Sigurado ako na ligtas ka. Kaya hayaan mo akong ihatid ka hanggang sa office ninyo.""P-pero...baka may makakita sa atin na magkasama tayo, Liam--""Then let me do the talking. I can explain everything. Now hit the floor buttons, wife or else you're gonna be late for work" anito nakangiti. Subalit bago pa man iyon magawa ni Lily, sunod-sunod na sumakay sa lift ang iba pang empleyado sa building. The lift was full in no time and Liam and Lily were both pushed to the back of the elevator. Muntik nang maipit si Lily sa pagdumog ng mga tao. Mabuti na lang at mabilis na iniharang ni Liam ang kanyang braso sa harapan ng dalaga upang proteksiyonan ito.Hindi naglaon, sumara ang pinto ng lift at umandar pataas ng building. Tahimik ang lahat na lu

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 21- Deeper Connection 2

    Tanghali na nang umalis ang mga kaibigan ni Liam sa hospital suite ni Lily. They acquainted themselves with her. At sa totoo lang, na-enjoy ng dalaga ang oras ng pagbisita ng mga ito sa kanya.Nang dumating ang pananghalian, muling tinulungan ni Liam si Lily na kumain. Hind na nagreklamo pa ang dalaga. Alam niya kasi na hindi rin naman siya mananalo sa binata kahit na anong sabihin niya kaya hinayaan na lang niya ang gusto nitong mangyari.After lunch, nakatulog si Lily. Noon naman inasikaso ni Liam ang mga dapat nitong asikasuhin. Umuwi rin saglit ang binata upang kumuha ng pamalit ni Lily.Dala na rin ng pagod, halos gabi na nang magising si Lily. She almost missed dinner. Buti na lang ginising siiya ni Liam.When dinner came, hinayaan na ni Liam na kumain ng sarili nito si Lily. He joined her for dinner though and they talked a little.“Masaya ka siguro kapag kasama ang mga kaibigan mo,” ani Lily habang sumusubo ng pagkain. Chicken tinola ang binili ni Liam na ulam.“Well, yes. Yo

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 20- Deeper Connection

    “Lily, how are you? Ayos ka lang ba?” tanong ni Suzanne kay Lily habang magkausap ang dalawa sa cellphone.“M-maayos naman po ako, M-Ma’am. Masama lang po talaga ang pakiramdam,” anang dalaga, inayos ang upo sa kama. Napabuntong-hininga si Suzanne. “Gano’n ba? Dahil ba naulanan ka noong Biyernes? Sinabi sa akin ni Paul na ikaw ang huling umuwi last week.”“P-parang gano’n na nga po siguro, M-Ma’am,” sagot ng dalaga, alanganin. Muling bumigat ang kanyang dibdib dahil sa pagsisinungaling sa boss.“Well, in as much as I need you here, hindi rin naman kita pwedeng pilitin na magtrabaho. Mabuti pa siguro magpahinga ka na nga muna. You’ve been overworked since Erin got pregnant. Maybe you can take the rest of the week off for you to recover—““Ay hindi, M-Ma’am!” bulalas ng dalaga, taranta “A-ang ibig ko pong sabihin, mga dalawa o tatlong araw lang po siguro na pahinga, ayos na ‘ko. H’wag na po na buong linggo, Ma’am. May importante tayong schedule this week di ba?”’ pagpapaalala ng dalaga

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 19- Complex Feelings 2

    Ang malakas na buhos ng liwanag mula sa bintana ang nagpagising kay Lily kinabukasan. Sandali pang nagtaka ang dalaga nang mabungaran ang hindi pamilyar na kisame at paligid na kanyang kinaroronan. Nang tangkain niyang bumangon, agad siyang napangiwi nang makaramdam ng pananakit ng katawan at kamay. Noon niya napagtanto na mayroon palang nakakabit na swero sa kanyang kamay.Ospital. Nasa ospital siya. Subalit, paanong—Sandaling napakurap ang dalaga, nag-isip. Hanggang sa maalala niya na nilagnat siya nang nagdaang araw at itinakbo siya ni Liam sa ospital. She remembered his panicked voice as he drove her to the hospital. She was in and out of consciousness at that time, subalit sigurado siyang si Liam ang nagdala sa kanya roon. Makikilala niya ang boses nito kahit saan. Kaya lang… kung ito ang nagdala sa kanya roon, nasaan ito?Wala ni anino nito sa hospital suite. O baka naman, ito lang ang nagdala sa kanya roon tapos iniwan din siya?Napalunok ang dalaga sa huling naisip. Baka nga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status