Share

The Billionaire's Contract Wife
The Billionaire's Contract Wife
Penulis: VALENTINE

Chapter 001

Penulis: VALENTINE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-22 15:08:05

Pagkalabas ni Hiraya mula sa Civil Affairs Bureau, medyo tulala pa rin ang kanyang mukha.

Tinitingnan niya ang pulang booklet sa kanyang kamay, at nang maalala niyang kakaselebra lang niya ng kanyang ika-22 kaarawan kamakailan, naisip niya na ang buhay ay parang isang pelikula, hindi mo aasahan ang mga susunod na mangyayari.

"Ihahatid na kita sa ospital." Ang nagsalita ay ang katabi ni Hiraya —ang kanyang asawa, si Nexus Watson.

Mas matangkad siya ng higit sa isang ulo kay Hiraya, mga 1.8 metro ang taas, nakasuot ng puting kamiseta, maong na pantalon, may maikling kulot na itim na buhok, suot ang salamin, maputi ang balat, at pino rin ang bawat parte ng kanyang mukha.

Kung panlabas na anyo lang ang pag-uusapan, talagang wala siyang masabi sa itsura ng kanyang asawa.

"Nasa card na ito ang isang milyong piso, iyon ang napagkasunduan natin. 031313 ang password ng villa. Ito ang numero ni Butler Tomas, pwede mo siyang kontakin kung may tanong ka. Siya rin ang bahala sa pang-araw-araw mong pangangailangan. Ito ang susi ng bahay. Nasa Building 101, Apartment No. 6, Bonifacio New District. Pwede mong ilipat ang mga gamit mo kung kailan mo gusto."

Tinitigan ni Hiraya ang itim na bank card at business card sa kanyang harapan, at sandaling natulala. Ilang araw lang ang nakalipas, nag-aalala pa siya tungkol sa gastusin sa ospital ng kanyang kapatid. Ngayon, bigla na lang siyang naging isang asawa ng mayamang negosyante?

"Bakit? May problema ba?" Napansin ni Nexus na kinuha lang ni Hiraya ang card. Tinaas nito ang kilay at bahagyang tumagilid ang ulo. "Masyado bang maliit ba ang pera? Sabihin mo lang para madagdagan ko. May international conference ako mamaya, kaya hindi na kita masasamahan."

"Hindi po sa ganon, sakto lang ito!" Agad na bumalik sa ulirat si Hiraya at masunuring kinuha ang bank card. "Sir Nexus, abala ka pa, sige na po. Kaya ko na ang sarili ko." Pagkatapos niyang sabihin ito, tinanggal niya ang seat belt, binuksan ang pinto ng passenger seat, at mabilis na bumaba.

Nang nakatayo na si Hiraya sa tabi ng kalsada, handang pagmasdan si Nexus habang umaalis, biglang bumaba ulit ang bintana ng itim na sports car. "Hindi mo ba kukunin ang gamit mo?”

Nang tiningnan niya ito nang mabuti, napagtanto niyang iyon pala ang marriage certificate na kakakuha lang nila.

"Ay oo nga pala! Salamat, pasensya na."

Habang pinapanood si Nexus na umalis, hindi napigilang buksan ulit ni Hiraya ang marriage certificate. Ang lalaki ay nasa early thirties, may makapal na kilay at mga matang parang bituin, mas gwapo pa kaysa sa mga sikat na artistang napapanood niya.

Ang kanyang kamiseta ay nagpapalabas ng mas mataas at marangal na aura habang katabi si Hiraya na di hamak na mas maliit sa kanya. 

"Ayos ka rin naman pala, Nexus Watson."

Pagkababa sa sasakyan ni Nexus, agad na nag-book ng taxi si Hiraya papunta sa ospital para dalawin ang kanyang kapatid.

Naabutan niya si Hunter ay nakaupo sa kama habang nagbabasa. Bagama't tagsibol pa lang, may suot siyang puting sumbrero. Maputi ang kanyang balat, at sa ilalim ng araw, mukha siyang larawang iginuhit.

Sa tabi ni Hunter ay may nakaupong isang babaeng naka-puting bestida na may maamong itsura. Nakikipag kwentuhan at tawanan.

"Ate!" Napansin ni Hunter si Hiraya sa may pintuan at agad na ngumiti. Lumapit si Hiraya ng nakangiti rin at inilapag ang biniling cake sa tabi ng kama.

"Hello, Ate Hiraya, may kailangan pa akong asikasuhin kaya mauna na ako. Hinintay lang kitang makabalik.”

"Ay, kararating ko lang, Nana, bakit alis ka na agad?" Si Nathalia o Nana ay kaklase ni Hunter. Magkasama sila mula high school at pareho ring pumasok sa iisang unibersidad.

Noong unang ma-ospital si Hunter, madalas din siyang dalawin ni Nana.

"Kaarawan kasi ni Lolo ngayon, kaya kailangan kong umuwi agad." Nang makita ni Hiraya na abala si Nana, hindi na siya nagpumilit.

Nang sila na lang magkapatid ang naiwan sa silid, tiningnan ni Hiraya si Hunter na may mapagbirong tingin.

"Syota mo?"

"Ate, huwag kang ganyan, magkaibigan lang kami." Pero ang pulang tainga ni Hunter ay nagsabi ng totoo.

"Hindi ako naniniwala." Umupo si Hiraya sa tabi ng kanyang kapatid, "May magandang balita ako para sa 'yo. Nabenta na ang comics ko! Ang laki ng kinita ko —isang milyon!"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Contract Wife   Chapter 075

    Habang nag-iisip, hindi namalayan ni Hiraya na nakatulog siya. Nang magising siya, ginising na siya ng stylist sa likod niya.“Mrs. Watson, kumusta po?”Medyo malabo pa ang isip ni Hiraya nang idilat niya ang kanyang mga mata, pero nang makita niya ang sarili sa salamin, napamangha siya.Ang kanyang mahabang itim na buhok ay maingat na inayos, kaya mas naging smooth ang hugis ng kanyang mukha. Ang dati nang pino at eleganteng features niya ay mas lalong pinaganda sa kamay ng stylist.Ang dalawang hibla ng buhok na iniwan sa gilid ng kanyang tenga ay nagbigay ng tamang lambing sa kabuuan ng look niya.Masayang tumayo si Hiraya, at paglingon niya, nakita niyang nasa likod niya si Nexus.Kita niyang malinaw ang bakas ng pagkabigla at paghanga sa mga mata ni Nexus.Nagulat din si Nexus. Kung kaninang umaga si Hiraya ay parang puting ulap sa sobrang ganda, ngayon naman ay para siyang malamig na willow tree na naglakad palabas ng isang Chinese painting—banayad at elegante, malamig pero hind

  • The Billionaire's Contract Wife   Chapter 074

    “Nag-almusal ka na ba? Bumili ako ng kape at tinapay.” Buti na lang iyon lang ang sinabi ni Nexus, sabay turo sa bag na nasa tabi niya.“Ah, salamat.” Isang itlog lang ang kinain ni Hiraya kaninang umaga. Wala siyang masyadong gana sa tinapay, pero handa siyang uminom ng kape.Suot ni Hiraya ang asul at puti ngayon. Pagpasok niya sa kotse, napansin niyang naka-asul din si Nexus na may puting pantalon. Parang couple outfit tuloy ang suot nila.Bago pa makarating ang kotse nila sa tindahan, nakita ni Hiraya ang dalawang hanay ng mga taong nakatayo sa labas ng pinto. Pagkaparada ni Nexus, agad binuksan ang pinto ng kanilang sasakyan.Dalawang hanay ng mga nakasuot ng suit at puting guwantes ang nagsimulang sumalubong sa kanilang pagpasok.Pagkapasok nina Hiraya at Nexus sa loob ng tindahan, agad na naglagay ng mga barikada ang staff, senyales na wala nang ibang customer na tatanggapin.Karaniwan, nakikita lang ni Hiraya ang mga logo ng mga ganitong mamahaling brand sa Internet, pero ngay

  • The Billionaire's Contract Wife   Chapter 073

    Samantala, si exus naman ay nakahiga sa kama matapos ibaba ang telepono, paikot-ikot at hindi makatulog. Naaalala pa niya ang komportableng tulog niya nitong mga nakaraang gabi, pero ngayon kailangan na naman niyang tiisin ang hirap ng insomnia.Mahigit kalahating oras siyang nakahiga pero hindi pa rin makatulog. Gusto niyang uminom ulit ng gamot pampatulog, pero nang buksan niya ang drawer, nagdalawang-isip siya at isinara ito.Pagkatapos, sinuot niya ang kanyang tsinelas at naglakad papunta sa kwarto ni Hiraya.Pagkatapos niyang matauhan, napansin niyang nakahiga na siya sa kama ni Hiraya.Medyo nataranta si Nexus nang maisip ito. Tatayo na sana siya, pero hindi niya alam kung may mahika ba ang kama ni Hiraya o kung ano, pero bigla siyang nakaramdam ng antok. Hindi niya ito naramdaman kapag sa sarili niyang kama siya nakahiga. Bagaman iba ang pakiramdam kaysa kapag katabi niya si Hiraya, mas mabuti pa rin ito kaysa hindi makatulog.Maya-maya, nakatulog din nang mahimbing si Nexus.K

  • The Billionaire's Contract Wife   Chapter 072

    Samantala, si exus naman ay nakahiga sa kama matapos ibaba ang telepono, paikot-ikot at hindi makatulog. Naaalala pa niya ang komportableng tulog niya nitong mga nakaraang gabi, pero ngayon kailangan na naman niyang tiisin ang hirap ng insomnia.Mahigit kalahating oras siyang nakahiga pero hindi pa rin makatulog. Gusto niyang uminom ulit ng gamot pampatulog, pero nang buksan niya ang drawer, nagdalawang-isip siya at isinara ito.Pagkatapos, sinuot niya ang kanyang tsinelas at naglakad papunta sa kwarto ni Hiraya.Pagkatapos niyang matauhan, napansin niyang nakahiga na siya sa kama ni Hiraya.Medyo nataranta si Nexus nang maisip ito. Tatayo na sana siya, pero hindi niya alam kung may mahika ba ang kama ni Hiraya o kung ano, pero bigla siyang nakaramdam ng antok. Hindi niya ito naramdaman kapag sa sarili niyang kama siya nakahiga. Bagaman iba ang pakiramdam kaysa kapag katabi niya si Hiraya, mas mabuti pa rin ito kaysa hindi makatulog.Maya-maya, nakatulog din nang mahimbing si Nexus.K

  • The Billionaire's Contract Wife   Chapter 071

    Bakit hindi na lang niya kunin lahat ng shares sa kamay ni Felipe?Sa isang banda, may bahagi naman talaga ng shares ni Felipe na kanya. Sa kabilang banda, hindi ba masarap isipin na mas mahirap pa ang boss ng kumpanya kaysa sa mga empleyado?Tutal, hayaan lang ang mag-ina sa mga gutso nilang gawin. Kapag sobra na silang gumastos at hindi na niya kaya, saka siya mag-iisip ng bagong paraan.Depende kung handa pa bang makisama ang mag-ina sa kanya kapag naibenta na niya ang lahat ng ari-arian niya.Sa pag-iisip nito, bahagyang naibsan ang sugatang puso ni Harry dahil kay Nikki.Magkaklase sa high school sina Harry at Nikki. Noon, sinusundo pa siya ng kanyang ina at sinabing napakaganda ni Nikki. Sinabi rin nitong magkapitbahay sila noon noong bata pa sila. Nang lumipat sila, hindi na sila magkasama sa iisang lugar.Naalala pa ni Harry na sinabi ng kanyang ina noon na magiging maganda sana kung kasing ganda ni Nikki ang magiging manugang niya.Dahil gusto ng kanyang ina na si Nikki ang m

  • The Billionaire's Contract Wife   Chapter 070

    Nagbago ang opinyon ng publiko, at naibalik ang katarungan kay Katelyn. Pero si Nikki ay hindi maganda ang pakiramdam.Sa mansyon nang gabing iyon, galit na galit siya nang makita ang balita sa Internet. Ibinato niya ang telepono sa sahig.Lumapit ang lalaking nasa tabi niya at marahang tinapik ang balikat ni Nikki, sinenyasan siyang huwag magalit."Oh, baby, huwag ka nang magalit, hindi sulit kung magagalit ka at mapapahamak lang ang katawan mo." Pinagmamasdan ni Harry ang galit na mukha ni Nikki at sinimulang siya'y palamigin."Hindi ako magagalit? Paano ako hindi magagalit?" Lumingon si Nikki kay Harry, litaw ang galit sa kanyang mukha. "Sinabi mo sa'kin na hindi na makakabangon si Katelyn kapag ginawa mo ito, pero ano'ng nangyari ngayon? Hindi lang nakabangon si Katelyn, kundi nakadagdag pa siya ng fans. Ngayon ang mga netizen, ako pa ang pinupuntirya. Lahat ng ito, masamang idea mo!""Eh, hindi ko rin naman inasahan na puputulin nila ang larawan." May sama ng loob din si Harry, p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status