ログインJasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewHumugot ako nang malalim na hininga. Hindi ko maiwasang maging emosyonal, dahil sobrang suwerte ko pa rin talaga kahit na minamalas ako kung minsan.Lapitin ako nang malas, at ganoon din ang mga taong nasa tabi ko. Pero ang kinagandahan ay nilalapitan pa rin naman kami ng swerte.Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paglapit ni Helios sa aking tabi. Parang hindi na niya hinayaan pa ang hangin na dumaan sa aming gitna. Kaya nang pumatong ang kaniyang bisig sa akin, kinagat ko nang mariin ang aking dila, at umaasang kahit papaano ay mawala naman na ang pagiging emosyonal.Kaya lang ay kahit ano ang aking gawin, ganoon pa rin. Hindi nagbabago, at mas lalo lang bumibigat ang aking pakiramdam. Humugot tuloy ako nang malalim na hininga, at hindi magawang tumingin sa mga mata ni kuya.Kahit kasi siya, halata na ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Para bang hindi na namin makontrol ang emosyon namin, dahil kahit siya ay nagi
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewTahimik kaming tatlo hanggang sa dumating ang order namin. Hindi ko nga alam kung paano namin sisimulan ang usapan, eh. Ako pa man din ang nag-aya kay kuya na mag-usap kami. Tapos parang hindi pa ako handang marinig ang lahat.Humugot ako nang malalim na hininga, at bahagyang ipinilig ang aking ulo, habang pinapanood si Helios na ipaghiwa ako ng steak.Hindi naman ako mahilig sa steak. Siguro ay nakaya ko lamang mag-adjust, dahil kay Helios. Kahit gulay naman kasi ang ihanda nila ay wala akong reklamo, eh. Kahit kamatis pa na may kasamang kaunting hilaw na mangga, ayos na sa akin ‘yon.Hindi naman ako lumaking mayaman, eh. Namulat ako sa mundo na bawat sentimo ay mahalaga sa akin. Sa hirap ba naman ng buhay, unti-unti akong nasanay. Kaya nga kahit gaano pa ako i-spoil ni Helios, nandoon ‘yong pag-aalangan ko lalo pa at parang walang pakialam si Helios sa mga winawaldas niyang pera na akala mo ay barya lang para sa kaniya.“Regarding your relat
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNang tumigil ang sasakyan ni Helios sa parking lot ay saka ko lamang napagtanto na nandito na kami sa meeting place namin.Sa totoo lang ay hindi ko sigurado kung nauna nga ba kaming makarating ni Helios dito, o nahuli kami. Hindi man kasi ‘to ang unang pagkikita namin ni kuya, ito naman ang unang pagkikita namin bilang magkapatid, dahil pareho na naming alam kung ano nga ba ang totoo.Wala sa sarili akong napakagat na lamang sa aking dila kasabay ng paghugot ko nang malalim na hininga.“Stop biting your tongue, Elizabeth.”Napalingon naman ako kay Helios nang sabihin niya ‘yon. Hindi ko alam kung paano niya nakita ang ginagawa ko, dahil medyo madilim naman ang parking lot. Ngunit nang mapagtanto kong kaya rin pala niyang makakita mula sa dilim ay parang natauhan ako.“Sorry,” maliit na boses kong wika. “Hindi ko lang mapigilan.”Nang medyo nakapag-adjust ang aking mga mata sa dilim, at sa kaunting liwanag na nagmumula sa sasakyan ni Helios.
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewKagaya ng gusto ni Helios, hinintay ko siya. Kasalukuyan din kasi akong nag-aayos ng aking buhok. Para naman kahit papaano ay may buhay rin ang aking buhok, at hindi basta pinadaan lamang ang suklay roon.Pinili kong itali ang aking buhok. Kung ilulugay naman kasi ay parang sagabal kapag kumakain ako.‘Yong damit ko naman, simpleng plain blue dress lang na above the knee. Kaya nga more on pink shades ang makeup ko ngayon, eh. Kasi mas mukhang natural ‘yon, at fresh.Nakita ko naman si Helios sa repleksyon nito sa salamin pagpasok niya sa walk-in closet. Kaya naman mabilis nagtama ang aming mga mata, habang siya ay papalapit sa aking puwesto.Tinatanggal na nito ang kaniyang suot na coat, at necktie. Bawat hakbang din niya palapit sa akin ay ang pagkabog ng aking puso. Kaya napalunok na lamang ako ng aking laway.Nang tumigil siya sa aking likuran, tapos naman na akong mag-ayos ng aking buhok. Dahan-dahan akong tumayo, hanggang sa naramdaman k
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewHumugot ako nang malalim na hininga, at napahawak na lamang sa aking ulo. Kanina pa pumipintig ang aking sintido. Mukhang dala na naman ‘to ng stress.Napapansin na rin ni Luna ‘yon kanina. Sa katunayan ay nag-offer nga rin siya ng gamot sa akin. Kaya lang ay tinanggihan ko, dahil ayaw kong nakadepende ako sa gamot.Bumuga ako ng hangin, at napapikit na lamang ng aking mga mata. Ngayon pa ako aatakehin ng migraine kung gayon na ang dami kong iniisip?“Uuwi ka ba kaagad?” tanong sa akin ni Luna.“Oo,” sagot ko naman. “Bakit?”“Aayain sana kitang manood ng cinema. May mga bago ngayon!” maligaya nitong saad.Napamulat na lamang ako ng aking mga mata, at napasulyap sa kaniya. Nagtataka man, hindi ko ipinahalata.“Hindi ka magbabasa ng lessons?” pang-uusisa ko sa kaniya.Alam ko naman na madalas kaming magbasa ng mga lesson. Ginawa na nga naming hobby ‘yon. Kaya hindi na kami nahihirapan.Naiintindihan ko naman kung ayaw niya. Madalas ba naman kasi
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“We need to talk.”Natawa naman ako nang mahina, at dahan-dahang sinalubong ang kaniyang mga mata na ngayon ay nakatitig sa akin.Sa kabila ng bigat ng kaniyang awra, lumilitaw naman ang mga emosyon sa kaniyang mga mata. Bahagyang kumirot tuloy ang aking dibdib, at hindi maiwasang mapalunok na lamang.Gusto kong ilihis ang aking mga mata, pero hindi ko magawa lalo na ngayon na nakatingin sa akin si kuya.“Para saan? Kung gaano na naman katindi ang galit mo kay Helios, kuya?” mahina kong tanong.Napansin ko naman ang paglitaw ng lungkot sa kaniyang mga mata, pero hindi ko na binawi pa ang mga binitawan kong salita.Hindi naman sa ini-invalidate ko ang nararamdaman niya, pero sana kasi ay huwag siyang magpabulag roon. Naiintindihan ko naman kung tutuusin, eh. Wala naman talagang problema, pero ang akin lang talaga ay buksan naman niya ang isipan niya sa kung ano ang mga posibilidad na nangyari noon.Naiintindihan kong nasaktan siya, at pakiramda







