Share

14

Mabilis na lumipas ang araw hanggang sa dumating ang araw ng biyernes. April 20, 2020.

Tanghali ako nagising dahil wala naman akong pasok ngayon. Today's my birthday so it's automatic na day off din ni ms. Williams.

"Happy sweet 16, Azari Kline," nakangiting bati ko sa sarili ko bago nag unat ng katawan. Today's super cold.

Ilang araw kasi na sobrang init kaya siguro naipon na 'yung ulan at ngayong linggo binabagsak. Tapos sa susunod na buwan ay sobrang init na naman.

Psh, abnormal na panahon. 

Nanatili akong nakahiga sa kama at binuksan ang cellphone. Notifications boomed my account because f******k notified everyone who folllows me that it's my birthday today. Andami tuloy bumati kahit hindi ko naman kilala.

Sa dami-rami ng mga nag message sa akin ay tanging mga mensahe lang nina mommy ang binasa ko. Elli wants to be unique again so she did a video greet.

I was about to get up from my bed when suddenly, my phone rang.

Mommy calling...

I cleared my throat before answering. Hindi pa kasi ako nakakapag inom ng tubig kaya malamang ay tuyo pa ang lalamunan ko.

"Hey, mom," panimulang bati ko. Tahimik ang linya sa kabila kaya naman muli kong sinulyapan ang screen kung napindot ko ba ang end call button o hindi.

Hindi naman. 

"Mom--" 

"Happy birthday to you..." rinig kong kanta nila sa kabilang linya. Yes, nila. I can hear tita Elena, tito Frank, Elli and Elias' voice through the line. Kasabay nilang kumakanta si mommy habang may minus one ng happy birthday na tumutugtog sa background.

"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday...Happy birthday to you...HAPPY BIRTHDAY AZARI!" sabay-sabay nilang sigaw. I can't see them but I know they're celebrating with me. Parang hinaplos ang puso ko dahil doon. 

Ang gandang panimula sa umaga. 

"Gosh, girl, you're already 16!" sigaw ni Elli sa kabilang linya. Humalakhak ako. 

"Yeah. I'll sing a happy birthday to you also after 2 months," sabi ko. Mas matanda kasi ako kay Elli ng dalawang buwan. Swerte namang hindi pasok sa buwan ng summer ang birthday niya kaya parati akong nakakadalo sa mga selebrasyon. Sa mga oras kasi na 'yon ay nakauwi na ako sa maryland. 

"What's your plan? Are you gonna celebrate there too?" rinig kong tanong ni Elias. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Maybe? How could I celebrate? Wala naman akong bisita. 

"Maybe? Daddy wants me to celebrate, eh. But I don't know. I don't have any guests by the way," natatawa kong sabi.

"We are your guest, anak," si mommy. Mapait akong ngumiti. How I wish. 

"Alright, alright. I need to end this call na, mommy. I haven't eaten yet. Wala pa nga akong hilamos," kunwaring natatawa kong sabi. They greeted me a happy birthday again before ending the call. Pagkapatay na pagkapatay ng tawag ay agad kong isinubsob ang mukha ko sa unan at pinag susuntok 'yon. 

I wanna go home.

This day shoud be my special day. But how can this be day so special when I'm alone here? It's hard to celebrate through call. Saka, alam kong may iba ring inaasikaso sina tita Elena. 

"We'll celebrate your sweet 16th. I promise you that."

Parang nag echo ang boses ni Damian sa utak ko. Oo nga pala! Mabilis na nabuhay ang katawan ko at tumayo na mula sa kama. 

Damian promised me to celebrate my birthday with him so I won't feel alone. 

Kaagad akong tumakbo sa malaking bintana at binuksan ang kurtina. I thought sunlight would hit my face but it did not. 

Why the weather is suddenly so gloomy? 

Saglit kong tinitigan ang madilim na langit bago bumalik sa kama. 

It's okay. At least it's cold.

Inayos ko ang higaan at niligpit ang mga nasa ibabaw nito. Matapos non ay dumiretso ako sa banya para maligo. Matagal kong inibanabad ang katawan ko sa tub at nag sindi pa ng scented candle sa gilid. 

I want my body to be really fresh today. 

Nang matapos kong maligo ay dumiretso ako sa walk in closet suot lamang ang roba. Isa-isa kong tiningnan ang mga damit doon at ipinatong sa katawan ko, tiningnan kung babagay ba ito. I chose the red skater dress at pinaresan 'yon ng lace up heels. 

"Wow," puri ko sa sarili nang makita ang repleksyon sa salamin. Parang tanga pa akong umikot dahil gandang ganda ako sa sarili ko. 

Matapos na titigan ang sarili ko ay kumuha ako ng litrato. I didn't bother to tie my hair na kasi maganda na naman kahit hindi na ito nakatali. I just let my long wavy hair to spread down to may waist. 

Ilang litrato pa ang kinuha ko bago lumabas ng kwarto. Kataka-takang wala akong makitang maid sa hallway pagkalabas ko. Kadalasan kasi ay mayroong mga naglilinis na kasambahay rito. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

Pagkababa ko ng second floor ay agad na kumunot ang noo ko nang makitang maraming tao. Like catering crews, mga naglalagay ng disenyo sa gilid at doon ko rin natagpuan lahat ng kasambahay na todo ang paglilinis. 

What are they doing? 

Mabagal akong nag lakad at isa-isang pinagmasdan ang ginagawa nila. All of them were busy kaya naman kahit pag hinto ko sa harapan nila ay hindi nila napapansin.

Muli akong lumakad at dumiretso sa dining area para kumain. Nang pagkapasok ko sa loob ay agad din akong lumabas dahil maraming tao na hindi ako pamilyar. They're all cutting vegetables or mga nag ma-marinate ng kung ano. Sa sobrang pagtataka ko ay hindi ko mapigilang huminto sa gilid at tinanong si Nerida na nagpupunas ng mga picture frame.

Are they preparing because it's birthday? 

"Nerida," tawag ko sa kanya. Mabilis niya akong nilingon at sandali pang nagulat bago ibaba ang picture frame na hawak niya.

"Uy, ma'am! Good afternoon po!" bati niya sa akin. Ngumiti ako bilang sagot ngunit sigurado akong hindi pa rin tanggal ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa pagtataka.

"What...is exactly happening here?" takang tanong ko. Itinuro ko pa ang mga catering crews at mga orgnizer sa paligid na busy sa mga kanya-kanyang ginagawa. 

"Ah, 'yan po? Si ma'am Melania po ang kumuha sa kanila," sabi niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka. Para saan naman? 

"For what?" tanong ko uli. 

"Uh, hindi niyo po ba alam? Nakasama po si Ria sa with high honors. Gusto pong icelebrate ni ma'am Melania dahil malaking achievement po 'yon!" sabi niya, mukhang nae-excite pa. 

Oh. 

"Ah, ganon ba? Asan si Ria kung ganon? B-Babatiin ko lang," mapaklang sabi ko. 

I didn't ask for a celebration but...I thought it was for me. 

"Ah si ma'am Ria po? Nasa mall po siya kasama sina sir Leandro at ma'am Melania. Sasamahan daw po nila sa salon para makapag ayos at masorpresa pag uwi rito," sagot niya. Magkakasama sila? Alam ko ay malayo ang mall dito kaya siguradong matatagalan ang mga 'yon sa pagbalik. Siguro ay pagkatapos maayos ng mga dinidisenyo rito ay saka sila makakarating. So...dad is busy? 

I was expecting that dad would celebrate me. It's okay though. I didn't ask for his presence for today naman. And he didn't promise me that he'll celebrate with me so...it's okay. 

I'll be ok. 

Speaking of promises, mabilis na binalot ng lungkot ang buong pagkatao ko. Damian promised me that he'll be with me today so I won't be alone. 

But...will he? 

Ria's very speacial to Damian. Ang mga kwento rito ay gusto nila ang isa't isa, hindi lang umaamin. So how will he celebrate with me? It's his girl's special day. 

Ako? It's my birthday. Taon-taon na ginaganap so...pwede ko namang ipagdiwang uli sa susunod na taon. 

Don’t be a fool, Azari. Ria deserves this celebration. 

"Ah, sige. Salamat, Nerida," mahina kong sabi bago siya talikuran. Wala ako sa sariling lumabas ng bahay at naglakad na lang sa kung saan. Paniguradong wala ring pwesto sa kusina para kumain. Puno ang dining area kaya malamang, puno rin ng tao roon. 

Tanging sarili ko lang ang dala ko sa paglalakad. I left my phone in my room kaya kahit na isang gamit ay wala akong dala. Balak ko lang naman sanang kumain kaya bakit ko pa dadalhin ang cellphone ko, 'di ba? Hindi ko naman inaasahang ganon ang dadatnan ko sa baba, edi sana dinala ko na. 

Patuloy akong naglakad hanggang sa makarating sa gate ng mansion. Nang lalabas na sana ako ay pinigilan ako ng guard. 

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" tanong niya sa akin. Pilit akong ngumiti at itinuro ang dagat sa labas. I've never been there since I came here this year. 

"Doon po. I want to breathe fresh air, kuya. Palagi na lang po kasi akong nakakulong dito," sabi ko. 

"Alam po ba ni sir Leandro, ma'am?" tanong niya ulit. Kailangan pa ba ng permiso ni daddy para makalabas ako?

Sa US nga, nagma-mall kami ni Elli kahit hindi nagpapaalam kay mommy. Si tita Elena ang nagtatanggol sa amin tuwing pagagalitan kami. 

"Hindi po. It's so malapit lang naman, kuya," dahilan ko. Saglit siyang nag isip bago bumuntong hininga.

"Sige, ma'am. Kailangan niyo ho ba ng kasama?" tanong niya. Mabilis akong umiling at nginitian siya. 

"Huwag ho kayong magpapagabi, ah? Medyo hindi po kasi maganda ang panahon ngayon kaya malaki ang posibilidad na umulan," muling sabi niya bago ako pagbuksan ng gate. 

Nang makalabas ay agad akong tumawid sa daan para makarating sa dalampasigan. Kailangan mo pa kasing tumawid sa mga dinaraanan ng kotse para marating ang buhanginan. 

Nang marating 'yon ay hinubad ko agad ang suot kong heels at binitbit na lang habang naglalakad. I can't walk here with that kind of shoes. 

Lulubog lang ako. 

Nang makalapit sa tabing dagat ay mariin akong napapikit dahil sa lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko. The strong air blew my skater dress backwards, same as my voluminous bouncy hair who's also blown by the wind. The waves were crawling gently to the shore. Hindi ko alam kung sasaya ako o hindi dahil sa nakikita ngayon. I feel sad that's why I came here. I was relaxed but I can't help but to think that I'm all alone.

Ang ganda nga ng tanawin ko, nag-iisa naman ako. 

Marahas akong nagbuga ng hangin at umupo sa puting buhangin. Inilapag ko sa gilid ko ang heels na suot ko kanina at pinagtabi 'yon. Isinandal ko ang ulo sa magkadikit na tuhod habang dinadama ang simoy ng hangin na nanggagaling sa malinaw na karagatan. 

I wanna go home. 

Lumipas ang oras hanggang sa dumating ang hapon. I still don't wanna go back to their mansion. Nang uminit ang paligid ng mga mata ay mabilis kong pinunasan 'yon. Muli kong hinarap ang dagat para mapigilan ng malakas na hangin ang pagtulo ng mga luha ko. I can't help but to think how miserable my life is. 

Ayoko nito, hindi ito 'yung gusto kong buhay. I wanna go back home. Watch n*****x in my room while the snow is falling wildly outside. Drink hot chocolate with tita Elena that is stored in her expensive westinghouse teapot. I wanna travel around US and roam around magnificent mile at chicago with my mom. I wanna sneak out in the middle of the night so Elli and I can sleep at their backyard where her tent was already arranged. And mom, mommy is alone at our house. I am the only person in her life. Wala siyang kasama sa bahay.

"Happy birthday." Mabilis akong nag-angat ng tingin. My heart pounds like a hummingbird’s wings when I saw Damian's intimidating face with a smile. He's holding a small rectangular box in his hands that is wrapped around with a crimsom red ribbon. 

He came.

Umupo siya sa tabi ko at ibinigay ang regalong dala. Tinitigan ko lang 'yon at muling ibinalik sa karagatan ang paningin. 

"Ria's not here," mahinang sabi ko. Gaya ng ginawa niya noong nakaraan ay hinarap niya ang mukha ko sa kanya at malakas na pinitik ang noo ko. Halos maibaon ko siya sa buhangin dahil sa sakit non. 

"Silly. I came here for you," seryosong sabi niya at inilapag ang rectangular box sa hita ko. 

"Anong gagawin ko r'yan?" taas na kilay na tanong ko habang nakatingin sa inilapag niya. 

"That's my gift. Don't tell me you don't know what's the purpose of a gift?" Inirapan ko siya.

"I don't accept gifts." 

"I don't care."

"You're so mean."

"No, you're the one who's mean here. Accept my gift, I flew to manila just to find something like that," sabi niya. Muli kong tiningnan ang 'yon at binuksan. 

It's a wooden pen that has my name engraved on it. 

Azari 

"Do you like it?" tanong niya. Mabilis akong tumango at tiningnan ang kabuoan non. 

"It's pretty," puri ko rito. My name is written in cursive. Parang pen 'yon ng mga sinaunang tao kaya naman gandang-ganda ako. 

"That's refillable. Kapag maubos na 'yung ink ay pwede mong palitan ng bago." 

"Thank you," seryosong sabi ko. Hindi siya sumagot kaya naman nanahimik na lang ako. 

It's okay though. As long as he's not leaving me here, It's okay. 

Parehas lang kaming nakatingin sa dagat at pinagmamasdan ang mabagal na paghampas ng alon. There's a very loud silence between us and I'm afraid that he'll hear my pounding heartbeat. 

"I was 8 when I first came here and met dad and his oh-so-perfect family," panimula kung kwento. 'Yon ang bumasag sa katahimikan na kanina pa bumabalot sa amin. He didn't respond a single word but I know that he's listening. I can feel that. 

"I wasn't afraid of Melania but I don't like the way she stares at me. I was a child by then, I don't know things. Hindi ko alam kung bakit ganon siya makatitig sa akin," dugtong ko. 

"When I turned 9, that's when I knew that mom was once dad's mistress. That's when I knew that I'm dad's illegitimate child."

"As the years passed by, I started to understand things. Why Melania was looking at me like that, why my dad doesn't visit me in Maryland, why they call me Ria's step sister." 

Mapait akong ngumiti nang maalala ko lahat 'yon. Lahat ng mga naranasan ko tuwing napunta ako rito. All of those things that made me think that my life is miserable. That my life is unsuitable for a child to experience. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status