Kinasal si Thara at Rozein dahil sa kagustuhan ng Senyora. Sa halip na kapatid ni Thara ang maglalakad sa altar, siya ang ikinasal kasama si Rozein Montefiore, the man who was supposed to marry her sister, the man who only had eyes for her. For Rozein, the marriage was nothing but a mistake. Ang ama ni Thara ay kinamumuhian ni Rozein. Upang makaganti ang lalaki, si Thara ang pinapahirapan nito. At para na rin makuha ni Rozein ang atensyon ng kapatid ni Thara. Upang maprotektahan ang bata sa kanyang sinapupunan. Gumawa ng paraan si Thara para makalayo sa lalaki. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Kahit anong iwas niya, naroon parin si Rozein . Paano niya sasabihin ang tungkol sa anak nila kung ang tingin ni Rozein sa kanya ay isa ng traydor? Handa ba siyang isiwalat ang katotohanan para sa kaligtasan ng anak? O pipiliin niyang manatiling lihim kahit ang kapalit ay puso at kalayaan niya?
View MoreHindi pa man nakakalayo si Thara ay marahas na hinawakan ni Rozein ang kanyang braso dahilan kaya siya napatigil sa paglalakad.
"You're not going anywhere until you tell me everything that I want to know," mariing sambit ng lalaki. Huminga nang malalim si Thara bago siya humarap dito. "Ano bang gusto mong malaman?" maingat niyang tanong. "Ang galing mong magbait-baitan sa harapan ng Senyora. Ang totoo, isa kang kriminal!" asik ni Rozein. Bahagya siyang napaatras nang biglang tumaas ang boses nito. "That's not true," mariing depensa niya. Mapang-uyam na titig ang ipinukol ni Rozein sa kanya. "Paano mo patutunayan? Plinano mo 'to lahat," dagdag pa ng lalaki. Kumuyom ng kamao si Thara. "Kailan man ay hindi ko binalak na mangyayari 'to," sagot niya, pigil ang galit. Alam niyang kinasusuklaman siya ni Rozein. Naiintindihan niya, ngunit tama ba na tawagin siyang kriminal? Wala siyang kasalanan sa pagkamatay ni Hera, aksidente ang lahat ng iyon. "Sinong nagsabi sa ’yo na pwede mong pakialam ang pagmamay-ari ni Hera?!" muling galit na tanong ni Rozein. "Ang Senyora ang naglipat ng pangalan ko para pangasiwaan ang resto," kalmadong sagot ni Thara. "At nasiyahan ka naman dahil do'n? Alam mo, hanga din ako sa ’yo. Hindi ka na nakuntento pati mahalagang bagay ng taong dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay ka pa ay dinadamay mo sa pagiging uhaw sa kayamanan!" insulto ni Rozein, dahilan para lalo pang kumuyom ang kamao ng dalaga. Pinilit ni Thara na pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang makipagtalo pa kaya bago pa man uminit ang ulo niya ay tinalikuran niya ito. Huwag ako ang sisihin niya, bulong ni Thara sa sarili. Hindi niya hinangad na mapasakanya ang resto'ng iyon. Kagustuhan ng Senyora, paulit-ulit na niyang sinabi sa matanda na hindi magugustuhan nito ang desisyon ng Senyora, pero itinuloy pa rin ang paglilipat ng pangalan. Kaya ngayon, mas lalo lamang nadagdagan ang galit ng lalaki sa kanya. Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ni Thara na agawin ang mga bagay na dapat ay kay Hera. Alam niyang kay Hera iyon unang ibinigay ng Senyora, ipinasa lamang sa kanya dahil wala nang magma-manage. Naiintindihan niya kung bakit ganito ang reaksyon ni Rozein nang malamang sa kanya nakapangalan ang bahay at lupa. Sapagkat lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Hera ay iniingatan nito higit pa sa sariling buhay. At ngayong nalaman nitong ipinasa ang mga iyon sa babaeng pinaka-kinamumuhian nito. "Huwag na huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" sigaw ni Rozein. Nagulat si Thara nang muling hatakin nito ang kanyang braso pabalik. "Bakit parang lumalaki yata ang ulo mo? Sino bang pinagmamalaki mo? Naging kakampi mo lang ang lola, umakto ka nang parang sino." Napangiwi si Thara sa higpit ng hawak nito na halos bumaon na ang kuko sa kanyang balat. "Kung nagagalit ka dahil do'n, wala namang problema sa akin kung babawiin mo. Wala naman akong balak angkinin 'yun. Kaya naman sana h'wag mo ng palakihin ang gulo," aniya, pilit na kumakawala. "Lumalaki ang gulo dahil sa’yo! Masyado kang pakialamera. Anong karapatan mo para pakialaman ang mga bagay na hindi naman karapat-dapat sa’yo?! You know what, I wonder, why I marry a curse thing like you," malamig na sagot ni Rozein habang pinagmamasdan siya nang may matinding pagkasuklam. Tila isa siyang nilalang na nakakadiri sa mga mata ng lalaki. "Bakit pa ba ako nagpapakahirap na pakisamahan ka, samantalang pwede naman kitang kitilan ng buhay na walang kahirap-hirap, kapalit ng buhay ng inosenteng taong dinamay mo!" nanlilisik ang mga mata ni Rozein sa galit. Napalunok si Thara. Biglang nanikip ang kanyang lalamunan, at anumang sandali ay baka tuluyan na siyang mapahikbi. Napaigtad siya nang marahas siyang itulak ng lalaki, halos matumba siya. "Kung ganoon pala, bakit hindi mo na lang ako patayin! Total ’yon naman pala ang gusto mo. Maghiganti ka para kay Hera, sige, patayin mo ako! Kung ’yon ang ikakasaya mo!" matapang niyang hamon, kahit nanginginig ang kanyang tuhod. Wala na siyang pakialam kung nanganganib ang buhay niya. Kung iyon lang ang paraan para maibsan ang galit ni Rozein, handa siyang tanggapin. Alam niya naman mula’t sapul na paghihiganti lamang ang dahilan ng lalaki kaya siya nito pinakasalan. At dahil wala rin siyang pagpipilian noon, napilitan siyang pumayag. "I'm not like you. Hindi ko dudumihan ang kamay ko para lang sa walang kwentang babae. But remember this, Thara. Hangga't nabubuhay ako, araw-araw kong ipapaalala sa ’yo na wala kang karapatang maging masaya," malamig na sumpa ng lalaki na nagpatindig ng balahibo ni Thara. Hindi niya namalayang nasa gilid na pala siya ng pool. Paulit-ulit siyang umaatras hanggang sa wala na siyang malapitan. Napalunok siya nang mapagtantong kaunti na lang ay mahuhulog na siya sa tubig. May balak ba itong ihulog siya? Hindi siya marunong lumangoy. May kalaliman pa naman ang pool. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita ang mapanuyang ngisi ni Rozein. "R-Rozein, please. Hindi ko alam kung paano lumangoy," nagmamakaawa niyang pakiusap. "Malas ka, Thara." Mariin siyang itinulak ni Rozein sa balikat kaya diretso siyang bumagsak sa tubig. "Rozein!" sigaw ni Thara, pilit inabot ang lalaki ngunit lalo lamang siyang nalulunod. Hanggang sa naramdaman niyang unti-unti nang lumulubog ang kanyang katawan. Pilit siyang umaahon, sumusubok humingi ng tulong, ngunit binabalewala lamang siya ni Rozein. Para lamang itong nanonood ng pelikula habang pinagmamasdan ang kanyang paghihirap. "Ngayon mararanasan mo ang pakiramdam ng unti-unting namamatay na walang tumutulong," malamig na sambit nito bago siya talikuran. No… Napaluha si Thara habang nakatitig sa papalayong bulto ng walang awang lalaki. Ito na ba ang katapusan niya? Mamatay na lang ba siyang hindi naipagtatanggol ang sarili laban sa mapanghusgang tao? Pumikit siya nang maramdaman ang patuloy na paglubog ng kanyang katawan. Nauubusan na siya ng hangin at lakas. Sabagay, ito naman ang gusto nito, ’di ba? Masaya itong makitang mamatay siya ng ganito.Tahimik silang nagtagal sa silid. Si Thara ay nakapikit, pilit kinokontrol ang pag-iyak, ang pagnanais na sumigaw, at ang selos na bumabalot sa kanya. Si Zaire naman ay nakatayo sa tabi niya. Silence does not wound. Instead, it grants Thara the space to process everything.Hindi niya maiwasang isipin ang eksena sa labas ng silid, si Rozein at ang babae. Ang yakap na sobra ang higpit, ang titig na puno ng init at pag-aari. Ang eksenang iyon ay parang isang martilyo sa puso niya. Ngunit sa ngayon, hindi pa siya lumalabas. Pinipilit niyang maghintay, at ramdam niya na ito ay isang paraan para pangalagaan ang sarili niya.Huminga si Thara nang malalim, ramdam ang init ng luha sa gilid ng mata. Pilit niyang iniwasan ang pagbagsak. Hindi ko puwedeng ipilit ang sarili ko sa kanya, bulong niya sa sarili. Hindi niya ako pipiliin, at ‘yon ang katotohanan.“Ms. Thara. I’ll stay here. Kung kailangan mo ng kausap, kahit wala pang sagot, handa akong makinig,” bulong nito, at ramdam ni Thara ang si
The muffled sound of movement around her made Thara’s eyes flutter open. She rubbed the sleep from her eyes, trying to shake off the lingering grogginess. Nang subukan niyang kumilos, napaigik siya sa sakit. Pakiramdam niya parang binugbog ang buong katawan niya.Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi. Sa kabila ng lahat, hindi niya naramdaman ang pagsisisi sa nangyari sa kanila. Pero isang parte niya ang dismayado, dahil hindi sila nagkatabi matapos ang lahat. Siguro nagsisi si Rozein sa nangyari kagabi.Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid. Mukhang nasa private room siya ng office ni Rozein. Tinignan niya ang sarili sa salamin. May suot siyang puting long-sleeve shirt at underwear. Bigla siyang namula. Binihisan nga pala siya ni Rozein kagabi. Sa sobrang pagod niya, hindi niya namalayan.Napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto. Then her eyes landed on something very familiar, a purse on the table. Nanlaki ang mga mata niya at dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa me
⚠️ SPG WARNING!!!This story contains mature content, strong language, and sexual themes that are not suitable for readers below 18 years old. Please read at your own discretion.•••••••••••••••••••Mag-aalas-otso na ng gabi, ngunit naroon pa rin si Thara sa opisina ni Rozein. Iniwan siya rito nang magpaalam itong may pupuntahang emergency.Ang sabi ng lalaki, hindi ito magtatagal. Ngunit hapon pa lamang nang umalis ito, at ngayon, mahigit apat na oras na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik. Hindi mapakali si Thara. Halos lahat ng empleyado sa kompanya ay nagsiuwian na, maging si Zaire.Napapitlag siya nang bumukas ang glass door.“Easy, man, you’re too heavy,” ani Jai, nakaalalay sa isang braso ni Rozein, habang ang isa pang kasama nila ay nasa kabilang gilid.Kumunot ang noo ni Thara. Bakit lasing ito? Akala ko ba emergency ang pupuntahan niya?“Holy shit, I think he finished two bottles,” sabi ng lalaking kasama nila, tinutulungan si Jai habang dahan-dahan nilang ipinasok
“Fine. You can work here. Mag-aassign ako ng task. But you’re staying in this office. Under my watch,” suko ni Rozein.Kanina pa ito kinukulit ni Thara na gusto niyang lumabas at maglibot sa kumpanya. Pero ayaw pumayag ng lalaki. Kaya naman naghanap ito ng paraan para hindi siya mabagot sa paghihintay kung kailan sila uuwi.“Great. At least may Wi-Fi,” ani Thara, sabay upo muli sa sofa.Pero sa loob-loob niya, alam niyang hindi ito simpleng pananatili lamang. Binabantayan talaga siya ng lalaki. Inutusan pa ni Rozein si Zaire na bigyan siya ng trabaho. Tinambakan lang siya ng makapal na mga papeles na kailangan i-sort para sa isang upcoming business proposal.Wow, big-time secretary na ako ngayon, isip ni Thara. Pwede na akong magpa-frame ng resume.Habang abala siya sa pag-flip ng mga papel, ramdam niya ang titig na nakabaon sa kanya.“Stop staring, Montefiore. Nakakairita,” sabi niya nang hindi tumitingin.“I wasn’t staring,” malamig na tugon ni Rozein.“Oh, really? So ‘yung laser sa
Napapansin ni Thara ang mga taong nadadaanan nila habang naglalakad. The stares felt strange, almost questioning, yet everyone still managed to greet her politely. Siyempre, ngumiti rin siya pabalik, maski pilit. Smile lang, Thara, kaya mo ‘to, she told herself silently.Pero may kakaiba siyang napansin. Wala ni isa sa kanila ang naglakas-loob tumingin kay Rozein. Lahat nakayuko, halatang takot silang masulyapan ang lalaki. Binabati naman nila ito, pero wala man lang sagot na nanggaling sa kanyang kasama. Kahit kailan, bugnutin talaga ang lalaking ‘to, naisip ni Thara. Simpleng pagbati lang, hindi nito magawa.Nang pumasok si Rozein sa private elevator, mabilis niya itong sinundan.“Grabe ka naman, ang rude mo,” bungad niya kaagad, hindi mapigilan ang inis. “Over thirty people greeted you, tapos wala man lang kahit isang sagot? That is just plain rude!”Tulad ng kanina, hindi ito umimik. Sa halip, tumitig lamang si Rozein sa relo na nakasukbit sa bisig nito.“Don’t try to ignore me,
Pagmulat ng mata ni Thara ay wala na si Rozein. The space beside her was already cold, a silent proof that he had been up for hours. Agad siyang nagmadaling naglinis ng katawan.Makalipas ang ilang minuto, nakatayo na siya sa harap ng salamin, may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi. She applied light make-up on her face, hindi siya sanay sa heavy make-up, at ayaw din niya ng sobrang kapal. With one last glance at her reflection, she stepped out of the walk-in closet of her husband.“Hindi ako kakain,” agad niyang sinabi kay Dana matapos siyang tanungin kung ano ang nais niyang almusal.Hindi agad nakapagsalita ang babae. Nang mag-angat ng tingin si Thara, nahuli niya ang pagtitig nito sa kanya.“Is there something on my face?” tanong niya, halatang nagtataka.“Uh, kasi po…” Dana’s eyes traveled down to her dress. “Bihis na bihis ka, Senyorito. May lakad ka po ba?”“Sasama ako sa Amo mo.”Nanlaki ang mga mata ng dalaga.“Pinayagan na po ba kayong lumabas?”“Hindi pa.”Bahagyang umawan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments