Pinarada ni Garret ang kaniyang sasakyan sa parking area. Nakatulala lang siya at tila wala pang balak na bumaba sa sasakyan. Hindi mawaglit sa isipan niya ang nangyari kanina. Kamuntikan na niyang maangkin si Maya. Kung hindi lang dumating ang doktor kanina ay baka may nangyari na sa kanila. Mas lalo tuloy siyang nanabik ma maangkin ito. Hanggang ngayon ay amoy na amoy niya pa rin ang natural na bango nito. Nagdikit kasi ang kanilang mga katawan kaya may naiwan pang amoy nito sa kaniya. Inilapit niya ang kamay niya sa kaniyang ilong. Napapikit siya. ‘Binabaliw mo ako, Maya. Sa susunod ay hinding-hindi na kita papakawalan. At sisiguraduhin kong madarama mo ang buong pagmamahal ko sa iyo sa bawat haplos at halik ko,’ sambit ni Garret sa kaniyang isipan. Nang kalmado na si Garret ay saka pa lamang siya nagpasya na bumaba sa kaniyang sasakyan. Pumasok siya sa bahay nila. Sumalubong sa kaniya ang salas na walang katao-tao pero naririnig niya ang halakhak nina Nijiro at Betina. Nagtungo
Hindi makatulog si Avva. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Garret sa hospital. Namula ang kaniyang mga pisngi. Kinuha niya ang unang at itinakip iyon sa mukha at saka nagsisigaw. Matapos mailabas ang nararamdaman ay kumalma siya at umupo nang maayos sa kama. “Fúck! Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Dapat ko nang kalimutan kung anuman ang nangyari sa amin ni Garret kanina pero bakit paulit-ulit iyong sumasagi sa isip ko? Hindi p'wede ito. Kapag hinayaan kong magpatuloy ito, masisira ang lahat ng aming mga plano." Muling sumigaw si Avva habang nakatakip sa mukha niya ang unan. “Muntik nang may mangyari sa amin kanina. Hindi ko dapat paabutin sa puntong gano'n. Baka magkaroon pa ako ng koneksyon kay Garret maliban sa anak namin. Hindi p'wede. Kailangan ko siyang paikutin at paibigin pero hindi na dapat aabot sa séx." Binitiwan ni Avva ang unan at saka muling nahiga. Napatitig siya sa kisame habang patuloy na sumasagi sa kaniya ang tagpo sa hospital b
Ilang oras lang ay nakarating na si Avva sa bahay ni Gavin. Bumungad sa kaniya si Gavin na nakaupo sa salas, habang nagkakape. Mukhang hinihintay yata nito ang pagdating niya. Imbes na dumiretso siya sa silid niya upang makaligo at makapagbihis ay naupo muna siya kaharap ni Gavin. “May problema ba, Gavin? Kung patungkol ito kay Garret, I handled him very well. For now, wala pa naman tayong problema sa kaniya. Iwasan na lang muna natin na bigyan siya ng dahilan para magduda siya.”“This isn’t about Garret. My grandparents are coming home, Avva. Nagkaroon ng aberya sa kompanya kaya uuwi na sila,” paliwanag ni Gavin. “Kasama ba sina Maya at ang mga bata?” tanong ni Avva.“Hindi. We can’t risk everything. Baka mabuko lang tayo kapag umuwi si Maya rito. Doon muna sila habang isinasagawa pa natin ang mga plano natin. But as I was saying, uuwi sina lolo at lola. Kaya makakasama rin natin sila rito dahil ayoko namang mag-isa sila sa napakaling villa nila. At kung maaari, iwasan mo muna si l
“Mrs. Thompson, based on the results, ay negative naman halos lahat maliban lang sa iyong hemoglobin level. Masyadong mababa ang iyong hemoglobin level. Ibig sabihin, mayroon kang anemia,” paliwanag ng doktor. Mataman naman na nakikinig si Garret sa lahat ng sinasabi ng doktor, lalo pa’t patungkol ito kay Maya. Kailangan niyang makasigurado na ayos lang ito. At walang ibang sakit. “Life threatening po ba ang anemia?” paniniguro ni Garret. “Depende sa sanhi, pero madalas, dahil lang ito sa kakulangan sa iron o bitamina. Bibigyan kita ng iron supplements at iminumungkahi kong kumain ka ng pagkaing mayaman sa iron—tulad ng atay, berdeng gulay, at beans.”“Iyan lang ba ang rason kung bakit nahimatay si Maya?” seryosong tanong ni Garret, nainigurado. “Actually, mataas ang stress level ni Mrs. Thompson. Isa rin iyon sa rason kung bakit siya nahimatay. Stress at over faitigue. Kailangang umiwas si Mrs. Thompson sa mga bagay na nakakapagstress sa kaniya. Mukhang hindi seryoso pakinggan an
Nagmulat ng mata si Avva. Bumungad sa kaniya ang puting kisame. Nakatulog pala siya matapos turukan ng IV fluid. Iginiya niya ang mata niya at nakita niya si Garret. Nang magtama ang mata nila ay agad na tumayo si Garret at nilapitan siya. “How are you feeling, Maya?” nag-aalalang tanong ni Garret. “A-Ayos lang ako,” namamaos na sagot ni Avva at saka nginitian si Garret. Nakahinga naman ng maluwag si Garret. “Thank goodness. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo.” “It’s fine, ano ka ba? Maayos na ang pakiramdam ko. P’wede na nga tayong umuwi agad–” “Hindi,” agap ni Garret. “We need to wait for the results para makasiguro tayo na wala kang ibang nararamdaman.” Ngumisi si Avva. Masyado nga pala talagang OA magmahal si Garret. Nagkunwari lang naman siyang nahihilo pero halos ipa general check up siya nito. Nais pa niya sanang makipag gigilan dito pero tinamad na siya. “Okay,” tanging naging tugon niya. Umusog si Avva mula sa hinihigaang
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa