Share

Kabanata 6

Author: Docky
last update Huling Na-update: 2024-07-31 20:52:07

Halos lumuwa ang mga mata ni Avva nang makatapak siya sa isa sa mga Villa ng mga Thompson. Napakalawak nito at ang bawat dinaanan nila ay nagsusumigaw at nagpapakita ng pambihirang yaman. Mula siya sa mayamang angkan pero ito ang unang beses na namangha nang husto ang kaniyang mga mata! Sigurado siyang gagapang pabalik sa kaniya ang kaniyang mga kapatid at mga magulang kapag nalaman ng mga ito na siya ang magiging asawa ng isang Gavin Thompson! Itinakwil siya ng mga ito dahil sa kinasangkutan niyang scandal, limang taon na ang nakalilipas at si Maya ang lubos niyang sinisi sa lahat ng mga kamalasang dumating sa buhay niya. Sagad man sa buto ang pagkamuhi niya rito ay pilit niyang sinikmura na makita at makasama ito araw-araw para lang masaksihan ang paghihirap nito! Sa kasamaang palad ay mas naging mahirap siya rito dahil sa angkin nitong sipag at diskarte sa buhay.

“Mommy, sobrang yaman po pala ni daddy!’ bulalas ni Hivo habang iniikot ang kaniyang mga mata sa lugar.

“Oo nga po, mommy! Mukhang lahat po ng mga gamit dito sa loob ng palace nila ay mga mamahalin! He's like a king and you will become his queen tapos kami naman po ni Hivo ang magiging prinsesa at prinsipe ng kahariang ito!” manghang sabi ni Bia.

Nawala ang magandang mood ni Avva dahil sa ingay ng mga anak niya. Pumikit siya nang mariin bago niya hinarap ang mga ito. Yumuko siya para mas marinig ng mga ito ang kaniyang sasabihin.

“Huwag nga kayong masyadong madaldal. Kailangan niyong mag-behave rito kung ayaw niyong bumalik tayo sa bulok at mabahong lugar na tinirhan natin sa loob ng halos limang taon. Ito ang tandaan niyo, sa oras na magkamali kayo ng salita o kilos at nagalit ang kahit isa sa mga Thompsons, malilintikan kayo sa akin. Nauunawaan niyo ba ang sinabi ko?” nakataas ang kilay na sabi ni Avva.

Sumimangot sina Hivo at Bia. Iyon ang unang beses na nagalit ito sa kanila dahil lang sa naging madaldal sila.

Nag-init lalo ang ulo ni Avva nang hindi siya sinasagot ng dalawang bata. Lumingon siya sa paligid. Nang makita niyang walang tao ay ngumiti siya. Mas lumapit siya sa mga bata at pinisil nang mariin ang tig-isang braso ng mga ito.

“Mommy, nasasaktan po ako,” naluluhang wika ni Hivo.

“Mommy, what's wrong? Why are you hurting us? Please mommy, stop it. Hindi mo na po ba kami mahal?” umiiyak na tanong ni Bia.

“Bibitiwan ko lang ang mga braso niyo kapag nangako kayo sa akin na mag-be-behave kayo lalo na kapag kasama natin ang Thompsons. Isa pa, matuto kayong sumagot agad kapag tinatanong ko kayo!” Pinandilatan ng mga mata ni Avva sina Hivo at Bia.

“P-Promise po, mommy. Mag-be-behave po kami. So-Sorry po, mommy. Hindi na po namin uulitin ni Bia. Mommy, nasasaktan na po kami ni Bia. We're very sorry, mommy. Bitiwan mo na po kami,” umiiyak na turan ni Hivo.

Marahas na binitiwan ni Avva ang braso ng mga anak niya. “Now, stop crying. Baka may makakita pa sa inyo. Isipin pang sinasaktan ko kayo. Tumahan na kayong dalawa!” May diin at gigil ang bawat salita niya.

Sa sobrang takot na masaktang muli ay pinilit ng dalawang bata na tumigil sa pag-iyak. Buong akala nila ay mas magiging masaya silang tatlo sa puder ng kanilang tunay na daddy pero mukhang kabaligtaran agad ang nangyari.

Nang mapansin ni Avva na namumula ang braso ng dalawang bata ay dali-dali siyang kumuha ng concealer at foundation sa kaniyang sling bag. She applied some until the redness vanished.

“Pasensya na kayo, mga anak. Ayoko lang na ma-offend natin ang sinuman sa mga Thompsons. Hindi ko ginustong saktan kayo. Lahat ng ginagawa ko ay para sa kinabukasan niyo. Patawarin niyo si mommy ha?” Nang tumango sina Hivo at Bia ay agad silang niyakap ni Avva. Isang nakakatakot na ngiti ang lumabas sa mga labi niya. ‘Kailangan ko silang disiplinahin at turuan ng tamang etiketa habang maaga pa. Hindi ako makakapayag na maging balakid sila sa aking mga plano,’ isip-isip niya.

Niyakap na rin nina Hivo at Bia ang kanilang mommy. Mahal na mahal nila ito kaya handa silang gawin ang anumang hilingin nito sa kanila. Ayaw na nilang maulit ang nangyari kanina kaya mas magiging maingat na sila sa kanilang pananalita at kilos.

“I love you, mommy. Sorry po ulit,” malungkot na wika ni Hivo.

“Me too, mommy. I love you too. I'm sorry too,” Bia mimic her brother.

Ngumiti si Avva. Nakita niyang papalapit na sa kanila si Brandon. “Basta sumunod lang kayo palagi sa inuutos at sinasabi ni mommy, hindi tayo magkakaroon ng problema. Naiintindihan niyo ba ang sinabi ko?”

Tumango sina Hivo at Bia.

Napatingin si Avva sa kaniyang tumutunog na cell phone. Umikot ang kaniyang mga mata nang makita niyang tumatawag si Maya. Ini-silent mode niya ang kaniyang cell phone bago niya ito inilagay sa kaniyang sling bag.

“Mommy, si Tita Maya po ba ‘yong tumatawag kanina? Bakit hindi niyo po sinagot?” usisa ni Hivo.

“Hivo, you're doing it again. Don't say a word when I don't ask for it. Okay? Sige na. Salubungin niyo na si Brandon at itanong niyo kung nasaan na ang daddy niyo,” pataray na utos ni Avva. Nakayukong lumayo sa kaniya si Hivo. Tiningnan niya si Bia. “Sumama ka sa kapatid mo,” pagtataboy niya.

Ngumiti si Avva nang sundin siya ng mga anak niya. “Gan'yan nga. Matuto kayong sumunod kay MOMMY AVVA,” aniya. ‘Mukhang on the way na si Maya para sagipin ang mga anak niya sa sunog. HA! Mamatay na sana silang tatlo nang sama-sama para wala na akong magiging problema sa hinaharap.’ Bago pa man siya sumakay ng sasakyan ni Brandon ay tumawag siya nang palihim sa isa sa mga dati niyang tauhan. Binayaran niya ito para gumawa ng apoy…para sunugin ang matagal na niyang pinandidiriang lugar partikular na ang maliit na apartment na iyon ni Maya.
Docky

SALAMAT po sa pagbabasa ng story kong ito. Ang bawat komento, gems, at rate ng 5 star ay lubos ko pong ipagpapasalamat. Maaari niyo pong buksan ang mga susunod na kabanata sa pamamagitan ng panonood ng ads, bonus coins na mula sa app matapos niyong tapusin ang mga tasks o kaya naman ay sa pamamagitan ng pagbili ng coins. Daily update po ito. Please rate, comment and give some gems to help the author promote this book. Thank you and God bless everyone. Lovelots, Docky

| 17
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
buti nga sayo maya sobrang tabga no.kasi nakipagtalik ka ni hibdi mo sinilip abg.mukha ng katalik mo boba
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
sa kwenro na ti nandito.lahat.nf katangahan
goodnovel comment avatar
Myrna Garcia
makasariling klase na kaibigan si avva pinag interesan ang pagkataong para kay maya, bakit nkipag siksikan sya kina maya kung may kinikimkim syang galit kay maya? walang kwentang klase na kaibigan ang ahas na avva
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 331

    Pinaharurot ni Garret ang kaniyang sasakyan. Tiningnan niya mula sa salamin si Maya. Mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho. ‘I’m sorry, Avva. Hindi ko alam na allergy ka sa tulips. Hang on please. Huwag mo kaming iwan ng anak mo. Babawi pa ako sa'yo dahil sa mga nagawa kong kasalanan. Masya

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 330

    “Oh, Gavin!” umiiyak na wika ni Maya at saka siniil ng halik ang kaniyang asawa. “Yes, I will marry you over and over and over again." **** "Mommy Maya!” sigaw ni Nijiro habang tumatakbo siya palapit sa bago niyang ina. May dala-dala siyang isang bouquet ng bulaklak na nakatago sa kaniyang liku

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 329

    ‘Wala na akong mahihiling pa sa Diyos, kung hindi mapangalagaan ang kapayapaan at manatili ang kasiyahan ng pamilya ko,’ taimtim na dasal ni Maya sa kaniyang isipan. Kinagabihan ay umalis din ang lahat. Sina Maya, Gavin, at mga bata na lang ang natira. Ang mga bata ay himbing na himbing na ang

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 328

    “Sa wakas, nakumpleto rin ang pamilya natin! Magiging masaya na ulit ang malaking bahay na ito. It only proves that home is not just a place where we can rest and stay comfortably, home is where your people are,” masayang sambit ni Donya Conciana. “I agree with you, lola,” nakangiting wika ni Maya

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 327

    “Well, iyan ang aalamin natin at hindi tayo titigil hangga't hindi nabibigyang linaw ang lahat," wika naman ng isa pang reporter habang pinapanood niya ang pag-alis ni Gavin. Sa tahanan ng mga Lawson…. Hindi na pinatapos ni Betina ang sinabi ni Gavin sa telebisyon. Sa inis niya ay binato niya a

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 326

    Kakalapag lang ng pribadong eroplano. Hindi na mapakali si Maya at ang mga bata. Matagal-tagal din ang lumipas nang nagtungo sila sa America. At ngayon ay nasa Pilipinas na sila. Kahit ang mga bata ay malapad ang ngisi sa labi. Nais nang bumaba ng mga ito sa eroplano at umuwi na agad sa mansyon nila

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status