The Billionaire's Divorced Wife Becomes the CEO

The Billionaire's Divorced Wife Becomes the CEO

last updateHuling Na-update : 2025-04-12
By:  nhumbhiiOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
20Mga Kabanata
2.4Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Apat na taon ang nakalipas magmula noong ikasal si Eris Vanya Geisler kay Blaze Martell nang malaman niyang nakabuntis ito ng iba. Lumuhod pa siya sa harap ng asawa nang sabihin nito na makikipag-divorce na sa kanya, pero walang silbi lang iyon dahil buo na ang desisyon ni Blaze na makipaghiwalay. To make matters worse, napag-alaman din ni Eris na buntis din siya at nang balakin niyang ipaalam kay Blaze ang tungkol dito, isang litrato niya na hubo't hubad kasama ang lalaking hindi kilala, ang kumakalat. Tinakwil siya ng sarili niyang pamilya at pinagtangkaan pa ng father-in-law niya na patayin siya dahilan ng pagkaka-aksidente niya at mawala ang anak sa sinapupunan. Akala ng lahat ay namatay siya sa aksidente, ngunit ang hindi alam nila alam ay buhay pa ito. Lumipas ang ilang taon, at sa kanyang pagbabalik, sisiguraduhin niyang magbabayad ang dapat na magbayad.

view more

Kabanata 1

KABANATA 001

“How dare you bring your mistress to our house? Asawa mo ‘ko Blaze, so please, konting respeto naman!” hiyaw ko saka inis na napahilamos sa mukha dahil hindi magkamaliw ang galit na nararamdaman ko.

“Isipin mo naman ang apat na taong pinagsamahan natin,” I tried holding his hands, convincing him na huwag sirain ang relasyon namin pero nanatili lang siyang tikom ang bibig habang nakaigting ang panga. “Hindi ako papayag na basta-basta na lang manggugulo sa’tin ang malanding Ivee na ‘yon.” Dagdag ko pa at hindi ko inaasahan ang biglang pagkawala ni Blaze sa hawak ko at tiim bagang ginawaran ako ng sampal.

“Don’t you ever call her that, Eris.”

Tuluyan na ngang bumuhos ang kanina pang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko. Masyadong mabigat ang kamay niya nang dumapo ito sa mukha ko.

“Si Ivee ang mahal ko, Eris. She’s pregnant and I am planning to marry her after divorcing you—”

“No, Blaze! No! Huwag mo naman gawin sakin ‘to. I’ve stayed loyal to you for the past four years at hindi ko kaya ang iwan mo ‘ko.” Napaluhod ako habang nakayakap sa mga tuhod niya. “M-Magagalit sakin ang parents ko oras na malaman nila na maghihiwalay tayo.” Humahagolhol na ako sa iyak.

Wala na akong ibang maisip na dahilan para lang hindi niya ako iwan. Mukha man akong tanga sa ginagawa ko ngayon, pero hindi ko kaya ang mawala siya.

“Let go, Eris.” Sinubukan niyang makawala ulit sakin. “I’ve already talk to your parents and they were okay with it. If you’re thinking that your family business will went bankrupt, hindi mangyayari ‘yon.” He assured pero hindi pa din ako kumbinsido.

Kailangan ko pa makaisip ng iba pang dahilan para hindi matuloy ang plano niyang divorce.

I need to talk to Ivee.

Pinunasan ko ang mga namamasang-masang luha sa pisnge ko tsaka dali-daling lumabas sa kwarto at tinahak ang hagdan pababa sa living area. Kung hindi ko makumbinsi si Blaze, si Ivee na lang ang kakausapin ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Ivee.

“You, better send him those pictures. Masyadong mabait ‘yang Blaze na ‘yan at baka magbago pa ang isip no’n na hiwalayan ang asawa niya. Mabuti na ang makasigurado tayo.” She’s talking to her phone. “Yeah. Kaya ko nga siya napaniwala na anak niya yung dinadala ko diba? Kung hindi lang siya mayaman, hindi ko na sana gagamitin ‘tong bata sa sinapupunan ko para lang maangkin siya. Minsan may mabuti din palang dala ang kapalpakan mo.”

Saglit akong natuod sa kinatatayuan ko pagkatapos marinig lahat mismo sa bibig ni Ivee. Does it mean na hindi talaga siya nabuntis ni Blaze?

Matagal ko nang alam na may relasyon sila ng asawa ko, pero di ko aakalain na niloloko lang pala niya si Blaze. Hinahayaan ko lang na ipagpatuloy nila ang kanilang patagong relasyon kahit masakit sakin, dahil doon ko lang nakikita na masaya ang asawa ko.

Pero hindi puwede ‘to. Kailangan niyang maturuan ng leksyon at dapat malaman ni Blaze ang totoo.

“Walang hiya ka!” mabilis pa sa alas kwatrong sinugod ko siya at sinabunutan. “Ang kapal ng mukha mong lokohin ang asawa ko!”

Hindi siya nakapalag nang unahan ko siya ng magkabilang sampal. Napadaing at napasigaw siya sa sakit ng ginawa ko.

“Bitawan mo ‘ko!” nagpupumiglas siya sa ginagawa ko hanggang sa tuluyan ko na nga siyang nakaladkad palayo doon sa sofa. “You, b-tch! Let go of my hair kung ayaw mong pagsisihan ang ginagawa mo sakin!”

The audacity!

Hindi ako nagpatinag at tinuloy lang ang ginagawa. “Hindi ako papayag na gawin mong t-nga ang asawa ko. Huwag ka na magmalinis dahil dinig na dinig ko ang lahat na galing mismo sa bibig mo!” I yelled out of frustration.

Muli ko siyang sinabunutan nang malakas at sinubukan din niyang hilain ang ilang hibla ng buhok ko pero hindi niya magawa dahil maliban sa hindi niya ito maabot, masyadong din kasing maiksi ang mga buhok ko.

“STOP IT, ERIS!” a firmed baritone voice echoed in every corner of the house. “Nababaliw ka na ba?”

I saw Blaze hurriedly rushed down the stair para lapitan kami— no, si Ivee lang ang sadya niya.

“Are you okay? Were you hurt?” kitang-kita sa expresyon na nakapaskil sa kanyang mukha ang pag-aalala. Tinabig niya ang kamay ko na nakahawak pa din sa buhok ng babaeng kabit niya. Inalalayan niya ito sa pagtayo at iginiya paupo sa sofa. “How are you feeling? May masakit ba sa’yo? Should I call a doctor? Baka napano na ‘yong anak natin.” Halos mataranta na siya at hindi malaman ang gagawin.

Since we got married four years ago, ni minsan hindi ko naransan ang mag-alala siya sakin. Gustong-gusto ko din na pakatitigan niya ako kagaya ng ginagawa niya ngayon kay Ivee, pero bakit hindi niya magawa sakin ‘yon? Minahal ko din naman siya, pero bakit ipinagkakait niya sakin ang ganun?

“Hindi ko alam kung anong problema niya pero bigla niya na lang akong sinugod at sinabunutan.” Napayakap si Ivee sa kanya tsaka humagolhol ng iyak. “N-Natatakot ako, Blaze. Baka mapano yung baby natin.”

Binigyan na naman niya ako ng dahilan para kumulo ang dugo ko. Kung alam ko lang sana ang pinaplano ng babaeng ‘to, edi sana hindi ko na pinatagal pa ang relasyon nila.

“Blaze, you need to listen to me. Niloloko ka lang ng babaeng ‘yan.” Aakmang lalapitan ko na sana siya nang bigla niya akong itulak dahilan para maumpog ako sa sahig.

“If something bad will happen to Ivee and my child, I will never forgive you, Eris!” he stared at me coldly.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nanghina. Nahihilo ako at para bang bumibigat ang talukap ng mata ko.

“B-Blood…” mahina kong sambit nang makita kong dinudugo ako.

A-Anong nangyayari sakin?

Bago pa man ako muling makapagsalita, ramdam ko na ang panlalabo ng paningin ko.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
nhumbhii
06/14/24 ...
2024-06-14 15:23:26
7
20 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status