Share

The Billionaire's Doll
The Billionaire's Doll
Author: shebangsx_

Chapter 1 - The Kidnapping

[Rated SPG - 18 +]

Chapter 1 - The Kidnapping

"I'm so tired of us, Corelle. I'm so tired of you."

I stared at my boyfriend. Dalawang taon. 2 years. 2 fucking long years of torture, abuse, and manipulation. Now he wants out?

Nanatili ang mariin kong tingin sa kanya habang madrama siyang umiiling. Ang mga paa ko ay nag-ugat na sa sahig at hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya.

Hindi dahil nasasaktan ako kundi nanggagalaiti ako sa galit. I'm scatching and livid to an extent. The audacity?! Where did he get it? Saan siya nakabili ng lakas ng loob? Ang kapal ng mukha niya! Mas makapal pa sa kalyo ng hardinero namin. Siya pa talaga ang napagod, huh? Paano naman ako? Pagod na pagod ganoon?

"Are you serious?"

"Mukha ba kong nagbibiro, Corelle? Pagod na ko. Nakakapagod ka." he said it so dramatically that I wanna take his eyes out.

At nakakairita ka!

Kinuyom ko ang kamao. Isang salita mo pa, lalapag 'to sa pagmumukha mo.

Wala akong pakialam kung tingin ng lahat ay gwapo ka. Oo! Sa tingin lang nila dahil sa tingin ko, bakulaw siya.

"You can't break up with me." I uttered in between gritted teeth.

"Watch me."

Mabilis ko siyang sinapak. Tiim-bagang niya akong tinitigan na tila ba galit na galit siya pero hindi niya magawang gantihan ako ngayon. Oh, bakit? Bakit hindi niya kaya gayong lagi naman niya akong sinasaktan?

Naiiling siya lumayo at tinalikuran ako roon. Gusto kong magwala. Gusto kong habulin siya ngayon. I can't just let him go right now!

"Guzman!"

Tinakbo ko ang distansya namin pero hindi ko na siya naabutan.

Mabilis akong umikot sa kabilang kalye para sa aking sasakyan. I don't have a driver or any bodyguards with me right now!

"Guzman, answer the damn phone!" iritado kong saad sa cellphone.

I wouldn't be chasing after him if it wasn't for my father. I always told myself that chasing after him will be my biggest nightmare and here it is. I am living a fucking nightmare.

Nanatili akong nakasunod sa sasakyan niya at namataan ang pagliko niya. I kept my distance. I'm also familiar with the route — this is where our cabin rests. Kaya hindi na rin ako nagulat nang malagpasan namin ang cabin ng mga Villafuerte. Doon pa sa kabilang kalye siya pumasok kung saan may iilang sasakyan din na dumadaan at may mga tao. I used that to my advantage. Nang huminto siya ay huminto rin ako. Ilang sasakyan ang layo sa kanya. Dahan-dahan akong bumaba. It's a good thing I'm wearing black. Nakita kong may iilang mga lalaki ang sumalubong kay Guzman at nagtawanan sila.

I tried my best to be invisible. Tinanggal ko pa ang heels ko para mas makalapit sa kanila. Thank goodness for the other cars that are parked here.

"Boss! Dito ka na pala." bati ng isang payatot kay Guzman. Mukhang out of place siya kina Guzman at mga lalaking sumalubong sa kanya kanina.

"Si Tito?"

"Nasa loob na. Naroon na rin si Sir Stan."

Tito? Stan?

Is he referring to my own blood?

"Mainit ang ulo ni Stan. Na-hold kasi ang transaction dahil kay Mrs. Prieto." ani ng isang lalaki.

Transaction? Hello?! Guzman is a doctor. Paanong may transaction na nagaganap?

And my brother — Stan? He's here? Tito? Si Daddy?

Nasagot ang tanong ko nang makitang lumabas sa gusali si Daddy — kasama ang kanyang kanang kamay at iilang armadong lalaki. Napasapo ako sa bibig at medyo pinaliit ang sarili para hindi ako mapansin. Sunod na lumabas si Stan na agad binati si Guzman.

"Guzman! What took you so long?"

"Kinausap ko pa si Corelle."

My father laughed. Tinapik niya si Guzman at tinuro ang mga lalaki sa likuran niya. Hindi ko masyadong marinig ang sinasabi dahil hindi maingay ang mga salita nila — unlike sa pagbati kanina.

Napalunok ako at umusog pa para mas marinig sila.

"I just got off the phone with Ander. Pinatutuloy niya ang shipment ng mga armas. Kasama na rin ang iilan sa mga tao na pinapadala niya."

"Ang yate pa rin ba ang gagamitin?"

Oh my gosh. Pinaypayan ko ang sarili.

Are they criminals?

Who is Ander?

"Nagawa mo ba ang pinapagawa ko sa'yo?" tanong ni Daddy kay Guzman.

"Tapos na, Tito. I already gave a heads up sa tauhan natin sa Customs, Navy, at Coast Guard."

"How about Corelle?"

"Wala na kami, Tito."

"Good. She'll beg for you. I swear."

What the fuck?! What is this about? Gusto nila akong magmakaawa? Kuwes, kayo ang gagawa niyan.

Nasiyahan lalo si Daddy nang makitang lumabas pa ang ilan sa mga tauhan nila bitbit ang mga box ng armas. May iilang kilalang sundalo akong nakita na kasama nila! Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood sila. Nagtatawanan pa ang iba at nag-uusap nang mariin sina Daddy.

Ni-load nila iyon sa sasakyan ni Stan at Guzman dahil silang dalawa ata ang makikipag-transact. Kung sabagay, their reputations are credible enough. Hindi sila paghihinalaan na mayroon silang kargo na mga armas.

Tumango ang ama ko at pumalakpak na tila ba ang saya-saya niya.

I have never seen him so happy.

Tignan natin kung maging masaya ka pa, Dad.

I took out my phone and started to record them. Evil thoughts flocked at the center of my mind. All the vengeance and hatred I felt for putting up with them fueled my desire and will to exact my revenge. I won't back down. After this, I'll be free. I'll be able to control these three evil musketeers.

"Eh paano si Mrs. Prieto?" iritadong tanong ni Stan.

"Nakausap ko na si Lieutenant Colonel. Siya na ang bahala sa asawa niya. Hindi magsusumbong 'yon."

"Mabuti naman. Kung hindi, mapipilitan tayong sundin ang gusto ni Ander." tawa ni Guzman.

"Na?"

Tumawa ang tatlo at napailing. Nagbiro pa sila tungkol sa mga gagawin pa nila sa susunod na linggo. Nang makuntento ako sa video, mabilis kong pinatay 'yon at maingat na umalis doon.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makabalik sa kotse ko. Agad kong tinawagan si Mommy at naghimutok na.

Akala mo ang linis linis nila! Pero ang totoo — hindi!

Who is this Ander by the way?

He has the three evil musketeers on his leash! If I'm right... Is it possible that he's the boss for the operations?

"Corelle, hello." si Mommy.

"Mom, did you know? Dad's part of a criminal smuggling ring!" or possibly more!

"Okay, Corelle. Why don't you calm down?"

"Calm down? Why? What for? And how?! I have proof-"

"Don't leak it."

"Seriously, Mommy? Are you gonna protect them?"

"No. I'm just saying we have to be wise with our decisions-"

Hindi ko na siya pinatapos at tinawagan na si Selena.

Hindi ako aatras. Hinding-hindi. Kapag nakulong ang tatlong 'yon ay magiging malaya na ang buhay ko. Plus, makukuha ko pa ang pera nila. Magdusa sila.

"Selena, call everyone you know. Tell them I have an important announcement to make."

"What's this about?"

"Basta!"

She sighed. "Hindi ka naman magpapakasal kay Guzman, right?"

"No!"

Hindi ako bobo na tanga pa. I won't marry a low-life like him.

This is bigger than that. This will guarantee me freedom, fame, spotlight, and wealth.

"I'll call them. Saan mo gusto? Sa opisina ba?" malumanay na tanong ni Selena.

Ngumisi ako. "Sa Villafuerte Grand Villa, please."

"Are you sure? Papayagan ka ba ni General?"

I smirked. He'll be surprised. Kapag hinarang niya ako, ipapakita ko sa kanya ang video and boom! Makikita ko ang mukha niya. Magmamakaawa siya sa akin at mag so-sorry siya sa lahat ng ginawa niya sa akin. He'll spoil me, like what he should have done a long time ago. Nakakainis lang na kailangan ko pa siyang i-blackmail. But oh — this is good.

Siya naman ang makakaranas ng kalupitan ko.

Inikot ko ang sasakyan saka umandar na. Mabagal ang patakbo ko dahil baka pag pinaharurot ko ay makita agad nila ako at maharang pa.

Tuloy-tuloy ang biyahe ko. Pinabuksan ko na rin ang villa namin. Hindi na makakapaghintay ito. Akmang liliko na ako sa estates namin nang makita kong may tatlong itim na SUV sa gilid. Iyon na ba ang friends namin from media? Ang bilis naman ata nila? Atat much lang na makita at makausap ako?

I smirked. Bumaba ako sa sasakyan. Wrong move dahil pagkababa ko — may narinig agad akong nagkasa ng baril. Napasinghap ako at napalinga sa paligid. Dumoble ang kaba ko nang mamataan na lumapit ang dalawang armadong lalaki sa akin at bumaba ang mga nasa van. "What do you need?"

"Inglishera pre! Ikaw makipag-usap!"

"Don't point your guns at me!"

Kasi naman! Lahat sila mayroong armas! Tapos ako — heto! Kanina pa natatakot at kinakabahan. Kanina pa kumakalabog ang dibdib ko.

"Sige na. Itali niyo na."

"Baka magasgasan! Ang kinis pa naman."

"Hayop ka! Kadiri! Huwag niyong ididikit ang kamay niyo sa akin-"

"Kung sikmuraan ko kaya 'to?"

"Eh kung patayin kita? Utos nga na huwag saktan eh."

Huwag saktan? Gago ba sila?

Sino naman ang mag-uutos na ganoon? I can only think of my father. Kaya lang — paano nila nalaman? Sinabi ba ni Selena? Mommy can't know where I'm headed because I didn't tell her anything. Nainis ako at binabaan siya kanina!

Is it Selena?!

"Sorry, Ma'am ganda. Napagutusan lang." That's the last thing I heard before everything went dark.

Nagising ako. Nararamdaman ko ang lamig at ang pakiramdam na hindi lang ako nag-iisa sa silid kung nasaan man ako. I moved a little, but I felt a strong grip on my thighs. I panicked a little. I remembered that I was ambushed on my way to our villa!

At ano? Nakuha ba nila ang mga gamit ko? Ang phone ko? I can't lose my phone.

Minulat ko ang mga mata pero madilim pa rin. Doon lang nag sink-in sa aking lahat. I am tied to a bed! Hindi naman ako nakabukaka kaya ayos lang at alam kong hindi ako ginalaw. Isa pa, malamig at mabango ang paligid. Halatang mamahalin din ang kama sa sobrang lambot nito. Handcuffs din ang nasa kamay ko at maaaring nakatali sa bed post ito. Pinakiramdan ko rin ang sarili kung may galos ba ako o ano. Everything feels soft pa rin naman sa akin.

But the thing is — I can feel that there's someone watching me. Ganoon kalakas ang kutob ko! Kaya nga ilang beses ko nang nahuli si Guzman na nangbababae eh!

"Hello!" I screamed, but it only went out as muffled cries.

Nanghihina at medyo masakit ang mga kamay ko. Nang gumalaw ako, naramdaman ko ang mas mahigpit na tali sa aking mga paa. Hindi pa nakuntento, may tali rin sa mga hita ko. Iyon ang naramdaman ko kanina.

"Fuck you! Whoever you are!" I screamed. But I know it's only a waste of energy. Kasi hindi naman ako maiintindihan.

Narinig ko ang pag galaw ng upuan at paglapag ng isang bagay sa salamin. Probably a whiskey glass or wine flute.

"Hello!"

Naramdaman ko ang paglalakad nito patungo at palapit sa akin. The presence of the person is too powerful not to notice. I feel scared to be honest, and quite confused. Why am I experiencing this? Only after I found out about my father? Is this because inutos nila ito?

Now, I'm determined thay they're the ones behind this!

Gumalaw ako at pilit na kumawala kaya lang nang maramdaman ko ang lumapat na kamay sa tiyan ko ay natameme ako at napatikom ang bibig. Ngayon, naiiyak na ako sa sobrang pagka-frustrate!

Who the fuck is this?!

The calloused fingers traced my delicate skin. The contrast between us screamed about how different we are. I get the disgusting feeling over again. Although the person smells good — I can't deny the fact that I'm still scared. Gumalaw ako lalo na nang pinagapang niya muli ang mga daliri sa akin. Napangiwi ako sa kaba at takot pero hindi pa rin tumitigil sa pagwawala at pagpupumiglas. I don't care id I get bruised or if I get cuts.

"So feisty," the man spoke. Napanganga ako at napahinto sa pag galaw at pagpupumiglas.

I heard that voice somewhere. His voice sounds so familiar!

"If I were you, I'll stop trying to be free. I can see your panties now."

"Bastos ka!"

Tinitignan niya ba?! Malamang, Corelle! That man is enjoying the view! Ang ganda ko pa naman!

"You must be wondering who I am, and what you're doing here... On my bed."

Tumango ako.

His touch stopped. Napahinto ito sa leeg ko. Unti-unti, naramdaman kong pinulupot niya ang mga daliri sa leeg ko at marahang diniinan iyon — like he's seductively choking me.

Is he gonna kill me?! No. Hindi ganito ang pagsakal na mamamatay ka. Ito yung sakal kapag dapat nasasarapan ka. I can't even believe I'm thinking of this right now!

"You know me," he answered his own question.

Hindi nga! Oo, pamilyar ang boses pero sigurado akong hindi ko close ito.

He lifted my chin. Naramdaman ko ang pagyuko niya para mas maabot ako.

"Nice to meet you," he whispered. "Do you want me to free you?"

Tumango ako.

"Okay," he chuckled. Tinanggal niya ang takip sa bibig ko at iniwan ang blindfold kaya automatiko na nagsisisigaw ako at sinumpa na siya.

"Fuck you! Sino ka?!"

"Hmm,"

"Don't hmm me! Ano?! What do you need?! And puwede ba? Let me go!"

"Nice to meet you too." tawa niya.

He likes to laugh at my misery, huh?!

"Anong nice to meet me?! Tinali mo ako oh!"

"Thought you'd like it hard," he chuckled.

Nagbibiro ba siya?!

Manghuhula ba?

Oo gusto ko ng hard pero hindi ko aaminin!

"Alisin mo na 'tong blindfold!"

"Why? You wanna see me?" malambing nitong tanong. I can feel that he's teasing me as well.

"Fuck you!"

"Sorry, baby. I don't fuck a woman I just met."

Tangina talaga! He's so good with words, huh?!

Unti-unti ang kamay na nasa baba ko at hinaplos ang aking mga labi. Gusto kong kagatin ang daliri niya pero alam kong ako rin ang malalagot.

Pagtapos sa labi ko, tinalunton ng daliri niya ang pisngi ko at marahang hinaplos iyon. Tapos unti-unti tinanggal niya ang blindfold.

My eyes adjusted to the lights. Hanggang sa nakita ko na siya. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaki. Tall, fair, and handsome. His foreign features didn't escape my eyes. Deep and enigmatic forest eyes, clean cut hair, aristocratic nose, high and prominent cheekbones, and a knife-like jaw. Ang mga labi niya'y mamula-mula at medyo basa. His tattooed skin, platinum necklace, diamond stud, and his suit made me bit my lower lip. He is hot.

Napangiwi ako nang matitigan siyang maigi. Why is a man like him kidnapping me?!

"Caruso, right?!"

The billionaire I just watched yesterday!

"Hi,"

"What do you need from me? Did my father put you up to this?"

"What makes you think I take orders from anyone?" nagtaas siya ng kilay at tinitigan ako.

Hindi ko na nabigyan ng pansin ang penthouse. Basta sobrang laki, pang mayaman, at puro puti at itim ang nakikita ko. Sa gilid, mayroong malaking salamin na kitang-kita ang buong hardin sa baba. It's morning now! I must be able to sleep well!

Inagaw niya muli ang atensyon ko kaya minura ko na naman muli siya sa isipan ko.

I'll actually enjoy this like a vacation if I wasn't tied and spread like this.

Inayos ng bilyonaryo ang dress ko at umupo sa gilid ko bago hinaplos ang aking mukha muli. Wala na akong maramdaman na takot. Paano ka ba naman matatakot sa mukha na 'yan?! Eh ang gwapo! Hindi naman sa pagiging malandi, but if he asks me to sleep with him — I will!

Nagkatitigan kaming dalawa. His deep forest eyes scream of power, control, and playfulness. Tumikhim siya at yumuko para ilapit ang bibig sa akin. Hindi naman ako umaasa na hahalikan niya ako pero binasa at dinilaan ko pa rin ang mga labi ko.

I heard him chuckle. "No kisses for you, baby."

"Bakit?! Nanghihingi ba ako?!" alpas ko para hindi mapahiya.

"You're my captive, doll." he whispered. "And you'll stay as you are until I say so. So until then, no kisses."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
shebangsx
ang funny naman nung kidnappers hahahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status