Pumasok kami sa isang kwarto. At gano'n na lamang ang gulat ko nang makita si Farrah. Napaawang ang aking mga labi. How could it be? Napalingon ako kay Eliza.
"Eliza?!" bulalas ko.
"Yes, hija. K—kapatid mo si Farrah. Ikaw ang nawawalang anak ng mga Ferrer. Ikaw si Faith Ferrer. Ang kakambal ni Farrah na ninakaw nang isang katulong na siya ngayong tinuturing mong ina," diretsang tugon ni Tita Mildred sa akin.
Wala akong maapuhap na sasabihin. Nakatitig lang ako sa tahimik na kaibigan kong si Eliza. Lumuluha na ito ngayon. Saka ko lang din naramdaman ang mga luhang kusang tumulo mula sa aking mga mata. Kaya pala ibang-iba ang itsura ko. At madalas akong binubully noon ng mga kaklase, adapted lang daw ako ni inay dahil hindi kami nito magkamukha. Mas madalas napagkamalan pa nga itong Yaya ko.
"Faith, nagkita rin tayo," lumuluhang tugon ni Farrah sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ng aking kapatid. Hilam sa luha ang mga mata nito.
"F—Farrah," sa wakas ay sambit ko.
"Yeah, I am your sister. Inilayo ka sa'min ni Aling Wilma. Ipinahanap kita, pero hindi ka matagpuan ng mga taong inutusan ko. Hindi sila tumitigil sa paghahanap. Hanggang sa wakas ay natagpuan ka ni Eliza. Dahil sa kwintas mong suot na katulad nang suot kong kwintas. Pinlano namin lahat ni Eliza na kusang kaibiganin ka. Ayokong kunin ka kay Aking Wilma dahil nalaman kong mahal na mahal mo siya since siya ang itinuring mong ina."
"H—Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ko," nauutal kong sagot dito. Saka ko kinapa ang kwintas kong suot. Ngumiti ito sa akin.
"Halika, can I hug my long-lost sister?" nakangiting ani nito. Tila pinipiga ang puso ko sa itsura nito. Walang-gatol na lumapit ako rito at niyakap ako nito. Saka ko narinig ang hagulgol nito.
Pumikit ako. Panginoon ko. Hindi ko alam. Pero aaminin kong wala akong ni ano mang galit na naapuhap sa aking puso. Isa lang ang alam ko, masaya ako sa rebelasyong aking narinig. May kapatid pala ako na dati ko pang pinangarap noon.
"M—asaya akong malaman na may kapatid pala ako," sa wakas ay nasabi ko.
"Oo, at ako 'yon. Hindi lang basta kapatid, kakambal din kita. Magkamukhang-magkamukha tayo, Yna!" bulalas nito. "At nagpapasalamat ako sa Panginoon at natagpuan kita."
"Kaya pala palaging inuubos ni Sandra ang lahat kong paninda," lumuluha kong tugon dito. Kumalas ito nang yakap sa akin at pinakatitigan ako nito sa mga mata. Pagdakay, dumako ang tingin nito sa suot kong kwintas.
"Dahil para makatulong kami sa'yo kahit man lamang sa maliit na paraan. Mahal na mahal ka nina Mama at Papa, sobra silang nasaktan nang mawalay ka sa'min. Ipinahanap ka rin nila noon pero hindi ka nila matagpuan. Dahil, totoong magaling magtago si Nanay Wilma. "
"Ikaw din ba ang dahilan kaya bumibili lahat ng mga teachers ko sa paninda kong mga Biko?" tanong ko rito at dahan-dahang itong napatango.
"Pinababantayan kita ng palihim para lamang protektahan ka sa mga lalaking may balak ng masama sa'yo. Hindi ka nila ginagalaw dahil may bodyguards akong in-hired para siyang maging proteksyon mo. Kahit man lang sa ganoong paraan bilang kapatid mo ay doon ako makabawi."
"Maraming salamat," saad ko rito, at mula iyon sa kaibuturan ng aking puso. Hinawakan nito ang kwintas kong suot. Saka nito ipinakita ang kwintas na katulad ng suot kong kwintas.
"Heto ang nagsilbing gabay ko para matagpuan ka. Yna, hindi na ako magtatagal at may taning na ang buhay ko. I need you to take good care of my family. My husband and my sweet loving daughter, Ferra. Mahal na mahal ko sila. Ayokong ipaalam sa kanila ang kalagayan ko. Patawad kong napunta ka sa sitwasyong ito at tinanggalan kita ng karapatan para sumaya sana mapata—"
"Buong-puso akong nangangako," putol ko sa sasabihin pa sana nito. "Mamahalin ko sila, alang-alang sa'yo. Pero, sigurado ka bang hindi ako mapapansin ng asawa mo?"
"Hindi ako sigurado, pero bahala na. Huwag kang mag-alala. Tuturuan ka nina Tita Mildred at Stacey sa mga dapat mong gawin. Ang gagawin mo lang ay ang gayahin ang kilos ko. Walang problema sa mukha, kutis at katawan mo dahil magkamukha naman tayo, sa boses rin ay maswerteng magka-boses din tayo. Mukhang tinadhana ka para sa pamilya ko," nakangiting tugon nito sa akin.
Nang biglang mapahawak si Farrah sa noo nito. Agad akong nag-alala at dinaluhan ito. "Ano'ng nangyayari sa'yo?"
Dali-daling lumapit si Tita Mildred at agad na tinawagan ni Sandra ang doktor ng aking kapatid. Tuluyan ng umagos ang mga luha sa aking mga mata nang tila nakita ko sa mismong harapan ko ang walang-buhay kong kapatid. Saka ako humagulgol.
"Panginoon ko, mangyari po ang kalooban mo," hagulgol ko. Saka ko naramdaman ang mainit na yakap ni Tita Mildred.
"Nandito lang ako para sa'yo, hija. Gaya ng pangako ko sa kapatid mo. Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga ko sa kanya. Hindi ko akalaing mapapaaga ang pagpanaw niya. Naawa ako kay Ferra, napakabata pa niya para mawalan ng ina," saad ni Tita Mildred na tulad ko'y hilam sa luha ang mga mata.
"Tita," tanging nasambit ko saka ako humagulgol. Pagdakay, naramdaman ko ang pagyakap ni Sandra mula sa aking likuran.
"She's in peace now. Hindi na siya mahihirapan. Talagang ikaw lang ang kanyang hinihintay," lumuluhang saad nito sa akin.
"Ang sakit, Eliza. H—hindi ko man lang siya nakasama nang matagal. Alam mo iyong pakiramdam na sobrang bigat? Pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan. At alam kong kalooban ng Panginoon na makapagpahinga na ang kapatid ko," lumuluha kong saad sa aking kaibigan. Hinagod nito ang aking likuran at buong-higpit ako nitong niyakap.
"Sa parte ko man ay sobrang sakit din, Yna. Gaya ng nais niya. Kailangan na nating magmadali. Malapit na ang birthday ni Ferra at nangako si Farrah na sa birthday ng bata ay naroon siya. At inaasahan ka ng mag-ama mo sa araw ng kaarawan ng anak mo."
Nakagat ko ang sariling labi. Paano ko nga ba pakikiharapan si Zeus? "Hindi ba suplado si Zeus?"
"His intimidating, seryosong tao si Zeus. Madalang lang siyang ngumiti. Si Farrah lang yata ang nakapagpangiti sa kanya. At alam kong magagawa mo rin iyon sa kanya. Bukas na bukas din ay ililibing na natin si Farrah dahil iyon ang hiling niya. Ayaw niyang patagalin pa raw ang kanyang katawan."
"Tita Mildred, ikaw na po muna ang bahala kay, Yna. Aasikasuhin ko lang po ang pagpapalabing kay Farrah," saad ni Eliza habang pupunas-punas sa mga mata.
NADATNAN namin si Ferra kasama ang Yaya nito sa dinning area. "Mommy, let's eat! Who is she, mom?" Nakangiting ipinakilala ko si Erin kay Ferra. "Nice meeting you, Tita Erin.""Ang ganda mong bata, mana ka sa mommy mo.""Salamat po, Tita Erin." Ang totoo, sobrang nalula ako sa ilang pagkain na nasa aming harapan. Mukhang masarap. Siyempre, hindi nawawala ang kakaibang kilig na aking nadarama nang lagyan ng kanin at ulam ni Zeus ang aking plato. Nagulat ako nang maramdaman ang mahinang pagsipa ni Erin sa aking paa na kasalukuyang nasa ilalim ng mesa. Alam kong tinutudyo ako nito base na rin sa kakaibang ngiti sa mga labi nito. Pinandilatan ko ito ng mga mata. "Sandali, ngayon ko lang natikman ang mga putaheng ito. Sino ba ang gumawa nito?" "Daddy!" Bulalas ni Ferra. Awtomatikong napalingon ako sa nakangiting si Zeus. "Ikaw?" Nakangiting ani ko."Yes, so how does it taste, sweetie?" "Masarap," sagot ko na hindi parin makapaniwala sa nalaman. Imagine nag-effort ang asawa ko na ipa
Yna POV "So, this is your beautiful wife, the popular designer in Paris, huh? Nice meeting you, Mrs. Mondragon." Inilahad ni Mr. Del Fierro ang isang palad nito sa aking harapan na siyang pasimpleng tinanggap ko naman."Same here, Mr. Del Fierro."Pansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata ni Mr. Del Fierro. Nagtagal ang mga mata nito sa aking mukha na tila ba may inaalisa. Habang walang habas naman ang matinding kaba na nadarama ng aking puso. Umaasa akong hindi na ako nito naaalala sa Cebu kung saan una kaming nagkita. "She looks so familiar, well, kaya pala dahil siya ang sikat na designer na kilala sa Paris.""Yes, my one and only wife. Sino nga pala itong kasama mo, sweetie?" Saka ko binalingan ang nahihiyang si Erin. "She's a friend of mine, si Erin. Erin, siguro naman kilala mo na si Zeus and Zeus, si Erin.""Glad to meet you, Ms. Erin." Hindi na nakipagkamay pa si Zeus kay Erin pero mas aggressive itong si Mr. Del Fierro. "Nice meeting you beautiful lady," ani Mr. Del Fi
"Thanks God," ani ko na may matingkad na ngiti sa mga labi. Karga ko ang cute na si Zachary. Habang kasalukuyang nasa kotse pa si Zeus, nauna na akong pumasok sa loob ng bahay at sinalubong ni Ferra."Mommy!" "Yes, sweetie. We're home with your little brother.""Can I touch him, Mom?""Of course, sweetie. C'mon, sa couch tayo."Nakangiting nakasunod lang sa'kin si Ferra, hindi maikakaila ang saya sa mga mata nito ang excitement nang sa wakas ay nakauwi na rin kami ni Baby Zach dito sa bahay.Naupo na kami sa couch at panay ang halik ni Ferra kay Baby Zach. "Mom, napaka-gwapo ni Zach, he looks like dad.""Yeah, saan pa nga ba mag-mana si Zach, siyempre sa daddy mo, hindi ba?""Pwede rin naman po sigurong sa iyo, Mommy, hindi po ba?""Oo naman, kaya lang nagkataon na sa daddy mo siya nag-mana."Inilapag ko si Baby Zach sa couch habang nilaru-laro ito ng kanyang Ate Ferra. "Mommy, looks like he likes to hold my fingers, it's so cute and adorable!" Bulalas ni Ferra. Naaliw ako rito.Igin
NAKAMASID lang ako kay Zeus na ngayo'y nakatulog sa couch. Hinihintay ko ang pagbabalik nina Stacey at Eliza. Dahil kailangan kong alamin ang katotohanan kung, malakas ang kutob kong si Zeus ang ama ni Zach, ang lalaking nakaniig ko at ang unang pinag-alayan ko ng aking pinaka-iniingatang dangal.Ngayon ay kasalukuyang nasa nursery si Baby Zach. Bukas na bukas ay pwede na raw kaming umuwi at excited na akong umuwi. Hindi pa naman ako sanay na maglagi dito sa hospital. Narinig ko ang mahinang katok sa pinto. "Come in," sagot ko. Bumukas ito at iniluwa roon sina Stacey at Eliza na may dala na namang pagkain at ilang pasalubong para sa amin ni Zach. "Tulog ang darling mo?" Nakangiting tanong ni Eliza sa akin. "Yeah, si Ferra ba kasama ang yaya niya?""Oo, pinasyal muna sa children's park para makatulog kayo ni Zeus ng maayos dito. Si Baby Zach ba ay nasa nursery?" "Yeah," sagot ko."Hija." Nag-angat ako ng tingin nang masilayan ang nakangiting mukha ni Tita Mildred, ang taong nakalim
"Akala ko mamaya ka pa uuwi?" Masiglang ani ko kay Zeus. "I'm excited to see you and Zach," nakangiting sagot sa akin ni Zeus. "May pasalubong ako para sa inyo." Ipinakita pa nito ang ilang paper bags na dala. "And I brought some fruits at ilang pagkain, baka kasi hindi mo magustuhan ang pagkain nila rito." "Kahit ano pa 'yan, kakainin ko, no." Nakangiting sagot ko. Napansin kong bigla na namang natigilan si Zeus sa narinig mula sa akin. Lihim ko namang nakagat ang sariling dila dahil batid kong sablay na naman ako sa pagpapanggap bilang si Farrah. "When it comes to food maarte ka kaya dinalhan kita nitong paborito mong Shrimp Scampi." "Shrimp?" Paniniguro kong tanong kay Zeus. "Yeah, hindi ba't paborito mo ang Shrimp Scampi?" Kinakabahan ako dahil allergy ako sa shrimp, paano na ngayon ito? Napasulyap ako kina Stacey at Eliza humihingi ng saklolo. Mabuti na lamang at mabilis na na-gets ng dalawa ang ibig kong iparating. "Penge kami, ha?" Nakangiting singit ni Eliza.
Lumipas nga ang ilang buwan hanggang sa dumating ang aking kabuwanan. Kasalukuyang nasa hospital ako ngayon habang nasa tabi ko zi Zeus. "Alam kong kaya mo ito," nakangiting tugon ni Zeus sa akin kahit pa nga sabihing first time kong manganak, expected kasi nito ay second time ko ngayon dahil nga sa pag-aakalang ako si Farrah. Nasa may ulunan ko lang si Zeus habang hawak ang magkabila kong mga kamay. "Like what I've told you before, Mrs. Mondragon gano'n pa rin ang ating gagawin." Narinig kong ani ng doktora. Ibinuka na nga nito ang aking hita kaya lang nahihiya ako at mabilis na isinara ito dahil sa matinding kahihiyan. "Oh, c'mon. At ngayon ka pa ba mahihiya gayong pangalawang beses mo na ito?" Nakangiting turan ni doktora sa akin. "Naninibago pa rin po kasi ako doktora," sagot ko rito. Abut-abot ang kaba ko, paano kung may mapansin ito sa akin? Sigurado akong lagot na talaga ako at siguradong mabubuking ako ni Zeus. "You must be kidding, Mrs. Mondragon." Napangiwi a