Sa araw ding iyon minadali nina Tita Mildred at Eliza ang pagpapalibing sa katawan ng aking kapatid. Labis akong nagluksa sa pagkawala nito. Kinapa ko ang kwintas na nasa aking leeg.
"Wala ka bang balak na puntahan saglit ang inay mo?" tanong ni Eliza.
Nag-angat ako nang tingin rito.
"Wala namang problema kay inay, may binayaran akong kasalukuyang mag-aalaga sa kanya sa hospital," sagot ko."Bukas na bukas ay kailangan na nating isagawa ang lahat. Tita Mildred, tinawagan mo na po ba si Stacey?"
"Yes, hija. Pupunta siya rito bukas. Umiyak nga nang malaman niyang pumanaw na si Farrah."
Napayuko ako sa narinig mula kay Tita Mildred. Nakatitig lang ako sa labasan ng bintana kung saan makikita ang isang swing na nasa may hardin.
"Ma'am, narito na po ang lunch ninyo," narinig kong tugon ng isang katulong, inilapag nito sa aking harapan ang isang tray na may lamang pagkain.
"Sige na hija. Kahit konti lang kumain ka para magkaro'n ka ng lakas. Alalahanin mong may gagawin pa tayo," malumanay na tugon sa akin ni Tita Mildred.
Napasulyap ako rito. At walang-gatol ako nitong niyakap. "Narito lang si Tita para sa'yo, Yna. Pakiusap, para sa pangako natin sa kapatid mo. Kailangan na nating kumilos," ani pa nito.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Opo, Tita Mildred."
"Ma'am, dumating na po si Ms. Lim," ani ng isang katulong.
"Just tell her to wait a minute, Manang," narinig kong utos ni Tita Mildred sa naturang kawaksi.
"Yes, ma'am."
"Narinig mo 'yon, hija? She's here, siya ang magtuturo sa iyo sa mga dapat mong gawin. Are you ready?"
"Yes, Tita. Para sa pangako ko sa kapatid ko," tugon ko rito.
"Thank you, Yna. Magkapatid nga kayo ni Farrah. Like you, she takes all her risk maisilang lamang si Ferra. May cancer na siya nang ipinagbuntis niya ang pamangkin mo. Hindi sana lumala ang cancer niya kung pumayag siyang ipaglaglag ang bata pero mas pinili niya ang isilang ang batang si Ferra. At wala siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa."
Naantig ang aking puso sa narinig. Panginoon ko. Hindi ko akalaing gano'n pala kahirap ang kalagayan ng aking kapatid. Muli, tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata.
"Nagulat po akong malaman 'yan, Tita Mildred."
"Dahil siyang tunay, Yna. Tulad na lamang ng gagawin mo ngayon. Sinalo mo ang responsibilidad na hindi sana para sa iyo pero tinanggap mo pa rin ng buong-puso."
"Dahil kailangan, Tita. Mahal na mahal ko ang aking kapatid, at handa ko pong isakripisyo ang kaligayahan ko para sa tanging hiling niya," saad ko rito.
"Kumain ka na muna bago tayo sumabak sa pagsasanay. Pupuntahan ko na muna si Stacey sa living room. Babalikan na lamang kita mamaya," tugon nito sa akin. Tango lang ang naging tugon ko rito. Nasundan ko na lamang ito nang tingin.
Saka ko hinarap ang aking pagkain. Kahit wala akong ganang kumain, pinilit ko na lamang ang sarili, magkalaman lamang ang aking sikmura. Mahirap na kung ako na naman ang magkasakit. Sasabak pa ako sa isang malawakang pagsasanay. Aaminin kong kinakabahan ako sa paghaharap namin ni Zeus Mondragon. Ang inaalala ko lang, paano kung mabuking ako nito? Ipinilig ko na lamang ang sariling ulo.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Tita Mildred. Kasama ang isang matangkad, sexy at magandang babae. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkagulat sa anyo nito. At ang pagsinghap nito.
"She's really look like her, Tita M!" bulalas nito.
Napayuko ako nang marinig iyon mula rito. Namula ang aking pisngi. Saka ko narinig ang ingay ng takong nito na papalapit sa kinaroroonan ko.
"You must be, Yna, right?" tanong nito sa akin. Nag-angat ako nang tingin. Ngumiti rito ng tipid.
"Ako nga," mahinang sagot ko.
"Ako nga pala si Stacey. Huwag kang mahiya sa'kin. Alam mo bang para kayong pinagbiyak na bunga ni Farrah? Pati boses ay magka-boses kayo. Totoong nagulat ako nang malaman naming may kakambal pala si Farrah. Hanggang sa matunton ka nga ni Eliza."
"Hindi ko rin inaasahan na may kapatid pa pala ako at kakambal ko pa," sagot ko rito.
"By the way, are you ready for our rehearsal?" tanong nito.
"I am," sagot ko rito.
"Alright, this time I want you to teach on how Farrah greet her friends. Para hindi ka mahirapan. Kailangan mong gayahin ang kilos ni Farrah and the way she speaks, mataray kasi siya at laging nakataas ang kilay," saad pa nito sa akin.
"I can handle it, ganyan din ako," sagot ko rito.
"Mabuti na lang talaga. Ganito na lang, ibibigay ko na lang sa'yo ang ilang video then panoorin mo. At gayahin mo ang kilos ng kapatid mo."
"Hindi problema ang kilos ni Yna. Sa behavior na lang niya." Narinig kong singit ni Tita Mildred.
"I see, I forgot. Oo nga pala. You should learn how to be prim and proper. And the way how you dress up, dear."
"Yeah, 'yan ang babaguhin natin sa kanya. Dahil kung kilos lang. She act like, Farrah. The way she smiles and the way her brows up like a sophisticated one," saad muli ni Tita Mildred.
Muli, namula ang aking pisngi. Nahihiya ako sa damit kong suot. Pero paborito kong damit ito. At bente pesos lang ito sa okay-okay.
Inakay ako ni Stacey sa may dining table para turuan kung paano maupo ang kumilos na isang Farrah habang kumakain ito sa dining. Napatampal sa noo si Tita Mildred nang hindi ko alam kung paano gamitin ang tinidor at kutsara.
"Patawad, I prefer po na nagkakamay kung kumain," naiilang kung sagot sa mga ito.
"No, it's okay. Normal para sa'yo 'yan. But since you will play the role as your twin sister, narito lang kami para turuan ka," nakangiting tugon ni Stacey sa akin.
"Thank you, but I am willing to learn naman," ani ko.
Buong-araw naming ginugol ang lahat para sa pagsasanay. At naging daan iyon para mas makilala ko pa sina Tita Mildred at Stacey. I am so thankful at nariyan ang mga ito para ako'y gabayan. Hanggang sa nagpaalam na si Stacey at bukas na bukas din ay sasamahan ako nitong bumili nang ilang damit.
Nasabi ko na lamang sa sarili. Hindi ko in-expect na mangyayari ang lahat ng 'to. Ang maging isang Mrs. Mondragon. Maging asawa sa isang bilyonaryo at maging ina sa anak ng aking kakambal.
Ilang araw na lang ay malapit ko nang makakaharap ang pamilyang ibinilin sa akin ng namayapa kong kapatid.
NADATNAN namin si Ferra kasama ang Yaya nito sa dinning area. "Mommy, let's eat! Who is she, mom?" Nakangiting ipinakilala ko si Erin kay Ferra. "Nice meeting you, Tita Erin.""Ang ganda mong bata, mana ka sa mommy mo.""Salamat po, Tita Erin." Ang totoo, sobrang nalula ako sa ilang pagkain na nasa aming harapan. Mukhang masarap. Siyempre, hindi nawawala ang kakaibang kilig na aking nadarama nang lagyan ng kanin at ulam ni Zeus ang aking plato. Nagulat ako nang maramdaman ang mahinang pagsipa ni Erin sa aking paa na kasalukuyang nasa ilalim ng mesa. Alam kong tinutudyo ako nito base na rin sa kakaibang ngiti sa mga labi nito. Pinandilatan ko ito ng mga mata. "Sandali, ngayon ko lang natikman ang mga putaheng ito. Sino ba ang gumawa nito?" "Daddy!" Bulalas ni Ferra. Awtomatikong napalingon ako sa nakangiting si Zeus. "Ikaw?" Nakangiting ani ko."Yes, so how does it taste, sweetie?" "Masarap," sagot ko na hindi parin makapaniwala sa nalaman. Imagine nag-effort ang asawa ko na ipa
Yna POV "So, this is your beautiful wife, the popular designer in Paris, huh? Nice meeting you, Mrs. Mondragon." Inilahad ni Mr. Del Fierro ang isang palad nito sa aking harapan na siyang pasimpleng tinanggap ko naman."Same here, Mr. Del Fierro."Pansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata ni Mr. Del Fierro. Nagtagal ang mga mata nito sa aking mukha na tila ba may inaalisa. Habang walang habas naman ang matinding kaba na nadarama ng aking puso. Umaasa akong hindi na ako nito naaalala sa Cebu kung saan una kaming nagkita. "She looks so familiar, well, kaya pala dahil siya ang sikat na designer na kilala sa Paris.""Yes, my one and only wife. Sino nga pala itong kasama mo, sweetie?" Saka ko binalingan ang nahihiyang si Erin. "She's a friend of mine, si Erin. Erin, siguro naman kilala mo na si Zeus and Zeus, si Erin.""Glad to meet you, Ms. Erin." Hindi na nakipagkamay pa si Zeus kay Erin pero mas aggressive itong si Mr. Del Fierro. "Nice meeting you beautiful lady," ani Mr. Del Fi
"Thanks God," ani ko na may matingkad na ngiti sa mga labi. Karga ko ang cute na si Zachary. Habang kasalukuyang nasa kotse pa si Zeus, nauna na akong pumasok sa loob ng bahay at sinalubong ni Ferra."Mommy!" "Yes, sweetie. We're home with your little brother.""Can I touch him, Mom?""Of course, sweetie. C'mon, sa couch tayo."Nakangiting nakasunod lang sa'kin si Ferra, hindi maikakaila ang saya sa mga mata nito ang excitement nang sa wakas ay nakauwi na rin kami ni Baby Zach dito sa bahay.Naupo na kami sa couch at panay ang halik ni Ferra kay Baby Zach. "Mom, napaka-gwapo ni Zach, he looks like dad.""Yeah, saan pa nga ba mag-mana si Zach, siyempre sa daddy mo, hindi ba?""Pwede rin naman po sigurong sa iyo, Mommy, hindi po ba?""Oo naman, kaya lang nagkataon na sa daddy mo siya nag-mana."Inilapag ko si Baby Zach sa couch habang nilaru-laro ito ng kanyang Ate Ferra. "Mommy, looks like he likes to hold my fingers, it's so cute and adorable!" Bulalas ni Ferra. Naaliw ako rito.Igin
NAKAMASID lang ako kay Zeus na ngayo'y nakatulog sa couch. Hinihintay ko ang pagbabalik nina Stacey at Eliza. Dahil kailangan kong alamin ang katotohanan kung, malakas ang kutob kong si Zeus ang ama ni Zach, ang lalaking nakaniig ko at ang unang pinag-alayan ko ng aking pinaka-iniingatang dangal.Ngayon ay kasalukuyang nasa nursery si Baby Zach. Bukas na bukas ay pwede na raw kaming umuwi at excited na akong umuwi. Hindi pa naman ako sanay na maglagi dito sa hospital. Narinig ko ang mahinang katok sa pinto. "Come in," sagot ko. Bumukas ito at iniluwa roon sina Stacey at Eliza na may dala na namang pagkain at ilang pasalubong para sa amin ni Zach. "Tulog ang darling mo?" Nakangiting tanong ni Eliza sa akin. "Yeah, si Ferra ba kasama ang yaya niya?""Oo, pinasyal muna sa children's park para makatulog kayo ni Zeus ng maayos dito. Si Baby Zach ba ay nasa nursery?" "Yeah," sagot ko."Hija." Nag-angat ako ng tingin nang masilayan ang nakangiting mukha ni Tita Mildred, ang taong nakalim
"Akala ko mamaya ka pa uuwi?" Masiglang ani ko kay Zeus. "I'm excited to see you and Zach," nakangiting sagot sa akin ni Zeus. "May pasalubong ako para sa inyo." Ipinakita pa nito ang ilang paper bags na dala. "And I brought some fruits at ilang pagkain, baka kasi hindi mo magustuhan ang pagkain nila rito." "Kahit ano pa 'yan, kakainin ko, no." Nakangiting sagot ko. Napansin kong bigla na namang natigilan si Zeus sa narinig mula sa akin. Lihim ko namang nakagat ang sariling dila dahil batid kong sablay na naman ako sa pagpapanggap bilang si Farrah. "When it comes to food maarte ka kaya dinalhan kita nitong paborito mong Shrimp Scampi." "Shrimp?" Paniniguro kong tanong kay Zeus. "Yeah, hindi ba't paborito mo ang Shrimp Scampi?" Kinakabahan ako dahil allergy ako sa shrimp, paano na ngayon ito? Napasulyap ako kina Stacey at Eliza humihingi ng saklolo. Mabuti na lamang at mabilis na na-gets ng dalawa ang ibig kong iparating. "Penge kami, ha?" Nakangiting singit ni Eliza.
Lumipas nga ang ilang buwan hanggang sa dumating ang aking kabuwanan. Kasalukuyang nasa hospital ako ngayon habang nasa tabi ko zi Zeus. "Alam kong kaya mo ito," nakangiting tugon ni Zeus sa akin kahit pa nga sabihing first time kong manganak, expected kasi nito ay second time ko ngayon dahil nga sa pag-aakalang ako si Farrah. Nasa may ulunan ko lang si Zeus habang hawak ang magkabila kong mga kamay. "Like what I've told you before, Mrs. Mondragon gano'n pa rin ang ating gagawin." Narinig kong ani ng doktora. Ibinuka na nga nito ang aking hita kaya lang nahihiya ako at mabilis na isinara ito dahil sa matinding kahihiyan. "Oh, c'mon. At ngayon ka pa ba mahihiya gayong pangalawang beses mo na ito?" Nakangiting turan ni doktora sa akin. "Naninibago pa rin po kasi ako doktora," sagot ko rito. Abut-abot ang kaba ko, paano kung may mapansin ito sa akin? Sigurado akong lagot na talaga ako at siguradong mabubuking ako ni Zeus. "You must be kidding, Mrs. Mondragon." Napangiwi a