Share

The Billionaire's Fake Wife
The Billionaire's Fake Wife
Author: nerdy_ugly

Simula

Author: nerdy_ugly
last update Last Updated: 2023-01-29 13:32:37

"ARE YOU SURE?!" bulalas ko rito. Hindi makapaniwala sa offer nito. That was unbelievable!

"I am serious, Yna. Isa pa, isipin mo na lang ang ina mo. Makakatulong din ito para sa kanya. Para sa mga pangangailangan niya. At sa pag-aaral mo."

"Wait lang, nalilito ako Eliza. P—pero bakit?"

"Dahil may sakit si Farrah at ayaw niyang masaktan ang kaibigan ko na asawa niya. Please, pumayag ka na lang.

"Gusto kong makita at makausap si Farrah," pagdakay saad ko sa kaibigan. "You mean, inilihim niya ang sakit niya sa sariling asawa para hindi ito masaktan, pero kaya niya itong lokohin?"

"Sometimes we need to use the thing called white lies, para lang hindi masaktan ang mga mahal natin sa buhay, and that's the reality of life, Yna."

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Panginoon ko, tama ba itong papasukin ko?

"Dalhin mo ako kay Farrah ngayon din. Mabuti na lang at maagang naubos ang paninda ko," tugon ko rito. Inayos ko ang suot kong damit na medyo nalukot.

"Salamat," tugon ni Eliza. Pumasok na ako sa kotse nito kung nasaan ang front seat.

"Magsuot ka ng seatbelt," ani nito sa akin.

"Hindi ako marunong nito, p—paano ba?" nahihiyang tanong ko sa kaibigan.

"Ops, sorry!"

"Okay lang, pasensiya na. Alam mo na, may pagka-ignorante ang kaibigan mo," nakangiting saad ko rito.

"Naku, kailangan mong magsanay. Lalo na at magpapanggap kang si Farrah Mondragon. Isasailalim ka pa pala sa mga lahat ng dapat mong matutunan."

"Kakayanin ko kaya? Paano kung mahalata ako ng asawa ni Farrah?" kinakabahan kong tugon sa kaibigan.

"That won't happen kung makikinig ka lang sa mga dapat mong gawin. At isipin mo na lang na para rin ito sa ina mo, remember?"

Naalala ko ang aking ina na ngayo'y kasalukuyang nakaratay sa hospital dahil sa aneurysm. Comatose. At ayokong isuko ang aking ina, pero kung ano man ang maging kalooban ng Panginoon. Wala na rin akong magagawa roon. Kahit na nga sabihing masakit para sa parte ko. Iniisip ko na lang ang mas naging pagtitiis ni Kristo nang ito ay ipako sa krus para lang matubos ang kasalanan ng sangkatauhan. Mas mahirap pa iyon kaysa paghihirap ko ngayon.

"Natahimik ka riyan?" puna sa akin ng kaibigang si Eliza.

"I grabbed it, para kay inay," pinal kong tugon sa kaibigan.

"Salamat, pareho kayong naging malapit sa puso ko ni Farrah. Honestly, masakit para sa'kin na makitang naghihirap ang aking kaibigan. Nasabi ko na ba sa iyong may cancer siya?"

Napasinghap ako sa narinig. "H—hindi," maagap kong sagot na tila hindi makapaniwala. "Eliza, paano kung—"

"May taning na ang buhay niya, Yna. Isang buwan na lang ang itatagal niya. At ayaw niyang masaktan ang asawa niya't isang anak. Kaya ikaw ang kinuha ko dahil alam kong mabait kang tao at may dalisay kang puso. Alam kong hindi mo pababayaan ang pamilya ni Farrah, lalo na ang inaanak kong si Ferra."

Hindi ko alam pero sobra akong na-touch sa sinabi ni Eliza. Alam kong mali, pero lahat gagawin ko para sa minamahal kong ina. Totoong naawa ako sa kalagayan ng kaibigan nitong si Farrah.

"Paano kung mabuking ako ng asawa niya?" tanong ko rito.

"T'saka na natin isipin 'yan. Ang goal natin ay ang magkausap kayo ni Farrah. Kailangan nating magmadali, Yna. Kunti na lang ang natitira nating oras. Don't worry, bibigyan ka no'n nang downpayment."

"Hindi ko alam, Eliza. Pero alam mo 'yon? Nakaramdam ako nang guilt. Lalo na at lolokohin natin ang asawa niya. Paniwalain na ako ay si Farrah Mondragon."

"Dahil iyon ang kailangan na mangyari, sana huwag magbago ang isip mo. Ikaw na lang ang pag-asa namin ni Farrah. Para ka na ring nanalo ng lotto rito, Yna."

"Sobra pa nga. Ang laki ng offer, kaya wala akong choice kundi ang tanggapin. Para sa inay ko, Eliza. Alam mong lahat ay susuungin ko."

"At dahil diyan, kailangan mo ring huminto muna sa pag-aatal. Para mag-prepare bilang si Farrah. Don't worry, tuturuan ka ni Stacey na siyang malapit kay Farrah, she's kind and friendly. Tiyak ko namang maging komportable ka sa kanya."

Makalipas ang ilang minuto, ay narating namin ang isang malaking resthouse. Malapit lang ito sa dagat. At halatang private property.

"Narito ba si Farrah?" tanong ko kay Eliza.

"Yes, she's here. Ang alam ng asawa niya ay nasa Paris siya. Isa pa, busy na tao si Zeus kaya hindi nito mapapansin niyo'n."

Mula sa kotse ni Eliza ay umibis kami. Sumunod lang ako rito. Pumasok kami sa naturang lugar at sinalubong kami ng isang Ginang. At napansin ko ang labis na pagkagulat sa maamo nitong mukha. Pero agad din itong nakahuma. Maganda ito at halatang mayaman. Makikita naman sa balat nito na sobrang kinis. Heto na kaya ang ina ni Farrah?

"E—Eliza, siya na ba?!"

"Yes, Tita. At kailangan na magkausap sila ni Farrah."

Lumapit sa akin ang magandang Ginang. "Hija, ako ang Tita Mildred mo, tawagin mo akong Tita para masanay ka na. Ako ang tumatayong ina at ama ni Farrah. Wala na ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente noon na nangyari. Kapwa namatay ang kanyang mga magulang noon sa isang plane crash. P—pero, Ikaw?"

Nagulat ako sa narinig mula sa magandang Ginang. So, ibig sabihin maaga pa lang naulila sa mga magulang si Farrah? Pero, bakit ba ito nagulat nang makita ako?

"Ikinalulungkot ko pong marinig 'yan, T—Tita," nauutal kong sagot dito. Nahihiya akong tawagin itong Tita pero kailangan. Para raw masanay ako.

"Matagal na naman iyon, hija. Pumasok na kayo sa loob kanina pa kayo hinihintay ni Farrah."

Namangha ako sa looban. Nanliit ako sa sarili. Hindi ako nababagay dito. Pero hindi ko akalaing darating din ang araw na magpapanggap ako bilang ibang tao. Sa katauhan ni Farrah Mondragon. Gaganap sa papel na fake wife ng bilyonaryong si Zeus Mondragon. Tama ba ang desisyon kong 'to?

"Yna!"

Muli akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ng kaibigan kong si Eliza. "Ang tahimik mo, tara sa taas. Naroon daw si Farrah."

"Kasalukuyan siyang nagpapahinga. Actually, katatapos lang niyang kumain kanina. And she was so excited na makita kayong dalawa, lalo na ikaw, Yna." ani ni Tita Mildred.

"Nakilala ka niya dahil madalas kitang ikinuwento sa kanya," saad ni Eliza sa akin. Hindi ito makatingin nang diretso sa aking mga mata. Bakit parang may itinatago sa'kin si Eliza? Hindi ako kumbinsido sa sagot nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Jake D Tan
hmmmm.. simula palang Maganda na .
goodnovel comment avatar
Fatt_Catt15
......... start na ko Miss Author
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
starting to read
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Fake Wife   Kabanata 66

    NADATNAN namin si Ferra kasama ang Yaya nito sa dinning area. "Mommy, let's eat! Who is she, mom?" Nakangiting ipinakilala ko si Erin kay Ferra. "Nice meeting you, Tita Erin.""Ang ganda mong bata, mana ka sa mommy mo.""Salamat po, Tita Erin." Ang totoo, sobrang nalula ako sa ilang pagkain na nasa aming harapan. Mukhang masarap. Siyempre, hindi nawawala ang kakaibang kilig na aking nadarama nang lagyan ng kanin at ulam ni Zeus ang aking plato. Nagulat ako nang maramdaman ang mahinang pagsipa ni Erin sa aking paa na kasalukuyang nasa ilalim ng mesa. Alam kong tinutudyo ako nito base na rin sa kakaibang ngiti sa mga labi nito. Pinandilatan ko ito ng mga mata. "Sandali, ngayon ko lang natikman ang mga putaheng ito. Sino ba ang gumawa nito?" "Daddy!" Bulalas ni Ferra. Awtomatikong napalingon ako sa nakangiting si Zeus. "Ikaw?" Nakangiting ani ko."Yes, so how does it taste, sweetie?" "Masarap," sagot ko na hindi parin makapaniwala sa nalaman. Imagine nag-effort ang asawa ko na ipa

  • The Billionaire's Fake Wife   Kabanata 65

    Yna POV "So, this is your beautiful wife, the popular designer in Paris, huh? Nice meeting you, Mrs. Mondragon." Inilahad ni Mr. Del Fierro ang isang palad nito sa aking harapan na siyang pasimpleng tinanggap ko naman."Same here, Mr. Del Fierro."Pansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata ni Mr. Del Fierro. Nagtagal ang mga mata nito sa aking mukha na tila ba may inaalisa. Habang walang habas naman ang matinding kaba na nadarama ng aking puso. Umaasa akong hindi na ako nito naaalala sa Cebu kung saan una kaming nagkita. "She looks so familiar, well, kaya pala dahil siya ang sikat na designer na kilala sa Paris.""Yes, my one and only wife. Sino nga pala itong kasama mo, sweetie?" Saka ko binalingan ang nahihiyang si Erin. "She's a friend of mine, si Erin. Erin, siguro naman kilala mo na si Zeus and Zeus, si Erin.""Glad to meet you, Ms. Erin." Hindi na nakipagkamay pa si Zeus kay Erin pero mas aggressive itong si Mr. Del Fierro. "Nice meeting you beautiful lady," ani Mr. Del Fi

  • The Billionaire's Fake Wife   Kabanata 64

    "Thanks God," ani ko na may matingkad na ngiti sa mga labi. Karga ko ang cute na si Zachary. Habang kasalukuyang nasa kotse pa si Zeus, nauna na akong pumasok sa loob ng bahay at sinalubong ni Ferra."Mommy!" "Yes, sweetie. We're home with your little brother.""Can I touch him, Mom?""Of course, sweetie. C'mon, sa couch tayo."Nakangiting nakasunod lang sa'kin si Ferra, hindi maikakaila ang saya sa mga mata nito ang excitement nang sa wakas ay nakauwi na rin kami ni Baby Zach dito sa bahay.Naupo na kami sa couch at panay ang halik ni Ferra kay Baby Zach. "Mom, napaka-gwapo ni Zach, he looks like dad.""Yeah, saan pa nga ba mag-mana si Zach, siyempre sa daddy mo, hindi ba?""Pwede rin naman po sigurong sa iyo, Mommy, hindi po ba?""Oo naman, kaya lang nagkataon na sa daddy mo siya nag-mana."Inilapag ko si Baby Zach sa couch habang nilaru-laro ito ng kanyang Ate Ferra. "Mommy, looks like he likes to hold my fingers, it's so cute and adorable!" Bulalas ni Ferra. Naaliw ako rito.Igin

  • The Billionaire's Fake Wife   Kabanata 63

    NAKAMASID lang ako kay Zeus na ngayo'y nakatulog sa couch. Hinihintay ko ang pagbabalik nina Stacey at Eliza. Dahil kailangan kong alamin ang katotohanan kung, malakas ang kutob kong si Zeus ang ama ni Zach, ang lalaking nakaniig ko at ang unang pinag-alayan ko ng aking pinaka-iniingatang dangal.Ngayon ay kasalukuyang nasa nursery si Baby Zach. Bukas na bukas ay pwede na raw kaming umuwi at excited na akong umuwi. Hindi pa naman ako sanay na maglagi dito sa hospital. Narinig ko ang mahinang katok sa pinto. "Come in," sagot ko. Bumukas ito at iniluwa roon sina Stacey at Eliza na may dala na namang pagkain at ilang pasalubong para sa amin ni Zach. "Tulog ang darling mo?" Nakangiting tanong ni Eliza sa akin. "Yeah, si Ferra ba kasama ang yaya niya?""Oo, pinasyal muna sa children's park para makatulog kayo ni Zeus ng maayos dito. Si Baby Zach ba ay nasa nursery?" "Yeah," sagot ko."Hija." Nag-angat ako ng tingin nang masilayan ang nakangiting mukha ni Tita Mildred, ang taong nakalim

  • The Billionaire's Fake Wife   Kabanata 62

    "Akala ko mamaya ka pa uuwi?" Masiglang ani ko kay Zeus. "I'm excited to see you and Zach," nakangiting sagot sa akin ni Zeus. "May pasalubong ako para sa inyo." Ipinakita pa nito ang ilang paper bags na dala. "And I brought some fruits at ilang pagkain, baka kasi hindi mo magustuhan ang pagkain nila rito." "Kahit ano pa 'yan, kakainin ko, no." Nakangiting sagot ko. Napansin kong bigla na namang natigilan si Zeus sa narinig mula sa akin. Lihim ko namang nakagat ang sariling dila dahil batid kong sablay na naman ako sa pagpapanggap bilang si Farrah. "When it comes to food maarte ka kaya dinalhan kita nitong paborito mong Shrimp Scampi." "Shrimp?" Paniniguro kong tanong kay Zeus. "Yeah, hindi ba't paborito mo ang Shrimp Scampi?" Kinakabahan ako dahil allergy ako sa shrimp, paano na ngayon ito? Napasulyap ako kina Stacey at Eliza humihingi ng saklolo. Mabuti na lamang at mabilis na na-gets ng dalawa ang ibig kong iparating. "Penge kami, ha?" Nakangiting singit ni Eliza.

  • The Billionaire's Fake Wife   Kabanata 61

    Lumipas nga ang ilang buwan hanggang sa dumating ang aking kabuwanan. Kasalukuyang nasa hospital ako ngayon habang nasa tabi ko zi Zeus. "Alam kong kaya mo ito," nakangiting tugon ni Zeus sa akin kahit pa nga sabihing first time kong manganak, expected kasi nito ay second time ko ngayon dahil nga sa pag-aakalang ako si Farrah. Nasa may ulunan ko lang si Zeus habang hawak ang magkabila kong mga kamay. "Like what I've told you before, Mrs. Mondragon gano'n pa rin ang ating gagawin." Narinig kong ani ng doktora. Ibinuka na nga nito ang aking hita kaya lang nahihiya ako at mabilis na isinara ito dahil sa matinding kahihiyan. "Oh, c'mon. At ngayon ka pa ba mahihiya gayong pangalawang beses mo na ito?" Nakangiting turan ni doktora sa akin. "Naninibago pa rin po kasi ako doktora," sagot ko rito. Abut-abot ang kaba ko, paano kung may mapansin ito sa akin? Sigurado akong lagot na talaga ako at siguradong mabubuking ako ni Zeus. "You must be kidding, Mrs. Mondragon." Napangiwi a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status