Share

KABANATA 9

Apolonia

"Nai-take down mo ba ang lahat ng mga importanteng napag-usapan sa meeting?" usisa sa akin ni Druskelle na hindi man lang ako nilingon dahil diretso lang sa harapan ang tingin nito mula pa kanina nang makalabas kami ng boardroom pagkatapos ng meeting.

Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad ngayon dito sa mahaba at malinis na hallway, walang makikitang taong nagkalat dahil abala ang lahat sa kanya-kanyang trabaho.

Hindi naman ako bansutin pero dahil sa laking tao at ang haba ng mga binti ng kasama ko compare sa akin ay halos lakad-takbo na ang ginagawa ko para lang makaagapay at makaabot sa paglalakad na ginagawa nito.

Wala naman sanang humahabol ditong sampung aso pero kung makalakad ito ay wagas na wagas. Ganado yatang masyado!

Sumagap muna ako ng hangin. "Yes po, Sir..." hinihingal kong sagot makalipas ang ilang sandali.

Baka kasi kapag hindi pa ako sumagot ay ma-warning-an na naman ako nito.

Bigla na lamang itong huminto sa paglakad at nilingon ako, dahil nagmamadali ako sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status