Share

KABANATA 10

Author: Meowpyyyyy
last update Last Updated: 2022-12-18 17:27:11

Apolonia

"Pumunta ka rito sa bahay ko ngayon na mismo, Ms. Marquez," walang abog at tila ba nagmamadali na bungad na sabi ng boss ko pagkasagot ko pa lang sa tawag nito.

Grabe. Utos agad-agad? Wala man lang pagbati at nakalimot na rin kahit ang mag-good morning?

Umagang-umaga, pero nakaka-bad vibes itong boss ko. Wala man lang kasing pakunsuwelo. Ganitong hindi pa ako tapos maglinis ng opisina nito pero kung makapag-request naman ito na pumunta ako sa bahay nito ay parang kay simple lang ng utos nito. Akala yata ng bwisit ay may kakayahan akong mag-teleport kung makapag-demand ito.

Hambalusin ko pa ito nitong hawak ko ngayong feather duster, e.

Ang yaman-yaman nga, pero wala namang manners ang hanep! Gigil ako nito, kay aga-aga!

Napaikot tuloy ang mata ko sa asar. "Ay, hello at good morning din po, Boss," sa halip ay sagot ko, sadyang ipinahalata ang pagiging sarkastiko ng aking tinig.

Narinig ko na huminga ito nang malalim bago napatikhim, marahil ay na-realize na rin sa wakas ang na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meowpyyyyy
thank you po sa pagbabasa!
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
hahahaha ang kulit ni apol ang dami baon na pang aasar kay boss hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 47

    Apolonia"We'll take three of these and two bed frames as well," rinig kong turan ni Druskelle mula sa likuran ko.Natigil ako sa pagtingin sa foam na nasa harapan ko at kaagad na nilingon ito habang nakaturo pa ang daliri nito sa memory foam na naka-display at bed frame na kinapapatungan niyon.Automatic na tumuon ang tingin ko at nanlaki ang mata ko nang makita ang presyo ng nais nitong bilihin.Hala? Seryoso ba ito? Gusto ba nitong mamulubi ako? Magaan na hinila ko tuloy ang laylayan ng suot nitong t-shirt, binalingan naman ako nito kaagad."What?""Anong what ka riyan? Tatlo? Ba't tatlo? Ang dami naman no'n," mahinang sita ko.Narito kasi kami ngayon sa mall na pag-aari ng pamilya nito, paano nga ang naging bungad nito sa akin ay reklamo kaninang umaga, ang sakit daw ng katawan nito at hindi raw ito halos nakatulog nang maayos kagabi.Nagprisinta kasi ito na roon na lamang sa sala matutulog upang huwag na raw akong lumipat at makitulog kina Vi, ang nangyari tuloy ay ipinahiram ko

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 46

    ApoloniaPinigilan ko na maibuga rito ang kapeng nasa bibig ko.Luh? Ba't ako? Eh, nagbabakasyon din kaya ako!"Oo, mas mainam iyon, hijo. Hindi ka na maiinip dahil mag-isa ka lang at hindi ka rin mahihirapan sa paghahanap sa nais mong puntahan o maliligaw dahil may kasama ka na pamilyar talaga sa aming lugar," proud pang sulsol ni Popsy.Gusto kong tapukin ang sarili ko at magmuryot.Ba't kasi nagtanong pa ako, eh! 'Yan tuloy sa halip na nakapahinga lang ako, nagkaroon pa tuloy ako ng gagawin!Kainis! "Saan pala kayo tutuloy niyan, Druskelle? Nakapag-book na ba kayo ng hotel?" sunod na tanong ni Popsy."Actually, wala pa nga po," tugon nito.Napangiti ang tatay ko.Pero parang hindi ko gusto ang ngiti nito ngayon. I smell something kasi na hindi maganda sa susunod pa nitong sasabihin."Kung wala pa pala, bakit hindi na lang kayo rito tumuloy sa amin?" alok nito.Ayan nga, sinasabi ko na, eh!"Popsy! Saan sila matutulog dito?" pag-singit ko na sa usapan."Dadalaw po ako sa mga kamag-

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 45

    ApoloniaTahimik lang ako habang kumakain at nakikinig sa masayang kuwentuhan ng aking ama, ni Druskelle at ni Kuya Macoy na siya palang tinutukoy ni Popsy na kasama raw ng amo ko."Hanggang kailan ba ang bakasyon mo, hijo?"Natigil ako sa pagnguya at napaangat ang tingin mula sa pagkain dahil sa narinig.Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Popsy at Druskelle.Bakasyon?"Hanggang sa sabado ho. Sa linggo ho ay babalik na kami sa Maynila," magalang na tugon naman nito.Pinakatitigan ko itong mabuti. Ang boss ko ba talaga ito? O may ibang espiritu na nakasapi rito?Sa pagkakatanda ko kasi base sa mga kuwento ni Draken ay wala sa bokabularyo ng pinsan nito ang magbakasyon o lumiban sa trabaho. Pero ano ang nangyari at magbabakasyon daw ito? At ang mas nakakagulat pa ay ang tagal, halos isang linggo itong mawawala sa opisina.Okay lang kaya ito? O baka naman may sakit ito at kinokumbulsyon?"Gano'n ba? Babalik na rin no'n itong si Apol sa Maynila, baka maaaring isabay ninyo na rin siya?"

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 44

    ApoloniaNag-inat muna ako bago tuluyang bumangon at sinimulang lagpitin ang kumot at mga unan na ginamit ko.Nang matapos na ako ay binuksan ko naman ang bintana ng aking kuwarto, kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang malanghap ang sariwang simoy ng hangin, huni ng mga ibon at ang ingay ng mga alagang manok ng kapitbahay na nagsisitilaukan.Nasa probinsiya na nga talaga ako at nakauwi na.Muli kong pinuno ng hangin ang dibdib ko."It feels good to be back home," pabulong na sabi ko habang nagmamasid sa bakuran namin. Ngunit nang maalala na kailangan ko nga palang maghanda ng umagahan para sa amin ni Popsy ay mabilis ang kilos na hinablot ko ang aking tuwalya at isinabit iyon sa balikat ko upang lumabas na ng kuwarto at makapaghilamos na muna.Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad at nagpupusod ng buhok papunta sa aming kusina.Medyo nagtaka man dahil hindi ko naabutan doon ang aking ama ay hindi ko na iyon masyadong pinansin pa, maaari kasing lumipat muna ito sa kabilang baha

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 43

    ApoloniaMarahan na gumalaw ako bago hinatak ang mainit na bagay na hawak ko habang nakapikit at ipinatong doon ang kanan na pisngi ko, dahil sa init na nanggagaling doon at sa masarap na pakiramdam na ibinibigay niyon sa akin ay tila parang ihinehele at hinihila pa ako ng antok upang ipagpatuloy ang pagtulog.Ngunit kung kailan papaidlip na ako ay saka naman ako may narinig na mahinang ungol, kaagad naman na nangunot ang noo ko.Sino ba 'yon? May ibang tao ba sa kuwarto ko?Pero dahil inaantok pa talaga ako, sa halip na pansinin iyon at magdilat ng mga mata ay isiniksik ko ang pisngi ko sa mainit na bagay na hawak ko.Makalipas ang maikling sandali ay nagsimula ko na namang naramdaman ang init na ibinibigay niyon, unti-unti ay nagpalamon akong muli sa antok.Ngunit bago pa man ako tuluyang makatulog ay bigla namang gumalaw ang mainit na bagay na siyang kinapapatungan ng kanan na pisngi ko.Hindi ko na sana iyon papansinin pa at ipagpapatuloy na ulit ang naudlot na pagtulog ngunit hin

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 42

    Druskelle Nameywang ako habang nag-iisip kung ano ba ang gagawin upang matakpan kahit papaano ang parte ng dibdib nito at ang undergarment na suot ng dalaga, hindi kasi ako mapakali na nakahantád lang iyon kahit pa nga sabihin na hindi naman totally na visible sa paningin ko ang buong dibdib nito. Lalaki pa rin naman ako, ang hirap lang sa part ko na tuwing titingnan ko ito ay hindi ko talaga maiwasan na bumaba roon ang mata ko at hindi makaramdam ng kakaiba, ang malala pa ay ang makapag-isip ng mga bagay na... Pambihirang buhay ito, bakit para kasing may magnet at kusang doon tumutuon ang mga mata ko?! Napasabunot ako sa buhok ko. Pilit kong pinipiga ang utak ko upang ilihis ang atensyon ko, pero napalunok ako nang sunod-sunod nang ang maisip lang na paraan ay ang isarado mismo nang maingat ang mga butones ng suot nitong damit, panigurado kasi na hindi rin uubra kung kumot ang itataklob ko rito o kung itatali ko ang mga kamay nito. Pero kaya ko nga bang isara ang mga butones?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status